Somewhere Down The Road (Publ...

De asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... Mai multe

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 30

167K 3.6K 508
De asherinakenza


SDTR: Kabanata 30

Claire,

I'm scared to fall in love with you, baby. Pero ano pa nga bang magagawa ko kung sa simula pa lang ay hulog na hulog na ako sayo. Natatakot akong mas mahulog pa lalo sayo dahil alam kong ngayon pa nga lang ay hindi ko na maiahon ang sarili ko. Natatakot din akong mahulog ka sa mga bitag na ginawa ko para sayo lamang.

I am so damn happy nang sabihin mong h'wag kong pigilan ang nararamdaman ko para sayo. But what the fuck should I do? Ayokong maging pangalawa ka, dahil noon pa man para sa akin ay ikaw ang una at huli.

Huminga ako ng malalim, why do I have this feeling na parang ang bigat bigat ng puso ko? Yung literal na mabigat sa puso na parang familiar. Dapat ko na bang tigilan ang notebook na 'to? Nagiging emotional lang ako.

"Oh, come on! Hindi ka pa rin ba nagsasawa diyan?!" Bulyaw ni Jamille sa akin na ngayon ay panay ang nguya ng strawberry. Inirapan ko siya at isinara ang notebook na hawak hawak ko.

"At bakit ikaw? Hindi ka ba nagsasawa diyan sa strawberry, eh kung titignan natin mas matagal ka na sa akin dito sa Baguio." Sambit ko sa pinsan ko.

Si Jamille ay nag aaral sa Baguio kasama ang boyfriend niya, pero pinili na rin yata ng magulang niya na doon tumira para makasama siya. At saka isa pa, business partners ang parents namin.

"Hoy, nasa La Trinidad tayo, naliligaw ka nanaman." Panunuya niya sa akin.

"Alam ko naman yon noh. Fifteen minutes lang naman ang layo ng Baguio City dito sa La Trinidad Benguet kaya ang lakas ng loob mong dalawin ako dito araw araw." Natatawang sabi ko sa kanya, ngumiti na lamang ang pinsan ko at muling kumain ng strawberry. Pinag masdan ko ulit ang notebook na hawak ko at hindi ko alam pero kahit na natapos ko na itong basahin ay pinaulit ulit ko pa rin ito. Ang sabi ni Mama sa akin, four months ago ay dala dala ko daw ito nung papunta kami dito sa La Trinidad, pangalan ko nga ang nakasulat doon pero sa tingin ko ay kapareho ko lamang iyon ng pangalan. Nakalagay iyon sa isang plastik kasama ang isang gold na bracelet na dreamcatcher na suot ko ngayon at sa tingin ko ay bigay sa akin ni Dad, dahil madalas niya akong bilihan noon ng mga dreamcatchers things.

"Bukas na ang dating nila Jenica at Kuya Justine, pumunta tayong Baguio." Anyaya niya sa akin, noon pa niya kasi akong niyayaya na pumunta sa kanila doon sa Baguio pero madalas akong walang ganang mamasyal.

Mas gusto kong magtigil na lang dito sa La Trinidad at makasama sila Mama.

"Ano namang gagawin natin sa Baguio?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Mamasyal! Ano ka ba? Mag aapat na buwan ka na nga dito sa La Trinidad pero ni hindi ka manlang mag layas layas. Palagi ka nalang nasa farm ninyo, mabuti at hindi ka nangingitim." Pang aasar sa akin ni Jamille kaya kaagad ko siyang sinabunutan ng pabiro.

Oo, naging abala ako sa pagtulong sa mga farmer namin. Nakikita ko kasi si Mama at Dad na tumutulong din kaya naman parang gusto ko na rin na makatulong sa kanila.

"Sige na! Pumayag ka na!" Inalog alog na ako ni Jamille, niyakap ko ang notebook na hawak ko at ngumuso.

"Oo na! Sige na!" Natatawang sigaw ko sa kanya at halos sambahin na niya ako dahil sa himalang pag payag ko sa kagustuhan niya. Umiling iling na lamang ako.

"Uminom ka na ba ng gamot mo?" Utas ni Mama nang matapos na kaming kumain, tumango ako bilang sagot sa kanya.

"Wala ka naman bang nararamdamang masakit? Yung ulo mo? Hindi ka ba nahihilo?" Sunod sunod na tanong ni Mama, ngumisi ako at umiling.

