Chapter 1

4.5K 64 1
                                    

LOVE SHOT

By: CatchMe

"Ang sabi sa kanta ni Enrique Iglesias, Could I have this kiss forever? Ayoko ng kiss lang. Ang gusto ko you'll be mine forever."

CHAPTER ONE

NAPATILI nang malakas si Neszie nang bumaba mula sa stage ang hinahangaan niyang member ng sikat na boy group na Takeoff na si Jz. Ang nag-iisang lalaking laman ng puso niya simula ng makilala niya ang naturang boy group may walong taon na ang nakalipas.

Ang Takeoff na ang kanyang inspirasyon noong nag-aaral pa siya. At magpahanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya ang inspirasyon na iyon. Hindi langdahil sa ito ang kanyang mga iniidolo, kundi dahil si Jzang nagpatibok sa kanyang puso. Ito naman talaga ang dahilan kung bakit siya nahuhumaling sa grupo. Dahil unang kita pa lamang niya kay Jz noon ay napahanga na siya sa galing at husay nito sa pagkanta. Kung noon ay humanga lamang siya ngayon naman ay umiibig na siya sa binata.

Paano kasi eh, hindi niya napigilang tumibok noonang mura niyang puso sa hinahangaang singer. At hindi na niya namalayan na hindi na pala simpleng paghanga lang ang nararamdaman niya sa binata. Kundi tunay na pag-ibig na ang nararamdaman niya.

'Yung tipong nasisilayan lang niya ito sa television ay masaya na siya. Na hindi kumpleto ang araw niya kapag 'di niya ito nasisilayan. At hindi yata siya mabubuhay kung hindi ito ang makakatuluyan niya.

Kaya gumagawa siya ng paraan para makalapit kay Jz. Kahit saang lupalop man ang show ng mga ito ay sinusundan niya para lang mapansin siya nito at makilalasiya. Ngunit sa kasamaang palad ay ni minsan hindi man lang niya nakadaum-palad ang binata dahil sa higpit ng mga security ng mga ito lagi. Dagdag pa ang pagsiksikan ng mga tao karamihan na ang mga babae na may kanya-kanyang bet sa grupo.

At ngayon, sa hindi na niya mabilang na show ng Takeoff na napuntahan at nasundan ay pakiramdam niya,ito na ang pagkakataon na makadaum-palad niya ang binata. Lalo na nang magtama kanina ang paningin nila at bumaba nga ito sa stage habang kinakanta ang paborito niyang kanta ng mga ito na 'Ulap'. At ang nagpapatili sa kanya ng bonggang bongga dahil sasobrang saya at kilig na nararamdaman niya ay dahil sa direksyon niya papunta ang binatang pinapangarap niyang makakasama habang buhay. Ambisyosa na kung ambisyosa, pero iyon talaga ang pangarap niya. Angmakakatuluyan niya ang binata.

"Oh, diz iz it! Diz iz it!" napatili siya muli ng ilang hakbang na lamang ang layo ng binata sa kanya. Neszie, ito na! ito na ang sagot sa pangarap mo na mahawakan mo na ang taong hinahangaan mo. Ito na, ito na, ito na talaga! Yahoo!, kinikilig na tili niya sa sarili nang tuluyang makalapit si Jz. At tulad ng kanyang inaasahan ay sa kanya nga ito pumunta at kinuha ang kamay niya. Hindi tuloy niya napigilang mapahawak sa puso dahil sa panginginig ng kamay niya ng maramdaman ang sobrang lambot ng kamay ng binatang singer.

And damn! Hihimatayin pa yata siya nang ngumiti at akbayan siya ng binata. Dagdag pa nang tila pagtatambulan ng mga iba't ibang klase ng instrumento sa puso niya na hindi niya maipaliwanag kung saan nanggaling ang mga iyon. Ang tuhod niya ay nanlalambot at tila babagsak siya sa lupa kaya't bago pa iyon mangyari ay yumakap siya sa binatang singer para hindi siya matumba. Aba, pagkakataon na kaya niya iyon para mayakap at madama ang matigas na abs ng binata, kaya pinatay na niya ang kanyang hiya.

At napasinghap siya ng maamoy niya ang halimuyak ng pabango nito na kay sarap sa kanyang ilong dahilan para mapapikit siya at humigpit lalo ang kanyang pagkakayakap dito. Kung 'pwede lang na huwag na niya itong pakawalan pa ay gagawin niya para lang huwag siyang mapahiwalay mula sa mainit at mabangong katawan ng binata. Pero bigla na lamang may bumato sa kanya kaya napamulat siya ng kanyang mga mata. Para lang malaman na binabangungot na naman pala siya!

"Neszie, bumangon ka na nga riyan? Tanghali na ano, wala ka bang planong pumasok sa trabaho mo?"Malakas na yugyog ng kapatid niyang si Ruzielle matapos siya nitong batuhin ng unan sa kanyang katawan.

Love Shot by CatchMe (Complete)Onde histórias criam vida. Descubra agora