ELITES

By MaybeYoungForever

247K 8.6K 2.4K

Her name is Candid, not a typical girl you can mess up with. She was born to get her face hidden behind her m... More

ELITES
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Fourty Four
Fourty Five
Fourty Six
Fourty Seven
Fourty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five
Fifty Six
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty Two
Sixty Three
Sixty Four
Sixty Five
Sixty Six
Sixty Seven
Sixty Eight
Sixty Nine
Seventy
Seventy One
Seventy Two
Seventy Three
Seventy Four
Seventy Five
Seventy Six
Seventy Seven
Seventy Eight
Seventy Nine
Eighty
Eighty One
Eighty Two
Eighty Three
Eighty Four
Eighty Five
END
Eighty Six
Eighty Seven
Eighty Eight
Eighty Nine
Ninety
Ninety One
Chapter Ninety Two
Chapter Ninety Three
Ninety Four
Ninety Five
Ninety Six
Ninety Seven
Ninety Eight
Ninety Nine
One Hundred
Chapter One Hundred One
One Hundred Two

Sixty One

1.2K 62 20
By MaybeYoungForever


An: Tatlong chapter ang sunod sunod na update ko matapos kong saglit mawala. Check nyo na lang po baka nalagpasan n'yo. :)

°°

“Pero gusto ko ring sabihin sa'yo na may mga bagay o taong hindi karapatdapat ipaglaban.”  - Dwayne

••••
#ElitesGirlfriend

“Hindi ko talaga kinaya yung pagpapalaya ni Blaze sa’yo ah. Para kayong mag-ON sa lagay na yun.” tatawatawang sambit ni Ellie. “Pero syempre hindi ka naman papalayain kung hindi mo ni-request. Lakas tama mo rin eh. Para kang girlfriend na humihingi ng space o break up.”

Kung alam ko lang na ibabalik balik n'ya ang topic na yun, hindi na sana ako pumayag na sunduin at isabay n'ya pagpasok.

“Pero in fairness, sa mga nakwento mong sinabi n'ya sa'yo, medyo nakakatouch yun. Ewan ko nga lang kung ganun ang dating sa’yo.”

Nanatili lamang akong nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Hindi pa rin ako umiimik man lang o nagrereact.


“Kung bakit ba naman kasi naginom ka that night. Hindi ko pa rin magets kung bakit kailangan mo ring sabihin yun lahat kay Blaze. Hindi ka naman ganun ah. Unless..nahihirapan ka na sa trato nya kasi..”

Naramramdaman ko ang malisyosang tingin ni Ellie at ngisi pero hindi ko s'ya tinapunan man lang ng tingin.

Nahalata n'ya atang ayaw ko ng topic kaya saglit s'yang nanahimik.


“Uy, Bes. Okay ka lang? Kanina ka pa hindi nagrereact o nagsasalita dyan.”

Bahagya lang akong tumango ng hindi pa rin s'ya sinusulyapan.


“Paano na ngayon? Ano ng gagawin mo?”


May dapat ba akong gawin?

“Eh di hands on ka na lang sa isa mong raket sa Brice? O itutuloy mo pa yung kay Blaze kapag nakapagisip isip ka na?”


“Ano bang dapat kong pagisipan?”


“Aba, malay ko sa’yo Bes. Ikaw ang humingi ng freedom dyan sa amo mo ah?”


Malalim akong bumuntong hininga.

“Oo. Hiniling ko yun. Pero hindi space ang hiningi ko, El.”

“So, do you mean wala ka ng balak magisip kung gusto mo pang maging assistant n'ya? Ayaw mo na talaga?”

Saglit kong isinandal ang ulo sa bintana saka muling nagayos ng upo ng mapagtantong malapit na kami sa HFA. Bahagya na kasing bumagal ang takbo ng kotseng sinasakyan namin.

“Wait, si Blaze yun di ba?”

Una ko na s'yang nakita hindi pa man mabanggit ni Ellie.  Hindi ko na rin nagawa pang alisin ang tingin sa kanya mula rito sa loob ng sasakyan.


“Parang pamilyar sa’kin yang kasama n'yang babae.”

Dahil sa dahan dahang pagandar ng sasakyan, para lang kaming nag slow motion habang papalapit at palagpas sa harapan ng kotseng nakaparada ni Blaze sa labas mismo ng gate.

“Ah, I know na! Si..” kusang hindi itinuloy ni Ellie ang sasabihin sa'kin at naramdaman ko ang pagsulyap n'ya sa’kin.

Saktong napatapat ang sasakyan namin sa kanila, nakita ko kung paano matamis s'yang ngumiti sa babaeng kasama n’ya bago ito saglit na halikan sa labi at yakapin ng mahigpit bago ito magpaalam rito.

Napaiwas ako ng tingin.


Walang rason para panuorin ko sila sa paglalambingan nila rito sa labas ng HFA.

“Aaah..hehe.” awkward na natawa na lang si Ellie na parang hindi alam ang sasabihin.

“Anong nirereact mo dyan?” baling ko kay Ellie at binigyan lang s'ya ng malamig na ekspresyon.

Awkward s'yang ngumiti na ikinainis ko.

Ano bang akala n'ya, affected ako?


Saan manggagaling yung salitang 'affected?'

Kahit ilang babae pa ang makita kong kasama n'yan, wala akong pakialam.


“Uy! Hintayin mo naman ako Bes! Bakit ka ba nagmamadali?”


“Ang bagal mo.”

Derederetso lamang ako sa lakad ng makababa sa sasakyan. Pero hindi pa man kami nakakalayo sa parking lot, isang braso na ang gumulat at umakbay sa'kin.

“Eeeey!”

