Chapter 10

1.6K 41 1
                                    

Love Shot

By: CatchMe

Chapter 10

HINDI napigilan ni Neszie ang tumawa nang malakas sa sinabi ng pinakamamahal niyang si Jz. At tulad ng naisip niya ay tama nga ang pagkakaintindi niya sa naisip ng binata. Na akala nito ay may nangyaring kababalaghan sa kanilang dalawa kagabi kung kaya't nasabi nitong pananagutan siya nito.

Ngunit sa kabila niyon ay lumakas ang paghanga at pagmamahal niyang nararamdaman sa binata. Dahil pinakita lamang nito na napaka-responsableng tao nito sa anumang nagawa nito. Naisip tuloy niya na bakit hindi na lamang niya tanggapin ang sinabi nitong pananagutan siya? Nang sa gano'n ay matupad ng gano'n kadali ang pangarap niyang mapalapit ng husto sa binata. Hindi bilang isang P.A nito. Kundi bilang may bahay nito.

Hayyy...

Ang sarap sanang isipin pero hindi niya kayang magsinungaling ng gano'n. Lalo na't alam niyang mabubuking din siya nito sa huli dahil lalabas at lalabas din ang katotohanan.

Tumigil siya sa kakatawa ng halos mag-iisang linya na ang kilay ni Jz na nakaharap sa kanya kaya hinarap na niya ito.

"Napaka-over acting mo naman," aniyang napapailing at pinipigilan ang sarili na matawa ulit at baka kaladkarin pa siya ng pinakamamahal niyang lalaki palabas sa pamamahay nito. "Kung anu-ano ang pumapasok sa isip mo, eh hindi naman ako gano'ng klaseng babae ano?"

"What? Then what do you mean about what happened last night?" tanong ni Jz.

"Nag-usap lang tayo at hindi nag-,"

"Don't dare to say that word!" pagbabanta nito sa naputol niyang sasabihin sana.

Napangiti na lamang siya. "Okay, sinabi mo eh," aniya at itinikom ang mga labi.

"So, anong pinag-usapan natin kagabi? At bakit ka nandito sa pamamahay ko? Hindi mo ba alam Miss, na 'pwede kitang idemanda ng trespassing sa pagpasok mo rito? At paano ka nga pala nakapasok dito? Sino ang nagpapasok sa'yo?"

Naparolled-eyes siya sa sunod-sunod na tanong nito 'tsaka siya humakbang palapit sa mesa at may kinuha. "Kagabi, nag-usap tayong dalawa."

"At ano nga ang pinag-usapan natin?" Si Jz na hindi na makapaghintay sa kanyang sagot.

"Na ako na ang personal assistant mo ngayon at handa akong pagsilbihan ka mapa sa bahay mo man o lakad ay sasamahan kita."

"Ano? No! Hindi totoo 'yan. At alam mong hindi ko kailangan ng P.A."

"Pero, pumayag ka na ngang maging P.A mo ako and you gave this to me nang tulungan kitang iakyat sa kwarto mo."

Ipinakita niya ang hawak niyang susi ng bahay nito at napamulagat naman ang binata.

"I-ikaw ang nagdala sa akin sa kwarto?"

"Yes, I did. At maging kay Marivic ay naiakyat ko rin sa guest room."

"With your strength?"

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at mula naman sa paa pabalik sa kanyang ulo. Na para bang hindi ito makapaniwalang kinaya niya ang bigat nito at maging ang kaibigan nitong si Marivic.

"Of course! Malakas kaya ako." Pagmamalaki niya na ngumiti sa binata.

"At dito ka rin natulog sa bahay ko?"

"Nope, umuwi ako sa bahay kagabi kasi tumigil na naman ang ulan. And with these keys ay nakapasok ako rito para ipaghanda ka ng almusal as what I've promise to you na pagsisilbihan kita as your responsible personal assistant."

Mas lalong tumamis ang ngiti niya nang magulat siya sa pagtaas ng boses ng binata bilangp agtanggi nito sa sinabi niya.

