Chapter 9

1.4K 39 1
                                    

Love Shot

By: CatchMe

CHAPTER 9

NAGISING si Jz nang makaramdam ng pananakit ng kanyang ulo. Napaupo siya sa kanyang kama at mariing sinapo ang kanyang ulo. Pakiramdam niya ay mabibiyak iyon kaya napapikit siya na hinihimas himas ang kanyang ulo. Kailangan niya ng pain reliever para mabawasan ang pananakit niyon. Pinilit niyang tumayo at tinungo ang sariling banyo sa kanyang kwarto para maghilamos bago bumaba sa kusina para kumuha ng gamot.

Matapos maghilamos ay pinunasan niya ng malinis na towel ang kanyang mukha at lumabas ng banyo nang matigilan siya at napakamot sa ulo. Nagtataka siya kung paano siya nakapasok sa kanyang kwarto kagabi. Ang huling naalala kasi niya ay nasa sala siya kagabi kasama ang kaibigan niyang si Marivic at ang bisita nila na siyang avid fan slash stalker slash assuming na maging P.A niya na walang iba kundi si Neszie na umiinom sa sala.

Nakaramdam na siya ng pagkahilo kagabi at kasunod niyon ay wala na siyang maalala pa. Malamang ay tinulungan na siya ng kaibigan niyang si Marivic na makapasok sa kanyang kwarto bago umalis ang mga ito sa bahay niya kagabi.

Napailing siya na napahawak sa kanyang ulo ng kumirot iyon. Kahit kailan ay wala talaga siyang maalala tuwing nalalasing siya. Kaya't ayaw na ayaw niyang uminom eh, pero pinilit siya ng kaibigan niyang si Marivic na ewan niya na kapag ito ang namimilit sa kanya ay hindi niya matatanggihan at napapasunod na lamang siya.

Napabuntong hininga siya na isinabit ang kanyang towel sa likod ng pintuan ng kanyang banyo saka lumabas ng kanyang kwarto para bumaba sa kusina. Nandoon kasi ang medicine box kung saan naroon ang lahat ng mga gamot para sa pangunang lunas kapag may hindi inaasahang insidente sa bahay niya.

Nasa kalagitnaan pa lamang siya ng hagdanan nang matigilan na naman siya sa paglakad nang maamoy ang masarap na amoy ng sinangag at ingay ng kinakalansing na kagamitan sa kusina. Napangiti siya. Siguro dito na natulog ang kaibigan niyang si Marivic kagabi at maaga itong nagising para ipaghanda siya ng agahan.

Napailing siya habang nakangiti. How lucky he is for having a good and caring friend like Marivic. Hindi lang kasi kaibigan ang turingan nila kundi parang kapatid na rin kaya't may malasakit sila sa isa't isa. And like what she'd doing right now ay isa sa mga maraming dahilan kung bakit hindi niya kayang ipagpalit sa iba ang kaibigan niya. Marivic is one of a kind na minsan mo lang makikita't mahahanap sa mundo. At tiyak niyang maswerte ang lalaking makakatuluyan nito 'pag nagkataon. And he was hoping na sana makatagpo ng matinong lalaki ang kaibigan niya ng sa gano'n ay hindi ito masasaktan.

Teka, ano ba itong pinag-iisip niya at pati lovelife ng kaibigan niya ay pinakikialaman niya? Iwinaksi niya sa kanyang ulo ang naisip at napabuntong hininga na lamang na itinuloy ang pagbaba niya ng hagdanan at tinungo ang kusina nang kumunot ang noo niya nang masilayan ang taong nasa kusina niya. At kailan pa naging ganito ka slim ang kaibigan niya?

Huminto siya sa pintuan habang nakamasid sa babaeng naghahalo ng sinangag sa kawali. She was wearing a sleeveless, an above the knee fitted dress. Dilaw ang kulay niyon na nagpadagdag sa kaputian nito. Exposed ang mahahaba, makinis at maputing binti nito sa suot nito na tila pinagkaitan ng tela ang manufacturing company na nagtahi niyon. At ang seksing balikat nito na exposed rin dahil maayos na nakatali ang mahaba't bagsak na buhok nito sa likuran ay siyang napalunok sa kanya. She look so sexy and he felt something...uncalled feelings inside him because of that unconscious sexy woman in front of him.

Lalo na nang naramdaman nito na may nagamamasid rito kaya pumihit ito paharap sa kanya.

And great! 'Cause he find out that the woman inside of his kitchen was not other than the woman who returned his lost wallet and the same woman who came here yesterday at pinilit siyang maging P.A nito! At anong ginagawa nito sa pamamahay niya?

Love Shot by CatchMe (Complete)Where stories live. Discover now