Chapter 21

2.2K 13 4
  • Dedicated kay Christien de Jesus
                                    

<Angel's POV>

"Si Lance! Tulungan niyo!"

Nagulat ako sa sigaw nila kaya napatakbo ako palabas. Pagtingin ko nakahiga si Lance sa lapag, hinimatay siya! Tumaas bigla yung adrenalin ko.

"LANCE!"

Tumakbo ako papalapit sa kanya. Sh*t! Kinakabahan ako! Binuhat siya nung ibang mga boys at dadalhin daw nila sa clinic dito sa retreat house.

Andaming mga commotions na galing sa paligid ko pero wala akong marinig ni isa sa mga yun, ang naririnig ko lang yung tibok ng puso ko na sobrang bilis. Sana walang masamang mangyari sakanya.

Buti na lang nandoon pa yung nurse sa clinic kaya pagdala sakanya dun chineck kagad siya. Yung kaba ko sa dibdib hindi pa rin nawawala.

Sabi nung nurse hayaan daw muna si Lance magpalipas ng gabi dun sa clinic para ma-monitor daw siya. Pwede na rin daw siyang iwanan dun pero hindi ako umalis. Pinapaalis na nga ako nung iba naming kablock pero I insist na wag umalis. Naguiguilty kasi ako. Feeling ko ako ang may kasalanan kung bakit nangyari to.

Habang natutulog siya nakaupo lang ako dun sa gilid ng kama niya, pinagmamasdan siya. Mukha siyang mabait habang natutulog, sana lagi na lang siya tulog!

"Ay joke lang po! Wala naman po sanang masamang mangyari sakanya Lord."

Haha! Para na kong baliw dito. Medyo nawala na din yung kaba ko, buti na lang.

--

"Hmm"

Hala umaga na! Nakatulog pala ko...

Pagtingin ko tulog pa din si Lance. Tumingin din ako dun sa orasan na nakasabit sa ding-ding 8:56 na. At tulog pa din siya! Batugan talaga t--

"Sh*t! Tulog pa din siya! Hala! Baka pat--"

Tinapat ko bigla yung kamay ko sa may bibig niya para maramdaman ko kung nahinga pa siya tapos tinapat ko yung tenga ko sa dibdib niya para marinig kung natibok pa yung puso niya.

Taken For BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon