Chapter 12

1.4K 41 1
                                    

Love Shot

By CatchMe

Chapter 12

PINAKAWALAN ni Jz ang kanina pa'ngpinipigilang hangin sa kanyang baga matapos sabihin ang gusto niyang mangyari sa relasyon nila ng nobya niyang si Manilyn. Kasalukuyang nasa kotse niya sila sa harap ng bahay ng nobya niyang si Manilyn at nag-uusap sila. Nakipaghiwalay na kasi siya rito dahil napupuno na siya sa ugaling ipinapakita ng nobya niya.

Madalas na silang nagtatalo dahil sa pagseselos nito na wala naman sa lugar. Ang madalas na pagtatampo nito na pinagtiisan din niyang suyuin para isalba ang mag-iisang taon din nilang relasyon. At akala niya ay magiging maayos din ang lahat kapag pinagtiisan at pinagpasinsyahan niya ang nobyang si Manilyn.

Pero nagkamali siya dahil mas lalo pa nga itong naging selosa. Madalas na nitong pinagsasalitaan ang mga babaeng nasa paligid niya. Ang mga avid fans niyang madalas na lumalapit sa kanya, ang staff ng management na nagmamanage ng career ng boy group nila at maging ang kaibigan niyang si Marivic ay pinagseselosan at napagsasalitan din nito ng hindi maganda.

Lalo na ang personal assistant niyang si Neszie na halos ay ayaw na ng nobya niyang si Manilyn na lumapit siya rito.

Tulad na lang kanina, she avoided him to keep his distance away from his personal assistant. Gusto man niyang tanggihan ang gusto nito ay sinunod na lamang niya ang nobya para huwag na silang magtalo pa. Pero sa kabila ng pagpayag niya sa gusto ng nobya niyang si Manilyn ay isa namang pinal na desisyon ang nabuo sa isipan niya. Ang makipaghiwalay na lamang dito dahil tao rin naman siyang napapagod sa ugaling ipinapakita ng nobya niya.

"W-what?! No! Jz, please...sabihin mo sa akin na hindi totoo ang sinasabi mo, na nagbibiro ka lang-,"

"I'm sorry, nakapagdesisyon na ako and what I've said...we're over."

"No! Please, no..." napailing ito na pinipigilan ang luhang namumuo sa mga mata nito na huwag bumagsak. "...honey, let's talk about it. And please, d-don't do this to me."

Pumiyok ang boses ni Manilyn ng sabihin iyon sa kanya at hindi niya naiwasang masaktan din sa nakikitang nasasaktan na nobya. Pero buo na ang desisyon niya at paninindigan niya ang naging pasyaniya para sa ikakatahimik ng buhay niya. At para huwag nang lumala pa at mauwi sa ikakasira niya ang ipinapakita ng kanyang nobya.

"I don't want to end this relationship, but I have to."

"But, honey-,"

"Please Manilyn, try to understand me. Alam mong minahal kita 'di ba? At nasasaktan din ako sa naging desisyon ko pero kailangan kong gawin 'to dahil wala nang patutungohang maganda ang relasyon natin. Lagi na lang tayong nagtatalo at halos ang lahat ng babaeng nasa paligid ko ay pinag-iinitan mo kahit wala naman silang ginagawang masama sa'yo. Ni hindi mo na naisip na parte iyon ng trabaho ko and I can't avoid them na hindi lumapit sa akin dahil ito ang klase ng trabahong meron ako."

"Honey, you know how much I love you and I can do anything just for you huwag ka lang mawala sa akin. Please, hindi naman natin kailangan maghiwalay and I promise I'll be good to them. Hindi na ako magseselos at hindi na rin ako magtatampo sa'yo. Iintindihin na kita huwag lang tayo maghiwalay. Honey, please..." hindi na nito napigilan ang sariling mga luha na mabilis na nakipag-unahan sa pagbagsak. Mahigpit din siya nitong niyakap na para bang natatakot itong mawala siya sa tabi nito.

