Hiram Na Pag-ibig (Formosa Se...

By PollyNomial

161K 3.2K 252

Naranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang p... More

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Wakas
Formosa Series Update!

Kabanata 39

1.8K 49 8
By PollyNomial

KABANATA 39 — Shit

Paniguradong nangangamatis ang mukha ko sa binigay na palakpak ng mga nakanood ng aming photoshoot ni Carl. Sinalubong ako ni Carmela at hindi kalayuan sa gilid niya ay si Nash naman na may sinusulyapan sa likod ko saka tumitingin ulit sa akin. Nakangisi ang dalawa pero mas ramdam ko ang sinseridad ng kay Nash.

“That’s wow, Therese! Kaya mo naman pala eh.” Ani Carmela sa akin at inabot ang robe na galing ata sa isang staff.

Sinuot ko iyon sa akin habang naghahanap ng tamang sagot sa papuri niya.

“Yeah. Although, I somehow don’t like the part when Carl hugged you.” Ani Nash na nasa tapat ko na rin. Nagtinginan sila ni Carmela.

“Oh, silly.” Humampas ang kamay ni Carmela sa ere. “Okay naman 'yong shot na 'yon ah?” Sabi ni Carmela.

“No, Carmela. Sino bang nag-suggest ng pose na 'yon?” Sa mga tinginan nila ay parang hindi talaga sila magkasundo ngunit pilit na kinakausap ang isa’t isa.

Nagkibit balikat si Carmela at ako mismo ay alam kung sino ang may pakana niyon. Naalala ko ang binanggit ni Carl bago niya ako hilahin sa kanya. Parehas naming nakita si Terrence noon na umirap at may sinabi siyang selosong boyfriend ito. And then he just pulled me to him. Siya ang may gawa niyon.

“Narinig mo naman si Sir Martin, Nash. He likes it. I’m sure the designers like it too.” Humalukipkip si Carmela at hindi na sumagot doon si Nash.

Hinanap ng mga mata ko si Terrence na kausap pa rin si Ella roon sa ilalim ng tent at nagtatawanan sila. Hindi ako makatingin ng diretso at hiyang hiya ako dahil siguradong nakita niya ang pose namin na iyon ni Carl. Ayaw niya iyon, sigurado ako. Nalaman ko na ito noon pang unang makita niya kaming magkasama. Noon pa lang ay dineklara na niya ang pag-aari niya at gustong gusto ko ang ginawa niyang iyon at nainis ako sa sarili ko dahil hindi ko mapanindigan at masunod ang kagustuhan niya. Hindi maiiwasan sa trabahong ito na magkasama kaming dalawa ni Carl.

Nang tuluyang makalapit ay gusto ko na siyang ayain para makausap na sarilihan. I think I have to explain myself. Pero masyado silang occupied ni Ella sa kanilang pag-uusap na hindi nila ako napansin.

“That’s a good joke, Mikaella!” Humalakhak si Terrence. “Ang sakit sa tiyan!” Hinimas ni Terrence ang tiyan niya habang humihilig ang likod niya sa kakatawa. “God, I missed our conversations. Ngayon lang ulit ako tumawa ng ganito.” Ani Terrence.

Binasa ko ang nanuyot kong labi. Lumikot ang mata ko kung saan saan at hindi ko maintindihan ang ilang na nararamdaman ko. I already decided to leave when Ella catched my eye. Bumilog ang mata niya at ngumiti ng malawak. Tumayo siya at naglakad patungo sa akin.

“Hey! You’re good in there, Therese!” Bati niya at niyakap ako. Mas lalo akong nailang. Sa likod niya ay nakita ko ang titig ni Terrence at pagkawala ng maliwanag na ngiti niya. Parang may gumuho sa akin dahil ako ang dahilan ng pagkawala niyon.

Umiwas ako ng tingin. “Thank you.” Sagot ko. Hindi ko alam na nanonood pala siya dahil kada titingin ako sa kanila ay magkausap sila ni Terrence.

Tumango siya para sumang-ayon pa. “You’re welcome. Hm, alis muna ako. Tatawag ako sa bahay para i-check ang baby ko.” Sabi ng natatawa pa.

