Broken Marriage

By Dhummy

133K 3.4K 1.3K

Should I give up? or should I just keep chasing pavements? More

Prologue
Broken #01
Broken #02
Broken 03
Broken 04
Broken 05
Broken 6
Broken 7
Broken 8
Broken 9
Broken 9.5
Broken 10
Broken 11
Broken 12
Broken 13
Broken 14 Part 1
Broken 14 Part 2
Broken 15
Broken 16
Broken 17
Broken 18: A day before christmas eve
Broken 19: An afternoon with him

Broken 20: Family Dinner

2.8K 102 96
By Dhummy

I can't believe that after 2 years nakapasok ulit ako dito, I did not even wished to be here pero heto ako, nakaupo sa loob habang papunta kami sa restaurant.

Tumingin tingin ako sa paligid and think na I can't even imagine myself being inside here again after all we went through, after all those heartaches and pain I suffered.

"So..." napatingin ako sakanya nung nagsalita siya. Nakapolo nalang siya ngayon since tinaggal niya tuxedo niya. Napansin siguro niyang nakatingin ako sakanya kaya napatingin siya sakin, then he smiled. 

He's enjoying this.

"Kumusta kana?" tanong niya sakin habang pabalik balik ang tingin niya sa daanan at sakin. Tumingin nalang din ako sa daanan and think, if he's enjoying this then dapat ipakita ko ring I'm not affected.

"I'm doing great" maikli kong sagot habang nakangiti pero nakatingin pa rin sa harapan. 

"Good to know" sabi lang niya at katahimikan na.

I'm a big fan of silence at mga ganitong moment naaapreciate ko talaga. Okay na ako sa ganitong katahimikan na para bang wala akong kasama, sanay naman ako.

I guess it was 10 minutes of silence bago siya nagsalita ulit at nagulat ako sa tinanong niya.

"Why did you leave?"

Napatitig ako sakanya pagkatapos niyang tanongin yan, ano raw?

Bakti raw ako umalis? teka, bakit ako?

Napansin niya sigurong naguluhan ako kasi bigla siyang nagfake laugh.

"I mean bakit mo iniwan ang bahay na walang nakatira?" he paraphrased and I scoffed. Nagulat ako kasi ganon bigla ang reaction ko but still, I answered him.

"I have my reason, you also have your reasons. Nagtanong ba ako?" I really sound bitter pagkasabi ko pero bahala na. Nakita kong nawala yung ngiti niya habang nagdra-drive siya and frown.

"Ang bitter mo naman, parang wala tayong pinagsamahan" biro niya habang nakangiti. Hindi ko nalang pinansin, mali talagang sumama ako eh.

"Hindi pa ngumingiti oh, magpapasko pa naman" nakangiti niyang pangaasar pero hindi ko pa rin pinansin. Bakit kaya ang tagal ng byahe?

Huminto na siya sa kakaasar at nagfocus nalang sa pagdra-drive. Ako naman mas pinili ko nalang manuod ng videos sa facebook, para naman sabihing busy ako.

Nakikita kong tumitingin siya paminsan-minsan sakin pero hindi ko nalang talaga pinapansin. 

"Mahihilo ka nyan sa kakacellphone mo" rinig kong sabi niya sakin

"Ang tagal ba naman kasi ng byahe" reklamo ko pero totoo naman, ang tagal talaga.

"Malapit na tayo, bakit mainipin kana ngayon?" kasi ikaw kasama ko.

Gusto ko sanang isagot pero pasko naman ngayon. Tsaka ayaw ko nang maging bitter pakingan, ang pangit naman non. Baka isipin niyang naghahabol pa rin ako o nagaantay ako na balikan nya 'ko.

"Gutom na kasi ako" pagrarason ko nalang at gusto kong irapan sarili ko.

"Malapit na rin naman tayo, kaya mo pa ba? baka gusto mong dumaan muna tayo sa bulaloan?" tanong niya at nakatitig lang ako sakanya with disbelief. Hindi dahil sa kakain ng bulalo pero-- seryoso ba siya?

Hindi ko alam kung matatawa ba ako pero natawa na ako, nakita ko namang ngumiti siya.

"Joke lang, ganda ganda mo ngayon. Ang ganda pa ng suot tapos kakain lang ng bulalo" pangbobola niya sakin pero sinabayan ko nalang.

"Haba ng takong ko tapos sa bulaloan mo lang ako dadalhin" sabi ko at ang lakas ng tawa niya. Hindi ko alam pero napapangiti ako sa sitwasyon namin ngayon.

"Naalala mo ba nung 3rd year valentines day nung naka formal attire tayo para kumain sa labas pero fully book kaya sa lomihan nalang tayo kumain?" nakangiti niyang tanong sakin habang nakatingin sa daanan. Napangiti nalang ako sa naalala ko.

"Bakit ko makakalimutan eh naputol takong ko kakahanap ng pwede makainan nun?" sabi ko nalang at natawa nanaman siya kaya napatawa nalang din ako.

"Good old days talaga. Ang ba-bata pa natin noon" sabi niya habang nakangiti kaya napangiti nalang ako. Oo nga, ang ba-bata pa namin.

Mga ilang minutong lumipas at huminto na kami sa parking lot ng building. Kinuha ko naman salamin ko para echeck kung okay paba make up ko at nagayos nalang din konti ng buhok.

Nakita ko ding nasuot na ni Isaac yung tuxedo niya at nagmamadaling lumabas. Bubuksan ko na sana yung pinto pero pinagbuksan na niya ako. Nahihiya pa akong lumabas kasi may tumitingin pero bahala na.

"Pinagbuksan mo pa talaga ako ulit ano?" sabi ko nalang and he just chuckled. 

Pagkalabas ko nakita ko sina Jillian na nagaantay sa gilid, pagkakita niya sakin ngumiti siya at binaba phone niya. Lumapit siya agad saamin, akala ko makikisabay siya sakin pumasok pero hindi pala, hinarap niya kapatid niya.

"Bakit ang tagal niyo? kanina pa kami nagaantay, hindi kapa sumasagot sa tawag ko. Ang lapit lapit lang naman-" 

"Ewan ko sayo, tara na nga"

Nakatitig lang ako kay Isaac habang siya nagmamadaling pumasok sa building.

That guy

Arg! umiikot-ikot lang siguro kami kaya parang ang tagal ng byahe! sana talaga tinignan ko yung mga dinadaanan namin para ma confirm ko.

"Yung lalaking yun talaga, gutom kana ba?" ringi kong tanong ko Jillian sakin kaya nabaling atensyon ko sakanya.

"Okay pa naman, kaya pa" sabi ko nalang habang naglalakad kami papasok ng building. Napatingin ako sa loob at ang ganda ng decorations nila, ang elegante. Naabutan namin si Isaac na nag-aantay sa elevator.

"Ang gara naman dito Jillian" hindi ko mapigilang sabihin habang nalulula pa rin.

"Wait kalang may mas maganda pa diyan" sabi niya at nakita kong nag scoff si Isaac kaya sinamaan siya ng tingin ng kapatid niya.

"Ikaw kasi, bakit hindi mo siya dinadala sa mga ganito?"

"I tried, many times. Pero ayaw niya"

Tumingin naman sakin si Jillian at ako naman yung kinausap.

"Dapat sa susunod pumayag ka" sabi niya at natawa nalang ako.

Nakapasok na kami sa elevator at ang tahimik lang. Busy din kami ni Jillian mag ayos ng damit kasi may mirror yung elevator.

"Ganda niya 'nu?" sabi ni Jillian sabay siko kay Isaac, hindi ko alam kung mahihiya ba ako or matatawa sa ginawa niya. Nakita kong namula tenga ni Isaac pero hindi nagsalita. Nung nagopen na yung elevator naglakad kami sa carpet na sahig. Kinausap ni Jillian yung front desk tapos tumango. Pumasok na kami kaagad sa restaurant at unang tingin ko palang napahinto na ako.

Ang ganda lang. Nakikita ko yung city lights kahit madaming building, tapos may parang mag outdoor tables doon sa may veranda na ang ganda tignan.


