Chapter 11

1.5K 41 1
                                    

Love Shot

By CatchMe

CHAPTER 11

NAGMAMADALING tinungo ni Neszie ang dressing room kung saan ay naghihintay ang mahal niyang boss na si Jz Zamora. Magpe-perform kasi ang grupo nito sa isang sikat na noon time show sa T.V. at mag-iisang buwan na siya bilang personal assistant nito.

Pagkatapos kasi niyang pagbantaan ang pinakamamahal niyang lalaki ay napapayag din niya ito na maging P.A siya nito. At syempre, dahil na rin sa tulong ng matalik nitong kaibigan na si Marivic na siyang nagconvince kay Jz na tanggapin siya nito bilang P.A.

Kaya kahit ayaw man ng binata na kunin siya ay napilitan na lamang itong tanggapin siya kahit labag man sa kalooban nito.

Pero ang inaakala niya na ang pagiging P.A nito ay ang daan para mapalapit at maabot niya ang pangarap niyang makakatuluyan ang binata ay nagkakamali siya.

Paano kasi eh simula ng maging P.A siya ni Jz ay bumuntot naman ang nobya nitong si Manilyn sa binata. Naasar siya tuwing nakikita niya ang nobya nito kasi inaagaw na nito ang libreng oras ng mahal niya na sana ay siya ang kasama ni Jz.

Hindi tuloy siya makakaeksena sa pinakamamahal niya dahil sa presinsya ng nobya nito. Takot din kasi siya na baka sabunutan siya nito kapag umeksina pa siya kapag magkasama ang dalawa.

Kaya madalas na kinakain ng selos ang puso niya kapag nakikitang sobrang sweet ng dalawa.

Naiinggit siya sa eksena ng mga ito kaya palagi niyang hinihiling na sana, siya na lang ang nobya ni Jz. Pero wala siyang magawa dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang sweetness ng dalawa na ipinapakita sa kanya kapag kaharap siya.

Minsan, hindi niya napipigilang hilingin na sana mauwi na lamang sa hiwalay ang madalas na pagtatampuhan ng dalawa. Nang sa gano'n ay may pag-asa siya para umeksena sa pinakamamahal niyang si Jz.

Pero, kailan naman kaya iyon mangyayari? Naasar na siya sa paghihintay kung kailan maghihiwalay ang dalawa! At masama na siya kung masama pero hindi siya magsasawang hilingin na sana maghiwalay na ang dalawa para sumaya naman ang puso niyang sawi!

Napahinto siya nang marating ang dressing room na nakalaan sa grupo nina Jz. Agad siyang kumatok at nang bumukas iyon ay sinalubong siya ng bago niyang kaibigan. Si Jhoana na siyang personal assistant ng isa sa 'myembro ng Takeoff na si Raffy.

"Mabuti at nandito ka na. Kanina pa hindi maipinta ang gwapong mukha ng mahal mo," salubong ni Jhoana. Maliban kay Marivic at ate Ruzielle niya ay isa si Jhoana sa nakakaalam ng tunay niyang nararamdamanpara kay Jz.

"Natraffic kasi ako," aniyang napakagat labi na naglakad patungo sa inuupuan ni Jz.

Napatayo ito nang makita siya. "Bakit ngayon ka lang? Hindi ba't sinabi ko na dapat dito ka na bago mag alas 'dyes?"

"Pasinsya na, matraffic kasi 'tsaka kasalan mo naman kung bakit ngayon lang ako dahil iniwan mo ako!"

"Paano hindi kita iiwan eh ang bagal mo."

Nanliit ang mga mata niyang tinitigan ito. "Paano kasi nagmamadali kang makita ang girlfriend mong patay na patay sa'yo na kahit limang minuto lang ang hinihingi ko sa'yo para hintayin ako ay hindi mo pa nagawa! Tapos ngayon sisihin mo ako kung bakit late ako? Eh kung ikaw na lang kaya ang nag-ayos ng sirang gripo kanina? Edi sana mabilis tayong nakatapos at nakarating dito." Pagrereklamo niya. Paano kasi eh pati ang pag-ayos ng sirang gripo ay sa kanya pa pinapagawa. Naging instant tubero tuloy siya ng wala sa oras.

Hindi na siya sinagot pa ni Jz bagkus ay kinuha na lamang nito ang dala niyang damit at nagbihis. Lumapit na lamang siya kay Jhoana at nakipagkwentohan. Ilang sandali lang ay lumapit muli sa kanila si Jz.

"Oo nga pala, pagkatapos mong ayusin ang mga gamit ko, mauna ka nang umuwi."

"Ha? Bakit? I mean, bakit mauuna ako at hindi na lang sumabay sa'yo?"

"Dahil may importante pa kaming pag-uusapan ni Manilyn at baka gagabihin na ako kaya umuwi ka na lang sa inyo."

Kinain na naman ng matinding selos ang puso niya. And as usual si Manilyn na naman ang dahilan kung bakit hindi na sila magkasabay ng binata sa pag-uwi.

Pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya at gusto niyang sumigaw dahil sa sobrang selos na nararamdam. Bakit ba lagi siya nitong pinapahirapan? Hindi ba nito nahahalata na nasasaktan ang puso niyang sawi?

Wala sa sariling napabuntong hininga siya. Mag-iisa na naman siyang uuwi. "Okay." Matipid niyang sagot at tinalikuran na siya nito at napabuntong hininga na naman siya.

Sana pansinin mo naman ako Jz, lalo na ang puso kong matagal ng nagmamahal sa'yo. Hindi 'yung palagi mo na lang sinasaktan ang puso kong tanging nagawa ay mahalin ka lang naman ng husto,aniya na sinundan ng tingin ang binata habang ang puso niya ay umiiyak na sa tindi ng nararamdamang selos.

"Ang lalim no'n, ah."

Napalingon siya sa kaibigang si Jhoana. "I wanna die..." mahina niyang sabi sa kaibigan.

"Agad-agad? Hindi ba 'pwedeng magtiis ka pa para sa lalaking mahal mo?" mahina itong tumawa.

"Sa lalaking mahal ko, pero hindi naman ako mahal?"

"Ano ka ba? Isipin mo na lang na habang may hininga, may pag-asa. At saka malay mo darating din ang araw na dinggin ng langit ang hiling mo na makatuluyan si Jz."

"Hay...kailan pa kaya 'yun?" nababagot na tanong niya.

"Maghintay ka lang at makakamit mo rin ang gusto mo," natatawang sagot ng kaibigan.

MAG-AALAS sais na at nasa bahay pa rin ni Jz si Neszie. Kasalukuyan kasing umuulan at hinihintay niyang tumila iyon para makauwi siya. Wala kasi siyang dalang payong at nagkataon pa na nasa kotse ni Jz ang payong nila sa bahay.

Nakapagluto na rin siya ng makakain ng binata kapag umuwi ito kahit na hindi siya sigurado na makakauwi ng maaga ang mahal niya. Naniniguro lang siya na may madadatnan itong pagkain sa bahay kapag hindi ito nakakain sa labas.

Sumilip siya sa labas at patuloy pa rin ang hindi kalakasang ulan kaya bumalik siya sa inuupuan niyang sofa kanina. Inihiga niya ang sarili sa sofa nang humikab siya. Mas mabuti sigurong iidlip muna siya sandali at baka sakaling tumigil na ang ulan pag-gising niya. Nang sa gano'n ay makauwi na siya sa kanila.

Love Shot by CatchMe (Complete)Where stories live. Discover now