Chapter 21

1.8K 42 1
                                    

Love Shot

By: CatchMe

CHAPTER 21

NAGISING si Neszie na masakit ang mga mata. Umaga na kasi silang natulog ng ate niya kaya napahikab pa siya. Pinilit niyang bumangon para pumunta sa banyo dahil naiihi na rin siya.

Pagkatapos niyang magbawas ay humarap siya sa salamin para maghilamos ngunit nagulat siya sa kanyang nakita.

Sobrang namamaga ang mga mata niya dahil sa kakaiyak niya kagabi.

Napangiwi tuloy siya dahil pakiramdam niya ay sobrang pangit niya sa kanyang hitsura. Nagmamadali siyang binuksan ang gripo at naghilamos ng mukha.

“Ang pangit ko, anong gagawin ko? Bakit kasi ang tagal kong umiyak kagabi eh. Heto tuloy at sobrang maga na ng mata ko. Pati ang ilong ko namumula pa rin.” Kausap niya sa sarili na muling naghilamos. “Hindi talaga ‘to matatanggal.” Napabuntong hininga siya na pinunasan na lamang ang basang mukha at bumalik na sa kanyang kama.

Naalala niya ang kanyang cell phone na agad niyang kinuha sa dala niya purse kagabi. Hindi na pumasok sa isip niyang tingnan iyon kagabi dahil ukupado ang isipan niya.

Nakita niyang patay ang cell phone niya nang makuha iyon sa loob ng purse. Kaya isinaksak na lamang niya iyon para icharge.

Muli siyang nahiga sa kama at malalim na nag-isip.

Ano kaya ang sinabi nina Jz sa kanya matapos ang nagyaring pagpahiya sa kanya ni Manilyn? At ang ama niya, naalala kay siya nito? O baka inisip nito na nababaliw na siya at nagdrama sa harap nito? Muli siyang napabuntong hininga. Ano kaya ang dapat niyang gawin? Kung sa paghaharap muli sa kanyang ama ay may magagawa pa siya pero ang muling humarap sa taong minamahal niya na walang iba kundi si Jz ay tila wala na siyang mukhang ihaharap rito. Isipin pa lang niya na makita ito ay tila matutunaw na siya sa sobrang hiya.

Lecheng Manilyn kasi na iyon eh! Kung makita lang niya iyon ay hindi siya mangiming kalbuhin nag bruhang iyon at pinahiya pa siya sa harap ng kanyang ama at sa harap ng taong pinakamamahal niya.

Napabangon siya bigla nang may maalala sa sinabi ni Manilyn noong nanggaling siya sa C.R kagabi.

“Masaya ka na ba at naagaw mo na sa akin si Jz?”

Napailing iling siya muli. “Kaya siguro iniwan ni Jz kasi nababaliw na ang babaeng iyon,” aniyang bumangon sa kama at lumabas sa kwarto niya.

Naabutan niya ang ate niyang nagluluto sa kusina. Humila siya ng isang silya at naupo roon.

“Oh, gising ka na pala.” Sabi ng ate niya nang lingunin siya nito. “Sobrang namamaga ang mga mata mo, uh.” Pansin pa nito.

“Kaya nga,Ate eh. ‘Buti na lang at day off ko ngayon,” sagot niya. “Oo nga pala, Ate. Kailan natin alamin kung saan dito si Papa sa bansa? Baka ‘pwede tayong magtanong kay Sir James ng tungkol kay Papa at magpatulong na rin.”

Humakbang palapit sa kanya ang kapatid niya saka umupo sa katabi niyang silya. “Sa tingin mo Neszie, kilalanin pa kayo tayo ni Papa?”

“May dahilan ba para hindi niya tayo kilalanin, Ate?” balik tanong niya.

“Hindi ko alam, Neszie. Base kasi sa kwento mo kagabi eh, hindi ka niya nakilala. Baka kako pagnakaharap natin siya ay-,”

“Ate, malay mo kung nabigla lang siya kagabi ‘di ba? Kasi umiyak na lang ako sa harapan niya ng walang dahilan kaya siguro nagtaka siya sa inakto ko. Lalo na at sinabuyan pa ako ni Manilyn ng alak sa mukha.” Umingos siya nang maalala ang ginawa ng bruhang ex ng pinakamamahal niyang si Jz.

Love Shot by CatchMe (Complete)Where stories live. Discover now