“Say hi to Mason for me.” Salita ni Terrence na nilingunan niya.

“I will.” Ani Ella saka umalis.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maramdaman ko ang presensya ni Terrence sa gilid ko. “Are you done?” Tanong niya na hindi sa akin nakatingin. Nandoon ang mga mata niya sa dagat na nasa harap namin. May ilang mga models na sumunod sa akin ang nakasalang na. Kasama pa rin nila roon si Carl at naalala ko ang sasabihin ko sa kanya.

“Terrence, 'yong kanina—”

“It’s lunch time. Nag-lunch na 'yong iba pati 'yang mga models na sumunod sa’yo. Are you hungry?” Tanong niya at pumantay ang labi kong kanina ay nakaawang.

Tumango ako ng isang beses bago niya hinuli ang kamay ko. Mahigpit niya akong hinahawakan habang ako ay napapalunok at hindi mapakali. Dinala niya ako sa isa na namang restaurant na iba sa kinainan namin kagabi. Seafoods ang hinahanda rito na naka buffet at kumukuha na lang ang mga tao roon.

“Sit over there. Ako nang bahala sa pagkain mo.” Aniya habang tinuturo ang bakanteng mesa na malapit sa mga coconut trees. Sumunod na lang ako.

Naghintay ako sa kanya hanggang sa kasama ko na siya at nagsimula na kaming kumain. Tahimik na naman. I can’t help but think that this is because of our photoshoot with Carl. Naaasiwa akong kausapin siya at sa kabilang banda ay gusto ko nang magpaliwanag.

“May susunod pa ba bukod sa kanina?” Tanong niya na ilang klaseng kahulugan ang dating sa akin.

Umiling ako sa aking sarili at naisip na ito ay tungkol sa photoshoot. “Wala pang sinasabi ni Carmela. Itatanong ko na lang.”

“Ako na magtatanong. Bumalik ka na muna sa cabin para makapagpahinga ka.” Aniya. Malayo na ang mga kasama namin dito sa restaurant kaya naman hindi ko na sila makita. Napagtanto ko ring malapit na lang dito ang cabin namin.

Lumunok ako. “Terrence. 'Yong kanina, 'yong pose na nakasubsob ako sa dibdib ni Carl. Wala lang 'yon. Siya ang may gawa nun eh. I’m sorry kasi hindi ako lumayo. Sinabi rin kasi ni Sir Martin na maganda ang pose na iyon kaya ilang shots pa bago ako nakalayo sa kanya.” Sunod sunod ang pagsasalita ko dahil desperada na akong magpaliwanag.

Mas okay na ang ganito kaysa hayaan ko siyang mag-isip ng iba. May boses naman ako para magsabi ng totoong nangyari kaya bakit hindi ako magsasalita?

Saglit siyang natigilan sa pagkain. Nakaangat sa ibabaw ng plato niya ang tinidor na kanyang hawak at ilang segundo pa bago niya iyon binaba at nagpahid ng table napkin sa labi. Akala ko ay wala siyang isasagot pero nang mawala ang table napkin sa kanyang labi ay sumilay sa akin ang isang ngiti na hindi niya gaanong madalas ipakita. Iba ito kumpara sa madalas na pinapakita niya sa ibang tao. Parang ito 'yong ngiti na para sa akin lang. Parang limitado ito at ilalabas lang niya kapag ako ang kasama niya. I know that. I haven’t seen him smile like this with anyone else but me.

Kumislap ang mata niya ng tingnan ako at nabasa kong naaliw siya sa aking ginawa. “I didn’t expect that you would explain to me.” Aniya. Tumayo siya at lumipat siya sa upuang katabi ng akin.

Kinagat ko ng maigi ang labi ko sa pagpipigil na mag-init ang pisngi. Pero natalo lang ako ng mga kilos ng katawan at damdamin ko.

Gumapang ang kamay niya sa braso ko at gumapang iyon pababa sa bewang ko. Hinila niya ako ng kaunti patungo sa kanya. Pinalapat niya ang labi sa aking tainga at abot abot na paninindig ng balahibo ang aking naramdaman sa buong katawan ko. Hubad ako sa loob ng robang ito at lubos ang pasasalamat ko na hindi nakikita ni Terrence ang kilabot na dinadanas ng katawan ko.

