Trapped by Arrangement

By anonsupergirl02

3.3M 43.3K 2.3K

||COMPLETED|| ||General Fiction. Humor. Romance|| |Highest Rank: #3 Romance #1 Humor| ||#1 CEO. #1 Marriage... More

Trapped by Arrangement
Chapter 1: She's back
Chapter 2: It's him!
Chapter 3: Brat meets Jerk
Chapter 4: Reason
Chapter 5: Best Friends
Chapter 6: Meeting his family
Chapter 7: Drama
Chapter 8: Engagement
Chapter 9: Preparations
Chapter 10: Bachelorette Party
Chapter 11: Wedding Sh*t
Chapter 12: Ex
Chapter 13: Visitor?
Author's Note: Changes
Chapter 14: Work
Chapter 15: Smile
Chapter 16: Jealous?
Chapter 17: Peace Offering
Chapter 18: Weekends
Chapter 19: His family
Chapter 20: Bonding
Chapter 21: Blue Roses
Chapter 22: Christmas
Chapter 23: New What?!
Chapter 24: Constellation
Chapter 25: Macarons
Chapter 26: The Flight
Chapter 27: Waiting
Chapter 28: Phone Call
Chapter 29: Jerk is back
Chapter 30: Jessica
Chapter 31: Superman is sick!
Chapter 32: La Vacances
Chapter 33: Vacation Starts
Chapter 34: Realization
Chapter 36: Twist
Chapter 37: Gone Mad
Chapter 38: Burden
Chapter 39: Intoxicated
Chapter 40: Divorce
Chapter 41: Threat
Chapter 42: Suffocate
Chapter 43: Another Twist
Chapter 44: Her Mom
Chapter 45: Darn This Heart
Chapter 46: Accident
Chapter 47: Compromise
Chapter 48: Adieu
Chapter 49: It Ends Here (Her POV)
Chapter 50: It Ends Here (His POV)
Epilogue
Bonus Chapter: Interview
Bonus Chapter 2: Interview + Travel
I have a question.
Update

Chapter 35: Chaos

46.4K 685 22
By anonsupergirl02

CHAPTER 35

Ilang araw na rin kami dito sa rest house pero para pa rin kaming may sari-sariling mga buhay. Itong si Patricia, naturingang bestfriend ko pero hindi ko mahagilap dahil sa pesteng love life niya na iyan. Eh di siya na masaya sa love life niya. Kaya eto ako, busy na nilalantakan ang mga chocolates sa isang tabi habang pinapanood silang dalawa na naglalandian sa tabi ng dagat. "Kayo na sweet." I said bitterly tsaka binuksan ang isang balot ng chocolates para kainin.

"Bitter, eh?" A voice said. Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses. Hindi na ako nagulat nang makita ko si David na nakangisi habang nakatingin din kila George at Pat.

"Of course not." Pagdedeny ko. Siguro nga bitter dahil naiinggit ako sa ka-sweetan nung dalawa.

Tumawa si David tsaka lumingon sa akin. "Let's stroll?" Pagyaya niya kaya pumayag naman ako. Kaysa naman tumunganga ako sa kawalan o panuorin 'yung dalawang naglalandian. Tsaka pakiramdam ko eh responsibilidad ko rin na samahan ang isang ito dahil ako ang nagsama sa kanya dito.

Naglakad lakad kami sa tabi ng dagat. Sobrang fresh ng hangin kaya feel na feel ko rin naman ang pagtama nito sa mukha ko. Nagsuot ako ng sunglasses dahil mainit at baka rin mapuwing ang mga mata ko dahil sa buhangin. Sabay kaming naglalakad. Walang nagsasalita sa amin hanggang siya na ang unang pumutol ng katahimikan namamagitan sa aming dalawa.

"What's your real relationship with him?" He said out of the blue. Dahilan kung bakit ako napatigil sa paglalakad. I faced him. Tumigil na rin siya sa paglalakad.

"What kind of question was that?" Tanong ko.

He looked at me and removed the sunglasses I was wearing. We're now having an eye to eye contact. Paraan niya siguro 'to para malaman kung magsasabi ba ako ng totoo o hindi. He's looking at me with a serious expression. Alam kong hinihintay niya rin ang sagot ko. Hindi ko mapigilan ang sarili na mapalunok dahil sa kaba. "H-he's obviously my husband now." Sagot ko na hindi makatingin ng diretso sa mga mata niya.

"Before your marriage." He quickly responded. Hindi ko alam kung anong kasinungalingan ang sasabihin ko. I wasn't prepared for this.

"He was my boyfriend." Confident kong sagot sa kanya.

"He's not." Mabilis niyang sagot sa akin kaya kumabog ang dibdib ko.

"You don't know anything."

"I know everything." Sagot niya kaya lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba.

"Then what do you know?" Hamon ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin. But instead, he focused his eyes in other direction. Nakatitig lang siya doon ng ilang segundo kaya naman na-curious ako at lumingon sa kung ano m'ang tinitignan niya. Darn it, wrong move. Sana hindi na lang pala ako lumingon.

"That." Pabulong niyang sabi habang nakatitig kay Orion at Jessica na magkayakap sa 'di kalayuan mula sa pwesto namin. Hindi na ako nakapagsalita pa. "It's impossible that he became your boyfriend because you just got back from France. I know it was also impossible that you met him abroad. He also mentioned in a magazine interview 4 weeks before your wedding that he's single. Now do you have any explanation for that?" Humarap na ulit siya sa akin tapos ay unti-unting inilapit ang mukha niya sa mukha ko. He looked at me straight into my eyes again. Sa tantya ko ay 3 inches na lang ang pagitan ng mga mukha namin sa isa't isa. "And he's obviously in love with his bestfriend." Ramdam na ramdam ko ang pagkirot sa puso ko dahil sa huli niyang sinabi. He's right, Orion is in love with Jessica. I can't lie anymore to David. He knew everything.

I smiled bitterly. "Yeah. You're right because it was a fixed marriage." I confessed. Nakita kong umangat ang tingin niya, tumaas din ang dalawang kilay niya. "Happy now, David?" Seryosong tanong ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa sinabi ko. "But I think I love him now." Halata sa reaksyon ng mukha niya ang pagkagulat dahil sa sinabi ko kaya inilayo niya ang mukha niya mula sa akin. Napahilamos siya sa mukha niya at tsaka nagpamewang.

"But he doesn't love you." Sabi niya kaya bigla na lang tumulo ang luha ko. I know he doesn't love me and he will never be. Sapul na sapul ako sa sinabi ni David. Hindi ko na talaga mapigilan ang luha ko. They keep falling from my eyes. "Sorry" He apologized then wiped off my tears using his bare hands.

"Tama ka naman eh. He doesn't love me and he will never be. Kasi alam ko namang siya lang ang gusto niya. I married him kasi akala ko hindi ako maiinlove sa kanya. But I was wrong, ang tanga ko lang. I must admit I was attracted to him kasi gwapo siya. Pero ayoko sa ugali niya kaya akala ko hindi ko siya magugustuhan. Pero iba pala siya, siya ang tipo ng lalaki na magugustuhan ng kahit na sinong babae." Hindi ko alam kung bakit ko sinabi ang lahat ng ito kay David-- sa ex ko. Pero komportable naman ako na sabihin sa kanya. Pakiramdam ko ay okay lang na sabihin ko sa kanya ang lahat.

Hinala ko si David papunta sa isang lugar kung saan walang tao. Hindi rin naman masyadong kalayuan sa rest house. Dinala ko siya dito para magkwento. Gusto ko ikwento ang lahat sa kanya. Umupo kami sa isang bench tapos ay sinimulan ko nang magkwento sa kanya. I told him about everything. Kung paano kami unang nagkakilala, na siya din pala ang ipapakilala sa akin ni daddy. Hanggang sa pesteng Engagement pati na rin ang rules-slash-contract na ginawa namin. Para nga akong tanga dahil umiiyak pa ako habang nagkukwento sa kanya. Sinabi ko rin sa kanya ang dahilan kung bakit hindi ko pwedeng mahalin si Orion. Infairness naman kay David, he listened to me and even tried to comfort me. Pagkatapos kong magkwento at umiyak na parang bata ay bumalik na rin agad kami sa rest house dahil lunch time na, tsaka siguradong hinahanap na nila kami.

Pagbalik namin ay si Patricia agad ang bumungad sa amin. "Hoy Janelle--" Bungad niya sa'min pero natigilan siya nang malapit na kami sa kanya "--teka umiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong niya sa akin pagkatapos ay binalingan niya ng tingin si David. "Hey David, what did you do to my bestfriend?!" Galit na tanong niya kay David.

"Relax. Wala siyang ginawa." I told her. Agad naman na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Patricia.

"What happened, are you okay?" Tanong niya sabay yakap sa akin.

"I'm fine. Nothing to worry about."

"What's going on here?" Narinig ko ang boses ni Orion. Pagtingin ko ay nandoon pala siya sa hagdan, pababa sa first floor. Bumitaw ako sa pagkakayakap ni Patricia sa'kin.

"Punta lang muna ako sa kwarto." Paalam ko kay Patricia. Lumapit si Orion sa'kin na nakakunot ang noo. "Did you cry?" Tanong niya pero iniwasan ko lang siya. Dumiretso lang ako papuntang third floor kung nasaan ang kwarto namin. Pumasok ako sa loob ng kwarto at parang walang buhay na umupo sa kama. Wala pa sigurong isang minuto ay bumukas ang pinto kasabay nito ang pagpasok ni Orion.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya. Ganun ba ka-obvious na umiyak ako? Lumapit pa siya at umupo sa tabi ko. Ipinihit niya ang katawan ko paharap sa kanya. "Tell me what happened to you? Did he hurt you?"

I smiled bitterly. "I'm good. He did nothing but comfort me" Prankang sagot ko. Kumunot lang ang noo niya sa sagot ko. "Leave me. Gusto ko'ng matulog." Sabi ko sa kanya pagkatapos ay humiga ako sa kama at ipinikit ko ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay sobrang napagod ako. Nakakaubos talaga ng energy ang pag-iyak.

Naramdaman ko na may bagay na nakapulupot sa bewang ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Madilim na sa kwarto pero may konting liwanag na nanggagaling sa labas dahil nakabukas ang sliding door sa may veranda. Napatingin ako sa sa gilid ko. I was surprised to see Orion beside me. Mahigpit ang yakap niya sa akin. He's sleeping.

I have no idea kung paano siya napunta sa tabi ko dahil ang alam ko lang ay pinaalis ko siya kanina. Mabilis akong nakatulog kanina dahil na rin siguro sa pagod ko. Maybe he really didn't leave me when I told him to. Naramdaman ko na naman ang puso ko. Pakiramdam ko ay tumatalon ito sa tuwa. Pero dapat ba akong matuwa? Sigurado ay naawa lang siya sa'kin kaya hindi niya ako iniwan. Imposible naman kasing kaya siya nandito ngayon ay dahil may nararamdaman siya para sa'kin. Kung meron man, awa siguro iyon and nothing else. Definitely not love. Gusto ko siyang yakapin pabalik pero may pumipigil sa akin. So instead of doing that, tinitigan ko na lang ang gwapo niyang mukha.

Bakit ba hindi ako nagsasawa sa mukha ng lalaking 'to? Ang pula ng pisngi at labi niya. I traced his face, from his nose down to his lips. Gusto kong halikan ang mga labi niya. Pero naputol din kaagad ang pagtitig ko sa mukha niya nang biglang tumunog ang cellphone niya. I know it was his phone dahil sa ringtone nito. Mabilis akong bumalik sa posisyon ko kanina at ipinikit ang mga mata.

Naramdaman ko ang pag galaw niya sa tabi ko pero hindi pa rin ini-aalis ang braso niya sa bewang ko. "Jessica?" He answered the phone call. Naramdaman ko rin na dahan dahan niyang inalis ang braso niya sa akin. Idinilat ko ng konti ang isang mata ko para tignan siya. Lumayo siya sa kama kung nasaan ako. Maybe he doesn't want to disturb my sleep. What he doesn't know is that I'm already awake and listening to him. Pagdating talaga kay Jessica ay handa niya akong iwan. Ganun niya ba talaga kamahal ang babaeng iyon?

"Sorry, Jess but I can't see you outside." Sabi niya, dahilan para tumalon sa tuwa ang puso ko. Does it mean na ayaw niya akong iwan? "Jess please..." Narinig kong sabi niya. Narinig ko rin ang paghinga niya ng malalim sabay sabi ng... "Ok. Meet me in 5 minutes." He hung up. Naramdaman ko na umupo siya ulit sa kama, patuloy lang ako sa pagpapanggap na tulog. I felt his hand on my head. Pagkatapos noon ay naramdaman ko ang pagtayo niya mula sa kama kasunod nito ay narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto. He left me.

He left me again because of her. I opened my eyes and tears fell down from it. Ramdam ko na naman ang pagkirot ng puso ko. Wala talaga akong laban kay Jessica pagdating kay Orion. Jessica will always be his first priority. Bumangon na lang ako tapos ay inayos ang sarili ko. Nakakaramdam na rin ako ng gutom. Hindi nga pala ako naglunch kanina. Tumingin ako sa orasan, alas siete na pala ng gabi. Ang haba pala ng naging tulog ko.

Bumaba ako sa first floor para pumunta sa kusina pero walang tao sa loob ng bahay maliban sa'kin. Hindi ko alam kung nasaan ba silang lahat. Wala rin pagkain na nakahanda. Hindi pa naman ako marunong magluto ng kahit na ano.

Lumabas ako sa kabilang parte ng bahay, doon sa may garden pero wrong way pala ako. Sana hindi ako dito pumunta dahil masasaktan na naman pala ako sa maaabutan ko. If I only knew that they were here, hindi ako pupunta dito.

Naabutan ko lang naman silang naghahalikan-- sino pa nga ba kundi si Orion at Jessica. Mabilis akong tumalikod para hindi ko na makita ang ginagawa nila pero laking gulat ko nang makita ko si David na nasa likod ko na pala kanina. "Are you alright?" Tanong niya kaya hindi ko na napigilan na hindi ma-iyak. I hugged him. Inalalayan niya naman ako papasok ng bahay para ma-ilayo sa hindi magandang tanawin sa garden.

Akala ko ay dadalhin niya lang ako sa loob ng bahay pero dirediretso lang siya hanggang sa lumabas kami gamit ang kabilang pintuan sa rest house. Ito ang papunta sa beach. Tumigil lang kami ng nasa harapan na kami ng dagat. Medyo malakas ang alon dahil malakas rin ang hangin. Tinanggal ko ang mga braso ko na nakapulupot sa kanya. He looked at me straight to my eyes. He wiped off the tears on my face. "Stop crying" He whispered. Pero imbis na tumigil ako ay lalo pa akong humagulgol. Ang sakit talaga eh. Hindi ko dapat 'to nararamdaman ngayon. Pero paano ba kasi pigilan ang puso? Now please teach me!

"Dave... do you still love me? Ikaw na lang kaya ulit ang mahalin ko?" Seryosong tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko pa naisip iyon, siguro nasasaktan lang talaga ako ngayon. "Tayo na kaya ulit? Can you help me forget him?" I asked him but he shook his head.

"I can't because I know you love him more than you loved me." He answered which really surprised me. Hindi ko alam kung paano niya nasabi ang bagay na iyon. "But he doesn't love me." I replied. Nakita ko ang pagngisi niya. The next thing I knew ay biglang humangin ng malakas at agad na pinasok ng buhangin ang mata ko. Oh shoot! Ang hapdi. Bakit ba ang malas malas ko yata sa araw na ito? Kung anu-anong hindi magandang tanawin ang nakikita ko, halos mamaga na ang mata ko dahil sa kaiiyak tapos ngayon naman napuwing pa ang mata ko.

"Ouch." Daing ko dahil ang hapdi ng puwing ko sa isang mata. Hindi ko rin ito maidilat ng ayos. Agad naman hinawakan ni David ang mukha ko tsaka sinubukang hipan ang mata ko pero hindi naman nawala ang sakit. Naka-ilang ihip pa siya hanggang sa tuluyan na nawala ang hapdi sa mata ko. I was about to thank him pero sa isang iglap ay nakita ko na lang siyang napatumba sa buhangin. Paglingon ko ay nakita ko si Orion na nakatayo sa harap niya na may matalim na tingin. Ibang-iba siya sa Orion na kilala ko. Lumuhod siya at lumapit kay David tsaka ito kinuwelyuhan.

"You stay away from wife!" Banta niya dito tsaka sinuntok sa mukha dahil kaya napasigaw ako. "ORION! STOP IT!" Pero hindi niya ako pinansin. Nakita ko ang pag ngiwi ni David dahil sa sakit. Dumudugo na rin ang labi niya.

Kahit nahihirapan siya ay nakuha niya pang tumayo ulit gumanti ng suntok kay Orion pero hindi naman ito nagpatinag at sinuntok ulit si David. "ORION, WHAT ARE YOU DOING?! STOP IT!" Humarang ako sa harapan niya pero tinulak niya lang ako, nilapitan niya si David para kweluyan ulit. "STAY AWAY FROM JANELLE OR I'LL KILL YOU!" Banta niya dito pero ngumisi lang si David kaya naman sinuntok ulit ito ni Orion.

I really don't know what to do. Simula pa lang nang magkita ang dalawang 'to sa park dati ay iba na talaga ang tensyon sa pagitan nila. I know they have bad blood with each other pero hindi ko naman alam na mapupunta sa ganito.

Hindi ko alam kung ilang beses ko tinawag ang pangalan ni George at Pat. I badly need their help. Hindi ko alam kung nasaan sila but I just really need them, especially George to stop these two giants! Buti na lang ay narinig nila ang tawag ko. Lumabas sila galing sa rest house. Nakita kong gulat ang reaksyon nila sa nakita. "George please stop Orion!" Pakiusap ko sa kanya pero kahit naman hindi ko sabihin ay nilapitan niya na agad ang dalawang nagsasapakan at inawat. Hinila niya si Orion palayo kaya naman tumakbo ako papunta kay David para hawakan naman siya sa braso. Pumutok na ang labi niya dahil sa suntok ni Orion sa kanya.

"Orion, what the hell are you doing?!" Sermon ni George sa kanya pero hindi siya sumagot. Hingal na hingal lang ito habang matalim ang titig kay David. Naglalabanan sila ng titig. Aaminin ko, ngayon ko lang talaga nakita si Orion na ganito kagalit. Akala mo kakain ng buhay na tao!

Nagpumiglas si Orion sa pagkakawak sa kanya ni George. Mabilis siyang naglakad papunta sa pwesto namin ni David. Akala ko ay susuntukin na naman niya ito pero bigla na lang niya akong hinila paalis kung nasaan kami. Halos kaladkarin niya 'ko papasok ng bahay hanggang papunta sa kwarto namin. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong treatment from him. Pero hindi ko naman maintindihan kung bakit siya nagkakaganito ngayon. Hindi ko alam kung anong problema niya.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto ay marahas niya akong binitawan kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong masigawan siya. "WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM, ORION?!" Galit na sigaw ko sa kanya.

