Chapter 18

2.4K 24 1
                                    

<Angel's POV>

"Wag ka na ngang umiyak. Wag ka ng matakot."

"Hawakan mo lang yung kamay ko, wag kang bibitiw."

"Wag ka ng mag-alala. Andito lang ako, hindi kita pababayaan."

Tapos bigla na naman niya kong hinili patakbo. Nakakainis talaga siya! Okay na eh! Andun na yung moment eh, tapos hihilihan niya ko. Panira talaga! >.<

Naramdaman kong tumigil na siya sa pagtakbo, pero hawak-hawak pa din niya yung kamay ko at iyak pa din ako ng iyak.

"Dumilat ka na. Wala na tayo sa dilim, tsaka pwede ba tumigil ka na sa kaiiyak! Daig mo pa bata eh!"

Dahan-dahan ko namang dinilat yung mata ko. At pag dilat ko nakita ko kagad yung mukha niya, nakangiti! >.<

"Bwisit ka! Bwisit ka talaga! Nakakinis ka!" Sabay hamapas sa braso niya.

"Ano ba? Tigilan mo nga! ... Aray! ... Ansakit! ... Ano ba!?"

Nakakainis talaga siya. Alam na ngang natatakot na yung tao tatakutin at pagtatawanan pa niya!

"Tumigil ka na nga!" Bigla na naman niya kong hinila kaso payapos. Yung face ko tumapat sa may chest niya tapos naramdaman kong pinatong niya yung head niya sa ulo ko. Bigla akong nakaramdam ng security and comfortability. Maybe he's tall kaya alam kong secure ako. Yes he is a lot way taller than me.

"Amp naman oh! Tumigil ka na please? Sorry na." Hindi na naman ako sumagot, kasi nga yung mukha ko andun sa chest niya at ang higpit-higpit ng yapos niya sa akin.

Three minutes passed tsaka niya tinanggal yung pagkakayapos niya sa akin. "Oh ano okay ka na? Tignan mo oh basang-basa na tong t-shirt ko!"

Tinitigan ko lang siya. Ang arte naman niya, eh siya nga may kasalanan kung bakit ako umiyak eh!

"Pumasok ka na nga! Pagalitan pa ko ng tatay mo eh! Sige na!" Tapos naglakad na siya paalis. Bwisit na yun! Hindi man lang ako pinagsalita. Haaaaay, BIPOLAR talaga!

..

..

..

..

..

..

..

"Wag ka na ngang umiyak. Wag ka ng matakot."

"Hawakan mo lang yung kamay ko, wag kang bibitiw."

"Wag ka ng mag-alala. Andito lang ako, hindi kita pababayaan."

"Wag ka ng mag-alala. Andito lang ako, hindi kita pababayaan."

"Wag ka ng mag-alala. Andito lang ako, hindi kita pababayaan."

"Wag ka ng mag-alala. Andito lang ako, hindi kita pababayaan."

Taken For BenefitsWhere stories live. Discover now