Akto kong aalisin ang pagkakaakbay n'ya sa'kin ng mabilis at kusa na n'ya yung tinanggal.

“We-Wait! Easy okay? Haha! Agang aga baka pilipitin mo na naman ang kamay ko. May ibabalita lang ako.” malaki ang pagkakangisi ni Jonathan habang nakatingin sa’kin. “Hulaan mo?”


“Sa tingin mo magaaksaya ako ng oras para makipaghulaan sa’yo?” inirapan ko lang s'ya saka nagpatuloy na sa paglakad pero sumabay na rin s'ya.


“Ellie, bakit ang aga aga ang sungit nitong best friend mo?”

“Nakapanood ng romantic movie.” pilyang sagot ni Ellie.


“Aaaah. Nabitter?” malokong tanong ni Tan kay El na s'ya namang tinawanan ni Ellie.


Kung magusap sila parang hindi nila ako kasama ah.



“CANDID!!!”



Sabay sabay kaming napatigil sa paglakad ng may malakas na tumawag sa pangalan ko.

Bahagyang napaawang na lang ang bibig ko ng makita ang dalawang taong patakbo ng papalapit sa'kin.

Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong makareact o magsalita man lang ng sabay silang padambang lumapit sa'kin at mahigpit akong niyakap.

“Candid! Sobrang namiss ka namin!”


“Finally!”

Hindi pa man ako nakakabawi ay agad ko ng naramdamang umangat ako sa ere na hindi ko agad naalmahan o napigilan.

“Ano ba, Chris! Ibaba mo nga ako!” singhal ko sa kanya pero tumawa lang ito.

“Namiss ka namin sobra. Kami ba hindi mo namiss?” pataas taas ang kilay ni Christian habang nakatingin sa'kin at ang laki laki ng pagkakangisi.

“Ibaba mo ‘ko kung ayaw mong masira ang buhay mo.” banta ko sa sa kanya.

Pero imbis na ibaba ako, pahagis akong iniabot kay Cedrick.


Bwiset! Wala talagang mga pinagbago. Ginagawa pa rin akong bola kapag nakikita ako.

“Hey, Miss Beautiful. Hindi mo kami namiss?” taas kilay na nakangisi si Cedrick habang s’ya na ang may buhat buhat sa’kin.


“Gusto mo ng mamatay?”

Imbis na matakot sa banta ko ay nagawa pa nitong tumawa at ibaba ako dahan dahan habang malaki pa rin ang pagkakangisi.

“Wala ka pa ring pinagbago. Simple lang namang sabihin na "I miss you too" guys!” Ced.


“Hindi yan si Candid kapag yun ang sinagot nito.” naramdaman ko na naman ang akbay ni Jonathan sa balikat ko na s'yang ginaya ni Chris sa kabilang balikat ko naman.

Kapwa ang bibigat ng mga braso nila! Kahit kailan ang kakapal ng mukhang hawakan ako!


“Bwiset. Akala nyo ba ang gagaan ng mga kamay n'yo!?”

“Yiiiee! Napakasweet pa rin talaga ng Prinsesa namin. Haha!” nagawa pang guluhin ni Chris ang scarf ko ng himasin ang ulo ko na parang aso.


“Tigilan n'yo nga ako! Sinisira n'yo lalo ang umaga ko.” kakawala sana ako sa mga akbay nilang dalawa pero lalo lang akong kinabig ni Chris na ikinawit na ang braso n'ya sa leeg ko.


“Dahandahan Chris, baka mamaya nakabulagta ka na dyan. Haha!” Ced.


“Hindi ka namin titigilan hanggat hindi mo sinasabi sa'min na miss mo rin kami.” malokong nakangisi si Ced na makahulugang tumingin kay Tan at Chris na hindi pa rin ako pinapakawalan.

“Talaga bang gusto n'yong mamatay ng maaga hah!?”


“Ooh. Matatakot lang kami kapag sinabi mo na yung secret code para tigilan ka namin.” laking pagkakangisi pa rin ni Ced.

“Bwiset! Oo na! T*ngn*. Namiss na!” napipilitan kong sagot sa kanila.


“Ayiiiiie! Yan ang Prinsesa namin!” muli na namang ginulo ni Chris ang ulo ko.

Nakakatawag na kami ng pansin sa mga estudyante dahil sa eksena nitong tatlo na ‘to kaya wala na akong choice. Alam na alam ko na ang ugali ng mga ‘to. Hindi talaga nila ako titigilan hanggat hindi nila napapasabi sa'kin ang gusto nilang sabihin ko kahit alam nilang hindi yun pabor sa'kin. Ganun sila kasakit sa ulo kasama.

The next thing I knew ay muli na naman akong umangat sa ere. But this time, si Jonathan na ang may bitbit sa’kin.

“Hindi mo ako bibitawan, Tan? Hindi na kita pasisikatan ng araw sa oras na hindi mo ako ibinaba sa loob ng limang segundo.” madiin kong banta habang matalim na nakatitig sa kanya.


“Hindi. May isa pa akong surpresa.” maloko itong ngumisi.

“Ako ba, hindi mo namiss, Candid?”


Saglit na nanlaki ang mata ko at mabilis na tumingin sa gawi ng nagsalita. Saka muling nagbalik ng tingin kay Jonathan na nagtatanong pero nagkibitbalikat lang ang gago at dahandahan na akong ibinaba.

“Anong ginagawa n'yan dito? Akala ko ba yang dalawa lang?” tanong ko kay Tan at muling nagbalik tingin sa bagong dating.

“Hanggang ngayon napaka-harsh mo pa ring kaibigan.”

Akmang lalapit na sa'kin at mukhang yayakap pa ang bagong dating ng pigilan ko s'ya.