"Ma, I'm fine." Natatawang sagot ko, ganyan silang dalawa ni Dad magmula nang makalabas ako ng hospital. Anila ay naaksidente daw kami noong patungo kaming La Trinidad Benguet, isang truck ang bumangga sa amin at himala na nga daw na walang nasawi sa aming tatlo nila Dad. Nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi kami pinabayaan ng Diyos.

"Magdala ka ng gamot mo, ilang araw ka ba kela Jamille?" Ani Dad, tumango ako. "Hindi ko pa po alam, pero kung sisipagin pa akong mag gala kasama sila Jenica, baka matagalan ho ako sa Baguio. Pero Ma, Dad, kinse minutos lang naman ang biyahe magmula dito papunta dun." Humahagikhik na sambit ko sa kanila.

Pero hindi pa rin kumbinsido sila Dad sa kagustuhan namin ni Jamille, pinilit nalang namin sila, at laking pasasalamat naming mag pinsan dahil pumayag sila Dad. Yun nga lang ay gusto nilang tawagan ko sila every three hours para alam daw nila ang nangyayari sa akin.

"Humahaba na ulit ang buhok mo." Ani Mama, ngumiti ako at hinaplos ang buhok kong hanggang balikat na ulit. Naalala ko kasi noong magising ako sa ospital mula sa isang buwang pagkaka-coma ay mukha akong tomboy dahil sa ikli ng buhok ko. Inoperahan daw kasi ako sa ulo kaya kinailangang gupitin ang mahaba kong buhok.

"Kaya nga Ma, paano po? Mauna na kami ni Jam?" Paalam ko sa kanila, tumango sila Mama at Dad saka hinalikan ako sa pisngi at niyakap.

"Jamille, dahan dahan sa pagmamaneho. Claire, mag seat belt kayo ng pinsan mo." Suway ni Dad sa amin, ngumiti ako at tumango bago tuluyang sumakay na sa passenger seat.

"Bye, Tita, Tito. Don't worry, aalagaan ko po si Claire." Sambit ni Jamille na nagpangisi sa akin.

Sinimulan na niyang magmaneho at halos magtawanan kaming dalawa dahil sa napaka bagal ng speed niya at sa tingin ko ay dodoble ang minuto na bibiyahihen namin patungong Baguio.

Napagpasiyahan kong buklatin muli ang kulay puting notebook at narinig ko nanaman ang mapang asar na tawa ni Jamille.

"Gosh, Claire's Journal." Ngumingising aniya pero tinawanan ko nalang iyon.

Claire,

Beb. Psh. Fucking beb. I'm jealous!
Kakornihang tawagin ka sa ganyang paraan, but what would I do? Narinig ko lang na tinawag kang 'baby' ng isang sira ulong lalaki selos na selos na kaagad ako. CLAIRE, BABY! GUSTO KO AKO LANG!  Binabaliw mo talaga ako kahit na wala ka pang ginagawa!

Hindi ko alam kung bakit natatawa ako kahit na wala namang katawa tawa sa sulat na ito. Para bang may kaaway ang nagsulat nito!

Claire,

I told you, don't talk to me while I'm driving. Madidisgrasya tayong dalawa. The fact that you are giving me a warm back hug while I'm driving was a really big distraction for me. Paano pa kaya kapag narinig ko na ang boses mo? Walangya.

You're asking me if I do really like you. Pero hindi ang isinagot ko. Always remember, baby, magkaiba ang gusto sa mahal. And I swear, hinding hindi ko aaminin kung gaano ako kabaliw sa pagmamahal ko para sayo, dahil alam kong masasaktan kita.

Hindi ko alam kung bakit may kung anong kumikiliti pa rin sa tiyan ko. Isinarado ko ang notebook at napapaisip pa rin ako kung paano napunta sa akin ito. Para bang may gusto akong hanapin na sa tingin ko ay kulang sa akin.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa Baguio kung saan ang bahay nila Jamille, napangiwi pa nga ako nang may yumakap sa kanyang lalaki at ginawaran siya ng sandaling halik.

"Hey, babe. I want you to meet my cousin. Claire, this is Nabin." Pakilala ni Jamille sa aming dalawa ng boyfriend niya. Humalik sa pisngi ko si Nabin.

"I guess this is not the first time na nagkakilala tayo." Ani Nabin na nagpakunot sa noo ko, pero mabilis siyang kinurot ni Jamille.

"First time palang." Pagpupumilit ni Jamille, "Hmm, no? Nagkakilala na kami nung 18th birthday niya, right? Nakalimutan mo na ba babe? Ako pa nga ang kapartner mo sa cotillion." Kwento ni Nabin kay Jamille, kinagat ni Jam ang kanyang labi at umiling iling.

"Ah? Baka hindi lang kita matandaan, masyado kasing maraming bisita noon. Saka isa pa, medyo limot ko na yung debut ko, the last thing na natatandaan ko ay yung pagsasayaw namin ni Dad." natatawang sambit ko sa kanya, I don't know why, pero paulit ulit kong napapanaginipan yung gabing kasayaw ko si Dad sa 18th birthday ko kaya hinding hinid ko makakalimutan iyon. Huminga Jam, tinitigan ko siyang mabuti pero isang napaka gandang ngiti ang ibinigay niya sa akin.

Pumasok na kami sa loob ng bahay nila, bumungad sa amin ang katamtamang laki ng fountain na nakatayo sa may gilid ng hagdan nila patungo sa kwarto. May mga mamahaling kagamitan at naaamoy ko na rin ang mabangong ulam na sa tingin ko ay niluluto ng kasambahay nila.

"Apat ang guest room sa taas, pinalinis ko na lahat para kahit saan ka matulog ay malinis. Mga alas dose siguro ng gabi ang dating nila Kuya Justine." Ani Jamille habang nakayakap sa baywang ng kanyang boyfriend.

"Thanks Jam, alam mo namang okay lang sa akin kahit saan." Natatawang sagot ko sa kanya, "Ano ka ba! Dapat ay alagaan kita dahil ipinagkatiwala ka sa akin nila Tito!" Biro niya, tumawa nalang ako at umiling, masyadong protective ang parents ko. But I swear, I am really thankful na may ganoong pamilya ako.

Masaya at punong puno ng pagmamahal. Wala na akong mahihiling pa.

Umakyat na ako sa taas at inayos ko ang gamit ko na nasa isang maliit na maleta, medyo dinamihan ko na ang dala ng damit para kung sakaling matripan nila Jenica mag-gala kung saan saan ay handa ako. Napangiti ako nang makita kong may bonet palang inilagay si Mama sa maleta, kulay pula at isang gray ang nandoon. Takot na takot sa lamig si Mama.

Matapos kong mag ayos ay humiga na ako sa kama. Nakatagilid lang ako at pinagmamasdan ang notebook na nakalapag sa tabi ko. Kung tutuusin para na akong baliw dahil hanggang sa pagtulog ay katabi ko ito. Naalala ko nung isang gabi na halos halughugin ko ang buong bahay namin sa Benguet para lang mahanap ang notebook na ito, dahil hindi ako makatulog hangga't wala sa tabi ko.

Ang weird, dahil umiyak pa ako noon para lang dito. Yun pala ay naiwan ko sa strawberry farm namin at halos yakapin ko na ito nang makita ng isang farmer namin iyon at  para bang yon ang nagpapakumpleto sa akin. Kaya simula non ay sinisigurado na nila Mama na hindi mawawala sa tabi ko ito, dahil nagpapanic sila ni Dad sa tuwing nakikitang umiiyak ako.

Sinisigawan niya ako. Wala akong maisagot kundi puro iyak. Gusto ko siyang yakapin, pero natatakot ako na baka masaktan ko siya.

"Masaya ka, masaya ako. Putangina ano bang mali don!" Nakakatakot ang pagsigaw niya, natatakot ako na tuluyan na siyang magalit sa akin!

"Hell mali nga. Mali ako, mali tayo!" Paulit ulit na sigaw niya.

"Claire!" Parang may yumuyugyog sa akin.

"Damn it! Claire!"

At halos hugutin ko ang napakalalim na paghinga ko nang maimulat ko ang mata ko. Kaagad kong nakita si Jenica, Jamille at Kuya Justine na alalang alala ang ekspresyon sa akin.

Umupo ako at pinunasan ko ang mukha ko na pawis na pawis at halos manlaki ang mata ko nang mahawakan kong may luha ang mga mata ko.

"Nanaginip ka. Papatayin mo kami sa nerbiyos sa kakahagulgol mo." Sermon sa akin ni Jam na halata ang pag aalala.

