My Superstar Housemate (Super...

By sincerelyjeffsy

10.4K 2.8K 160

The C.U.P.I.D. Boyband Series Book 3 I, Sandy Guevarra, hated Uriah Khan to the core and I swore destroy his... More

Foreword
Prologue
Flash News!
Chapter 1: A Superb First Meet
Chapter 2: Truth and Consequences
Chapter 3: A Reporter's Revenge
Chapter 4: Trap
Chapter 5: One-Woman Picket
Chapter 6: Writer's Block
Chapter 7: Order To Vacate
Chapter 8: A Rainy Night
Chapter 9: Peace Offering
Chapter 10: Fever
Chapter 11: Housemate
Chapter 12: Housemaid
Chapter 13: Back Pay and Pay Back
Chapter 14: Meeting
Chapter 15: Housewarming
Chapter 16: Overnight
Chapter 17: Horseback Riding
Chapter 18: Operation Sagip Sandy
Chapter 19: Love Stories
Chapter 20: Favor
Chapter 21: Childhood Photos
Chapter 22: Saudi Arabia
Chapter 23: Tour
Chapter 24: Secret Vault
Chapter 25: Jewelries
Chapter 26: Saving Sandy
Chapter 27: Pregnant
Chapter 29: Explanations
Epilogue: Déjà Rêvé

Chapter 28: Separation

240 49 0
By sincerelyjeffsy

“THAT’S not true!” kontra ni Sandy kay Jewel. “You're just lying! 'Di ko akalaing gan'yan ka pala ka-desperadong bumalik sa 'yo si Uriah!”

Pagkasabi niya niyon ay kinuha ni Jewel ang isang brown envelope na nakapatong sa dashboard at inabot iyon sa kaniya.

“It contains my medical result which confirms na talagang buntis ako,” pahayag nito sa kaniya. Pagkatapos ay binuksan niya ang brown envelope at kinuha mula sa loob niyon ang medical result na nagsasaad na nagdadalang-tao nga ito.

“Kung 'di ka pa rin naniniwala d’yan, you can call the doctor who checked me up,” panghahamon nito sa kaniya. “At kung mapapatunayan mong nagsisinungaling kaming dalawa sa 'yo, ako mismo ang magpapatanggal ng lisensya n'ya't magpapasara sa ospital na pinagtatrabahuan n'ya.”

Hindi siya makakibo. She knew that Jewel was dead serious about her being pregnant. Sa nanginginig na mga kamay ay sinilid niyang muli ang mga papeles sa loob ng brown envelope at inilapag iyon sa dashboard.

Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa dahil sa nalaman. Ang buong akala niya ay masaya na sila habambuhay ni Uriah. Iyon pala ay nanganganib na matapos na iyon ngayon.

“W-what do you want, Jewel?” utal niyang tanong dito.

“Gusto kong hiwalayan at layuan mo na si Uriah simula ngayon,” tugon nito sa kaniya.

“Sino ka para utusan ako nang gan'yan?! Siguro nga'y nabuntis ka ni Uriah. Pero, tatanggapin ko 'yon dahil nangyari naman 'yon bago pa maging kami’t siguradong 'yon din ang gagawin ni Uriah. Tatanggapin n'ya rin ang magiging anak n'yo,” katwiran niya rito bagaman hindi niya inaasahan na ang kasintahan niya ay may sabit pala.

“D’yan ka nagkakamali, Sandy,” pahayag ni Jewel sa kaniya. “’Di tanggap ni Uriah ang anak namin. In fact, tinatanggi n'ya ang batang nasa sinapupunan ko.”

“A-alam ni Uriah ang tungkol sa pagbubuntis mo? Kailan pa? Bakit wala s'yang nasabi sa 'kin?” sunud-sunod niyang tanong dito. She already felt betrayed kung totoo nga ang sinabi nito sa kaniya. Bakit hindi kaagad sinabi ni Uriah sa kaniya ang tungkol sa bagay na ito? Kailan pa nito balak sabihin sa kaniya na nabuntis nito si Jewel? Bakit tinatanggi nito ang sariling anak nito gayung higit sa lahat ay ito dapat ang nakakaalam ng pakiramdam na hindi kilalanin ng sariling ama?