“Dyan ka lang." Pigil ko sa kanya. “Baka may virus ka na namang dala.”

Pero tinawanan n'ya lang ako at saglit kaming nagkatitigan.

Sunod na lang na namalayan ko ay yakap na ako nito.

“Kahit kailan hindi ka marunong manlambing ng kaibigan.”  pabulong nito na narinig naman ng lahat.

“Kaibigan ba kita?”  tulak ko sa kanya at tinaasan ko lang ng kilay.

Saglit na natigilan sila Chris, Ced at Jonathan. Kahit si Ellie ay tahimik na ring nakamasid lang samin na out of place na ata at hindi nagegets ang mga nangyayare.


“O-Okay na tayo last time di'ba? Galit ka pa rin ba sa’kin?” lumungkot ang ekpresyon ng mukha n'ya kaya doon na ako dahan dahang napangisi.


“Okay tayo. Pero hindi ko sinabing magkaibigan tayo.”

Ilang segundo lamang ay sabay sabay silang naghiyawan at sabay sabay na naman akong kinuyog.

“Ano ba! Sasakit n'yo sa tenga!”

“Paiyak na si Rhoan, hahaha! Parang hindi na nasanay kay Candid.” bulalas ni Cedrick.

Maya maya pa ay napatingin kami kay Ellie ng eksaherada itong tumikhim.


Hindi na lang ako nagsalita, sa bagkus si Jonathan na ang nagpakilala sa mga bagong salta na ito kay Ellie.

“Bes, akala ko ba wala kang ibang mga kaibigan?” pasimpleng bulong sa'kin ni Ellie.


“Hindi ko naman talaga kaibigan 'yang mga yan. Assuming lang talaga sila.” sadya kong ipinarinig sa tatlo.


“Wow! Napakasweet mo talaga kahit kailan.” sarkastiko namang react ni Cedrick at napatawa nalang silang lahat.


“Paano ba yan, tour mo kami maya dito sa napakaganda nyong school?” Chris.


“Wala kayong mga paa? Kailangan nyo pa ng tour guide? Ano kayo mga turista?” nakataas kilay na sagot ko sa kanya pero tumawa pa ang loko.


“Ako, pwede ko kayong i-tour mamaya!” hindi nahihiyang volunteer ni Ellie kaya sabay sabay silang napatingin rito. Saka pa lamang parang nakaramdam ng hiya at ilang si Ellie.

“Buti pa itong kaibigan mo, mas mabait sa'yo Candid. Hindi ka pa rin talaga nagbabago.” biro ni Rhoan habang nakangisi.

“Maguguho ang mundo kapag nagbago ako.” makahulugan kong sagot na deretsong nakatitig sa kanya.


“Oh, baka magaway na naman kayo. Dapat happy lang!” Chris na umakbay na rin kay Rhoan.


Iiling iling naman napangiti si Rhoan.

Napatingin na lang sa'kin si Ellie. Siguro akala n'ya may tensyon sa pagitan namin ni Rhoan. But she's wrong. Sadyang ganito lang talaga kami. Akala mo laging nagpapasaringan, pero ang totoo isa na rin s'ya kayla Jonathan na masasabi kong mga tao na pwede kong pagkatiwalaan.

Pero hindi ko pa rin ikinokonsiderang kaibigan.

Muling natigil ang pagaasaran at tawanan nila ng may tumikhim. Lahat kami ay napatingin sa bagong dating na parang dadaan sa gitna namin.


Naramdaman kong tumingin sa'kin si Ellie. Pero pawang napako na lang din ang tingin ko sa lalaking bagong dating.

“You guys are those transferee's right? Huwag kayong gumawa ng commotion sa gitna ng daan. Naaabala n'yo yung ibang estudyante dito sa corridor.”


Seryoso nitong pahayag na lalong nakapagpatahimik kayla Christian. Saglit silang nagkapalitan ng mga tingin at hindi nakaligtas sa'kin ang palihim na pagngisi ni Cedrick.

“I am the student council President, Blaze Anthony Dalton. You must hand your papers to Miss Ellie, our secretary and follow me to the SC office first before to the Admission Office.” maawtoridad pa nitong pahayag.

Bago pa man ito naglakad palagpas sa'min ay saglit n'ya pa akong tinapunan ng malamig na tingin.

Ako na mismo ang unang nagiwas ng mga mata ko sa kanya. Mahirap na.


Pasimple akong siniko ni Ellie pero hindi ko na lang yun pinansin.

“Una na muna kami, Princess. Kitakits mamaya.” may pagkindat pang paalam ni Christian habang si Cedrick naman ay nagawa pang guluhin uli ang scarf na suot ko.


Akala ko ay nakalagpas na ng tuluyan si Blaze pero may kausap pa pala itong isang estudyante at sakto itong napatingin muli sa'min dahil sa pagiingay nitong mga bagong salta kong kasama.

Muli na naman akong kusang nagiwas ng tingin.

Hindi ko alam kung bakit parang ayaw na ayaw kong makita s'yang ganito makatingin sa'kin.

May parte sa akin na nagsisisi sa mga nasabi ko. At may parte sa akin na nagpapaulit ulit yung mga sinabi n’ya sa’kin.

Maling mali para sa'kin na makaramdam ng ganito. Na parang ako pa yung nakukunsensya kahit may mga mali naman talaga s'yang pagtrato at ginagawa sa'kin. Sadyang hindi ko lang maiwasang isipin ang mga hindi ko inaasahang dahilan mula sa kanya.

Lumipas ang ilang oras at pasalamat akong hindi sa section namin napunta ang tatlong yun. Kung hindi lalo lang sasakit ang ulo ko sa mayat maya nilang pangungulit.