“It’s okay, even though I’m a bit jealous.” Napalunok ako sa malalim niyang boses. “Gusto ko siyang sapakin pero okay lang. Those scenes are natural especially in your job.” Naramdaman ko ang panguso niya at mas bumaon pa ang labi niya sa sensitibong bahagi ng aking tainga. “Iintindihin ko.” Sabi niya at kagulat gulat iyon dahil hindi ko talaga inaasahan ito.

Ang akala ko ay pipilitin na niya akong umalis dito o kaya ay kakausapin na niya ni Nash para alisin ako sa trabahong ito. Pero hindi. Inintindi nga niya ako. At iyon ang nangyari sa mga sumunod pang oras na sumalang na naman ako kasama naman ang ibang lalaki at iba na ring babaeng modelo.

Grupo na ang shots na kinukuhaan ngayon at mas naging kampante ako dahil may kasama na ako. Tinuturuan ako ng katabi kong model kung anong bagay na pose lalo na sa pwesto ko rito sa gilid. Mga naka-sundress ang mga babae na kulay pang summer. At ang mga lalaki naman ay puting sando at board shorts. Patapos na ang summer at ang goal ng magazine kung saan ito ifi-feature next month ay ang maipakita kung gaano kasaya ang lumipas na summer ngayong taon. Siyempre ay nakasama roon ang pag-a-advertise ng mga sikat na disenyo na aming suot at kung gaano kataas ang benta nito sa market.

“Pack up!” Sigaw ng isang organizer na empleyado rin ng FF nang matapos ang lahat.

Palubog na ang araw nang matapos ang naka schedule na shoot ngayon. Nagsialisan sa tabing dagat ang mga male at female models para tumungo sa tent kung nasaan ang mga gamit namin.

Napangiti ako nang mamataan si Terrence na hinihintay pa rin ako roon. Wala siyang ibang ginawa kundi bantayan ako. Ni hindi man lang siya bumalik sa cabin para magpahinga. Madalas lang na kausap niya si Nash at Ella na kasama rin si DB paminsan minsan.

“Good job, everyone!” Maarteng sigaw ni DB na pinalakpakan ng lahat. Ako man ay natutuwa rin sa kinalabasan.

“We’ll continue everything tomorrow. Kailangan matapos ang lahat bukas.” Isa isang tiningnan ni DB ang mga models pati na rin ang dalawang designers na tumatango at sumasang-ayon sa kanya. “We’ll just inform everyone kung sinu-sino pa ang mga kasama bukas. I think some are done for the rest of the shoot.” Tiningnan ni DB ang dalawang photographer at ang mga designer para siguro malaman kung tama ba ang mga sinasabi niya. “Bukas ay tatapusin na lang ang mga kulang.” Ngumiti siya. “Let’s call it a day!”

Pumalakpak ang ilan hanggang sa nagsimula na kaming mag-alisan.

Nagulat na lang ako sa pagsulpot ni Terrence sa tabi ko at pag-ikot ng kanyang kamay sa balikat ko. “Ang galing naman ng girlfriend ko. I must say that I am proud of you. Kahit na tutol pa rin ako sa mga sinuot mo kanina.” Malambing ang boses niya at kilos niya na ibang iba sa kanina.

“Tinuturuan kasi nila ako.” Sagot ko na nahihiya pa. Ewan ko ba kung bakit hiyang hiya ako sa mga pagsagot ko kapag tungkol sa pagmomodelon ko ang usapan. “Sila ang magaling.” Turo ko sa matatangkad na babaeng kanina ay tinulungan ako.

“And you learned too fast. That’s not bad. Magaling ka rin.” Aniya at isang halik sa aking tainga ang ginawad na nagpapitik ng mabibilis sa puso ko.

Dahil maganda ang kinalabasan ng photoshoot para sa unang araw, nanlibre para sa isang celebration sina DB at Nash na mga big boss dito. Magkakasama sila sa unang table na kinuha at hinila ako ni Terrence patungo sa kanila. Ang ilan pang kasama ng aming team ay nasa pangalawang mesa naman. Ako lang ata ang modelo na nakasama dito kayla Nash bukod kay Carmela at Carl.

