Chapter 27

1.8K 12 1
                                    

Hindi pumasok ngayon araw si Lance. Bakit kaya? Kanina ko pa tinitext hindi naman nasagot. Para tuloy ang bagal ng araw ko ngayon.

May sasabihin daw siya sa akin eh! Ano kaya yun? Kinukulit ko nga siya kagabi na sabihin na sa akin kaso hindi pa din niya sinasabi. Nacucurious tuloy ako.

"Osige na! Yung tapos na pwede nang umalis." Sabi nung prof namin.

Lumabas na yung iba kong mga kaklase. Ako naman inaayos pa yung gamit ko.

Palabas na sana ako nang bigla akong tawagin ni Mam

"Angela?"

"Bakit po Mam?"

"Kilala mo naman si Ms. Collado diba?"

"Opo Mam bakit po?"

"Padala naman to sakanya oh, kung okay lang sayo?"

"Okay lang po Mam, akin na po ;)"

"Osige sabihin mo galing sakin yan ah"

"Sige po Mam"

"Salamat ;)"

Lumabas na kagad ako ng room para hanapin si Mam Collado.

Tinignan ko kung anong oras na sa cellphone ko.

"04:56 na. Hala! Baka magalit yung si Lance. 5:00 usapan namin."

Nakita ko nagtext pala siya.

From: Lance Gay

Asan ka na? Dalian mo


Like a boss lang ha? Tapos mong hindi ako replyan, bahala kang mag-intay diyan.

Pumunta ko sa department ni Mam pero wala siya dun.

Taken For BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon