Chapter 2

2.4K 51 1
                                    

Love Shot

By: CatchMe

CHAPTER TWO

"NAKU, ikaw Neszie, ha? kapag 'di ka pa magsalita riyan, babatukan na kita. Dinaig mo pa ang nasunogan kung makasigaw ka! At ano ba ang masamang ispirito ang sumanib sa'yo para sumigaw kang gano'n ka lakas?"

Malawak ang ngiti na bumangon at umahon si Neszie sa kanyang kama at patakbong niyakap ng mahigpit ang kanyang kapatid. "Ate, ate. Oh my God! Ang puso ko, ate!" muling tili niya na humiwalay sa pagkakayakap sa kanyang kapatid at muli tumalon-talon sa harap nito.

Sa inis ng ate niya dahil sa kanyang inaakto ay hinablot siya nito sa kanyang braso. "Magkukwento ka ba? O babatukan kita? Nahihilo na ako sa kakatalon mo at mababasag na itong eardrums ko sa lakas ng sigaw mo!"

"Eh kasi, Ate. Ang asawa ko. Ang asawa ko, Ate. Ei! Mahahawakan ko na ang aking asawa!" muli siyang tumili na parang loka-loka dahilan para batukan siya ng kanyang kapatid. "Aray ko naman, Ate! Ang sakit no'n ha?"

"Talagang masasaktan ka sa akin kapag 'di ka pa nagsalita riyan."

"O siya, o siya. Sasabihin ko na. Ei!" tumili siya."Ate, hindi ako makakapaniwila, 'yung asawa ko. Si Jz-aray! Ate, naman eh! Kailangan mo talaga akong batukan? Nakakasakit ka na Ate, ha?" napahawak sa ulo na pag-iiba niya.

"Paano 'di kita mababatukan? Eh, sinasaniban ka na naman ng iyong kabaliwan! Asawa? Asawa kaagad? Ni boyfriend nga, wala ka. Asawa pa kaya? At saka si Jz na naman? Don't tell me na siya na naman ang dahilan ng pag-atake niyang kabaliwan mo, Neszie."

Malakas siyang tumawa sa sinabi ng kanyang kapatid. Mayamaya ay tumili na naman siya at tumalon-talon bago hinarap ang kapatid. "Pagbigyan mo na ako, Ate. Alam mo namang 'yan lang ang happiness ko," aniya at muling tumili. "'Tsaka, malapit ko na talagang mapapangasawa ang aking asawa na si Jz, Ate."

"Neszie?" pagbabanta ng kapatid niya na akmang babatukan siya muli para magising sa kanyang masamang bangungot sa pag-angkin niyang asawa sa walang kamalay malay na binatang si Jz na myembro ng Takeoff.

"Ate, naman eh. Hindi mo ba nakikita ito?" pakita niya ng hawak niyang wallet na kanina pa niya niyayakap.

Napataas ang isang kilay ng kanyang kapatid na napatingin sa ipinakita niyang wallet.

"Ito. Ito ang daan para magkakatotoo na ang aking pangarap na magkakatuluyan na kami ng aking asawa, Ate. Ei!" napatili na naman siya sabay yakap sa wallet at umikot-ikot pa saka muling hinarap ang napapailing niyang kapatid. "Kay Jz ito, Ate. Look, basahin mo,Ate. Si Jz ang may ari ng wallet na ito!" muli na naman siyang tumili at tumakbo sa kanyang kama sabay bagsak ng kanyang katawan doon at nagpagulong-gulong. Habang ang ate naman niya ay napa-rolled eyes na lamang sa kanyang inaakto na parang sinasaniban. At kung anuman ang tumatakbo sa isipan niya ay siya lang ang nakakaalam.

Wala siyang pakialam kung ilang beses man siyang batukan ng kanyang kapatid basta't siya ay masaya sa kanyang natuklasan na ang may-ari pala ng wallet na iniabot ng matanda sa kanya ay wallet pala ng kanyang iniibig na siyang nakabanggaan niya. Kung maaga lang niyang nalaman na si Jz pala ang may-ari ng wallet na iyon. Eh 'di sana noong ibinigay ng babae ang wallet eh, sana tiningnan na niya.

Nawala lang kasi sa isip niya 'yung wallet dahil nilagnat siya at tumaas pa ang temperature niya. At kung hindi pa niya nabuksan ang bag niya ay hindi pa niya naalala at nakita ang wallet ng inaangkin niyang asawa. Ambisyosa na talaga siya kung ambisyosa slash assuming pa, pero walang kokontra dahil para sa kanya, asawa na niya si Jz Zamora.

KAKALABAS lang ni Jz mula sa banyo nng marinig niya ang nag-iingay niyang door bell. Kakatapos lang niyang maligo at may pupuntahan pa siyang event kung saan ay kinuha siyang isa sa mga judges sa isang singing contest ng mga bata na gaganapin sa SM Fairview. Mabilis niyang pinunasan ang basa niyang ulo at katawan saka nagsuot ng short at t-shirt saka tinungo ang pintuan para buksan iyon. Malamang ay ang matalik niyang kaibigan iyon na si Marivic Cunanan na siyang madalas pumunta sa kanyang bahay.

Maliban kasi sa kanyang pamilya na nasa probinsya ay si Marivic lang ang nakaalam at nakakakilala sa kanya ng husto. She was his bestfriend, his buddy and his family na matatawag niya rito sa Maynila. Ito lang ang bukod tanging tao na napagsasabihan niya ng kanyang problema. Problema sa kanyang paligid, pamilya, kaibigan at maging problema niya sa lovelife ay tanging ang matalik niyang kaibigang si Marivic lang ang nakaalam at kanyang pinagsasabihan.

Minsan nga napagkakantyawan siya ng kanyang mga kaibigan na baka raw umano eh, may relasyon sila ng kaibigan niya. Paano kasi mas marami pa ang oras niyang inilalaan sa matalik niyang kaibigan kaysa sa girlfriend niya. At kapag wala naman silang show ang kinabibilangan niyang boy group na Takeoff ay si Marivic din ang madalas niyang kasama tuwing gumigimik siya. Maging sa panunuod ng sine ay ito rin ang kasama niya. Minsan na ring pinagseselosan ng girlfriend niya ang kanyang kaibigan dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isa.

Sumilip siya sa pin hole ng bakal niyang gate para siguradohing ang kaibigan niyang si Marivic ang nagdo-door bell para samahan siya sa pupuntahan niyang event. At nagsalubong ang kanyang kilay ng hindi ang kaibigan niya ang kanyang bisita kundi isang babae na tila hindi mapakali sa kinatatayuan nito sa labas ng kanyang gate.

A fan? Anong ginagawa niya rito at paano nito nalaman ang bahay ko? Napakamot siya sa kanyang ulo.

"Yes? Sino po sila?" may kalakasang tanong niya na hindi binuksan ang kanyang gate. Tila nanigas pa sa kinatatayuan nito ang babae nang silipin niya muli ito sa pin hole. Mayamaya'y natataranta na napahawak sa dibdib nito ang kanang kamay nito. Inayos pa nito ang sarili at napalunok ng laway saka ito nagsalita.

"B-bahay po 'to ni...J-jz, 'di po ba? J-jz Zamora?"

Mahina niyang naitampal ang kanyang palad sa kanyang noo. Dahil tama nga siya. Na isa ito sa mga libo-libong fans niya na ewan niya kung paano nito nadiskubri o nalaman ang kanyang tinitirhan. Ni minsan ay never silang nagbabanggit kung saan sila nakatira kasama ang mga kasamahan niya sa boy group na Takeoff. At ang tanging address na madalas naka-attach sa contact information nila ay ang pangalan at address lamang ng kanilang management na siyang nagmamanage sa kanilang grupo.

"Bakit, po? May kailangan po ba kayo?" tanong niya.

"H-ha? Ah, oo. M-may isasauli lang po sana ako sa kanya kaya ako nandito. "

Mas lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay at mula sa pinagsisilipan niyang pin hole ay nakita niya na may inilabas ang babae mula sa bag nito. My wallet?Aniya ng makilala ang inilabas nitong wallet. Ang wallet niyang nawala magtatatlong araw na. Ni hindi niya maalala kung saan niya iyon naiwala. Akala nga niya ay nabiktema siya ng Salisi Gang dahil umuulan pa naman no'ng araw na iyon na nawala ang wallet niya. Kaya kinaumagahan ay agad siyang nagbigay abiso sa opisina ng mga gamit niyang mga credit cards na nawala ang mga iyon sa pag-aakalang hindi na maibabalik ang kanyang mga credit cards na naroon sa wallet niya at maging ang cash na laman niyon.

Kaya siguro nalaman ng babaeng nasa labas ng gate niya ang kanyang bahay ay dahil may iilan siyang personal and business card na nasa wallet niya, kung saan nakasulat ang address ng bahay na kanyang tinitirhan.

"Ahm...hindi po ako masamang tao. Naparito lang po ako para isauli ang nakita kong wallet na pagmamay-ari ni Jz."

Mayamaya'y nagsalita muli ito ng walang marinig mula sa kanya. At dahil hindi naman siya gano'n kabastos na klaseng lalaki ay binuksan niya ang maliit na pintuang bakal ng kanyang gate para papasukin ang babae sa pagmamagandang loob nitong ibalik ang kanyang wallet.

Nang tuluyang bumukas ang pintuan ay bumulaga sa kanya ang kabuuan ng babae. Napasinghap pa ito na mabilis na itinakip ang kamay nito sa labi saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa. At mula naman sa paa paakyat sa kanyang mukha na tila ba hindi ito makapaniwala sa nakita. What is wrong with her? He shook his head then he smiled to her to show his gratitude. "Come in," anyaya niya sa babae na mas lalong 'di mapakali kung anong gagawin nito.

"J-jz...Jz Zamora? Ikaw nga. Ikaw nga si Jz Zamora."

"Yes, I am. C'mon, pumasok ka muna," aniyang iniabot ang kanang kamay rito at mas lalong niluwagan ang pagkakabukas sa pintuang bakal para makapasok ang babae.

Love Shot by CatchMe (Complete)Where stories live. Discover now