"As what I've told you, hindi ko kailangan ng P.A. Hindi ko kailangan ng taong umaaligid sa akin saan man ako pumunta. Marivic is enough for me para maging kasama sa pupuntahan ko and-,"

"But she's your friend." Putol niya sa binata. "At ang kaibigan ay hindi pinapahirapan, hindi mo inuutusan kapag may kailangan at mas lalong hindi mo dapat abusohin ang kabaitan niya. Na porke't mabait siya at hindi tumatanggi sa'yo eh, dadalhin mo na siya kung saan ka man pumunta. She's your friend and she deserves to enjoy her life! Hindi 'yung itinatali mo siya sa'yo!" napabuga siya ng hangin dahil pakiramdam niya ay kinapos siya ng hininga.

"Anong sinabi mo?" Naningkit ang mga mata ni Jz sa sinabi niya.

Hindi siya nakasagot sa tanong nito at kahit nga siya ay nagulat sa mga katagang lumabas sa mga labi niya. Gusto man niyang bawiin iyon ay hindi na niya mababawi pa.

Letcheng labi 'to, pahamak!

Sikmat niya sa sarili na napakagat labi.

"And who the hell are you, para sabihin sa akin 'yan?" dagdag nito.

Oo nga naman, sino ba naman siya para pagsabihan ito? Eh, isa lang naman siya sa libu-libong babae na nagkakagusto sa binata. At kaya lang naman siya nandito dahil sa kahibangan niya na mapalapit sa binata.

"Im sorry, I didn't meant it." Sensirong hingi niya ng paumanhin. Ngunit hindi siya nito pinatawad, instead inutusan pa siya nitong lisanin ang bahay nito na siyang ikinabahala niya nang tumalikod ito sa kanya. "Jz, I said, I'm sorry." Habol niya rito na hinawakan ang binata sa braso. "Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?"

Huminto si Jz at humarap sa kanya. Agad nitong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso nito. "Just leave the house dahil hindi kita kailangan dito!" mariing sagot nito.

"Hey, nag-aaway ba kayo?"

Sabay silang napatingin sa kalagitnaan ng hagdanan ng marinig ang boses nang kagigising lang na si Marivic. Hindi pa ito nakapagsuklay at nakapag-ayos ng sarili nito na nakatunghay sa kanilang dalawa.

Matigas siyang napailing at mabilis na tinakpan ang labi ng nagulat na si Jz gamit ang dalawang palad niya. "Hindi, hindi kami nag-aaway," aniya kay Marivic. Nagtataka at napaawang naman ang labi ni Marivic sa ginawa niya kay Jz. Habang si Jz naman ay pinilit na tinatanggal ang palad niyang nakatakip sa labi nito.

"And...what are you doing to him?" nakatingin sa kanya na tanong ni Marivic. Nasa mukha nito ang tila naku-curious sa kanilang dalawa ng binata.

"H-ha? ah, eh, w-wala. Wala." Mabilis niyang tinanggal ang kanyang kamay sa labi ni Jz. And shit! Ano ba 'tong pinanggagawa niya? Para na siyang nawala sa tama niyang pag-iisip sa ginawa niya sa binata.

Napabuga ng hangin si Jz habang habol ang hininga. Paano naman hindi hahabulin ni Jz ang paghinga nito eh, halos hindi na ito makasagap ng hangin sa ginawa niyang pagtakip sa labi nito!

Shame on you, Neszie!

"Are you out of your mind?" singhal ni Jz sa kanya na halos gusto siya nitong tirisin.

Well, 'di naman niya masisi si Jz dahil kasalanan naman niya. At ewan niya kung anong pumasok sa isipan niya na takpan ang labi nito. Nagmukha tuloy siyang isip bata sa kanyang ginawa kaya napakagat labi siya.

"Sorry," mahinang sabi niya na napayuko. At muli na naman niyang itinas ang mukha para salubongin ang nanggagalit na mata ng binata. "Kung papalayasin mo ako rito, ipagkakalat kong hinalikan mo ako at muntik mo na akong gahasain!" lakas loob niyang sinabi iyon sa harap ng nabiglang binata. Maging si Marivic na nasa kalagitnaan ng hagdanan ay nanlaki ang mga mata sa sinabi niya.

Love Shot by CatchMe (Complete)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora