Chapter 13

2.4K 24 1
  • Dedicated to Alyanna Santos
                                    

--

<Angel's POV>

"Brat?"

"Tulungan mo naman ako oh?" ?_?

"Tulungan san?"

"Tulungan mo kong ...

tulungan mo kong maibalik sakin si Niña"

Bakit sumisikip yung dibdib ko? Bakit parang hindi ako makahinga? Bakit nasasaktan ako?

Aalis na dapat ako mula sa pagkakayakap niya pero mas hinigpitan niya yung pagkakayapos niya sa akin kaya hindi ako nakaalis.

"Hey brat please? Tulungan mo naman ako please na :(" Nararamdaman ko yung hininga niya sa may pisngi ko. "Please?" ang kulit niya >.<

"Pero lance---" may sasabihin pa dapat ako pero bigla niyang pinutol

"Hindi kita pakakawalan pag hindi ka pumayag" Childish act -.-

"Para ka namang bata lance eh, tsaka mahirap yun" mahirap para sa akin yun :(

"Please? Kaibigan naman kita diba? Dapat ang magkakaibigan nagtutulungan, tsaka diba may atraso ka pa din sa akin?"

"Atraso?"

"Oo kaya!"

"Ano?"

"Naalala mo yung nasa mall tayo? Yung nagaagawan tayo dun sa damit pangbabae? Para nga akong bakla nun eh kasi damit pangbabae inaagaw ko pa? HAHAHAHA" Oo yun yung unang beses kami nagkita, pero anong atraso ko sakanya dun?

"Hey! naalala mo pa ba?"

"OO! Yung dun sa Forever 21?"

"Oo! Yun! dapat ibibigay ko kasi yun kay Niña kasi tuwing pupunta kami sa shop na yun lagi niyang tinitignan, tinatanong ko nga siya kung bakit ayaw niyang bilin eh, tsaka na lang daw, kaya ayun naisipan ko na lang na ako na lang yung bumili at ibigay sakanya."

"Oh anong atraso ko dun?"

"Diba sabi ko sayo pag kami hindi nagkabalikan maghanda ka? Eh hindi kami nagkabalikan kaya may atraso ka sa akin HAHAHAHA" is he joking me? Yun lang? Atraso na?

"Ang babaw siguro para sayo, pero para sakin hindi... Mahal ko talaga si Niña eh and I'm willing to do everything for her" Ayan na naman parang tinutusok na naman yung dibdib ko :(

"Please angel? Help me please?" Nakaramdam ako ng luha sa pisngi ko, naiyak siya? Ganon niya siguro kamahal yung Niñang yun.

Taken For BenefitsWhere stories live. Discover now