Chapter 17

1.5K 51 1
                                    

Love Shot

By: CatchMe

CHAPTER 17

HINDI mapakali si Neszie na umiikot-ikot sa harap ng malaking salamin. Mas lalo siyang lumapit sa salamin at pinagmasdan ang sarili.

"Sigurado ka ba Ate na okay na itong suot ko?" Tanong niya sa kapatid na si Ruzielle na siyang katulong niya sa pag-aayos niya ng kanyang sarili.

Ngayong gabi na kasi gaganapin ang promotional party ng bagong album ng Takeoff. At ayaw niyang mapahiya si Jz dahil siya ang kapartner nito sa gabing iyon.

"Okay na nga ang ayos mo. Sobrang ganda mo sa suot mong 'to. Mas lalong lumantad ang kaputian mo at ang sexy mo, promise. Baka nga lumuwa pa ang mga mata ng mga lalaki roon kapag nakita ka."

"Ate naman eh."

Reklamo niya na muling umikot para pagmasdan ang sarili.

"Oh bakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah?" natatawang sagot ng ate Ruzielle niya. "Ang ganda mo nga dahil bagay na bagay sa'yo ang pulang gown mo. And with the help of this high heels? Tsk! 'Pwede ka ng sumali sa beauty pagent."

"Ate?!" napaingos siya.

Hindi kasi niya alam kung nagsasabi ba ng totoo ang kapatid niya or nagbibiro lamang ito. Pero sa tingin naman niya ayon sa nakikita niya sa harap ng salamin ay maganda naman ang suot niya.

Hapit sa maliit niyang bewang ang red long gown niya na meron slit hanggang sa kalagitnaan ng hita niya sa gilid. At tulad nga ng sinabi ng ate niya ay mas lalo siyang pumuti sa suot niya. At nang maisuot na niya ang three inches high heels na nabili ng ate niya ay walang duda na 'pwede na nga siyang sumali sa beuaty pagent dahil mas lalo siyang tumangkad tingnan.

"Baka pagtawanan ako nito, Ate?" baling niya sa kapatid.

"Hush! Anong pagtatawan? Baka kamo eh pag-ingitan ka roon ng mga kababaehang nando'n sa party." Sagot ng ate niya na tinitigan siyang maigi.

Napangiti siya. Kahit kailan talaga very supportive ng ate niya sa kanya. Kaya mahal na mahal niya ang ate niya eh. Unti-unting nawala ang ngiti niya nang marinig ang pagbuntong hininga ng ate niya. Tumingin siya rito at napakunot noo siya.

"Bakit, Ate? May problema ba?" nag-alala niyang tanong.

Mapait itong ngumiti. "Parang kailan lang, ang liit mo pa, Neszie. Pero ngayon, dalagang dalaga ka na."

"Ate, nagdrama ka na naman? Sabi ko naman kasi sa'yo huwag kang manunuod ng mga teledrama dahil nahahawaan ka na."

Hindi siya pinansin ng ate niya. Bagkus ay marahas na naman itong napabuntong hininga.

"Ganitong ganito rin ang gown mo noon ng magbirthday ka. Noong seventh birthday mo kung saan na masaya pa ang pamilya natin. Kasama natin sina mama at papa, masayang nagkukwentohan at naghahalakhakan. Pero ang mas masayang bahagi noon na magkasama tayo ninamama at papa ay noong...isa-isa niya tayong isasayaw."

Mabilis na nangilid ang mga luha ng ate niya sa mga mata nito. Mabilis nitong pinunasan iyon ngunit huli na dahil nakita na niya ang pagtulo ng luha nito.

At hindi rin niya napigilan ang sarili, mabilis na bumagsak ang luha niya. Ang lalamunan niya ay may kung anong bagay na bumara roon na hindi siya makapagsalita at ang tanging nagawa lang niya ay hayaan na malayang bumagsak ang mga luha sa pisngi niya.

Tulad ng kwento ng ate niya. Paano ba niya makakalimutan ang parte ng buhay niyang iyon? Kung saan ay hindi niya inaasahan na iyon na pala ang masayang bahagi ng buhay nila na maging masaya sila.

Love Shot by CatchMe (Complete)Where stories live. Discover now