"Wait Lance! Last question."
"Shoot it."
"Kapag nawala na ba ng tuluyan sayo si Angel,"
"Babalik ka ba sa akin?"
"Y-yes."
Tumulo ang mga luha ko na para silang nanggagaling sa gripo. Hindi ko kaya, hindi ko to kaya. Tumalikod ako para tumakbo pero nakakaisang hakbang pa lang ako, nabunggo ako sa lalaking nasa harapan ko.
"Oppss... Watch your steps miss baka madapa ka."
Inangat ko yung ulo ko para makita yung lalaking nagsalita. Pareho kaming nagulat.
"A-angel?"
Agad kong iniyuko yung ulo ko. Hindi nila dapat akong makitang naiyak. Tatakbo na sana ulit ako ng bigla niya kong hawakan sa braso ko.
"W-wait Angel."
"What?" Inangat ko yung ulo ko para tignan siya.
"What happened? Bakit ka naiyak?"
Pero imbis na sagutin siya, Niyakap ko siya at patuloy na umiyak sa mga braso niya.
"Ang sakit! Ang sakit-sakit!"
Naramdaman kong niyakap niya din ako, kaya mas hinigpitan ko yung yakap ko sakanya.
"L-luigi?"
"Shhhh..."
"Ayoko dito... Ilayo mo ko dito please?"
BINABASA MO ANG
Taken For Benefits
Teen FictionMinsan iniisip ko kung anong trip ng tadhana. Minsan ayos, minsan hindi. Biglang may ipapakilala sayo, pero bigla din naman mawawala. Minsan naman intay ka ng intay tapos hindi naman dumadating. Minsan naman nandiyan na pala sa harap mo, hindi mo la...