"Let's go?" tanong ni Isaac sakin at kaagad naman ako naglakad, humabol pa kay Jillian kasi naiwanan ako.

"Ayon sina mommy" sabi ni Jillian sakin habang tinuturo turo pa niya kung saang pwesto. Nakita naman nila kami agad at kumaway-kaway si tita.

Habang papalapit kami napapansin ko kaagad yung mga kamag-anak nila. Habang papalapit unti-unti naman akong kinakabahan at nahihiya, family dinner talaga 'to. Bakit ba kasi ako pumayag na sumama?

Pagkalapit namin sa table hindi ko alam kung paano ko sila batiin, dapat ko bang batiin?

Dahil nalilito ako sa gagawin ko napagdesisyonan ko nalang lumapit kina tita Marie at tito Roby at nakipagbeso. Pagkatapos kong makigbeso napatingin ako sa isang pinsan nila na nakaupo at nakatitig sakin. I offer a smile at ngumiti lang din siya.

"Tabi na kayo ni Isaac ihja ah? yan nalang kasi natirang upuan" sabi ni tita Marie at ngumiti.

"Okay lang po, walang problema" I said with an assurance smile kahit na hindi.

"Before we ask for the menu..." rinig kong sabi ni tita Marie, uupo na sana ako kung hindi lang ako nabanggit para ipakilala.

"Ihja, Sarah, this is Richard my younger brother. Lindsy, his wife. And his sons Christopher and Daniel" pagpapakilala ni tita Marie sakin at kahit nahihiya ako lumapit nalang ako kina tito Richard at tita Lindsy para makigbeso.

"We heard so much about you ihja" nakangiting tugon ni tita Lindsy sakin pagkatapos ko sakanya makigbeso.

"Ganon po ba?-- ay sorry, nakakaintindi po ba kayo ng tagalog?" sabi ko nalang at natawa nalang sila. Ano ba naman 'to, mukha kasing mga foreigner.

"Of course, nakakaintindi kami" sabi ni tito Richard habang nakangiti. Nung nakaharap na ako sa anak nila naguluhan ako, makikipagbeso ba ako?

Nakita kong tumayo sila kaya nakigbesos nalang ako. Hindi talaga ako sanay sa mga paganito.

Hindi ako umimik sa mga anak nila pero ngumiti ako. Okay na siguro yun, hindi na rin naman nila ako makikita pa ulit.

"I know gutom na kayo, so..." hindi ko na narinig si tito Roby kasi kinilabit ako ni Josh. Napatingin ako sakanya na nakaupo sa left side ko at behave na behave. Dahil siguro madaming tao at may tao sa table na hindi niya kilala.

"Ano yun baby?" tanong ko

"Your dress is damage" sabi niya at tinuro niya yung slit kaya tumawa nalang ako, napansin nina Jillian kaya sila na nagexplain. Napatingin ako sakanila na nagoorder na kaya napatingin ako sa menu. 

Pagkatingin ko sa menu, wala akong masyadong alam kaya doon nalang ako sa may word na beef. Napatingin ako sa waiter na nasa gilid ko tapos ngumiti ako.

"Grilled butchers choice beef with sautéed potatoes and black pepper sauce, medium po sana please" sabi ko nalang habang nakangiti.

"Okay ma'am, is that all?"

Nataranta naman ako, dapat bang may side dish 'to?

"That's all" rinig kong sabi ni Isaac sa waiter na nasa gilid ko tapos tumango yung waiter then umalis.

"Kailangan ko ng tubig, hindi ko alam na ganito pala kakaba magorder" hindi ko mapigilang sabihan si Isaac kaya natawa siya ng konti. Nagutos naman siya ng waiter na salinan ako ng tubig.

Pagkatapos kong uminum napatingin ako sa view sa labas, ang ganda lang. Nakatitig lang talaga ako doon habang napapakinggan ko yung jazz music na pinapatugtog ng band.

"So Sarah, what you do for a living?" I snapped with my thoughts ng narinig kong tinanong ako ni Daniel. Napansin niya sigurong nasa stance ako kaya ngumiti siya tapos inulit yung tanong.

"Ah, I am a finance employee sa isang company" I said with a smile tapos ngumiti siya.

"I am, too, a graduate of finance" sabi niya then he sip his wine. Tamango-tango lang ako.

"You're intimidating her, loko ka" sabi ni Jillian tapos tumawa nalang siya kaya tumawa nalang din ako ng konti.

Magce-cellphone nalang sana ako pero tinanong ako ulit.

"Tahimik ka talaga?" curious na tanong ni Daniel na nakatingin sakin.

"Kapag gutom" biro kong sagot at nagtawanan naman sila. Nakita ko si Isaac na nakangiti, nakita ko ding napahinto sa paguusap sina Christopher at Michael kasi nagtawanan kami.

"Bakit? anong meron?" nakikiisyosong tanong ni Christopher tapos nagasaran na sila. Ako? balik sa pagiging tahimik.

Ilang minuto lumipas dumating na yung pagkain, hindi naman ako nagsisi sa inorder ko kasi mukhang masarap. Napatingin ako sa order nila pero hindi ko kilala kaya tinuonan ko nalang ng pansin yung sakin.

I took a bite tapos gusto ko nang maiyak, ngayon lang ako nakatikim ng ganito kasarap na steak. 

"Masarap ba?" rinig kong tanong ni Isaac sakin sa gilid tapos ngumiti akong parang naluluha pa.

"Bakit? hindi ba masarap yung inorder mo?" tanong ko sakanya pabalik at napatingin sa plato niya.

"Masarap, ofcourse it's their best seller, this is called Traditional Puff Pastry Stuffed with chicken and foie gras" sabi niya tapos napatango tango ako pero itatanong ko ba?

"Mabubusog kaba niyan? kasi parang ang konti lang" sabi ko at natawa lang si Isaac.

"Who knows" sabi niya sabay ngiti sakin kaya kumain nalang ako ulit.

Pagkatapos ng kainan at kwentuhan, pinaorder kami ng desert pero humindi ako. Ilang minuto nakita kong nakangiting nagchange place si Jillian kay Josh at nagsign na may ibubulong siya. 

"Girl, gusto mo uminom?" rinig kong sabi ni Jillian sakin at napatingin ako sakanya.

"Sa club?" paglilinaw ko pero mahina yung boses.

"Hindi, dito. Doon tayo sa patio nila oh" napatingin ako sa labas na tinutukoy niya at automatic akong nag oo. Nandito na ako kaya dapat sulitin ang experience.

"Mom punta kami sa patio ah, ta-tagay" sabi ni Jillian habang hila hila pa yung dress niyang umikli kakaupo.

"Tagay talaga Jillian? sama ako" natatawang sabi ni Christopher at tumayo na din.

"Nako talaga, hindi pa nga tapos pero nagsisialisan na. Oh sige" reklamo ni tita Marie pero nakangiti naman kaya tumayo nalang din ako. Tumawag si tita Marie ng waiter at may sinabi siya na hindi ko narinig pero tumango-tango yung waiter pagkatapos umalis na 'to.

Nagsign si Jillian sakin na 'tara na' pagkatapos magsabi ni tita Marie na pwede na kaya naglakad na ako papunta sakanya, nasa gilid ako ni Christopher at nakinig sa pinaguusapan nila.

"May kulafu ba sila dito?" tanong ni Christopher at natawa kami.

"Baliw, tara doon sa gilid ng kalsada at magtagay nalang tayo ng kulafu. Siraulo ka talaga" natatawang sabi ni Jillian at nagtawanan nalang kami.

Nung nasa labas na kami, naramdaman ko kaagad yung hangin na malamig tapos nakikita ko pa yung city lights. Nakakahiya man sa umpisa ang pagsama dito pero worth it naman sa ganda ng view.

"Dito tayo sa gitna na parte" sabi niya at agad agad umupo doon. Sumunod nalang kami at umupo, may lumapit naman kaagad saamin na waiter at inofferan kami ng menu.