Sinabi ko na rin kay Jonathan na pagsabihan n'ya yung dalawa na huwag masyadong clingy sa'kin. Wala man akong pakialam sa iisipin ng iba, pero ayaw ko na ng panibagong intriga.


Isa pa, hindi ko pa alam ang gagawin ko ngayong hindi kami naguusap ulit ni Blaze. Gustong gusto kong lumipat ng mauupuan pero hindi pwede dahil sigurado akong papagalitan lang ako ng adviser namin.


Patayo na sana ako ng mahulog ang notebook kong ilalagay ko na sana sa bag.


Dadamputin ko na sana ng mabilis ng mapagtanto kong may isa pang kamay na aabot dito.

Kinabahan ako bigla.


Dahan dahan akong nagangat ng tingin.


Sabay na nagtama ang mata naming dalawa.


Pero para lamang akong nanlamig sa lamig ng mga titig n’ya.

Hindi ko na sinubukan pang abutin ang notebook ko ng damputin n'ya na yun. Ako ang unang nagayos ng tayo.

Parang naghihina yung tuhod ko. Naiilang ako na parang ewan. Parang gusto kong tumakbo palayo.

Imbes na iabot n'ya sa'kin ng direkta, inilagay n'ya lamang yun sa desk ko.

Wala sa sariling napatitig lamang ako roon.

Ang simple lang naman ng ginawa n'ya, pero bakit parang may epekto sa'kin yun?

Nasa Cafeteria na kami nila Ellie at pakiramdam ko sumasakit na ang ulo ko.

Nakakaagaw na rin ng pansin ang table namin dahil sa ingay na dinudulot ng pagdadaldalan nila Jonathan, Christian, Cedrick, Rhoan at si Ellie.

“Okay ka lang? Kanina ka pa walang kibo. May sakit ka ba?” seryosong tanong ni Cedrick sa'kin.


Hindi na ako nakaalma pa ng idampi n'ya ang likod ng kamay n'ya sa noo ko. Pero mabilis ko rin yung tinapik.

“Hindi ka pa ba nasanay sa'kin?” tatawa tawa lang ang isinagot n'ya at napailing na lang.


“Guys, ito ang una at huli ha? Sinabi ko na sa inyo.” sambit ni Jonathan sa kanila at sinulyapan ako.


“Tss. Oo na. Madaya. Si Rhoan pwede, tayo hindi? Madaya talaga.” reklamo ni Christian.


“Pakababae ka muna para maging pwede ka na rin.” Rhoan.


“Bakit, anong una at huli?” usisa ni Ellie at sinulyapan rin ako.

Nagkatinginan na lang sila at sinulyapan ako saka sila sabay sabay na nagkibit balikat na lang.

“Tan, pagsabihan mo nga yang si Candid. Ganyan ba talaga kumain yan? Hindi inuubos. Kaunti na nga lang ang pagkain hindi pa mangalahati.” Chris na pinupuna na naman ang pagkain ko.


“Hayaan nyo na, wala sa mood yan.” makahulugang singit naman ni Ellie sa usapan.


“Hindi pa ba kayo nasanay, lagi naman talagang wala sa mood yang Prinsesa natin.” Cedrick.

Agad ko s'yang sinamaan ng tingin.

“Hanggang kailan n'yo ba ako balak tawagin na Prinsesa? Nakakadiri talaga.” naiinis na sabi ko sa kanila.

“Anong gusto mo, Empress?” pabulong ni Cedrick sa'kin na masyadong malapit kaya bahagya ko s'yang tinulak na ikinatawa lang n'ya.

Naramdaman ko ang mga pares ng matang tila tumutusok na naman sa sistema ko kaya napataas ako ng tingin.


Hindi nga ako nagkamali.

Mga pares ng malalamig na mata ang nahuli kong deretsong nakatingin sa'kin. Seryoso s'yang umiinom ng tubig sa basong hawak n'ya habang titig na tirig sa'kin.  Animo parang walang pakialam at walang tao sa paligid n'ya.

Tila nilalamon ako at hinihigop ng mga tingin na yun.


Napansin ko rin na mas nagdilim ang ekspresyon ng kanyang mukha habang nakatitig sa'kin mula sa table nila.

“Try mo nga ‘to Candid. Pakilasa ko hindi masarap eh.”

Hindi ko na nagawang makaalma ng subuan ako ni Cedrick at ipatikim ang pagkain n’ya. Parang yun na rin yung naging cue para maiwasan ko ang mga tingin na yun ni Blaze.

Saglit kong pinakiramdaman ang dibdib ko.


Sa twing tinititigan ako ni Apoy sa ganoong paraan, tila sasabog ang dibdib ko.

Wala sa sariling tumango na lang ako sa mga sumunod na sinasabi ni Cedrick.


Tumayo na ako ng walang pasabi dahil tapos na naman ako kumain.


Pigil pigil pa nila ako pero isa isa ko lang silang sinulyapan.


“Yung usapan natin, totohanin nyo. Susunugin ko kayo ng buhay kapag inulit n'yo pa to.”


Napasinghap ang ilang mga estudyanteng nakarinig mula sa ibang kalapit naming table.


“Yes Master!” pagsaludo pang nalalaman si Chris at Cedrick sa'kin bago ko sila tuluyang iwan sa table.



“Hi Candid. Mukhang may bago ka na namang mga boys ah? Bakit, nagsawa ka na ba kay Bad at Dwayne?” bungad agad sa’kin ni Yuri kasama si Harriet habang patungo ako sa conveyor para ilagay ang mga pinagkainan ko.

Inalagay ko muna lahat doon at itinapon ng ayos ang mga waste ko bago sila tapunan ng tingin.

“Oo eh. Nagsawa na ‘ko. Nakakaawa ka naman kasi kung wala akong ititira sa'yo.” simple ngunit puno ng sarcasm na sagot ko sa kanya na ikinalukot ng mukha n'ya.

“Ganun ka na ba kalandi at proud ka pa?” pagtataray pa n'ya habang nakataas ang drawing n'yang kilay.

“Yes. Proud ako dahil ako yung nilandi ng nilalandi mo. Ikaw, linandi mo na nga, pero nilandi ka ba?”

Natigilan s'ya saglit at nagdilim ang ang ekpresyon ng mukha kaya napangisi na lang ako.

Tatalikuran ko na sana s'ya ng
magsalita pa s'ya.


“Nilandi ka lang, pero minahal ka ba? If I know, nagkabalikan na sila ng the one and only n'ya. I hope hindi ka huli sa balita.” panunuya s'yang ngumisi kahit hindi na ako nakatingin sa kanya.


Malalim akong humugot ng hininga at kalmado muli s'yang hinarap.

“At least ako naranasan kong landiin. Eh ikaw ba? Umasa ka lang na landiin ka, pero hindi nangyare hindi ba? Dinaig pa rin kita.mapangasar ko s'yang nginisihan bago muling talikuran.


“Aba’t!”


“Stop it, Yuri. May araw din sa'tin ang babaeng yan.”



Rinig ko pang sabi ni Harriet kay Yuri na parang pinigilan ito.

Himala, hindi s'ya nakisabay na nagmaldita.

Well, hahantayin ko ang araw na yun na pinagpaplanuhan n'ya.



Baliw talaga na babaeng yun.

Ano bang pinaglalaban n'ya? Eh s'ya na rin ang nagsabing may mahal si Blaze ah? Mas kawawa s'ya sa part na yun dahil ang tagal n'ya ng nagpapakabaliw sa lalaking yun kumpara sa'kin na nagtrabaho lang bilang assistant n'ya.



I have no time dealing with some bullies. Pero mukhang sineswerte talaga ako ngayong araw eh.


Namataan ko lang naman si Haven sa isang parte ng room kung saan walang masyadong tao ang dumadaan. Dalawang lalaki ang nasa harapan n'ya habang s'ya naman ay nakasalampak sa sahig at nakadukdok ang sarili sa pinakasiksik ng pader.

“So ano, wala ka talagang balak ibigay ang pakay namin?”


“W-Wala nga—”


Hindi na naituloy pa ni Haven ang pagsagot ng malakas na sampal ang iginawad sa kanya ng lalaki.


“Kalalaki n'yong tao, babae lang ang kinakaya n'yo?”


Sabay sabay silang lumingon at bumaling sa gawi ko.

“Oh, ang Señorita ng HFA. Kung may balak kang mangialam, huwag mo ng ituloy. Hindi kami sumasanto ng babae.” nakangising sabi ng lalaking sumampal kay Haven.

Sinipat ko saglit si Haven.

Nakaukok at nakatungo lang itong nakaupo sa gilid na parang takot na takot.

“Pero hindi rin ako sumasanto ng lalaki. Patas na ba tayo nun?” nakataas kilay kong sagot sa kanya.


Nagkatingin ang dalawang lalaki bago sabay na natawa.


Habang ako, wala akong ibang reaksyon kung hindi napangisi na lang sa mga mukha nila.



At ang mga sumunod na nangyare?






Inaasahan ko na.







“Sinong nagbigay sa'yo ng permismo para mambugbog ng mga kapwa mo estudyante rito? Hindi mo lang binugbog. Binaldado at pinilay mo pa. Alam mo ba kung anong mangyayare kapag mas kumalat pa sa social media ang ginawa mo kanina?”

Galit na singhal sa'kin ng guidance councilor.

Narito rin ang mga student council na tahimik na nakikinig sa panenermon sa'kin sa pangunguna ng Presidente nila.


“Hindi mo rin ba inisip kung sakaling magreklamo ang mga magulang ng binugbog mo kanina? Maaari ka ng ma- expel o makick out sa ginawa mo Ms. Rosales. Mas malala baka ireklamo ka pa.”


Hindi pa rin ako nagsalita kaya lalo lang nagsalubong ang kilay n'ya.


“Wala ka ba talagang balak magpaliwanag kung bakit mo yun nagawa, ha?” mas pinalakas at mataas na boses na tanong nito sa'kin.


Hindi ako nagangat ng tingin at hindi pa rin nagsalita.


Para saan? Eh ako naman ulit ang lumabas na masama.

“Miss, kami na po muna ang bahala kumausap sa kanya. Dadalhin muna namin s'ya sa sa office namin para kausapin at pagkatapos ibabalik namin s'ya rito.” rinig kong si Blaze na ang nagsalita kaya saglit akong napatingin rito.

Nang sandaling tumama ang mga mata n'ya sa'kin, muli akong nagiwas at nagbaba ng tingin.

Bakit ganito, bakit nagiiba na ang pakiramdam ko sa twing titingin s'ya sakin ng ganito?

“So what now, don't you have any plan to explain your side?” mataas agad ang boses ni Blaze ng tanungin ako.


Narito na kami sa office ng student council.

Si Sham, Yuri at Trust lamang ang ibang narito na student council.

“Hindi mo man lang ipapaliwanag kung bakit basta basta mo na lang yun ginawa? Pwede kang parusahan ng mas malala kapag wala kang matinong ipinaliwanag mamaya. Basta basta ka na lang nambugbog ng mga kapwa mo estudyante and that's not acceptable, Candid.” pagalit na tono nito habang nakatuon na ang dalawang kamay sa lamesa at mariing nakatitig sa'kin.

Anong sasabihin ko? Hindi rin naman nila ako papaniwalaan. Besides, yung kaisa isang witness ko, tumakbo palayo bago pa man tuluyang magkagulo.

“Handa kong harapin kung ano mang ipaparusa sa’kin.”


“Yan!” halos lahat ng mga kasama namin nagulat sa biglaang pagsigaw ng malakas ni Blaze. “Dyan ka magaling! Palibhasa lahat dinadaan mo sa init ng ulo. Lahat dinadaan mo sa dahas! Lagi kang nagmamatapang ultimo sa mga parusang gagawin sa'yo. Hindi mo man lang ba iniisip na pwede kang hindi makagraduate sa ginawa mo?”

Dahan dahan akong nagangat ng tingin at blanko lang s'yang tinitigan na lalong nakapagpapikon sa kanya base sa ekspresyon ng kanyang mukha. Madilim pa rin ang mga titig n'ya.

Lalo lang akong naging desididong manatiling tikom ang bibig.


Akala ko ba, kahit papaano Apoy..kilala mo na ako?


Hindi ba dapat bukod tangi ka sa lahat na makakapagsabi kung bakit ko iyon nagawa?

Mariin at madilim lang s'yang nakatingin sa'kin habang salubong na salubong ang kilay at kunot na kunot ang noo.

Matapos ay sinulyapan n'ya ng tingin ang braso ko. Mas napatagal pa s'ya ng tingin sa may bandang kamay ko habang bahagyang nagtiim bagang.

Mabilis lang ako ulit na nagiwas ng tingin.


Parang hindi ko kaya tagalan na tignan s'ya ng ganito s'ya tumingin sa'kin.


But as much as I can control my expression, hinding hindi ko ipapakita yun.

“Calm down, Blaze. Hindi nakakatulong ang ginagawa at pinagsasasabi mo kay Candid.” si Sham na ang nagsalita.


“Sus, kahit naman talaga kailan basagulera ang babaeng yan. Sa'kin nga nagawa n'ya eh, sa iba pa kaya? Walang nakakapagtaka doon. Likas na gulo lagi ang hanap n'yan.” pagsingit rin ni Yuri.


“Stop it, Yuri. Hindi ka nakakatulong.” saway naman rito ni Trust.


“Fine! Kung ayaw mong magsalita para matulungan ka ng council, wala na kaming magagawa. Bahala ka ng harapin lahat ng consequence na haharapin mo mamaya.”


“Wait, Blaze?”

Pigil pa sana ni Sham rito pero malakas na alingawngaw lang ng pagsara ng pinto ang narinig namin.

“Ako na ang kakausap.” tumayo na rin si Trust at sinundan ang Presidente nila.


“Oh ano ngayon Candid? Mukhang wala ka ng malakas na kakapitan ngayon.” panunuyang ngumisi si Yuri sa harapan ko bago tuluyan na ring umalis at lumabas ng pinto.


“Ano ba talagang nangyare, Candid?”


Tamad akong nagangat ng tingin at tinignan si Sham.

“Nambugbog ako.” Thats it.



Bagsak ang balikat n'yang nagpakawala ng malalim na paghinga. Siguro alam n'ya ring wala talaga akong balak magsalita at magpaliwanag pa.



Iwas ang mga estudyanteng makakasalubong ko habang naglalakad ako sa corridor.

Halos lahat nagbubulungan at pinagtsitsismisan ako. May ibang masasama ang tingin at maraming mapanghusgaham mata ang makahulugang tinititigan ako pero hindi ko na lang pinansin.


Wala naman silang maiaambag sa buhay ko kung bibigyan ko sila ng pansin.


Besides, suspended na naman ako.




Hindi pa man ako nakakalayo ay isang braso na agad ang humila ng kamay ko papunta sa kung saan.

“Ano ba Dwayne, bakit mo ‘ko hinihila?” walang gana kong tanong sa kanya pero hindi s'ya sumagot.


Hanggang sa makarating kami sa may quadrangle at paupuin n'ya ako sa isa sa mga bench. Umupo na rin sya agad at tumabi sa'kin.


Hindi n'ya agad ako tinignan bagkus ay chineck n'ya agad ang magkabilang braso at kamay ko.


Matagal s'yang nanatiling nakatitig roon. Hihigitin ko na sana pabalik ang kamay ko na hawak n'ya pero lalo n'ya lang hinigpitan ang kapit at nagangat na sa'kin ng tingin.


Nababasa ko ang pagaalala sa mga mata n'ya habang nakatitig sa'kin kaya hindi ko na nagawa pang umalma.

“Sabi nila, ang sugat at mga pasa raw hindi gumagaling ng mabilis kapag hindi nagagamot agad.” mahina at seryoso nitong sabi ng muling titigan ang mga sugat sa kamay ko at pasa sa braso ko.

Saka ko lamang napansin na may dala s'yang plastic kung saan may mga ointment, bandaid at iba pa na laman ng isa isa n'ya itong ilabas.

Hindi na lang ako nagsalita o nagreklamo pa.

“Masakit ba?” seryoso nitong tanong habang pinupunasan ng ointment ang mga pasa ko sa braso.

Bahagya pa akong napapadaing pero hindi ko pinapahalata. Bagkus lalo n'yang dinahandahan at marahang dinadampian ang balat ko para hindi siguro ako lalo makaramdam ng sakit.

“Masakit ba?”


Tumigil s'ya at saglit ako na tinitigan.

Inulit n'ya ang tanong na hindi ko masagot sagot.

Habang nilalabanan ko ang mga titig n'ya, alam kong hindi lamang tungkol sa sugat ang gusto n'yang patungkulan.

“Sanay na ako, Dwayne. Higit pa dyan ang mga naranasan ko na.” sagot ko na tanging sa mga sugat ko lamang nakatingin.


“Pero ginagamot ko na.”

Hindi ako nagreact sa sinabi n'ya kaya pinagpatuloy na lang ulit n'ya ang ginagawa.


“At kahit ilang ulit kang magkasugat, handa akong gamutin ka. Kahit mas malala pa dito, handa naman akong gamutin.” sinsero pa nitong dagdag kaya wala akong nagawa kung hindi ang mapatitig na lang sa mukha n'ya habang pinupunasan naman n'ya ang mga sugat at galos ko sa kamay.

Hindi sinasadya na napaangat muli ako ng tingin dahil naramdaman kong muli ang pamilyar na pakiramdam ng mga matang nakatingin sa’kin. At hindi na naman ako nagkamali.

Nang sandaling magtama ang aming mata ay mabilis s'yang may itinago sa likuran n'ya. Saglit n'yang tinapunan ng tingin ang kasama ko matapos ay muling nagbalik sa'kin ng malamig na tingin bago tuluyang tumalikod at maglakad papalayo..


Palayo at pawala sa paningin ko..

“Wala ka bang sugat sa mukha? O kung saan?” tanong ni Dwayne na nakapagpabalik ng atensyon ko sa kanya.

Umiling lang ako.

“Walang ibang masakit?” muli n'ya akong inangatan ng tingin at deretsong tinitigan sa mga mata ko.

Umiling lang muli ako.

“Sigurado ka?”

Nababasa ko sa mga mata n'yang hindi s'ya kumbinsido sa sagot ko pero mas pinili ko na lang ulit na itikom ang bibig ko.


“Maghihilom ang lahat ng sugat at mawawala ang sakit kapag nagagamot. Kaya huwag na huwag kang tatanggi kapag may taong handang gamutin ka.” makahulugan pa n'yang sabi habang patuloy pa rin sa ginagawa.


“Sabi mo mas malala pa rito ang mga naranasan mo na.” saglit n'ya pa akong sinulyapan pero itinuon ko na lang ang paningin sa ibang direksyon. “Nasasanay ka na ba talaga sa sakit?”

Ilang segundo pa ang pinalipas ko para sumagot. Hinanap ko rin sa sarili ko ang sagot.

“Matagal na akong sanay.”

“Marahil naghilom na yung iba. Pero gugustuhin mo pa bang makaranas ng mas masakit pa dito? Pwede namang..ngayon pa lang..umiwas ka na.”

Napakagat na lang ako sa pangibabang labi. Mukhang may nais talaga iparating ang mga tanong n'ya.

“Pilit naman akong umiiwas ah. Sadyang ako na ang kusang nilalapitan ng gulo.”

Hindi agad s'ya nagreact sa sinabi ko.

Naramdaman ko lang ang marahang paghagod n'ya sa mismong kamao ko.

“Alam kong hindi mo yun gagawin ng walang dahilan. At alam ko ring hindi mo ipaglalaban ang isang bagay kung hindi kailangan.”

Napatitig na lang muli ako sa mukha ni Dwayne.

Hindi ko maiwasang makaramdam na kahit papaano matouch sa sinabi n'ya.


Mabuti pa s'ya..alam yun.


“Pero gusto ko ring sabihin sa'yo na may mga bagay o taong hindi karapatdapat ipaglaban.” 

Seryoso n'yang saad habang titig na titig sa mga mata ko.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko sa huling sinabi n'ya kaya wala sa sariling napaiwas na lang ulit ako ng tingin.

May kung ano sa loob ko na lalong nakapagpabigat sa nararamdaman ko.

“Salamat Dwayne.” kusa ko na lang binawi ang kamay ko mula sa kanya. “Salamat dito.”

Una na rin akong tumayo.


“Hayaan mo, alam ko pa naman ang ginagawa ko. At tatandaan ko lahat ng sinabi mo.” pilit lang akong ngumiti kahit hindi n'ya iyon nakikita.

Tinalikuran ko na s'ya at naglakad na ako papalayo. Pero bago pa yun, may mga binitawan pa s'yang salita na alam kong hindi ko dapat balewalain pero hindi ko rin maunawaan kung ano ang ibig sabihin.


“Maghihintay ako, Candid.”


~°~


Patungo na ako sa parking lot at doon ko na lang daw antayin si Ellie. Sa kanya na lang ulit ako sasabay sa paguwi tutal hindi ko naman dinala ang motor ko. Isa pa, nauna na rin namang umuwi ulit si Kurt na hindi man lang ako inalok sumabay.


Bago pa man ako makalapit sa sasakyang nakaparada na pagmamayari nila Ellie, kusa ng napako ang mga paa ko ng mapatigil ako sa paghakbang.


Lumipas ang isa..lima..o sampung segundo pang ganoon lamang ang eksena.

Parehas kami ng reaksyon ng magtama ang mga mata naming dalawa.


Parehas na hindi inaasahang dito kami magkikita.



Ngunit ng lumipas pa ang ilang segundo, ang gulat na reaksyon ko kanina ay napalitan ng malamig na ekpresyon at malamig na titig sa kanya.



Mukhang wala s'yang balak umusap. Nanatili lang din s'yang nakatitig sa'kin pero nararamdaman ko na ang pagsisimula na magkaroon ng ilang sa kanyang mga mata.

Pero sabagay, matagal ko ng pinaghandaan ang araw na ito. Alam kong hindi imposibleng hindi ulit kami magkikita, lalo na ngayon.


“Hindi ba sinabi ko na sa'yo, na huwag na huwag ka ng magpapakita sa'kin?”


Mabigat at matensyong sambit ko sa kanya.


“I-I didn't know that you're currently studying here.” malumanay ngunit mababanayad ang pagkabalisa sa sagot n'ya.


Imposible.

Imposibleng hindi mo alam.

“Umalis ka sa dadaanan ko habang nakakapagtimpi pa ako.” banta ko sa kanya na agad naman n'yang naintindihan dahil humakbang s'ya pagilid.

Binitiwan ko na s'ya ng tingin at wala na sana akong balak lingunin s'ya ng dumaan ako sa gilid n'ya ng nagawa pa nyang tawagin ang pangalan ko.

“Candid.. Pwede ba tayong magusap?”

Napatigil muli ako sa paglakad at naikuyom ang mga kamao ko bago muling magbaling ng tingin sa kanya.

“Sinong nagbigay ng karapatan sa'yong bigkasin ang pangalan ko?” madilim ko pa rin s'yang tinitigan. “At sino ring nagsabi sa'yo na makikipagusap ako sa'yo?”

Tila nagaalangan s'yang makipaglaban ng tingin sa'kin.

Ang nababasa ko?

Takot. Kaba. Kahihiyan..


“Can—”


Muli at akma na talaga sana akong aalis ng maramdaman ko ang kamay n'yang humawak ng mahigpit sa braso ko para pigilan akong umalis na naging sanhi para makaramdam ako ng sakit dahil sa mga pasa ko roon.

Hindi lang yun. Pakiramdam ko nadampian n'ya lang ang balat ko, nangilabot at dumoble lalo ang inis na naramdaman ko kaya mabilis ko ring binawi at hinila ng malakas ang braso ko mula sa kanya dahilan para sumalampak s'ya sa semento.



“CANDID!”

Mabilis akong napatingin sa sumigaw.

Hindi makapaniwalang nakatingin s'ya sa'kin at tumingin rin sa babaeng ngayoy umiiyak ng nakasalampak sa semento.


Dali dali n'ya itong inalalayan patayo at alalang alalang chineck ang mga braso nito kung nagasgasan ba o ano.

Ibinaling ko sa ibang direksyon ang paningin ko.

Alam ko na kung anong magiging kasunod nito.

“What have you done to my girlfriend?” pagalit agad na turan n'ya sa'kin.

Deretso lang akong tumingi  sa manya ng walang emosyon. Matapos ay inilipat ko ang tingin sa babaeng umiiyak na ngayong nakaangkla sa braso n'ya habang nakatungo.

Sa babaeng sinabi nyang girlfriend n'ya.

“Wala akong ginawa sa kanya.” tamad at malamig kong sagot habang nilalabanan ang matatalim na titig n'ya.

Wala pa man s'yang ibang sinasabi, sa mga tingin pa lang nya nararamdaman ko na.

Nararamdaman ko na yung bigat.

Yung bigat ng pagaakusa.

Hindi ko na agad maikakaila.

Hindi maganda..mabigat...



“Kitang kita kong tinulak mo si Lacey and yet tinatanggi mo pa? Ano ba talagang problema mo huh!? Kitang kita ka na sa akto, tumatanggi ka na naman?”

Lalo lang inalo ni Blaze ang babaeng kasama n'ya ng lalo itong humikbi at umiyak.



Napatawa na lang ako ng mapakla na s'yang naging dahilan para lalong magdilim ang tingin sa'kin ni Blaze.


Bakit ganito mo na lang ako tignan?

Hindi mo man lang ba ako tatanungin man lang?


“Mukhang hindi pa pala talaga kita kilala, Candid.” malamig ngunit puno ng iritasyon nitong sabi habang nakatitig sa'kin.

Oo nga..

Hindi mo pa talaga ako kilala.

Akala mo lang yun nung una..


Hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong nilalabanan ang mga titig n'ya.


Titig na puno ng pagaakusa. Titig na puno ng galit dahil sa sinaktan ko ang babaeng mahal n'ya.

Ang bigat bigat..

Tila nawalan ako ng lakas na magsalita.



Ano ba namang laban mo, Candid ha?


Girlfriend yan. Former assistant ka lang.



“Hindi ko alam ang rason kung bakit mo ‘to ginawa sa girlfriend ko, Ms. Rosales. Pero kung gumaganti ka dahil galit ka sa'kin, pwes ilabas mo si Lacey dito.”

Lalo lang bumigat ang loob ko sa mga sumunod n’yang sinabi.

Marahan at maingat nyang inalalayan si Lacey papunta sa kotse n'ya. Akala ko tuluyan na s'yang aalis ng isara na n'ya ang pinto ng kotse pero nagawa pa n'yang tumigil sa harapan ko at magsalita.

Ang mga titig n'ya, ito ang pinakamatalim sa lahat ng titig na naigawad n'ya na sa'kin mula ng magkakilala kaming dalawa.


“Palalagpasin ko ang ginawa mong ‘to.. Pero oras na kantiin mo ulit ang girlfriend ko..” pagdidiin n'ya pa sa salitang 'girlfriend.’ “magkakalimutan na tayo.”


Biglang nanghina ang tuhod ko sa mga katagang binitawan ni Blaze.


Tulala akong naiwan doon magisa.


May kung anong kumikirot.

May kung ano akong nararamdaman sa kaloob looban ko na gustong kumawala..







And the next thing na narealize ko na lang...










Nanlalabo na ang mga mata ko..











Sa hindi malinaw na dahilan..







Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 117 32
Enjoy reading! No spoiler and No bashing pls. Thank you!🀎
838K 33.1K 39
When your nightmare turns out as your reality is the most terrifying event that you will imagine in your whole life. Can you survive when you know t...
185K 7.1K 82
Myth Series 3 Will the King of The Sea marry a mortal woman who is not even destined to be his bride?
631K 16K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya AΓ±asco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...