My Ex-Boyfriend's Comeback

By Destiny-One

218K 5.2K 389

Si Sydney ay iniwan ng kanyang dating kasintahan sa kadahilanang ikakasal na ito sa iba. Dahil dito ay hindi... More

My Ex-Boyfriend's Comeback
Start
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
Bonus Chapter #1
Note.

Chapter 8

7.1K 183 5
By Destiny-One

Work In Palawan 1

--

Alas quatro y media pa lang ng umaga subalit nakapaligo na ako at nakapagbihis na rin. Four thiry kasi ako susunduin ni kuya Bert dito sa bahay, dahil eksakto alas singko ang flight namin patungong El Nido Palawan.

Mahimbing pang natutulog si Sunny sa kwarto namin katabi ng ate Grace niya. Bago kasi ako bumangon kaninang alas tres ng madaling araw ay pinatabi ko na si Grace kay Sunny.

Kagabi ko lang inayos ang mga gamit na dadalhin ko kaya naman sinusuri ko ulit ito ng mabuti ngayon dahil baka may naiwan ako.

Isang malaking kulay brown na maleta ang dala ko. Laman ng maleta ang mga damit na kakailanganin ko sa trabaho. Nagdala na rin ako ng pamalit ko kapag hindi oras ng trabaho.

Nang masuri kong kompleto naman na ang gamit ko at wala naman na akong nakalimutan ay inayos ko na itong muli.

Lumapit ako sa natutulog kong anak, dahan-dahan ko siyang hinalikan sa noo at pisnge niya. Ayoko nang gisingin pa siya dahil baka biglang magbago ang isip ko at hindi ako tumuloy sa pag-alis. Ngunit kapag ginawa ko naman 'yon ay mawawalan ako ng trabaho, panigurado 'yon.

Mabilis na lumipas ang oras. Nalaman ko nalang na nasa labas na ng bahay si kuya Bert dahil sa busina ng sasakyan nito.

Muli kong pinunasan ang mga luha ko habang dahan-dahan kong nililisan ang kwarto kung saan natutulog si Sunny.

"Magandang umaga miss Sydney! Tulungan ko na kayo d'yan."

"Magandang umaga din po sa inyo." Nakangiti kong pagbati sa kanya pabalik.
Kinuha ni kuya Bert ang malaking maleta ko at inilagay iyon sa likuran ng sasakyan.

After thirty minutes nakarating din kami sa airport. Doon naghihintay sila Andrew, Miss Michelle at architect Robles.

"Good morning po sa inyo." Bati ko sa kanilang tatlo.

"Good morning Sydney." Si miss Michelle.

"Good morning beautiful." Si architect na may pagkindat pa. Napangiwi ako sa ginawa niyang 'yon ngunit hindi ko nalang sa kanya ipinakita.

Ayoko sa mga lalaking masyadong showy...naiinis ako sa kanila. Ayoko rin 'yong tinatawag ako sa kung anu-anong nickname...mas prefer ko 'yong tawagin nila ako sa pangalan ko.

Dahil sa ginawang 'yon ni architect Robles ay nakita ko rin ang biglang pagbabago ng mood ni miss Michelle.

Hindi ako binati pabalik ni Andrew. He stared at me like there's wrong about me. Ang lamig din ng titig niya. Hindi ko alam kung bakit ganito na naman 'yong aura niya.

Sa tatlong araw na nakatrabaho ko siya, bawat araw ay iba't-ibang pakikitungo ang ginagawa niya...and to be honest, hindi ko siya maintindihan.

Hindi naman sa apektado ako sa ginagawa niya, dahil wala lang naman sa akin 'yon. Ang akin lang ay ang hirap niya kasing basahin. Tsk! He changed a lot. Kung aalisin ko 'yong kasalanan sa akin ni Drew...I mean, kung sandali kong kakalimutan ang kasalanan niyang panloloko sa akin, sa totoo lang mas gusto ko 'yong dating siya.

Yong Andrew na mapagmahal, maalalahanin, sweet at maalaga. Mas gusto ko 'yong dating siya kompara sa ngayon...ngayon kasi ang gulo-gulo niya. I mean, yeah he looks matured now and responsible, lalong-lalo na pagdating sa trabaho. Ang nakakasira lang sa kanya ay ang magulo niyang pagkatao. Basta, ang hirap ipaliwanag!

"I'm sorry about him. Kulang lang sa tulog 'yon!"

Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si miss Michelle at kumapit siya sa braso ko. Alam niyo 'yong pakikitungo na parang close na close kayong dalawa? Idagdag pa natin 'yong matamis niyang ngiti.

"Mis---"

"Opps. Just call me Michelle. Wala tayo sa trabaho. Okay?" Nakangiti niyang sabi. Tumango nalang ako.

"Good. Isipin mo na magkaka-ibigan lang tayo rito, okay? Like...bonding lang nating apat 'to!" Parang bata niyang sabi habang patalon-talon pang naglalakad pasunod kay Andrew na nauuna sa amin.

I was amazed with her. Hindi ko akalain na may ganito siyang side.

Napahinto ako ng dire-diretsong naglakad si Andrew sa red carpet na nakalatag sa daraanan namin.

