Chapter 24

1.7K 31 2
                                    

Love Shot

By: CatchMe

CHAPTER 24

NAKAYUKO ang ulo ni Neszie nang lumabas siya sa comfort room para bumalik sa mesa nila. At nagulat na lamang siya nang may humawak sa braso niya.

Napaangat siya ng kanyang mukha.

Ang Bruhilda na naman? Ano ba ang babaeng ito at lagi na lang ito ang nakaharap niya? At kung sino pa ang ayaw niyang makita ay siya pa ang kanyang nakakabangga? Ano to? Naulit lang ang eksena nila noong nakilala niya ang ama niya? At ano na naman kaya ang dramang gagawin nito?

Napatingin lamang siya rito at nanatili siyang tahimik. Pakiramdam kasi niya ay wala siyang lakas para magtanong dito kung ano ang kailangan nito sa kanya kung bakit siya nito pinigilan sa braso. Isa pa ayaw niya ng gulo at ayaw niyang maulit ang ginawa nito sa kanya dahil kapag hindi siya makapagpigil? Ay ewan lang niya.

"Ano ba ang meron sa'yo na wala ako?"

Napakunot ang noo niya sa sinabi nito at napatingin siya sa mata nito pababa sa kamay nitong nakahawak sa kanyang braso. Tulad ng nasa isip niya, ayaw niyang patulan ang bagong drama ng bruhildang kaharap niya kaya binawi niya ang kanyang braso at iniwan ito.

Ngunit nakailang hakbang pa lamang siya nang muli niyang maramdaman ang marahas na paghablot ng kamay nito sa braso niya dahilan para mapaharap siya rito.

Nakita niya ang pinaghalong sakit at galit sa mga mata nito, ang labi nitong nag-iisang linya dahil sa galit na pinipigilan nito ay siyang nagtulak sa kanya na huwag patulan ito.

"Let your hand's off from me."

Sabi niya na muling binawi ang mga braso mula sa marahas na pagkakahawak nito nang bigla siya nitong itulak. Buti na lang at naibalanse niya ang kanyang katawan kaya't hindi siya natumba ngunit nagdulot naman iyon ng pagbangon ng inis sa kanya. Lalo na at nakukuha na nila ang ilang atensyon ng naroong bisita na nakakita sa gainawa ni Manilyn sa kanya.

"Ano ba ang meron sa'yo para iwanan ako ni Jz? Ano ba ang ginawa mo sa kanya? Kinulam mo ba siya? Are you a witch? Para mapaibig mo si Jz nang gano'n kadali?"

"Are you insane? " tanging nasabi niya rito dahilan para mas lalong manliit ang mga mata ni Manilyn sa kanya. Umiling siya rito at mahinang tumawa. "You can't blame him kung nagawa man niya iyon sa'yo, Manilyn. Dahil ikaw mismo ay alam kung bakit niya iyon ginawa."

"No. No, he can't 'cause I love him. I love him and I can do anything just for him! At ikaw! Ikaw ang sumira sa amin. Ikaw ang dahilan ng paghihiwalay naming dalawa dahil isa kang mang-aagaw! Inagaw mo ang mahal ko, you bitch!"

"Wow! Hindi ka pa nga nakainom, nalalasing ka na yata? At ano naman ang alam mo sa pagmamahal, Manilyn? May alam ka ba talaga sa tinatawag na pagmamahal?"

"At ano ang tawag mo sa pagmamahal ko kay Jz, ha? Sumagot kang babae ka!" muli siya nitong itinulak at tumama ang braso niya sa pader.

Mabilis na bumangon ang galit sa puso niya. Mariin niyang naitikom ang mga labi para pigilin ang galit niya. Pero hindi niya kaya dahil pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya kapag hindi niya nailabas ang gustong iparating niyon.

Galit niyang tiningnan sa mata si Manilyn na kung 'pwede lang labasan ng apoy ang mga mata niya ay tiyak niyang naletson na niya ang bruhildang mahilig siyang ipahiya.

She moves closer to her and anger was still on her eyes.

Tila siya leon na handang lusubin ang babaeng dahilan ng pananakit ng puso niya. At nakita niya ang mabilis na pagbago ng anyo ng mukha nito ng dahan dahan siyang humakbang palapit dito. Mula sa nanggagalit nitong mga mata ay napalitan ng takot sa kanya.

"Mahal?"

Tanong niya habang patuloy na lumapit dito. Samantalang napapaatras naman ang bruhildang babae mula sa kanya na halata sa mukha nito ang takot sa pagbago ng anyo sa mukha niya.

