My Ex-Boyfriend's Comeback

By Destiny-One

218K 5.2K 389

Si Sydney ay iniwan ng kanyang dating kasintahan sa kadahilanang ikakasal na ito sa iba. Dahil dito ay hindi... More

My Ex-Boyfriend's Comeback
Start
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Epilogue
Bonus Chapter #1
Note.

Chapter 24

6.4K 177 11
By Destiny-One

One Big Happy Family


--

"Good morning Dadda!" Mabilis na tinungo ni Sunny ang kinaroroonan ng Dadda Andrew niya. Natawa na lamang ako sa ginawa niyang pagkalas sa pagkakawak ko para mapuntahan ang Dadda niya.

"Good morning princess!" Masiglang bati sa kanya ni Drew pabalik. Nakangiti niya ring kinarga si Sunny at hinalikan sa pisngi nito.

Ang saya-saya nilang panoorin na nagkukulitan. Tila isang napakagandang tanawin ang natatanaw ko ngayon, at naghahatid ang tanawing tinatanaw ko ngayon ng hindi maipaliwanag ng kasiyahan sa aking puso.

"So, you're a momma now huh? Take note, napakaganda at napakabait pang bata ng anak mo. Manang-mana siya sa'yo,"

Nakangiting komento ni Mama habang pinagmamasdan si Sunny at Drew na nagkukulitan.

"Good morning, Ma." Hinalikan ko si Mama sa pisngi pagkatapos ay binigyan siya ng isang mahigpit na yakap.

"Hays. Ang anak ko talaga, napaka sweet pa rin hanggang ngayon." Nangingiting wika ni Mama. Tinawanan ko na lamang si Mama.

"Mama, thank you." Bigla kong sinabi. Kumunot ang noo ni mama.

"Thank you para saan?" Naguguluhan niyang tanong. Bahagya akong tumawa bago siya sinagot.

"Thank you for bringing me to this world. Kung hindi dahil sa inyo, marahil ay hindi ko 'to nararanasan lahat. Ang pagkakaroon ng isang napakaganda at napakabuting anak---kagaya ng sinabi niyo."

"Sus ikaw talaga!" Bahagya akong pinalo ni Mama dahil sa sinabi ko. Tila isang teenager si mama na kinikilig. I just laughed and hug her again.

"Tao po!" Sabay kaming napalingon ni Mama sa pinanggalingan ng boses sa labas ng pintuan.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko roon si Michelle, ang bestfriend ko!

"Mich!" Dali-dali ko siyang nilapitan at sinalubong ng yakap. "Halika, pasok ka." Pagpapatuloy ko sa kanya sa loob.

"Nagtatampo ako sa'yo!" Nakanguso niyang sabi ng tuluyan na siyang makapasok sa loob ng bahay.

"Ilang araw ka nang walang paramdam! Bestfriend ba talaga ako sa'yo?" Parang bata niyang sabi. Bahagya akong natawa sa inaakto niya ngayon.

"Ito naman, 'wag ka nang magtampo." Panunuyo ko sa kanya. Nag cross arms siya at tila pinag-iisipan niya pa ng mabuti kung magtatampo pa ba siya o hindi na.

"Hmm...sige na nga." Pareho kaming natawa sa sinabi niya.

"Hi hija." Nakangiting bati sa kanya ni Mama.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Michelle at bahagya ring umawang ang bibig niya ng makita niya si Mama.

"Dra. Agustin?" Tumango si Mama sa kanya.

"B-bakit po kayo narito?" Biglang lumapit si mama at kinuha ang kamay ko.

"She's my daughter." Nakangiting sabi ni mama. I smiled to Michelle.

"Oh my God!" Napahawak siya sa sintido niya. Marahil dahil hindi siya makapaniwala.

"Ang liit talaga ng mundo. Akalain mo nga naman, si Sydney po pala 'yong matagal niyo nang hinahanap na anak? God!"

Bigla niya kaming niyakap ni Mama.
"Dra. I'm happy for you po. Masaya ako para sa inyo ni Doc Agustin." Dagdag niya pa.

"Salamat hija."

"Michelle," Buhat-buhat ni Drew si Sunny ng lumapit sila sa amin.

"Sila Mom and Dad?" Palinga-lingang tanong ni Drew kay Michelle nang hindi niya makita ang mga magulang niya.

"Good morning everyone!"

Sabay-sabay kaming napatingin sa kakagising lang na si Papa. Kinukusot niya pa kasi ang mata niya habang naglalakad pababa ng hagdanan.

"Good morning Honey!" Si Mama na ngayon ay nakalapit na kay Papa at nabigyan na ito ng morning kiss.

"Good morning Dr. Agustin!" Masayang bati ni Mich kay Papa.

"Kuya sino siya? Kapatid ba ni Sydney?" Tumingin si Sydney sa akin. Nginitian ko lamang siya. Napag usapan kasi namin ni Drew na sabay naming ipapakilala si Sunny sa family side niya mamayang breakfast, kaya naman inanyayahan ni Mama at Papa ang pamilya ni Drew para dito na mag breakfast sa bahay.

"Sila Mom and Dad nga pala, susunod na lang daw sila. May dinaanan lang sila."

Tumango na lamang si Drew sa sinabi ni Michelle.

"Breakfast is ready!" Masayang sabi ni Grace na may suot-suot pang apron at may hawak rin siyang sandok.

"Sinong may sabi sa'yo na pwede ka nang magtrabaho Grace?" Taas kilay na tanong ko sa kanya. Ang batang ito talaga! I told her not to force herself in working, lalo na't hindi pa rin magaling ang sugat niya...pero heto't nagtrabaho na pala kaagad.

"Sorry ate! Hindi naman talaga ako nagtrabaho e, tumingin lang ako kila Manang Fe...diba po manang?" Talagang kinunchaba niya pa ang mayordoma dito sa bahay.

"Hay naku!" Napapailing ko nalang na sinabi. Kaagad naman siyang nag peace sign sa akin.

"Sige na, pumunta na kayo sa dining area. Hihintayin ko na lang dito sa sala si Madam Helen at Chairman Alfred."

Sumang-ayon naman si Papa sa sinabi ni mama kaya nauna na kami sa dining area.

"Ate ako na magpapakain kay Sunny." Pagboboluntaryo ni Grace, ngunit tumanggi ako.

"Hindi na Grace. Maupo ka na lamang d'yan, sasabay kang kumain sa amin." Seryoso at nakangiti kong sabi sa kanya.

"P-po? Pero po family breakfast niyo---"

"You're part of the family Grace. Malaki ang utang na loob ko sa'yo." Putol ko sa pagsasalita niya.

"Ang bait-bait niyo naman ate."

"Anong year mo na nga pala?" Tanong ko sa kanya. Nahihiya siyang tumingin sa mga mata ko.

"Freshman po sana," sagot niya.

"Really? Wow. Napagdesisyonan kong pag-aralin ka na lang since bata ka pa naman. Kung gusto mo, sasamahan kitang mag-enroll sa pinakamalapit na University this coming second sem?"

"Talaga po ate Sydney?" Tumango ako sa kanya.

"Thank you po! Thank you so much po."

"You're always welcome. Besides, you're a sister to me."

"I'm proud of you." Dumako ang tingin ko kay Drew na nakaupo sa tabi ko.

"I'm falling for you harder each day." Dagdag niya pa na nagdulot ng kakaibang sensasyon sa katawan ko.

"Kayong dalawa ba ay nagkabalikan na?" Biglang singit ni Michelle. Nagkatinginan kami ni Drew at sabay na natawa sa tanong ni Michelle.

"Kailangan pa ba naming magkabalikan? Sa pagkakatanda ko kasi, hindi naman kami naghiwalay." Nakangusong sabi ni Drew.

"Hindi ka d'yan!" Pagtutol ko sa sinabi niya.

"Naroon si Michelle no'ng huli nating kita. Ngayon tatanungin kita Michelle, nakipag break ba si Sydney sa akin?"

Natatawang umiling si Michelle sa tanong ng kuya niya.

"See? Hindi tayo naghiwalay."

"Oo na!" Natatawa kong sagot. Paano ba naman kasi, pinagkaisahan na naman nila ako.

"You're so cute baby. What's your name?" Biglang napunta ang atensiyon ni Mich kay Sunny.

"Thank you po. My name is Sunny Andrea Agustin po." Magalang na sagot ni Sunny sa tita Michelle niya.

"Aww. Ang cute naman talaga ng kapatid mo Sydney...how I wish na may kapatid din akong katulad niya."

Nginitian ko na lamang si Michelle. She's really thinking na kapatid ko si Sunny. Well, just wait, at maya-maya'y malalaman mo rin na pamangkin mo siya.

"Hey there everyone!" Sabay-sabay kaming napalingon sa pagsulpot ng isang magandang babae. Kasin-edad lang siya ni Mama, I guess?