"Miss---Michelle?" Nahihiyang tawag ko sa kanya.

"Yes Sydney my dear?"

"May byahe na ba ngayon? I mean, sobrang aga pa kasi?" Tinawanan niya lang ako bago siya sumagot.

"Oo naman. This airport is Claveria's Property. Tsaka, we're using Claveria's private chopper."

I was shocked. Hindi ko akalain na marami palang properties ang pamilya ni Drew. Nagkibit-balikat na lamang ako.

"Dito ka sa tabi ko Sydney." Si architect Robles. Sabay kaming napalingon ni Andrew sa kanya. Malamig pa rin ang mga titig ni Andrew. Nang dumako ang tingin ko sa kanya ay mabilis itong nag-iwas ng tingin.

"Okay." Nakangiti kong tugon kay architect Robles pagkatapos ay naglakad ako patungo sa pwesto niya.

Hindi na rin ako nag aksaya pa ng oras para tingnan si Andrew na sigurado akong katabi niya sa upuan si miss Michelle, na asawa niya.

Nang makapwesto na kami ng maayos ay kaagad na ring pinalipad ng piloto ang chopper.

Mabuti na lamang at hindi ngayon makulit si architect Robles, kaya naman malaya kong napaglakbay ang aking isipan para ilarawan silang tatlo na kasama ko ngayon.

Architect Gabriel Robles;

He has a charming look. His voice is also soft, hindi iyon nakakatakot at mas lalong hindi iyon malalim. His  aura is bright. His hair color is dark. He has a pinkish lips. In short, he's handsome...yet playboy? Well, hindi pa naman ako sigurado...I'm just stating what I have observed about him since day one.

Miss Michelle Villafuerte Claveria;

She has a fair skin. Her hair is color ash and its wavy. She has also a soft voice, and its sweet to hear. She's tall. Her eye color is light brown. Ang ganda-ganda niya dahil sa kulay ng mga mata niya. She's a Goddess!

Inaamin ko, six years ago galit ako sa kanya lalo na noong ipamukha niya sa akin na ikakasal na sila ng lalaking mahal ko. Akala ko siya 'yong tipo ng babae na mahilig sa gulo, at mapanakit.

Ngunit kabaliktaran iyon sa natuklasan ko sa kanya ngayon. Ang sweet niya at napaka-alalahanin niya.

Michael Andrew Claveria;

He's ruthless, cold and serious. He has a baritone voice. His eye color is dark blue. He looks hot with his thin beard. He may look dangerous...yet attractive.

"We're here!" Kaagad akong napalingon kay miss Michelle na sobrang excited na dahil nakarating na kami. Nauna na siyang tumayo para bumaba pagkalapag na pagkalapag ng chopper.

"Come on Sydney!" Dali-dali niya akong nilapitan na tila ba magkaibigan lang kami.

"Since its our first day, wala munang trabaho okay? Mag-enjoy na lang muna tayo!" Ani niya na tuwang-tuwa habang sinasabi iyon.

"Psh!" Si Andrew na nauna ng bumaba. Nilagpasan niya lang kami ni miss Michelle.

"Sungit-sungit!"

"Hahaha hayaan mo na't may dalaw ata!." Kumindat si architect Robles ng sabihin iyon kay miss Michelle.

"Sensya ka na talaga sa ugali ng Boss mo ah? Don't worry kapag inaway ka no'n ako bahala sa'yo. Bugbog sa'kin 'yon!" Tumawata nitong sabi bago ako tuluyang hinila pababa ng chopper. Nakitawa na lang din ako.

I was fascinated with the surroundings that welcomed me. Lalo na nang dumampi sa balat ko ang sariwa at malamig na simoy ng hangin. It feels good and calm.

Sandaling napawi ng magandang tanawin ang iba't-ibang isipin na nilalaman ng isip ko. It feels like I was problem free.

Puting buhangin, asul na tubig, at nagbeberdehang mga puno sa kagubatan ang unang-unang napansin ko sa lugar na ito. Tila isang Paraiso!

"Tatayo ka nalang ba d'yan?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng baritonong boses. It's Andrew. Nakapamulsa siya at seryosong nakatingin sa akin.

Ipinalibot ko ang paningin ko para hanapin kung nasaan na ba sila architect Robles at miss Michelle. Nahagip sila ng paningin ko malayo sa kinatatayuan ko.

"Sorry." Tipid kong sinabi bago nagsimulang humakbang.

Continue Reading

You'll Also Like

196K 4.2K 28
COMPLETED STORY Dianne Analyn Cortes is a simple yet beautiful girl. She is 23 years old and currently living alone. Kenneth Nickolai Perez a famous...
230K 4.2K 44
If you get pregnant at the most unexpected time and by the most unexpected person, will you consider abortion or would you rather run away? I'm Yss...
104K 2.3K 23
The news about the runaway president's son spread like a wild fire in whole country. The people are determined to find Thorne-The president's son, j...
46.6K 1.4K 47
COMPLETED STORY This is the story of the Ventura twins starring Archery Trigger Ventura and his twin Katana Bridget Ventura. Kung gusto niyo mabasa...