Chapter 20

1.5K 42 2
                                    

Love Shot

By: CatchMe

CHAPTER 20

SHOCKED si Neszie nang dumapo sa mukha niya ang malamig at mapait na lasa ng alak. Narinig niya ang marahas na paghugot ng hininga ng iilan na sadyang nagulat din sa nangyari.

“Kahit kailan agaw eksena ka talagang babae ka” galit na boses ni Manilyn ang narinig niya.

At nang mahimasmasan siya ay nakita na lamang niya na marahas na hinawakan ito ni Jz sa braso na inilalayo sa kanya habang siya naman ay gustong lumubog sa kanyang kinatatayuan.

Kaya’t napatakbo na lamang siya palabas ng lugar na iyon na hindi na nagawang lingunin ang ama dahil sa sobrang pagkapahiya.

Narinig pa niya ang kalakasang boses ni Jz na tinatawag pangalan niya maging ang boses ng kaibigan niyang si Jhoana na hindi na niya pinansin at tuloy tuloy nang lumabas sa maingay na lugar na iyon dahil sa kagagawan ng dating nobya ni Jz na si Manilyn.

“NESZIE? Anong nangyari?”

Nag-alalang salubong ng ate ni Neszie nang pagbuksan siya nito ng pintuan.

“A-ate, I found him.” Umiiyak pa rin na sagot niya sa ate niya na mabilis siyang niyakap. “I found him, ate. I found him.” Patuloy niya na gumanti ng yakap sa ate niyang si Ruzielle.

Nagugulohan man sa pinagsasabi niya ang kapatid ay pinatuloy na muna siya nito sa loob ng bahay para pakalmahin mula sa pag-iiyak niya.

“Ano ba kasi ang nangyari at bakit ganyan ang ayos mo? Saka sinong nakita mo para umiyak ka ng ganyan?” mayamaya ay tanong nito sa kanya na inabutan siya ng baso ng tubig.

“Ate, si Papa ate. Nakita ko si Papa at nandito siya sa Pilipinas, ate.”

“A-ano?!”

“Oo, ate. Nakita ko siya sa party nina Jz.”

“Kung nakita ka niya, anong nangyari sa pagitan ninyo? Bakit ganyan ang ayos mo at bakit ka umiiyak?” nagugulohang tanong ng kapatid niya na hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Saka niya ikinuwento ang lahat ng pangyayari sa party kung bakit siya umuwi ng bahay nila ng umiiyak.At matapos niyang ikwento ang lahat ng nangyari ay kapwa sila hindi nakapagsalitang dalawa na nakaupo sa sofa.

Tumigil na rin siya sa kakaiyak dahil napapagod na rin siya. Isa pa, hindi nga niya alam kung ano ang iniiyakan niya.

Ang pagkikita nila ng ama niya na hindi man lang siya nito nakilala o ang pagtapon sa kanya ni Manilyn ng alak sa harap ng lahat na naroon sa party. Napabuntong hininga siya habang yakap ang manikang iniwan ng daddy niya bago sila iniwan.

Nakapagpalit na rin siya ng damit niya at ang ate niya ay tahimik na nasa tabi niya. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya dahil kahit siya ay tila lumilipad pa rin ang isipan niya sa mga nangyayari ngayong gabi.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya makapaniwala na nakita niya ang kanyang ama.Pagkatapos ng ilang taon ay nmatagpuan din niya ang amang matagal na niyang inasam na makita. At parang sasabog na ang utak niya sa kung ano ang dapat niyang gawin para magkita silang muli.

Magpakilala na kaya sila ng ate niya na magkasama? Baka sakaling maalala na siya nito kapag magkasam sila ng ate niya na magharap dito.

Tama! Kailangan nilang makaharap ang ama nilang magkasama. At kung kinakailangang dalhin niya ang mga larawan nila noong maliliit pa lamang sila ng ate niya ay gagawin niya para lamang maalala sila nito. At sakali man na kilalanin sila ng kanyang ama ay tiyak na siya na ang pinakamasayang babae sa mundo ‘pag nagkataon. Saka niya ikinuwento sa ate niyang hindi pa rin makapaniwala ang plano niya.

Love Shot by CatchMe (Complete)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora