Chapter 7

1.6K 41 1
                                    

Love Shot

By: CatchMe

CHAPTER 7

"IS SHE'S OKAY?"

Mahinang boses ang narinig ni Neszie nang umungol siya. Kasunod niyon ay naramdaman niya ang malambot na palad na humaplos sa kanyang kamay.

"I don't know, but I think she's awake." Tugon ng isa pang boses babae.

Pinilit niyang imulat ang kanyang mga mata at nagulat pa siya nang makitang nakahiga siya sa malambot na kama habang nakamasid sa kanya ang dalawang tao na nakatayo sa gilid ng kama.

"Jz, Marivic, anong nangyari? Bakit ako nandito?" nagpumilit siyang tumayo ngunit pinigilan siya ni Marivic kaya nanatili siyang nakahiga sa kama.

"Aksidenteng natamaan mo ang kamay mo nang humihiwa ka ng manok kanina, at bigla ka na lang hinimatay kaya dinala ka na rito ni Jz sa guest room para makapagpahinga matapos gamutin ang sugat mo."

Napatingin siya sa kanyang kamay na tinutukoy ni Marivic at nakita nga niya ang kaliwang kamay niya na may benda na, saka niya naalala ang nangyari.

"Gano'n ba? Naku, pasinsya na kayo at naabala ko pa kayo. Takot kasi ako sa dugo kaya bigla na lang akong nawalan ng malay."

Nahihiyang napayuko siya dahil sa pagkapahiya. At sino naman ang hindi mahihiya kung nasa harap mo ang taong pinakamamahal mo habang wala kang malay? At saka, okay lang ba ang ayos niya kanina habang wala siyang malay? Damn! Na-concious tuloy siya sa kung ano man ang ayos niya kanina.

"You scared us, 'buti na lang okay ka na." si Marivic.

"I'm sorry, pinag-alala ko pa kayo," aniya ng maalala ang kanyang niluto. "Oo nga pala, ang niluluto ko."

"Huwag mo ng problemahin pa iyon at kanina ko pa 'yun naluto." Sagot ni Marivic. "Ang mabuti pa kung okay ka na eh, kumain na lang tayo. Mag-aalas dos na kasi ng hapon. Malamang, gutom ka na rin."

Nagulat siya sa sinabi ni Marivic at mabilis siyang napatingin sa kanyang orasang pambisig at tulad nga ng sinabi ni Marivic ay alas dos na nga ng hapon. At gano'n katagal siyang nawalan ng malay? Napakagat siya ng kanyang labi na binalingan si Marivic habang si Jz ay tahimik lamang na nakatayo sa gilid ng kama. "H-hindi pa kayo k-kumain ng lunch?" nahihiyang tanong niya.

"Nope, hinintay ka naming magising para sabay na tayong tatlo. 'Tsaka, ang pangit naman na kumakain kami ni Jz samantalang ikaw ay walang malay rito sa kwarto, 'di ba? Hindi kaya ng kunsinsya naming 'yun."

"What? Naku, kung gano'n k-kumain na lang tayo at nakakahiya naman na naabala ko pa pati ang pagkain niyo." Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kanyang kama.

"Sigurado kang okay ka na?"

"Yeah, okay na ako saka maliit lang naman ang sugat ko. Natakot lang ako sa dugo kaya nawalan ako ng malay and believe me, I'm really okay." Pagpupumilit niya.

"Okay, kung gano'n, taralets na at tutulungan na lang kita." Alok ni Marivic.

"No, hindi na kailangan. Okay lang naman ako eh, I swear."

"Promise?" paniniguro pa ng dalaga.

"Yeah, promise," ngumiti siya rito at maging kay Jz na mabilis na iniwas ang paningin sa kanya at nauna ng tumalikod sa kanila para lumabas ng kwarto.

(Hala! Bakit promise ang isinulat ko dito? Hahaha! Dapat ARE YOU SURE!!! kaloka! Haha!)

"CHEERS!"

Napilitang uminom si Jz dahil sa pamimilit ng magaling niyang matalik na kaibigan na si Marivic. Pagkatapos nilang kumain kanina ay pinilit siya nitong uminom sila ng red wine na matagal ng nakadisplay sa cabinet niya. At pati si Neszie ay napilit din nitong uminom at sa kabila ng pagkahimatay ng dalaga kanina ay napapayag din ito ng kaibigan niyang uminom. And here they are, ang magaling niyang kaibigan at ang bisita nilang si Neszie ay halos nalalasing na sa pang dalawang bote ng wine na iniinom nila.

Love Shot by CatchMe (Complete)Where stories live. Discover now