“Everyone did great today right, Nash?” Mahinhing sabi ni Ella.

Naramdaman ko ang kamay ni Terrence sa ilalim ng mesa at nang tingnan ko siya ay nginunguso niya ang pagkain naming dalawa. Hindi ko tuloy nasundan ang sinagot ni Nash kay Ella dahil sa pagkain ko ng hinanda ni Terrence. Marami pang napag-usapan habang ako ay pinipilit ubusin ang nilagay ni Terrence sa plato ko.

Lahat ay nagkakatuwaan at ang panlilibre ni DB para sa dinner ay nadagdagan pa ng ilang bote ng alak.

“Just don’t get drunk. Maaga tayo bukas.” Sabi ni Sir Martin. Sa tingin ko ay kaibigan ito ni DB dahil halos pantay lang ang turing sa kanila ng lahat kahit na photographer lang si Sir Martin ng FF at si DB naman ay isa sa mga boss.

Ako naman ang humawak sa kamay ni Terrence. “'Wag ka nang uminom.” Nguso ko nang ilalapit na sana niya sa bibig ang bote ng alak.

Ngumisi siya sa akin at mapupungay ang mga matang tumitig sa akin. “Right.” Aniya at nilapag ulit ang beer sa mesa at sa halip ay kinuha niya ang tubig. “This is for you, love.” Uminom siya roon.

May tumikhim pero hindi ko alam kung sino iyon.

Humahalakhak ang lahat sa joke na binitiwan ng isa pa naming photographer na bakla. Medyo lasing na ito at namumula na gaya ng ilan. Ako lang ata, si Terrence, at si Ella ang hindi umiinom dito. Pinagmasdan ko si Ella sa harap ko at nakatingin din siya sa akin. Nagkangitian kaming dalawa at hindi niya ako makausap dahil medyo malayo siya.

“Terrence! Hindi ka talaga iinom?” Mataas ang boses ni Carmela. Katabi niya si Ella at Nash. “That’s new.”

“Nope.” Dumikit ang siko ni Terrence sa akin. “I don’t wanna wake up late tomorrow. Sasamahan ko pa si Therese—” Hindi siya pinatapos ni Carmela.

“Hay naku! Napaka over protective na boyfriend. Nakakasakal!” Tili niya at umirap pa.

Mahigpit akong hinawakan ni Terrence sa ilalim ng mesa at kitang kita ko ang pag-igting ng bagang niya. Sumama rin ang mga mata niya at alam kong nairita siya sa sinabi ni Carmela.

“Kaya hindi makaporma 'tong pinsan ko eh.”

“Shut up, Carmela.” Singit agad ni Carl na nasa dulo ng mesa.

“Sus.” Ngumuso si Carmela. “Alam niyo, nakakapagod pa lang maging Cupid 'no? Nung una dito kay Ella at Vincent. Tapos kay Nash. Ngayon naman nagpapatulong si Carl sa akin. At akalain niyo ang mga babae ay na—”

“Carmela. Shut up.” Si Nash naman ang nagsalita. Nabigla ako sa kalamigan ng tono niya na maging si Carmela na natigilan dito. Kahit na mahina lang iyon ay alam mong tatamaan ka.

“What? Nagkikwento lang naman ako.” Akala ko ay natinag na siya pero nagawa pa niyang ipaikot ang mata niya kay Nash. “Terrence is always protective. Lalo na sa mga importante sa kanya.” Tumaas ang kilay niya na parang may napagtanto. “Now, I realized how important you are to him, Therese. Dahil noon kay Nash, hindi naman ganyan 'yan.” Aniya.

Nag-iinit ang pisngi ko at mabibilis na ang pintig ng puso ko. Sumulyap ako kay Nash na katabi niya. Masama na ang timpla ng mukha niya at alam kong nagpipigil lang siya. Ako naman ay hinihingal dahil sa mga pinagsasasabi ni Carmela.

“Pero may pinantayan ka.” Ang tono niya ay tumaas na parang nanunuya at nanunukso. Pero ngumuso siya na tila nagbago ang isip. “Hm, no. You haven’t surpassed her yet. Although humahabol ka. But that doesn’t mean that you can beat her. I mean, he’s been in love with her for years!” Tumaas pang lalo ang boses niya at lahat na ay nanahimik.

