Chapter 23

1.9K 13 2
  • Dedicated to Jane Aezel Asinas
                                    

<Lance's POV>

Two months na ang nakakalipas, two months na pagkatapos nung aksidente. Halos lahat nakamove on na pwera lang sa isang tao,

Si Angel.

Yung two months na yun, feeling ko yun na yung pinaka mabigat na napagdaan niya sa buhay niya. Lagi siyang tulala, laging malalim ang iniisip, bihira magsalita at ang hirap kausapin.

Minsan naiinis na nga ako sakanya eh, pero wala akong magawa. Naiintindihan ko naman siya. Alam ko mahirap ang pinagdadaanan niya pero sana wag naman niyang kalimutan na meron pang ibang tao na nandito para sakanya.

Hindi ko ba alam pero tuwing nakikita ko siyang naiyak parang nasasaktan din ako. Alam ko kasi kung gaano siya kasayahing tao at alam ko kung paano siya kung masaktan. Alam ko yun dahil minsan nasaktan ko na din siya at ayoko na ulit mangyari yun.

Two months na ang nakakalipas tapos na din ang 1st sem namin. At luckily nakapag 2nd sem ako ng walang problema. Si Angel din! Actually magkablock ulit kami. Nabawasan man kami, may ilang nadagdag, pero masaya pa din!

Nung nalaman kong magkablock ulit kami ni Angel syempre natuwa ako! Mamimiss ko yun no! Yung kakulitan niya, yung mga ngiti niya, yung mga expression niya tuwing naiinis siya sa akin. Mamimiss ko lahat yun pag nagkalayo kami.

Ewan ko ba pero gusto ko lagi na siyang nasa tabi ko. Gusto ko lagi ko siyang nakikita, nababantayan. Gusto ko siyang protektahan ayoko ng nakikitang nasasaktan pa siya.

Siguro nga may gusto na ko sakanya.

Taken For BenefitsWhere stories live. Discover now