"Mom!" Biglang tumayo si Drew para salubungin ang Mom niya. So, she's Andrew's mom? Ngayon ko lang siya na-meet.

"Hi."

"Gab!" Biglang natigilan si Michelle sa pagdating ni Gab. Nagkatinginan kami ni Drew at parehong napangiti.

"Thank you for coming Gab!" Ani ko. "Maupo ka na, d'yan na lang sa tabi ni Mich." Seryoso kong sabi. Hindi ako ngumiti o tumawa man lang, dahil baka isipin ni Michelle na sini-setup ko siya. Kahit gano'n naman talaga ang ginagawa ko.

Sinunod naman ni Gab ang sinabi ko. Umupo siya sa tabi ni Michelle. Ngunit bahagyang umusog ng unti si Mich sa tabi ni Grace.

"For you..." Nasa kay Gab ang tingin naming lahat. Hinihintay rin namin ang pagtanggap ni Michelle sa bulaklak na inaabot sa kanya ni Gab.

"Para saan 'yan? Wala naman akong sakit, tsaka kay Dra. O kaya kay Sydney mo dapat inaabot 'yan...dahil sila ang nag-imbita sa'yo dito." May kasungitan niyang sabi. Halos mapanganga kaming lahat sa sinabi ni Michelle.

"Michelle hija, tanggapin mo na 'yan. Baka mamaya magbago pa ang isip niyan at sa sekretarya niya sa opisina ibigay 'yan..." Biglang sabi ni Tita Helen, mom ni Drew, kaya bahagya akong natawa.

"Para sa akin ba talaga 'to? Wala kang sakit?" Biglang napuno ng tawanan ang hapag kainan sa pasegundang tanong ni Mich kay Gab. Napailing na lamang si Gab.

"Para sa'yo talaga 'to."

"Talaga? Eh di, thank you." Nakangusong sabi niya.

"You're welcome." Sabay kindat naman ni Gab sa kanya.

Matapos ang moment nila ay nakahain na lahat ng pagkain sa lamesa.

"So, let's eat?" Si Mama.

"Wait lang po! Magpray po muna tayo, bago kumain."

Napunta ang lahat ng atensiyon nila kay Sunny. Napatango-tango sila bilang pag sang-ayon sa sinabi ng anak ko.

"You lead the prayer baby." Si Papa ang nagsabi no'n kay Sunny. Nakangiti namang tinanggap iyon ni Sunny.

"Let's close our eyes." Sinunod namin ang sinabi ni Sunny. Sabay-sabay naming ipinikit ang mga mata namin at pinagsiklop ang mga kamay namin.

"Papa God, thank you for these foods in the table. Thank you for all your blessings. Salamat din po dahil kompleto na 'yong family ko! Salamat po sa mga ngiting mayroon kaming lahat dito. Sana po ay palagi niyo kaming i-bless araw-araw, at sana rin po mabusog kaming lahat sa foods na narito. Amen."

"You're so cute baby girl." Ani ng Mom ni Drew habang nakatingin kay Sunny.

"Thank you po." Humble na sagot ng anak ko.

Pagkatapos naming magdasal ay kumain na rin kami.

"I'm happy for you Dra. Nahanap mo na rin pala ang anak mo." Ani ng mom ni Drew.

"Thank you, Madam." Nakangiting sagot ni Mama.

"I remember you hija. Ikaw 'yong pumunta noon sa bahay diba? Para personal na iabot sa akin ang mga papeles na kailangan kong pirmahan?" Tumango ako kay chairman Alfred.

"Yes, Dad. Ako ang nag utos sa kanya para gawin 'yon." Nakangiting sabat naman ni Michelle.

"Akalain mo nga naman 'no? Sadyang napakaliit talaga ng mundo." Dagdag pa nito bago muling sumubo.

"By the way hijo," Natigil sa pag nguya si Andrew at tumingin sa mom niya na kakatapos lang uminom ng tubig.

"Ano 'yong importanteng sasabihin mo sa amin ng Dad at kapatid mo?" Tanong nito. Bigla akong tinubuan ng kaba sa dibdib.

Kinuha ni Drew ang kamay ko at iniangat iyon, habang magkahawak kami ng kamay.

"We're in a relationship." Nakangiting anunsyo ni Drew.

"I already knew that!" Natatawang komento ni Michelle.

"Really? Wow. Congrats anak!"

"Kailan pa?" Ang Dad niya.

"Actually, matagal na six years ago. Naghiwalay lang kami dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Ngayong natapos na ang hadlang sa amin, muli kaming magpapatuloy." Madamdaming sabi ni Drew.

Nakahinga ako ng maluwag dahil wala naman akong makitang pagtutol sa mata ng parents ni Drew. Maging kila Mama at Papa ay okay naman ang relasyon namin ni Drew.

"Also...Sunny is our daughter."

Kinuha ni Drew si Sunny mula sa upuan nito at pinaupo sa kandungan niya.

Nabitawan ni Michelle ang hawak niyang kutsara't tinidor. Bahagya rin siyang napanganga sa narinig niya.

"Really kuya? That cutie angel is my niece? Oh my God!"

"M-may apo na pala tayo Sweetheart!" Naluluhang sabi ng mom ni Andrew. Nagyakapan silang pareho habang tila naiiyak sa nabalitaan nila.

"Congrats anak! Congrats hija!" Bati nila sa amin ni Drew.

Kaagad tumayo si Michelle at nilapitan si Sunny para bigyan ito ng yakap.

"God! I can't believe it! Pamangkin pala kita. Hehe you're so cute baby Sunny!" Hinalik-halikan niya ito sa buong mukha. Tawa lang ng tawa ang anak ko habang pinanggigigilan siya ng tita Michelle niya.

"Hello to my nice granddaughter. Give mamita a hug!" Kaagad naman siyang niyakap ni Sunny. Nagulat pa si tita Helen ng halikan siya sa pisngi ng anak ko.

"You're so sweet also. I love you apo." Niyakap niya rin si Sunny at hinalikan sa pisngi nito.

Nang tuluyan na kaming matapos kumain ay kaagad kaming dumulog lahat sa sala para doon ituloy ang usapan.

Habang masayang nagkukwentuhan ang mga magulang namin ay mayroon din kami ni Drew ng sariling moment. Si Sunny naman ay nasa tita Michelle niya at tito Gabriel.

"Sinong mag-aakala na hahantong din pala tayo sa ganito. Masaya, buo, at nagkaka-isa." Biglang kinuha ni Drew ang kamay ko at hinalik-halikan iyon.

"Sydney, salamat. Maraming salamat kasi sa loob ng maraming taon na lumipas...ay hindi mo ako pinalitan d'yan sa puso mo. Kahit na ang pagkakaalam mo ay niloko kita at pinagpalit sa iba."

"Gano'n naman talaga diba? Once you're in love with someone...no matter how hurted you are, still your feelings won't changed. Kagaya ko, ang buong akala ko niloko mo ako. Ipinangako ko sa sarili ko na habambuhay kitang kamumuhian dahil sa ginawa mo, ngunit no'ng makita kita? Para akong yelo na unti-unting natutunaw sa t'wing nariyan ka..." Mahaba kong sabi bago ko dahan-dahang hinawakan ang mukha niya.

Idinikit ko sa dibdib ni Drew ang tainga ko, at dinig na dinig ko ang napakalakas na pagtibok ng puso niya. Kagayang-kagaya ng pagtibok ng puso ko.

"I love you." Matamis kong sabi sa kanya bago ko siya dinampian ng halik sa kanyang labi.

"I love you more." Tugon niya at madamdamin niyang ibinalik sa akin ang daming halik na iginawad ko sa kanya.

"Momma, Dadda what are you two doing?"  Bigla kaming natigilan ni Drew sa ginagawa namin ng biglang sumulpot si Sunny.

Napahawak tuloy ako sa labi ko. Natawa na lamang ako sa tanong ni Sunny.

"They're making your baby brother." Natatawang sabi ni Gab na dahilan ng pagmumura ni Drew.

"Robles!" Malakas niyang sigaw sa kaibigan niya. Nagulat na lamang ako ng biglang nawala si Gab sa harapan namin.

"Really momma? May baby brother na po ako?" Tila excited namang tanong ni Sunny.

"Tita Gabriel is just kidding baby." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Tumango-tango naman siya na tila naiintindihan ang sinabi ko.

"I want baby brother momma!" Sabay na nanlaki ang mga mata namin ni Drew sa sinabi ni Sunny.

"Big girl na po kasi ako, kaya gusto ko po ng baby brother  para maging ate na rin ako. Ang saya po siguro no'n Momma, diba Dadda?"

"Hehe" Naitugon ko na lamang habang nakatingin kay Drew.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
413K 21.7K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
196K 4.2K 28
COMPLETED STORY Dianne Analyn Cortes is a simple yet beautiful girl. She is 23 years old and currently living alone. Kenneth Nickolai Perez a famous...