Pansin na pansin ko ang pangungunot ng noo ni Nash at pamumula niya. Nalito na ako. Siya ba ang tinutukoy ni Carmela? Pero 'di ba hindi daw naging over protective si Terrence sa kanya? Ibig sabihin ay hindi siya ang tinutukoy na minahal ni Terrence ng ilang taon. 'Yan ang sinabi niya kanina. May kung anong gumuguho sa dibdib ko sa kabila ng mga mabibilis na pitik.

Suminghap ako at tiningnan ko si Terrence na namumutla na. “Shit.” Utas niya.

Akala ko ay natatakpan ng galit ang mukha niya pero kung tama man ang basa ko, takot ang bumabalot sa kanya. Bumagsak ang mata niya sa akin at umiling siya. Parang kinukumbinsi niya ako at hindi ko alam kung para saan iyon. Madiin niya akong hinawakan at tumayo na siya para hilahin ako ng may marinig kaming matinis na pagkabasag.

Nilingon naming dalawa ang pwesto nila Carmela. Nawala ang hawak niyang baso at nasa bibig na niya ang dalawang kamay. Nakatingin silang dalawa ni Ella sa sahig kung saan nandoon siguro ang nabasag na baso. Yumuko si Ella pero agad ring humagis pa upo at napasandal bago ngumiwi ang mukha.

“Shit!” Binitiwan ako ni Terrence. Tumakbo siya patungo kay Ella at marahas na kinuha ang kamay nito. Napatayo si Ella at hinipan naman ni Terrence ang kamay niya.

Nakaawang ang bibig ko sa buong panonood kung paano nilapit ni Terrence ang daliri ni Ella sa kanyang labi. Tinatanggal niya ang dugo gamit ang kanyang bibig. Si Ella ay ngumingiwi sa sakit ngunit nang lumipad ang mata niya sa aking direksyon ay mabilis niyang binawi ang kamay kay Terrence.

“I’m okay, Terrence.” Diretso niyang sabi.

“No. The cut is deep, Mikaella.” Seryoso si Terrence. Siya ata ang unang tanong narinig kong tinawag si Ella sa buong pangalan nito. Kanina ay buong pangalan din ang narinig kong binanggit niya nang madatnan ko silang nag-uusap.

Bumibilis ang tibok ng puso ko—sa ibang dahilan.

Sabay naming kinagat ni Ella ang mga sariling labi. Lumipat ang mata ko kay Terrence na titig na titig dito. Bumaba ang mata ko kay Carmela na bumagsak na ang ulo sa mesa dahil sa kalasingan. Si Nash ay walang sino mang tinitingnan pero halata ang pag-aalala sa mata.

“Let’s go.” Hinila ni Terrence si Ella at lahat kami ay sinundan sila habang paalis sa grupo.

Nakatulala ko silang pinanood paalis habang si Ella ay lumilingon pa sa amin. Pero huminto si Terrence nang malapit na sila sa pinto ng restaurant ng resort. Napahinto rin si Ella rito at lumingon naman si Terrence sa akin. Diresto ang mga mata niya sa akin at mabilis naglakad palapit. Kinuha niya ang kamay ko sa aking gilid. Pinaghugpo niya ng maigi ang aming mga kamay at sinama niya ako papunta kay Ella.

“Terrence, I’m okay.” Ani Ella.

“Sumunod ka sa amin.” Sabi ni Terrence nang nakataas ang kilay kay Ella. Tumingin si Terrence sa akin, tumaas ang sulok ng labi niya na parang nagsasabing maayos ang lahat, at naglakad na kami kasama si Ella na sumusunod sa aming tabi. 

Continue Reading

You'll Also Like

40.7K 1.4K 54
Loving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016
42.2K 589 40
"A promise. If it's not fulfilled... then it is not a promise." 'The words kept popping in Hailey's head over and over again when she heard the name...
803 243 64
BTS Series 1: Kim Seokjin 💜
104K 7.4K 31
(Finished) A King without a Queen is weak. The country will be in chaos. Book 2 of The King.