"Mabuti nalang at naisipan kaagad nitong si Kuya Justine na puntahan ka dito sa kwarto." Dagdag ni Jamille, kaagad lumapit sa akin si Jenica at Kuya para yakapin ako.

Pero nanatili akong tulala, bakit ba ganito yung pakiramdam ko? Bakit may kung anong kumakalabit sa puso ko na naghahatid ng sobrang pagkirot?

"Kuya Justine. Nagkaaway ba tayo?" Wala sa sariling tanong ko na nagpakunot sa noo niya, umiling iling siya. "Parang sa panaginip ko kasi may sumisigaw sa akin. Galit na galit at hindi ko alam kung bakit takot na takot ako."

Nagkatinginan si Jenica at Kuya pero kaagad din silang nakabawi.

Huminga ako ng malalim at naramdaman kong pinunasan ni Jenica ang luha ko. "I really missed you, Claire. Okay ka lang ba?" Bulong niya, tumango ako bilang sagot.

"Ang mabuti pa ay kumain nalang muna tayo!" Ani Jamille at saka nauna nang lumabas ng kwarto, inalalayan naman ako nila Jenica na makatayo. Papalabas na sana kami mg kwarto pero napahinto ako at maging sila ay tumigil.

Lumingon ako at nanakbo sa may kama upang kuhanin ang notebook. "I'm sorry!" Sambit ko kela Jenica pagkaharap ko muli sa kanila, umiling sila at ngumiti.

Pababa na kami ng hagdan nang biglang may sumigaw. "Dude! Iniwan niyo naman ako sa kotse!" Napatingin ako doon sa lalaking matangkad na mukhang kagigising lang.

"Tulog ka kasi ng tulog!" Halakhak ni Kuya Justine, nang makababa na kami ay nakatuon lang ang buong atensyon sa akin ng lalaking kasama nila kaya medyo nawei-weirduhan ako sa kanya.

Umupo na ako sa mahabang hapag nila Jamille at tumabi naman sa akin si Jenica, sa kabila ko naman si Kuya Justine. Sa kabilang side ay ang magboyfriend na si Nabin at Jamille, at kaharap ko ang lalaking kanina pa titig na titig sa akin na para bang may sinusuri siya sa mukha ko.

Siniko ko si Jenica at humilig ako.

"Sino ba yang kasama niyo? Ang weirdo." Bulong ko, ngumiwi siya at hinaplos ang likod ko.

"Don't mind him. Baliw yan. Jerome! Tumigil ka nga ng kakatingin kay Claire! Dapat ay hindi ka nalang namin isinama dito!" Hiyaw ni Jenica habang nagsisimulang kumuha ng pagkain.

Ngumiti ng hilaw yung Jerome at umiling iling. "Hindi niya nga ako kilala." Bulong niya pero hindi ko masyadong maintindihan.

"Shut up, manahimik ka nalang kung wala kang magandang sasabihin!" Dagdag pa ni Jenica na mukhang naintindihan yung ibinulong nung Jerome.

"Kumain na tayo." Walang ganang bulong ni Kuya Justine.

Kaya nagsimula na kaming kumain at wala kaming ginawa kundi ang mag asaran at kulitan sa hapag. Busog na busog ako sa inihandang pochero at mainit na mainit na kanin ng kasambahay nila Jamille. Pagkatapos ay nagpasiya kaming magtungo sa patio nila at doon uminom ng hot chocolate at kape.

"Grabe, ang lamig ngayon dito sa Baguio kahit patapos palang ang July ah." Sambit ni Jenica habang niyayakap ang sarili.

"Pabago bago na nga ang klima ngayon, minsan naman mainit din dito." Sagot ni Jamille na ngayon ay nakakandong sa boyfriend niya at nakahawak kamay.

"Uy! Birthday mo na next week, Claire! Do you have any plans?" Pagbabago ni Jenica ng usapan, ngumiti ako at tumango.

"Napag usapan namin ni Jamille na mamasyal nalang tayo. Puntahan daw natin yung mga masasarap na kainan dito sa Baguio." Simpleng sabi ko, titig na titig sa akin si Kuya Justine at para bang balisang balisa siya sa tuwing humihithit siya ng yosi.

Ngumisi si Jenica, "Yari nanaman ang diet ko nito!"

"Sasama ako ha! Pwede ba, Claire?" Biglang singit ni Jerome na nagpahinto sa akin.

"O..okay?" Naguguluhang sagot ko sa kanya.

Isang oras din kaming nagtigil doon sa patio hanggang sa mapag pasiyahan na rin nila Jamille na pumasok na sila dahil malamig na talaga.

Abala ako sa pagtitig sa notebook na hawak ko dito sa sala nang tumabi sa akin si Kuya Justine at halos mapangiti ako nang yakapin niya ako.

"I missed you. Namiss ko ang paboritong pinsan ko." Aniya at naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko, bumaling ako sa kanya at ngumisi.

Nginitian niya ako pero parang pakiramdam ko ay may kulang sa mga ngiting iyon, "Kumusta ka na? Mahaba na ang buhok mo ah, hindi ka na mukhang tomboy." Panunuya niya sa akin kaya naman hinampas ko siya. Ang huling pagkikita kasi namin ay noong nagising ako mula sa pagkaka-coma, siya nga ang kauna unahang nakita ko nung araw na iyon.

"Okay naman ako, paminsan minsan sumasakit ang ulo ko, dahil siguro hindi pa tuluyang magaling yung opera ko, tapos malamig pa dito sa Baguio. But I have my meds, iniinom ko iyon at ang sabi nila Mama bawal pumalya." Sagot ko sa kanya.

Tumango tango siya sa akin. "Magpagaling ka na. I hate seeing you like this." Aniya na nagpakunot sa noo ko.

"Magaling na ako, Kuya. Ano ka ba."

"I know. Pero iba pa rin yung alam kong maayos na maayos ka."

Ngumiti na lamang ako. Hindi ko masisisi si Kuya, solong anak lang ako kaya naman parang naging kapatid ko na ang ilan sa mga pinsan ko lalo na si Kuya Justine at Jenica dahil sila ang madalas kong kasama.

Inihatid na niya ako sa kwarto ko at kaagad akong gumapang sa kama at nahiga. Binuksan ko ang lamp shade sa bed side table at tinaasan ang unan ko bago ko sinimulang buklatin ang huling pahina na binasa ko kanina sa notebook.

Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa nagsulat nito. Pakiramdam ko ay itinutulak niya palayo yung taong totoong nagmamahal sa kanya. Pero kahit ganoon ay parang may kung ano sa akin na mas gustong paulit ulitin ang mga sulat na ito.

Pakiramdam ko ay napupunan nito ang malaking puwang sa puso ko na nararamdaman ko sa hindi maintindihan na dahilan.

Claire,

I hate your guts, baby. Yes. I am so mad at you. Napakatigas ng ulo mo, ganyan ka ba talaga? Pumupunta ka sa party ng hindi mo kakilala. I hate you, baby. Paano kung na-rape ka pa nung gago na yon?

Fuck.

I'm sorry. I love you, baby. Nababaliw na ako. Nababaliw na ako sayo, Claire. Dahil isang kagaguhan na kausapin kita dito.

I've seen you cry and it really breaks me, baby. I'm sorry. I'm sorry for being a jerk. Mahal mo ako pero wala akong maisukling tama para sayo, I'm a married man. At pinagsisisihan ko ang lahat ng kagaguhan ko sa buhay magmula nang makilala kita.

This pain is really killing me. I want you to stay away from me, para mailayo ka sa mga sakit na ayokong maramdaman mo. Pero masisisi mo ba ako, baby? I feel so empty when you're not around. Mababaliw ako kung wala ka at alam kong kulang na kulang ang pagkatao ko kung ni anino mo ay hindi ko masisilayan.

***

A/N: Kumusta? Sana lahat kayo ay okay lang. Ako? Maayos naman ako kahit papaano, (because I need to be okay) hahaha. Ayon.

Wag mag-expect ng kahit ano sa mga story ko. :) Dahil isinusulat ko kung anong gusto ng puso at magulong utak ko. Isinusulat ko kung anong gustong isulat(itype) ng mga kamay ko. Haha.

Pero sobrang salamat sa lahat ng nagbabasa ng mga stories ko kahit napakatagal kong mag-update. Thank you so much! :)

Love lots.

Ate Ash.

Continuă lectura

O să-ți placă și

128K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
10.3M 140K 81
Kung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart, and mega-rich na freak, dito naman sa p...
Mío De Yiling Laozu

Ficțiune generală

84.1K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
2.7K 192 18
Unedited Kristine Mikhaela Abel is a woman who believes in true love, one day she thinks of the man in her dream she does not know who it is and wh...