Chapter 16

2.3K 23 5
                                    

<Angel's POV>

Andito kami ngayon ni Kuya Rence sa airport. Ngayon kasi yung uwi nila Moms and Dads! YIEEEEEE! Excited na ako! Namiss ko sila ng sobra-sobra! Promise! They're here for vacation daw, buti nga at naisipan nilang umuwi ng Pilipinas pero saglit lang, pero okay na yun! Atleast makikita ko na ulit sila!

"Hey Nathan bakit antagal nila?"

"Call me kuya. Nasa Pilipinas tayo ngayon oh!" Ganyan yan si kuya! Nakakainis. Eh sa nasanay akong sa AUS na pangalan lang ang tawag eh.

  

"Wag ka ng bumusangot diyan!"

"Antagal naman kasi nila eh :("

"Hey Rence and Angel!!"

Napalingon ako dun sa babaeng sumigaw.

"Moms! Dads!" Bigla akong tumakbo palapit sakanila! Tapos niyapos si Moms!

"Moms I miss you!”

Pagkatapos ko yapusin si Moms si Dads naman.

"Dads! I miss you!”

"Ang laki-laki mo na my Angel."

"Sus! One month pa lang naman simula nung huli kayong umalis parang ang tagal-tagal na nating hindi nagkikita."

"Ahahahahaha! Pero Tumangkad ka talaga tsaka gumanda."

"Wag mo nga akong bolahin Dads!"

Tapos si kuya naman yung yumapos kila Moms at Dads.

"Oh nagawa mo ba yung pinapagawa ko sayo?" Tanong ni Dads kay Kuya.

"Okay naman po, Kaso minsan matigas ang ulo." Hah? Ako ba pinaguusapan nila? Tapos biglang nabaling sa akin yung tingin ni Papa.

"Angel matuto kang sumunod sa kuya mo. Siya ang nagbabantay sayo kasi malyo kami.”

"Opo. :( Ano pa bang magagawa ko."

"Wag ka ng sumimangot diyan. Para naman sayo yun eh."

"That's enough! Pinagtutulungan niyo na naman tong bunso ko!" Awat ni Moms.

"Come on guys! Marami pa kaming pasalubong ng Dads niyo sainyo."

After nun umuwi na kami sa bahay. Hehehe close talaga kaming lahat. Kahit na minsan lang kami maging buo. Close ako kay Moms, pero mas close ako kay Dads. Kahit na lagi akong inaaway at inaasar nun love ko pa din siya! Daddy's girl to eh! :)))

Pagkauwi namin sa bahay binuksan na namin yung mga balik bayan boxes. Wiiiiiw! *_* Andaming pasalubong! May mga damit, shoes, bags, foods chocolates, etc. Yung iba naman daw para sa relatives namin, pero andami pa rin! As in sobrang dami! Pwede na nga kaming mag-garage sale kung gugustihun namin :)))

Pero ang pinakanagpaningning ng mata ko sa lahat is yung LAPTOP! YEHEY! Matagal ko na kasi tong rinerequest kila Dads eh. Nakakainggit kasi si Kuya! Siya meron tapos ako wala pero pinapahiram naman niya ako kaya lang gusto ko meron din akong sarili. At ngayon, eto na!

Taken For BenefitsWhere stories live. Discover now