My Ex-Boyfriend's Comeback

Von Destiny-One

218K 5.2K 389

Si Sydney ay iniwan ng kanyang dating kasintahan sa kadahilanang ikakasal na ito sa iba. Dahil dito ay hindi... Mehr

My Ex-Boyfriend's Comeback
Start
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
Bonus Chapter #1
Note.

Chapter 6

8.1K 213 12
Von Destiny-One

Weird
___


"Momma!" Kaagad gumuhit ang ngiti ko sa aking labi nang salubungin ako ng anak ko.

"Wow! You look stunning with your dress, Momma!" Puri niya sa suot ko. Wari isang propesyonal na siya habang sinusuri ito. Natawa na lamang ako sa ginawa niya.

"Aww. Thank you, baby." I kissed her on her cheeks. Pinisil ko rin iyon.

"Momma, teacher wants us to bring family picture. Dapat daw magkakasama 'yong Baby, Mommy, and Daddy!" nakangiting sabi ni Sunny.

Nagkatinginan kami ni Grace sa sinabi ni niya. Para akong natuyuan ng tubig sa lalamunan dahil hindi ako makapagsalita.

"Uhm, Baby Sunny?" Tawag ni Grace sa atensiyon ng anak ko.

"Yes po, ate?" she asked excitedly.

"Si ate Grace na lang 'yong mag-aasikaso ng pinapagawa sa 'yo ni teacher, ha? Kasi look oh, pagod si momma." mahinahon na sabi ni Grace kay Sunny.

Nakuha yata ni Grace ang dahilan ko kung bakit ako natahimik, kaya siya ang gumawa ng paraan para mailayo si Sunny sa pagtatanong tungkol sa ama niya.

Alam kong darating kami sa puntong ito, na magtatanong si Sunny kung sino ang tatay niya. Subalit hindi pa ako handa. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang sitwasyon namin, ang tungkol sa ama niya.

"Oo nga po, 'no? Sige po momma, mag-rest na po kayo. I love you!" Nakangiti niyang sabi. Kaagad niya rin akong niyakap ng mahigpit kaya muli akong napangiti.

"Okay, baby. Magbihis lang si Momma, ha? Then after, susubukan nating gawan ng paraan 'yan—"


"Huwag na po ate, ako na ang bahala kay Sunny. Keri ko na 'to!" sabi ni Grace.

"Thank you, Grace." Nginitian ko siya bilang pasasalamat.

Habang nagbibihis ay hindi ko maiwasan ang hindi isipin ang mga nangyari kanina.

Bakit gano'n umasta si Andrew?

Ang dami kong tanong, ngunit hindi ko alam ang sagot o kung may sagot nga ba.

Nag shower ako para mapreskuhan ang katawan ko. Grabe, nakakapagod ang araw na 'to, not physically but emotionally. Itutulog ko na lang siguro 'to.

Kinabukasan, maaga akong dumating ng opisina. This is my third day as an employee of Paradise Corp.


Dumiretso ako sa upuan ko, sa harap ng table ni Engineer Claveria. I check my wrist watch, it's already 8: 00 AM. I wonder kung papasok pa ba 'yong Boss ko?

Kanina pagdating ko ay kinuha ko na kaagad 'yong schedule ng appointments niya. Hindi naman masyado busy 'yong schedule niya. May meeting sila ng board member mamayang alas dyes.

Nang bumukas ang pintuan ay kaagad akong napatayo. Pumasok do'n si Andrew. Iba 'yong aura niya ngayon. Marahil tama nga ang sinabi kahapon ni Miss Michelle, na dala lang ng kalasingan ni Andrew 'yong mga pinagsasabi niya kahapon.

"Wear this." Seryosong sabi ni Andrew sabay nilapag niya sa ibabaw ng table ko ang isang malaking paper bag.

"An-ano po ito?" takang tanong ko.

"Your new uniform." Tipid niyang sagot pagkatapos ay tumalikod na siya sa akin at dumiretso sa siya sa table niya pagkatapos ay naupo sa kanyang swivel chair.

"Ano po? Eh, bago lang 'tong uniform ko—"

"I'm the Boss here, Sydney. Ibig sabihin, lahat ng sasabihin ko ay susundin mo. No more questions and buts." Magrereklamo pa dapat ako pero inunahan niya na ako. Like, seriously?

What the fvcking hell!


Kailan pa siya natutong magsungit? Ngayon lang!


Dahil wala naman akong karapatang magreklamo kaya sinunod ko na lang siya. Nagtungo ako ng CR para magpalit.


Ano ba kasing problema dito sa uniform na suot ko? Mukha namang pormal siya pero bakit kailangan ko pang magpalit?


Nagbago na ba 'yong uniform ng company nila? Hays, ewan. Makapagpalit na nga lang.


Nang buksan ko ang paper bag ay nagulat ako sa laman no'n. Tatlong pares 'yon ng slacks at longsleeve. Really, sir Andrew? Bakit ang layo naman yata nito sa uniform ng company niyo?


From skirt to slacks? Wow. Just wow!


Napailing na lang ako sa kung anong pakulo nitong Boss ko. Kagaya nang sinabi niya kanina, he's the boss kaya no choice ako kundi ang sundin siya.

Sabagay, mas prefer ko 'tong ganito. Mas komportable ako sa mahabang kasuotan kompara doon sa skirt na above the knee.

After ko magpalit ay kaagad din akong lumabas ng CR. Narito lang din naman sa loob ng opisina niya 'yong CR, maliit nga lang kompara do'n sa cr sa labas nitong office room niya.

Paglabas ko ng cr ay naabutan kong malalim ang iniisip ni Andrew. He's busy doing his blueprint.

Ayon sa iba kong ka-officemates, kaya raw narito si engineer Claveria o Andrew, at architect Robles ay dahil sa renovation na gagawin sa main branch ng Paradise Island which is located in El Nido Palawan.

At iyon din ang pag-uusapan nila para sa gagawing meeting ng mga board members, together with chairman Alfred mamayang alas dyes ng umaga.


Kaagad umayos ng upo si Andrew nang makita niya akong lumabas ng CR. Sandali niya ring itinabi ang ginagawa niya.

"Simula ngayon, 'yan na ang magiging uniporme mo dito." Sabi niya na tila ba nasisiyahan siyang makita ako na iyon ang suot ko.

Hindi ako nagreklamo. Hindi rin ako nagtanong. Sumang-ayon na lamang ako sa sinabi niya.


"Okay, Sir." tipid kong sagot.

"Just call me Drew." Malamig niyang sabi bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa niyang blueprint.

"Empleyado niyo ako, gusto ko kayong igalang." sabi ko na ikinatigil niya.

"Do you hate me?" Tumaas ang isang kilay ko sa tanong niya.

"Why would I hate you, Sir?" Naguguluhan kong tanong.

"Dahil sa nangyari sa atin, six years ago?" alanganin niyang sabi.

Bahagya kong pina-ikot ang mga mata ko dahil sa inis. Parehong-pareho lang siya ng asawa niya. During my first day, Miss Michelle always bring the topic way back to the past. Which is, kailangan ba talagang balikan 'yong nakaraan? Besides, trabaho 'to. Oo, may issue kami sa nakaraan ngunit hindi ito 'yong tamang lugar para muling halunkatin iyon.

At ngayon ay tila naulit lamang 'yong mga tanong sa akin ni Miss Michelle last yesterday, sa mga tanong naman ngayon ni Andrew. Seriously? Ako itong na-agrabyado nila, pero bakit tila sila pa itong apektado sa nangyari? They're complicated, my God!


I smiled like I already move on and forget what had happened six years ago. Ayokong ipakita na apektado pa rin ako.


I promised myself before, na kapag dumating man ang araw na ito, na muling magtagpo ang aming mga landas ng mga tao sa aking nakaraan ay hindi ako magpapa-apekto.

Bagkus ay dapat ko pa nga silang pasalamatan dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi ko mararating at makukuha ang mga bagay na mayroon ako ngayon.


"Sir—fine!" Hindi ko na tinuloy ang pagtawag sa kanya ng 'sir', dahil iyon naman ang kanyang nais.

"I will drop the word 'sir' ngunit sa isang kondisyon?" Hindi niya pa man naririnig ang kondisyon ko ay tumango na kaagad siya.

"Basta tayong dalawa lang? I mean, kapag walang ibang tao, sige, Drew ang itatawag ko sa ‘yo." sabi ko na mabilis namang sinang-ayunan niya.


"Sasagutin ko lang 'yong sinabi mo," ani ko habang nakatingin sa kanya ng diretso.

"Hindi ako galit sa 'yo. Hindi rin kita kinasusuklaman. Kung ano man 'yong nangyari sa atin six years ago, nangyari na 'yon, ibig sabihin tapos na, wala na, limot na." seryoso kong sabi.

Habang sinasabi ko ang mga katagang iyon sa harapan ni Andrew ay tila nagwawala ang puso ko. Hindi siya sang-ayon sa mga lumalabas sa bibig ko.

Nanatili ang tingin ko sa mga mata niya, at habang nakatitig ako sa kanya ay sari-saring emosyon ang nakikita ko rito. Naguguluhan ako sa mga emosyong ipinapakita niya. Sakit, galit, lungkot, pangamba, at poot.

Kung para saan ang mga emosyong iyon ay wala akong ideya.


"I already forgive you. Kaya wala kang dapat ipag-alala. At saka pakiusap, hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan ang tungkol sa ating nakaraan, Drew. Isa pa, gusto kong i-trato mo ako kagaya ng pagtrato mo sa iba pang mga empleyado ng kumpanya niyo. Ayokong maging unfair, ayoko ng special treatment." Dagdag na sabi ko. Tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Nanatili siyang walang kibo. Siguro naliwanagan na siya.

Ayoko kasing isipin niya na baka apektado pa rin ako. Ayokong ipakita 'yong totoong nararamdaman ko. Hindi na ako 'yong dating Sydney. This is the new Sydney, version 2.0!

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

196K 4.2K 28
COMPLETED STORY Dianne Analyn Cortes is a simple yet beautiful girl. She is 23 years old and currently living alone. Kenneth Nickolai Perez a famous...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
126K 2K 29
𝑫𝒆𝒍 π‘­π’–π’†π’ˆπ’ 𝑩𝒓𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓𝒔 π‘Ίπ’†π’“π’Šπ’†π’” #02[LΙͺΙ΄α΄„α΄ΚŸΙ΄ Dα΄‡ΚŸ Fα΄œα΄‡Ι’α΄] Maaari nga bang matutunan ang pagmamahal? Maturuan ang puso na magmahal ng iba...