Dinaig pa kasi niya ang gutom na leon na handang kainin ito ng buhay kapag may maling hakbang na gagawin ito sa kanya.

"Pagmamahal ba ang tawag mo sa ginagawa mo, Manilyn? At anong alam mo sa katagang pagmamahal? Pagseselos? Paghihinala? Pagsisigaw? Pag-eeskandalo? Sagutin mo ako, Manilyn. Iyon ba ang tawag mo sa pagmamahal?" Umiling siya ng paulit-ulit at narinig niya ang boses ng kaibigan niyang si Jhoana. Kasunod niyon ay ang mainit at malambot na kamay ng mahal niyang si Jz na hinawakan siya sa kanyang braso at sinusubukan siyang pigilan at ilayo kay Manilyn ngunit hindi siya natinag.

Patuloy lamang siya sa paglapit sa bruhilda na muling tumapang ang aura ng mukha. "

Hindi ka nagmamahal, Manilyn. Hindi mo minahal si Jz dahil ang mahal mo ay ang sarili mo lang, narinig mo? Sarili mo lang ang mahal mo at hindi mo naman talaga minahal si Jz. At alam mo ba kung ano talaga ang tawag sa nararamdaman mo? Obsession! Obsession lang iyon, Manilyn dahil isa kang obsessed kay Jz! Narinig mo? Isa kang Obsessed! Ang selfish mo at ang sarili mo lang ang minahal mo!" hindi niya napigilan ang mga katagang lumabas sa labi niya at maging ang mga taong nasa paligid niya ay hindi na niya napansin dahil sa galit na bumangon sa puso niya.

Kasunod ng mga binitiwan niyang salita ay mabilis namang bumalon ng luha sa mga mata niya habang hindi nakahuma sa tinatayuan nito ang bruhildang tila naestatwa.

Hanggang sa naramdaman na lamang niyang nasa bisig na siya ng taong mahal niya habang umiiyak siya.

"Shhh....tama na kasi, ano ba kayo? Manilyn, please. Tama na. Tigilan mo na ito. Hindi ka pa ba masaya sa nagawa mo? Nasasayahan ka ba sa taong nasasaktan mo? Please, I'm begging you. Tama na. Tama na at tigilan mo na ito, please? Kung nagawa ko man na makipaghiwalay sa'yo, then, I'm sorry. I'm really really sorry. At tulad ng sinabi mo sa akin tungkol kay Neszie...'pwes...tama ka. Tama ka sa sinasabi mo. I-I love her kaya nakipaghiwalay na ako sa'yo. Naririnig mo ba ako? Mahal ko si Neszie at patawarin mo ako kung mas minahal ko siya kay sa sa'yo dahil hindi ko napigilan ang puso ko na mahalin ng lihim si Neszie. I'm sorry, so please, let's stop here at tanggapin na lamang natin na tapos na tayo. Manilyn, we're over at hindi na maibabalik pa ang dati kong pagmamahal sa'yo dahil may mahal na akong iba at si Neszie nga iyon. So please as what I have said...I'm sorry."

Na-shocke si Neszie sa narinig mula sa mahabang pag-amin ng pinakamamahal niyang lalaki sa tunay nitong nararamdaman.

Pakiramdam niya ay lasing siya at hindi na nakakonekta ang kaluluwa niya sa katawan niya. Nagugulohan siya na ewan niya kung ano ang tamang tawag sa nararamdaman niya ngayon.

She can't move either na kahit pagbuka ng labi niya ay hindi niya nagawa.

Tama ba ang narinig niya? O nagha-hallucination lamang siya?

Pero bakit may nag-iingay sa paligid niya?

Bakit may nagkikislapang camera siyang nakikita? At may mainit at matigas na bisig na nakayakap sa kanya?

Kinurot niya ang sarili at bigla na lamang lumabo ang paningin niya. Mabilis na bumagsak ang masagana niyang luha dahil totoo ang naririnig niya.

Maging ang lalaking nakayakap sa kanya ay totoo rin dahil walang iba iyon kundi ang nag iisang tao na laman ng puso niya. Si Jz na habol ang hininga habang yakap siya.

Sinabi nito na mahal siya nito. Na kaya ito nakipaghiwalay sa nobya nito dahil siya na ang mahal nito.

Mas lalong bumalon ang luha niya sa natukalasan na mahal siya ng lalaking mahal niya. Mahal siya ng lalaking matagal niyang hiniling na mahalin siya. Mahal siya ng lalaking sinisigaw ng puso niya.

May mahihiling pa ba siya? Kung ang natuklasan niya ay sobra-sobra nang kasayahan na nararamdaman ng puso niya?

Love Shot by CatchMe (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon