My Ex-Boyfriend's Comeback

By Destiny-One

218K 5.2K 389

Si Sydney ay iniwan ng kanyang dating kasintahan sa kadahilanang ikakasal na ito sa iba. Dahil dito ay hindi... More

My Ex-Boyfriend's Comeback
Start
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
Bonus Chapter #1
Note.

Chapter 12

6.8K 190 18
By Destiny-One

Lies and Pain

--

"Why are you here?" Walang kasinlamig ang boses na iyon. Narito kasi ako ngayon sa opisina ni Drew para kuhanin ang ibang gamit na naiwan ko. I thought he's out of the country...ani ng kanyang bagong secretary.

"May naiwan lang ako." Nakataas ang kilay kong tugon.

"Sydney mag-usap nga tayo." Galit ang tono niya. Halos hindi rin ako makahinga ng marahas niyang isinarado ang pintuan ng opisina niya.

"Bakit ka nag resign? Dahil ayaw mong malaman 'yong katotohanan? Natatakot kang harapin ito?" Naguguluhan ako sa iniaasta niya ngayon. It seems like I did something wrong na walang kapatawaran.

"Bakit Drew? Bakit mo naitanong 'yan? Hindi ba pwedeng umiiwas lang ako sa gulo? Ayokong makita ka dahil naguguluhan ako! Tahimik na ang buhay ko ngayon at ayoko na ng gulo!"

"Really Sydney?" Napahilamos siya sa mukha niya. Parang gusto niya akong saktan ngunit pinipigilan niya lamang iyon.

"3 months ago...noong nakita ulit kita. Alam mo bang nasaktan ako no'n?" Kalmado niyang sabi.

"Bakit ka masasaktan, ikaw 'yong nanakit diba?" Buong tapang kong sabi.

"Shut up!" Napaatras ako ng wala sa oras dahil sa ginawa niyang pagsigaw. Nanlilisik ang mga mata niya.

"Wala kang alam Sydney! Kung alam mo lang kung gaano kahirap 'yong ginawa ko...masasabi mo kaya 'yang mga sinasabi mo ngayon?" Natahimik ako. Hindi ko siya maintindihan.

"Ginawa ko 'yon dahil mahal kita. Mahal na mahal kita Sydney...alam mo 'yan diba?" Pumirme siya sa kanyang kinatatayuan malapit sa akin.

"Noong muli kitang makita nasaktan ako no'n. Dahil kitang-kita ko sa mga mata mo na masaya ka na sa buhay mo ngayon...at tila ba hindi ako naging parte ng buhay mo noon. 'Yong mga tingin mo...tuluyan mo na akong kinalimutan, and it fucking hurts as hell!"

Habang sinasabi niya ang mga salitang iyon ay kitang-kita ko sa mga mata niya 'yong sakit. Ngunit gano'n pa man ay wala akong maintindihan. Tila lalo lang gumulo ang lahat.

"...paano mo nagawa 'yon huh?" Ang sakit sa mga mata niya ngayo'y biglang napalitan ng galit. Hindi siya 'yong Andrew na nakilala ko six years ago. Ibang-iba siya sa Andrew na minahal ko noon. Nakakatakot 'yong tingin niya ngayon...marahil dahil sa galit na nasa mga mata niya ngayon.

"I-I don't understand you." Umiiling kong sabi. Muli akong napaatras ng mas lumapit siya sa akin. Subalit kaagad din akong napatigil dahil pader na ang nasa likuran ko, wala na akong maatrasan.

"Stop acting like you don't know what I mean Sydney!" Nanggigigil niyang sinabi iyon. Napapikit rin ako ng makita ko ang pag-angat ng kamao niya. Akala ko ay diretso itong tatama sa mukha ko, ngunit sa pader iyon sa likuran ko tumama.

Paulit-ulit niyang sinuntok ang pader na naging dahilan ng pamumuo ng takot sa dibdib ko. He's scary as hell.

Naisin ko mang sumigaw para pigilan siya sa ginagawa niya ay hindi ko na nagawa dahil sa takot na bumabalot sa akin ngayon.

Alam kong nasasaktan siya sa ginagawa niyang pagsuntok sa pader...ngunit wala ako ng lakas para awatin siya. Nanghihina na rin ang mga tuhod ko.

"D-Drew...stop it!" Sa wakas ay nakakuha rin ako ng lakas para pigilan siya. Ngunit tila wala lang ako sa kanya.

"Drew ano ba!" I shouted at him. Sa wakas ay tumigil siya. Ngunit tila naging doble 'yong galit sa mga mata niya.

"Ano bang ikinakagalit mo?" Umiiyak kong tanong sa kanya. Hinarap niya ako at tiningnan ng tinging nakakadismaya.

"Why did you abort our child?" Nanghihina at galit na galit niyang tanong. Magkakahalong emosyon naman ngayon ang nasa mga mata niya. Tila na istatwa rin ako sa tanong niya. Anong ibig niyang sabihin?

"W-what?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Alam kong galit ka sa akin Sydney dahil sa ginawa kong pagsisinungaling sa'yo. Pero tama ba 'yong ginawa mo na pinalaglag mo 'yong anak natin? Sydney hindi lang ikaw 'yong magulang ng bata! Bakit mo ginawa 'yon?"

Nanghina ako sa mga narinig ko mula sa kanya. Anong abortion ang pinagsasabi niya? Saan galing ang mga impormasyong sinasabi niya?

"D-Drew---"

"Galit ako Sydney! Galit na galit ako sa'yo no'ng mismong araw na natanggap ko 'yong mensahe na galing sa'yo! Naiintindihan ko 'yong galit mo sa akin ng araw na 'yon...pero hindi ko maintindihan kung bakit pati 'yong batang walang kinalaman ay dinamay mo!"

"D-Drew listen to me---"

"Alam mo ba 'yong mas lalong ikinakagalit ko? 'Yong mga kilos mo noong muli tayong nagkita. Kung umasta ka ay parang wala lang 'yong ginawa mong pagpatay sa anak natin!"

Gusto kong sagutin ang mga paratang niya. Gusto kong itanong kung saan niya nakuha 'yang mga pinagsasabi niya, ngunit hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon para magsalita. He keeps on cutting my every words and it irritates me!

Wala akong matandaang nag-message ako sa kanya noong huling kita namin. I didn't even have my phone during that time when I arrived to his apartment. Kaya saan niya nakuha 'yon? Ang gulo! Naguguluhan ako!

"Galit rin ako sa sarili ko...dahil sa kabila ng ginawa mo. Sa kabila ng sakit na dulot ng ginawa mo...mahal na mahal pa rin kita. Kahit na napaka wala mong kwentang ina!"

Umigting ang panga ko sa huling mga salita na binitawan niya. Hindi iyon naging maganda sa pandinig ko...bagkus ay ang sakit-sakit no'n.

Isa-isang nanumbalik 'yong mga salitang madalas sabihin sa akin ni Sunny.

"...you are enough for me momma. I love you!"

"Of course...because you're the best momma ever!"

"Oo naman po! Bakit naman po kita bobolahin? Ang galing-galing niyo po kayang momma!"

I'm the best momma for Sunny...tapos para kay Drew, isa akong walang kwentang ina!

D'yan sa magaling e, 'yong hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon para magpaliwanag. Mula noon, hanggang ngayon wala siyang pinagbago.

Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya. Dahil do'n ay napatigil siya. Nagulat rin siya sa ginawa ko. Kung noon ay hindi ko siya nagawang sampalin...pwes ngayon nagawa ko na!

Wala siyang karapatan na paratangan ako ng ganoon, gayong wala siyang alam sa hirap at sakripisyong ginawa ko mapalaki lang ng maayos at mabuting bata si Sunny.

Kung mayroon mang dapat magsabi sa akin ng mga salitang 'wala akong kwenta' iyon ay ang anak ko lamang...dahil siya lang naman 'yong kasama ko sa hirap at ginhawa sa loob ng anim na taon.

"Alam mo Drew? 'Yan ang mahirap sa'yo e! Hindi mo ako hinahayaang magsalita muna bago ka magbitiw ng mga salitang pinapaniwalaan mo!"

Dismayado ko siyang tiningnan sa kanyang mga mata. Tila lalo niya lang akong binigyan ng dahilan para hindi ipakilala sa kanya ang anak ko.

"Noong pinuntahan kita sa apartment mo Drew, naaalala mo pa ba 'yon? Hindi ba't sinabi kong may importante akong sasabihin sa'yo no'n? Diba?" Sa kabila ng aking pag-iyak ay sarkastiko akong tumawa.

"Pero anong ginawa mo Drew? Pinakinggan mo ba ako? Hinayaan mo ba akong magsalita? Tinanong mo ba ako kung ano ang napaka importante kong sasabihin at napasugod ako sa'yo sa gitna ng malakas na pag-ulan?" Nakita ko ang paglunok niya ng tatlong beses bago muling ibinalik sa akin ang kanyang buong atensyon. Naghihintay siya ng mga susunod ko pang sasabihin.

"...hindi diba Drew? Hindi! Dahil wala kang pakialam diba? Tapos anong gusto mong pakikitungo ko sa'yo noong muli tayong nagkita? Na umakto akong nasasaktan pa rin? Sira ka ba? Bakit ko gagawin 'yon ha? Para ano? Para ipamukha sa'yo na kawawang-kawawa ako dahil sa panloloko mo? Well, hindi ako gano'ng babae Drew! Dahil noong mismong araw na dinurog mo 'yong puso ko ipinangako ko sa sarili ko na kasusuklaman na kita!"

Bahagya akong natawa habang inaalala ko 'yong araw na isinumpa kong kasusuklaman ko na siya. Para akong sira no'n habang paulit-ulit na binabanggit 'yong mga salitang ;

'I hate you Michael Andrew Claveria!'

"Ngunit hindi 'yon ang ginawa ko dahil sa isang napakagandang pangyayari na dumating sa buhay ko at nagdala sa akin sa pagiging mabuti. Instead of hating you...I started forgiving you...not until I found out the truth, and to tell you this...wala kang karapatan na paratangan ako sa pagiging walang kwenta kong ina Drew!"

Matapos kong isampal sa pagmumukha niya ang mga salitang iyon ay padabog kong nilisan ang opisina niya. Wala akong pakialam kung mugto ang mga mata ko.

Continue Reading

You'll Also Like

230K 4.2K 44
If you get pregnant at the most unexpected time and by the most unexpected person, will you consider abortion or would you rather run away? I'm Yss...
240K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
46.5K 1.4K 47
COMPLETED STORY This is the story of the Ventura twins starring Archery Trigger Ventura and his twin Katana Bridget Ventura. Kung gusto niyo mabasa...
1M 33.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...