His fists clenched. Humarap siya sa'kin at ngumisi. "You don't know my problem?" Tanong niya sa nakakatakot na tono kaya napaatras ako. He looks like a monster now. Ramdam ko na galit na galit siya. Napalunok ako dahil sa kaba. Paatras ako ng paatras habang palapit naman siya ng palapit sa'kin, hanggang sa... sh*t. Nasa pader na ako kaya wala na akong maatrasan pa. He stepped closer to me hanggang sa tuluyan niya na akong na-corner.

Inilagay niya ang dalawa niyang braso sa gilid ko kaya siguradong wala akong takas sa kanya. Pabilis ng pabilis ng tibok ng puso ko ng dahil sa kaba. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman... matakot ba o magalit?

"You are my problem." Sagot niya kaya lalong kumabog ang puso ko dahil sa takot. "Did you enjoy kissing your stupid ex?" He added. Kiss? Sa pagkakaalam ko hindi ako ang nakikipaghalikan dito sa ibang tao kundi siya.

"What did you say?!" Inis na tanong ko sa kanya. Mabilis niyang sinutok ang pader kaya napapikit ako dahil sa takot.

"I saw him kissing you. You enjoyed it right?" Sabi niya kaya mabilis pa kay flash na nasampal ko siya ng sobrang lakas. Napangiwi siya dahil sa pagsampal ko. Napahawak siya sa pisngi niya. Inalis din naman niya agad ang kamay niya at sinulyapan ito tapos ay ibinalik ang tingin sa'kin.

Matalim akong tumitig sa kanya. "Ako? Ako pa ngayon ang nakikipaghalikan sa iba ngayon? Pwede ba Orion 'wag mo kong pagbintangan sa mga bagay na ginagawa mo!" Galit na galit kong saad sa kanya.

The next thing I knew ay mabilis niyang sinunggaban ang labi ko. Marahas niya akong hinalikan. I tried to push him pero hindi ko kaya ang bigat ng katawan niya. Oo, gusto kong halikan ang labi niya but not this way! He's pushing himself to me at nasasaktan ako. Pinagsusuntok ko ang dibdib niya para pigilan siya sa paghalik sa'kin pero hindi pa rin siya tumigil. Tuluyan na 'kong nagbreakdown. I cried. Dahil dito ay huminto siya sa paghalik niya sa'kin. Nagbago na rin ang ekspresyon ng mukha niya, kung kanina ay sobrang talim ng titig niya na parang kakain ng buhay ngayon ay lumambot na ito dahil halatang nag-aalala na sa pag-iyak ko.

"I-i'm sorry." Sabi niya pero agad ko rin siyang sinagot ng isang malakas na sampal. I pushed him away from me. Lumayo ako sa kanya habang patuloy pa rin akong umiiyak. Naramdaman ko na lang ang bigla niyang pagyakap sa akin mula sa likod. "I'm sorry, Janelle. Forgive me." Bulong niya sa tenga ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin ko. Pero mahal ko naman siya eh, of course I will forgive him.

Hindi ako sumagot pero naramdaman ko na humigpit ang yakap niya sa akin. Posible ba na kaya siya nagkakaganito ngayon ay dahil nagseselos siya dahil mahal na rin ako?

******

Author's Note (Updated: 06/26/15):

Gumawa ako ng Instagram account ni Janelle at Orion. Follow niyo naman, napagtripan ko lang haha. Ilalagay ko sa external link yung kay Janelle, hanapin niyo na lang sa account niya yung kay Orion. Kung naka-mobile kayo, search niyo na lang:

gorgeousjanella17

oriontantoco26


Continue Reading

You'll Also Like

2M 83.8K 23
Naniniwala si Adonis Emilio sa usong phrase na "Walang Forever". Hindi dahil sa wala siyang ka - forever kundi dahil sa klase ng trabahong mayroon si...
208K 3.1K 17
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
1.2M 18K 40
Atashia's motto in life "Never leave debts unpaid" Iyon ang ginawa ni Atashia ng magpanggap siyang si Collin Rivera, the sole heir of the Rivera's I...
3.7M 52.4K 38
[Completed] Who am I? I'm not perfect but i'll do my best for you. PS: Don't judge a book by its title.