Blade X (Completed) 2016 Vers...

By Ange_Mayao

11K 598 94

Paano kung isang araw, ang buhay mo ay magbago nang dahil sa isang sekreto? Nang dahil sa isang insidente, na... More

Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chpater 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Epilogue

Chapter 2

816 38 7
By Ange_Mayao

CHAPTER 2

IT'S been two weeks mula nang mangyari ang malagim na pangyayari na 'yon. Natanggap na rin ni Auntie ang lahat. Pero ako? Hindi pa. Naninindigan ako sa paniniwala ko. At kung anuman ang pinaniniwalaan ko, yun at yun iyon.

"I'm off," sabi ko bago ako tuluyang lumabas ng bahay.

"Kuya." Sumunod sa 'kin si Eisle—yung kapatid ko na pumigil sa 'kin no'ng araw na nakita ko si Sephiel.

"Yeah? Ano 'yon?"

"Pakibigay po 'to kay Ate Sephiel." Inabot niya sa 'kin ang isang maliit na box. "'Di ba classmate mo siya? Please, Kuya?"

I sighed. Kaya ko na bang kausapin si Sephiel? Pero, para lang to sa kapatid ko. Kinuha ko yung box at isinuksok 'yon sa bulsa ng pants ko. "Alright. Pero isa lang 'to, ha? Bukas, wala na."

"Yehey! Thank you, Kuya!" Then he hugged me.

Kung alam mo lang, Eisle. Kung alam mo lang ang pinagdaraanan ng kuya.

***

"Yes! Vacation is coming to us!" sigaw ni Rabie sa room. Binato siya ni Lawrence ng eraser. At nagtawanan ang lahat. Ako? Nakapalumbaba at nakatingin sa labas ng bintana.

Wala na 'kong gana para magsaya. Mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang nangyari sa uncle ko. But it's not only because of my uncle. It's also because I want to know the truth behind Sephiel's mysterious action.

"Ace..." Isang pamilyar na boses ang bumasag sa katahimikan ko. "Can we... talk?"

"YOU know me, Ace, I can't do such thing! Hindi ko maatim gawin ang bagay na yun!" saad niya matapos ang ilang sandali nang makarating kami sa school garden. Hindi ako tumitingin sa kaniya. I'm just keeping my mouth shut at nakatingala lang sa langit habang ang dalawang kamay ko ay nasa bulsa ko.

"Ace, please, listen to me. Please..." I know, naiiyak na siya. Alam ko namang iyakin siya, e. Ayoko lang ipahalatang naaawa ako sa kaniya.

At gaya ng inaasahan ko, umiyak na nga siya. "A-Ace... Why can't you believe me? Hindi ako nagsisinungaling! Totoo ang sinabi ni Paulo. Hindi ako pumunta ro'n!" She sobbed. "Why don't you trust me? Look at me, Ace! Look at me!"

Hinila ko siya pasandal sa punong malapit sa 'min at hinawakan ko ang pulsuhan niya. Mahigpit. Para maramdaman niya kung anuman ang nararamdaman ko.

"Ace..." She's still crying.

"How can I trust you after that? I saw it... and I believe THAT IS YOU!"

"Ace, listen to me! I'm not that girl! Hindi ako yo—"

Hinigpitan ko pa ang hawak sa kaniya. "H'wag mo nang bilugin ang ulo ko, Seph! Kung sila napikot mo, pwes ako, HINDI."

"Really?" May nagsalita sa likuran ko. Babaeng boses. At paglingon ko, isang malakas na suntok ang sumambulat sa'kin.

"Lampa," saad niya. Kinapa ko ang ilong ko. Dumugo iyon sa sobrang lakas ng suntok niya. I looked at her at nagitla ako sa nakita ko. Dalawang Sephiel!

Sandali... nahihilo lang ba ko dahil sa suntok niya? Sinampal ko ang sarili ko. Hindi! Dalawa pa rin sila!

"Azeya! Bakit mo ginawa iyon?" sigaw ni Sephiel #1.

"Sephiel, dapat lang 'yan sa gagong bumabastos sa 'yo," sabi ni Sephiel #2 na ang pangalan ay Azeya.

"Ace? Ace, are you okay?" Tinulungan akong makatayo ni Seph.

"K-kambal kayo?" naguguluhan kong sabi.

"Oo..." mahinang sabi ni Sephiel. "Her name is Azeya Montelvana." Tiningnan ko yung babaeng sinabi niyang Azeya. Napatingin ako sa mga mata niya. It was redish brown. Lumingon naman ako kay Seph. It's brownish.

I remembered the time I kissed Seph. At napaatras ako nang mapagtanto ko ang lahat. The one who killed my Uncle is ... AZEYA.

***

"Thank you, Nurse Joy." Matapos ibigay ng nurse ang first aid kit kay Seph ay umalis na rin ito at naiwan kaming tatlo sa loob ng clinic.

"Tsk. Weak," saad ni Azeya. Ang yabang! Kanina pa siya, ah? Palibhasa babae siya kaya hindi ko siya pinatulan.

"Azeya," saway sa kanya ni Seph. "Okay na, Ace," ngiting ani sa 'kin ni Seph.

Napatungo ako. Nakakahiya. Napagbintangan ko ang best friend ko. Pero anong magagawa ko, e kamukha niya yung killer?

"It's okay, Ace. Everything would be fine," Seph sincerely said. This is the reason why I ... I l-like her.

"Torpe." Ayan na naman si Azeya habang natawa lang si Seph. What the heck? Pinagkakaisahan ba nila ko?

"Quit it. Would you mind if I ask you a question?"

"Alam ko na itatanong n'yan, Seph. Dalhin mo na lang sa bahay 'yan." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na si Azeya. Ang cold naman nung isang yun.

"Uhm, sa bahay na namin ipapaliwanag sayo," Seph stated with a smile.

SA laki ng bahay nina Sephiel, isa lang ang masasabi ko... PALASYO.

"Halika, Ace! May ipapakita ako sa 'yo!" Hinila ko ni Seph sa garden. Well, halata namang gusto niya ng garden, 'di ba? Kaya pati bahay nila—este mansyon o palasyo man, ayan at may garden.

"White roses?" Yeah. May mga tanim silang white roses. Sa tabi n'on ay may mga tanim na red roses.

"I love white roses, Ace," masaya niyang sabi. "Kapag nawala ako, bigyan mo 'ko ng white rose."

"Don't say that. Of course, I know favorite mo 'yan," I muttered. Hindi ko pa rin siya matingnan. I hurt her. At iyon ang first time na nasaktan ko ang mabait kong best friend.

Nagulat na lang ako nang may yumakap sa 'kin. It was Sephiel. "Azer... Hindi ako galit sa 'yo. At hinding-hindi ako magagalit sa 'yo." Alam ko, namula ko. Why? Kasi ang sweet niya. Yung heartbeat ko, abnormal na naman.

At dahil nandito na rin ako, niyakap ko na rin siya. "Thank you, Seph... And I'm sorry."

"I love you..." she said. "Best friend..." Ouch! Best friend. Hays, yun talaga yun, e.

"I want to tell you the truth." Kumalas na siya sa pagkakayakap sa 'kin. "Si Azeya, she killed your uncle. With a good purpose."

"Then, bakit kailangan pa niyang pumatay? Bakit hindi niya na lang pinakulong?"

"Because monsters can't go to jail, Azer," seryosong sabi ni Seph. Wait... monster?

"I don't understand. Metaphor ba yun? Personification?"

"Halimaw ang uncle mo, Azer. Want to see him?" Lumitaw bigla si Azeya. Parang kabute lang, ah? Biglang lumilitaw.

"Ito." May picture na binigay si Seph. Isang halimaw. Looks like a big wolf na may mabangis na looks. Maybe mga 11ft ang laki. At kamukhang-kamukha ni beast.

"Sino 'to?"

"Uncle mo," malamig na sagot ni Azeya. Tinalo niya pa 'ko sa pagiging cold, ah?

"That is his true identity. From the twelve monsters, siya ang Sagittarius," giit ni Seph.

"Hey! Zodiac sign? Wait... joke time ba?" I said sarcastically.

"Oh well, alam ko namang 'yan ang sasabihin mo, e," saad ni Azeya. "It's up to you kung maniniwala ka..." Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "...or not."

Lumayo ako. Naalala ko yung kiss. Siya ang first kiss ko! "O-oo na!"

"You're blushing, Ace," asar ni Seph sabay tawa. Kainis! Bakit ba pinagtitripan nila ako?

"Kidding aside," Azeya said. "Ngayong nakilala mo na 'ko, nanganganib na ang buhay mo."

"Teka, bakit?!"

"She's a secret assassin of our family. And her screen name is Blade X," sagot ni Seph. "Kailangan mong itago ang lahat ng nalaman mo, Ace. Or else, papatayin nila ang buong pamilya mo. Lalo na't alam nilang may uncle kang beast."

"Tama. Kaya lahat kayo ay under observation," Azeya stated. "Kaya mag-iingat ka sa mga tao sa paligid mo. From now on."

***

Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa malambot kong kama. Yung mga sinabi nila ngayon at ang mga nalaman ko. Lahat ng 'yon, parang imposibleng mangyari.

Bigla namang naagaw ng cell phone ko ang attention ko nang mag-ring ito, hudyat na may tumatawag. Sinagot ko naman iyon at unregistered number ang nakita ko.

"H-hello?"

"Azer Zarften. 17. Monport's University. Target." Teka, ano bang pinagsasabi ng lalaki sa phone? Target? TARGET?!

Matapos niyon ay may mga maiingay na tunog ng baril ang narinig ko mula sa labas ng kwarto ko. Bakit may bumabaril sa kwarto ko?!

Bumaba ako mula sa kwarto at nakita kong basag-basag na ang mga bintana. Nakadapa ang mga taong-bahay namin. "Ser! May mga tao ho sa labas!" takot na takot na sabi ni aleng Jen.

"AZER!" May dumamba sa 'kin. Si Seph?!

"Seph?! Anong ginagawa mo rito?"

"Kailangan mo nang umalis! Hina-hunting ka ng mga agents!"

"Paano yung mga kapatid ko? Ang mom at dad?"

"Nasa pangangalaga na namin sila," saad ni Seph. "Let's go!" Lumabas kami sa likod ng bahay namin. Pero pinagbabaril pa rin nila kami. Mga agents nga!

"Tigil!" May sumigaw. "Sabing tigil!" 'Tapos ay nagpaputok siya ng baril. We both stopped at itinaas ang dalawang kamay namin ni Seph. Lagot na.

"LUMAYAS KA!" Tunog ng espada ang sunod naming narinig. Pagharap namin sa likuran, pinugot ni Azeya ang ulo nung lalaki. "Dumadami sila! Tara na!" Hinila niya 'ko sa kwelyo ko. Ang harsh niya! 'Tapos ay pahagis niya 'kong pinasok sa itim na van.

"Sorry, Ace. Ganiyan lang siya 'pag 'di nakakakain nang maayos." Tumabi sa 'kin si Seph sa backseat.

"Shit! Arghh!" Nagwawala si Azeya. At dahil galit siya, biyaheng impyerno ang trip niya. Sa sobrang bilis, halos nakasakay na rin ako sa roller coaster!

"Bumaba kayo r'yan! Inuutos ko! Bumaba kayo r'yan!" sabi ng agent na nakasakay sa helicopter.

"Hawakan mo 'tong manibela lampa!" sigaw ni Azeya sabay labas niya ng isang malaking itim na baril na hindi ko alam kung ano ang tawag. Ako ba yung lampa? "Bingi ka ba?!" Lumingon siya sa 'kin. So ako nga?

"Oo na po!" Lumipat naman ako sa upuan niya at siya sa upuan ko.

"Kailangang pasabugin ang bungo ng demonyong 'yan! Para manahimik!" At itinutok niya yung baril at ipinutok sa mismong helicopter.

Ang astig niya! Grabe! Pero... "ACE!" Bigla akong niyakap ni Seph, kasunod ng pag-alingawngaw isang tunog ng baril.

"SEPHIEL!"

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 504 29
ENCHANTED BOOK SERIES No.2 Philippines Historical Fiction Fantasy, Romance By Señora Starla "Kung maaaring humiling, sana sa mga susunod na kabilugan...
1.8M 52.4K 84
Trouble wasn't unusual in Khali Vernon's life. Being the trouble herself she was penalized and was sent back to Tenebrés. This time she made up her m...
5.1K 864 59
A girl who'd rather spend her time playing a mobile game called 'Mobile Legends' instead of reading love stories And a Boy who'd rather spend his tim...