Chapter 19

1.6K 46 2
                                    

Love Shot

By: CatchMe

CHAPTER 19

KANINA pa nagkakandahaba ang leeg ni Jz sa kakahanap kay Neszie pero hindi pa rin niya ito nakita. Kakatapos lang nilang kumain at sandali lang naman itong nagpaalam sa kanya na sandali lang itong magbabanyo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumalik sa table na inuukupa nito at ng kaibigan nitong si Jhoana na personal assistant din ng kaibigan at group mate niyang si Raffy.

Mayamaya lang ay ipapakilala na ang taong nagsponsor sa kanila sa bago nilang album kaya hindi siya makaalis sa kanilang table para hanapin si Neszie.

Nababahala pa naman siya dahil nandito rin ang dating nobya niya na si Manilyn at ewan niya kung bakit paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang sinabi ng dating nobya.

Pagsisihan mo ito Jz and she will pay for this!

Mga katagang huling narinig niya mula sa labi ng dating nobya bago sila naghiwalay. Akala nga niya ay tanggap na nito na wala na sila dahil hindi na ito nagpakita sa kanya simula ng gabing naghiwalay sila ng landas pero ngayon ay nagulat na lamang siya nang makitang nandito sa party nila ang dating nobya.

At natatakot siya sa maari nitong gawin kay Nezsie na walang kaalam-alam sa pagbabanta ng dati niyang nobya.

...and she will pay for this! ...and she will pay for this!

Napabuga siya ng hangin at muling inikot ang paningin sa paligid pero hindi pa rin niya makita si Neszie. Hanggang sa magsimula na muling magsalita ang talent manager nilang si sir James sa microphone para ipakilala ang taong nakilala lamang nila sa pangalang Mr. A. na siyang nagsponsor sa kanila sa kanilang bagong album.

Neszie, where are you?

"Ladies and gentlemen, maraming maraming salamat po sa lahat ng dumalo sa promotional party ng bagong album ng Takeoff. Ang 'Love Shot' na binubuo ng walong kanta na ang Takeoff mismo ang nagcomposed at kumanta. Mabibili niyo na po sa mga suki niyong tindahan. So, please grab your copy." Si sir James na masayang ipinopromote ang bagong album ng Takeoff entitled 'Love Shot'.

"And also,ipinagmamalaki ko rin na ipakilala ang taong nasa likod ng lahat ng ito. Ang taong buong pusong nagbigay ng kanyang tiwala sa aking mga alaga para maging tagumpay at muling maabot ang kanilang mga pangarap na muling makapagrelease ng panibagong album. At sa tulong ng taong nakilala natin na si Mr. A., ay taus-puso akong nagpapasalamat sa lahat ng tulong niya at tulad ng nasabi ko na...ipinagmamalaki ko siyang ipakilala sa inyo ng personal. Ladies and gentlemen, my boys, Takeoff, friends and relatives, meet the man behind all of these, Mr. Nestor Alday a.k.a Mr. A.!"

Masayang ipinakilala ng kanilang talent manager ang kanilang mabait na sponsor sa kanilang panibagong album na 'Love Shot'.

Masayang nagsitayuan ang lahat at malakas na nagpalakpakan sa may edad ng lalaki na umakyat sa hindi kalakihang stage. Sinalubong ito ng kanilang talent manager at inalalayang makaayat bagobinigyan ng microphone.

Nang tumigil ang palakpakan ay nakangiting itinaas ni Mr. A. ang kamay nito na kumaway sa kanila na naroon sa party na iyon na siya naman muling pinalakpakan ng mga besitang dumalo. Kabilang na silang mga 'myembro ng Takeoff.

Nang muling tumigil sa pagpalakpakan ang lahat at tumahimik ang paligid ay nagsimula nang magsalita si Mr. A.

Lumingon si Jz sa table nina Neszie pero wala pa rin ang dalaga kaya napilitan na siyang magtanong kay Jhoana kung nasaan si Neszie.

"Hindi ko nga rin makita eh, baka nasa C.R pa rin? Kasi nagpaalam lang siya kanina na pupunta sa C.R."

"'Pwede bang puntahan mo na lang siya sa C.R, Jho? Baka sumama ang pakiramdam niya na hindi lang natin alam kaya hindi pa siya nakabalik dito sa table niyo." pakiusap niya sa dalaga.

Love Shot by CatchMe (Complete)Where stories live. Discover now