Love Shot by CatchMe (Complete)

Love Shot by CatchMe (Complete)

37.8K Reads 737 Votes 30 Part Story
CatchMe Arnaiz By CatchMeStories Completed

Love Shot 
by CatchMe


"Ang sabi sa kanta ni Enrique Iglesias, 'could I have this kiss forever?' Ayoko ng kiss lang. Ang gusto ko, you'll be mine forever..."

TEASER
            

Neszie was a diehard fan of a famous boy group called "Takeoff." Lalong-lalo na kay Jz-lead vocalist ng grupo at matagal nang itinatangi ng kanyang puso. She considered him as her "husband" na palaging lumilitaw sa matamis niyang "bangungot" kahit na sa kasagsagan ng sikat ng araw.
            
Hanggang sa makasumpong siya ng pagkakataon para mapalapit sa lalaking matagal nang kinahuhumalingan ng kanyang etchuserang puso nang minsang magmagandang loob siya rito. 

At bilang kapalit sa kanyang kabaitan "kuno," pinilit niya ang binata na kunin siya bilang personal assistant nito. Ang problema nga lang ay ayaw nito. Paano kasi, hindi napipigilang lumandi ng kanyang flirt na puso sa tuwing lumalapit siya rito-lalo na kapag nakatitig siya sa napakaguwapong mukha nito-napapanganga siya nang wala sa oras. Minsan din ay natutulala siya at bigla na lamang napapatili na tila sinasaniban ng masamang espirito. Kaya big "NO" ang sagot ni Jz sa gusto niyang mangyari.
            
Paano na ang pangarap niyang mapalapit dito kung palagi naman siyang itinataboy ng lalaking itinatangi ng kanyang puso? Papayag na lang ba siya na hindi makalapit sa binata? O gagawa pa rin siya ng paraan kahit palagi siya nitong inaayawan?

unedited po ito...kung may mga mali man ako lalo na sa grammar, pagpasinsyahan niyo na..mahina kasi ako sa english de kamatis, eh, hahahaha!

No comments listed yet.