Napabuntong hninga siya na hinagod sa likod ang umiiyak na nobya. "I'm sorry, pero nakapagdisisyon na ako at buo na iyon." Matatag niyang wika dahilan ng mas lalong napaiyak ang dalaga. Humahagulgol na itong yumayakap sa kanya ng mahigpit.

"Please Jz, don't do this to me. Hindi ko kaya...hindi ko kayang mawala ka sa akin, so please...huwag mo namang gawin 'to. I promise naman na I'll be good na at kung kinakailangan magsimula tayo sa umpisa para bumalik tayo sa dati ay gagawin ko. Basta huwag ka lang mawala sa akin, hon. Please..." she plead. Pero umiling siya at dahan-dahang inilayo ang sarili sa dalaga.

"I'm sorry..." nasambit niya na sinabayan ng malalim na pagbuntong hininga.

Mas lalong napaiyak si Manilyn at hinayaan na lamang niya ito sa pag-iyak. Nang sa gayon ay mabawasan ang sakit na nararamdaman nito paghihiwalay nila. Hindi na niya alam kung ilang minuto sila sa loob ng kotse niya. Nakaupo habang umiiyak naman ang nobyang si Manilyn. Ilang sandali pa ng tumahan ito at humarap sa kanya. Namamaga na ang mga mata nito dahil sa pag-iyak at pulang-pula na rin ang ilong nito.

"S-sino ang babaeng dahilan ng pakikipaghiwalay mo sa akin, Jz?" sumisingok na tanong nito habang nakayuko.

Nagsalubong naman ang kilay niya. "What do you mean?"

"I know na hindi dahilan ang pagseselos ko kung bakit nakipaghiwalay ka sa akin, Jz. I know you, at alam kong may isang babae sa likod ng disisyon mo para hiwalayan ako."

"C'mon, Manilyn. Sariling disisyon ko ito at walang sinuman-,"

"Liar!" tumaas ang boses nito na siyang ikinagulat niya. At ano na naman ang pumapasok sa sipan nito? Napailing siya sa sinabi nito. "You're lying, Jz. I know you lied to me! Si Neszie ba? Si Neszie ba ang dahilan kung bakit ka nakikipaghiwalay sa akin?" lumarawan ang galit sa magandang mukha nito ng humarap ito sa kanya.

"What are you talking? Of course not!"

"Don't lie to me, Jz. Dahil alam ko na siya ang dahilan kung bakit ka nakikipaghiwalay sa akin! At alam ko rin na may lihim kang gusto sa kanya at ilang beses ko ng napapatunayan iyon. Ngayon, magsisinungaling ka pa ba na hindi siya ang dahilan ng pakikipaghiwalay mo sa akin?"

Marahas nitong pinunasan ang mga luhang mabilis na tumulo sa pisngi nito. At hindi naman siya nakapagsalita sa sinabi ng umiiyak niyang nobya. Pakiramdam kasi niya ay naumid ang dila niya at wala siyang mahagilap na kataga na maari niyang sabihin dito dahil sa hindi inaasahang marinig mula sa labi nito.

"Hindi ka magkapagsalita? Bakit? Dahil totoo ang sinasabi ko, Jz? Totoong ay gusto ka sa babaeng iyon?"

"Manilyn-,"

"Shut up!" putol nito sa sasabihin sana niya at kasabay niyon ay ang paglipad ng malambot na palad nito sa pisngi niya. Napahawak siya sa sariling pisngi atpakiramdam niya ay natulig siya sa lakas ng pagsampal nito sa kanya. "Pagsisihan mo ito Jz and she will pay for this!" sabi nito na muling marahas na pinunasan ang mga luha at mabilis na binuksan ang pintuan ng kanyang kotse saka lumabas at malakas na ibinagsak pasara iyon na iniwan siyang sapo ang sariling pisngi.

Love Shot by CatchMe (Complete)Where stories live. Discover now