Chapter 25

2.2K 41 2
                                    

Love Shot

By: CatchMe

CHAPTER 25

KANINA pa tahimik si Neszie sa loob ng kotse ni Jz. Inihatid kasi siya nito sa bahay ng ama niya kung saan na sila na nakatira ng ate Ruzielle niya.

Hanggang ngayon ay pakiramdam niya wala pa rin siya sa sarili dahil sa natuklasan niya.

As usual, para na namang isang eksena sa pelikula ang nangyari kanina. Mula sa drama papunta sa romatikong eksena.

At syempre kung papipiliin siya sa dalawa, sa romatikong eksena siya.

Dahil iyon naman talaga ang kasagutan sa matagal na niyang kahilingan. At ang malamang minamahal pala siya ng lalaking mahal na mahal niya ay malaking sorpresa sa kanya.

Ni hindi na niya namalayan na nasa harap na pala sila ng malaking bahay nila. Tahimik nang nakaparada ang kotse ng binata at tanging buntong hininga nito ang naririnig nila.

"Neszie..."

Naramdaman niya ang mainit at malambot nitong mga palad na humawak sa kamay niya. Napatitig siya roon. At halos ayaw pa rin niyang maniwala na hawak nito ang kamay niya. Ang kamay ng taong pinakamamahal niya.

"Neszie, please talk to me."

Sabi nito na pinisil ang kamay niya. Gusto niyang tumili pero hindi niya nagawa. Bagkus ay nakatitig pa rin siya roon.

"Neszie, wala ka bang sasabihin sa akin tungkol sa nalaman mong nararamdaman ko sa'yo? I'm sorry kung doon mo na nalaman. I mean... sa hindi tamang panahon mo nalaman ang tunay kong nararamdaman sa'yo. Pero...aaminin ko naman talaga sana iyon sa'yo at naghahanap lang ako ng tamang panahon. In fact, gusto ko nga sana na i-invite ka for a special dinner on my birthday saka na ako aaminin sa'yo ng nararamdaman ko. But I ruined it kanina. And I don't know what to do right now. Kung anong tingin mo sa akin dahil binigla kita. Neszie, please...kausapin mo naman ako, uh. Galit ka ba sa akin?" mahabang wika nito na napatitig lamang siya.

Hindi niya alam ang sasabihin niya dahil mas lalo siyang na-shock sa inamin nito kaya umiling na lamang siya sa binata na halata sa mukha ang pagkalito at kaba.

Narinig niya ang marahas na pagbuga nito ng hangin at pagsuklay nito sa buhok nito.

Lihim siyang napangiti how sexy he was when he combed his own hair using his long sexy fingers.

Iniisp ba nito na galit siya?

Hmmm...

Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya sa mga oras na iyon dahil sa nalaman niya ay tiyak niyang magliliwanag ang gwapong mukha ng binata.

"J-jz...Jz...you surprised me really."

Sabi niya nang mapatingin sa kanya ang binata.

And this time dalawang kamay na nito ang humahawak sa kamay niya habang ang mukha nito ay naghihintay pa sa mga sasabihin niya.

"At hindi ko alam ang sasabihin ko sa'yo."

"G-galit ka ba sa akin?"

Umiling siya. "Why should I? Tulad nang nasabi ko, nasurpresa lang ako sa nalaman ko kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. At ang tanging alam ko lang sa ngayon ay..." napakagat labi siya na tila ba nahihiya pa sa sasabihin niya.

"What? Hmm?"

"N-na...masaya ako." Yumuko siya ng kanyang ulo nang muli iyong itaas ng binata.

"You mean?"

"Ang ibig kong sabihin masaya ako na m-mahal mo ako. D-dahil....ahm..." hindi na naman niya naituloy ang sasabihin dahil bumangon na naman ang hiya niya sa katawan.

Love Shot by CatchMe (Complete)Where stories live. Discover now