"Ikaw na mag order para sakin Jillian" sabi ko nalang tapos si Jillian kita kong ngumiti nanaman ng nakakaloko.

"May kulafu ba kayo dito?" natawa yung waiter sakanya at nagtawananan nalang kami. Nako talaga, paano nalang kung malasing 'to?

"Joke lang, um, one Rose Spritz and one Aperol Spritz. Ikaw Chris?" tanong ni Jillian

"Four, uh, San Miguel Pale Pilsen" sabi ni Christohper

"Uhaw na uhaw?" natatawang tanong ni Jillian

"Hindi, may sasali kasi" sabi niya kaya napatingin kami sa likoran namin at nakita namin sina Daniel, Michael at Isaac na papunta sa pwesto namin. 

Nung nakarating na sila sa pwesto namin, hindi ko na alam sino papakinggan ko kasi lahat may pinaguusapan.

"Ang presko dito" out of know where kong narinig kay Isaac pero hindi ko nalang binigyan ng pansin. Ano naman sasabihin ko?

"Saan ka magpapasko?" napatingin ako sakanya kung may kausap ba siya pero nakita ko siyang nakatingin saakin, so I assume na ako yung kinakausap niya.

"Secret" sabi ko lang tapos uminum ng inorder namin. Hindi siya matapang at para siyang may fruity flavor na hindi ko maintindihan.

"Sa bahay ba ng boyfriend mo?" naismid ako sa sinabi niya pero naalala ko na sinabi ko palang may boyfriend ako. Ayan kasi Sarah, nagsabi sabi tapos kakalimutan.

"Hindi noh. Sa apartment lang ako" sinabi ko nalang tapos kumuha ng tissue sa gilid at nilagyan yung spills ko. Bakit ba kasi napaka nerbyoso ko ngayon, hindi naman ako mahilig magkape.

Tumango lang siya then uminum na. Aaminin kong naghintay pa ako kung may itatanong pa ba siya pero wala na kaya nagenjoy nalang sa view. Napatingin ako doon malapit sa edge at parang gusto kong pumunta doon.

Tumayo ako at umalis. Hindi naman nila napansin kasi busy sila sa paguusap kaya dali-dali akong naglakad papunta doon. Pagkarating ko doon nalula nanaman ako,  ang ganda lang. Hindi ko 'to masyadong naexperience since ang mahal para sakin kumain sa mga ganito pero ngayon narealize ko na worth it din naman pala.

Tumingin ako sa ibaba at nakita ko yung mga sasakyan na dumadaan, pati yung mga tao na naglalakad lang. Tinignan ko ulit yung city lights at huminga ng malali, at pumikit.

Maybe hindi bad idea na nagkita kami ngayon, baka way 'to para makuha ko yung closure ko. Para maka fully move on na ako. sabi ko sa sarili ko at hindi ko mapigilang maluha.

Napabukas ako bigla ng mata ko nung naramdaman kong may pumunas ng luha sa gilid ng mata ko at napahinto din yung kamay niya at kaagad binawi.

"Sorry, I did not mean to-"

"Okay lang"

"You're crying, again"

Napatingin ako sakanya tapos natawa nalang at hinampas siya ng konti sa braso. Nakita kong ngumiti lang siya ng malungkot sakin kaya naluha nalang din ako ulit.

"Tears of joy lang 'to, baliw" sabi ko habang hindi nakatingin sakanya. Akala ko hindi nalang siya magsasalita kasi tumahimik na pero--

"You really never changed, you're still not a good liar" napatingin ako sakanya na naluluha then he offered his handkerchief which I accept it whole-heartedly.

"Ikaw din, you never leave me alone" biro kong sabi kay Daniel at nagtawanan kami. Ngumiti lang siya and said,

"It's good to see you again"

and I smile.


Author's Note:

Hello, sorry kung late upload. Been busy lately since balik klase na and I need to process my scholarship. 

I hope you enjoy this chapter as I enjoy writing this. Thank you for the support guys.

Continue Reading

You'll Also Like

99K 4.8K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
7.5M 209K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
9.4M 286K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...