“Oo, Sandy,” kumpirma ni Jewel sa kaniya. “Nang minsan ay nagpunta ko rito'y para ipaalam sa kan'ya ang tungkol sa pagdadalang-tao ko. Kaso, inaway n'ya lang ako't inakusahang nagsisinungaling. I mean, pa'no ko magsisinungaling? Ako ang babae. Ako ang buntis. Ako ang nakakaalam kung sino sa tingin ko ang nakabuntis sa 'kin at 'di 'yon si Tanner. It’s Uriah! 'Di pa ba sapat na katibayang mahigit dalawang buwan na 'kong buntis at s'ya lang ang karelasyon ko nang mga panahong 'yon at 'di si Tanner?!”

“Oo nga pala,” aniya nang bigla niya itong naalala. “I know that you chose Tanner over Uriah. Anong sabi n'ya? Alam ba n'ya ang ginagawa mo rito?”

“Wala na s'yang pakialam sa ginagawa ko ngayon simula nang nalaman n'yang buntis ako sa anak ni Uriah,” sagot nito sa kaniya. “Hiwalay na kami't sa palagay ko’y ayos lang 'yon dahil lalo kong napatunayan kung sino ba talaga ang mahal ko. And that’s really Uriah – the father of my unborn child.”

Ang gulo-gulo ng isip ni Sandy ngayon dahil sa nalaman niya kay Jewel. Pero, alam niyang mas magulo ang isip ni Jewel ngayon. Actually, naaawa siya para rito dahil iniwan ito ng boyfriend nito at walang pakialam dito ang lalakeng nakabuntis dito. All she wanted to do right now is to help her kahit masama ang ugali nito sa kaniya at kahit masakit sa kaniya ang nangyayari.

“Sige. Kakausapin ko si Uriah para sa 'yo,” she offered Jewel. “I’ll try to convince him to make amends with you about your child.”

“Sinabi ko na sa 'yo, ayaw ngang kilalanin ni Uriah ang anak namin!” Jewel said impatiently. “Ang tanging magagawa mo lang ay hiwalayan at layuan si Uriah nang tuluyan. ‘Yon lang!”

“Baka kaya ayaw n'yang tanggapin ang anak n'yo’y dahil natatakot s'yang makikipaghiwalay ako sa kan'ya ‘pag nalaman ko ‘yon,” she concluded. “Pero, tatanggapin ko na lang na nabuntis ka n'ya para tanggapin n’ya na rin ang magiging anak n'yo.”

“Ako naman ang 'di makakapayag sa gano’n,” Jewel said with conviction. “Desperado na kung desperado. But, I want the father of my child! Sinasabi ko sa ‘yo. ‘Pag 'di ka pa rin nakipaghiwalay at lumayo nang tuluyan kay Uriah ay ipapalaglag ko ang nasa sinapupunan ko. Kaya bang dalhin ng konsensiya mo 'yon, Sandy?”

“What?!” 'di makapaniwalang usal niya rito. “Kaya mong gawin 'yon sa sarili mong anak?! ‘Di mo ba alam na sa oras na ginawa mo 'yon ay mas masahol ka pa kay Uriah na 'di kinilala ang anak n'yo?!”

“I don’t really care, Sandy,” Jewel told her. “I’m a member of M.A.J.Y.X.. Ano sa tingin mo ang mapapala ko kung sakaling malaman nilang buntis ako? Wala! Siguradong tatanggalin pa nila 'ko sa grupo't mawawalan ako ng trabaho. Pero, kung dahil sa pagbubuntis ko'y maibabalik sa 'kin si Uriah, sige, ayos lang sa 'kin kung tuluyan na 'kong mawala sa grupo namin.”

Sandy massaged her temples. Pakiramdam niya ay sasabog na ang kaniyang ulo sa sobrang sakit nito. Hindi niya akalaing nakasalalay sa kaniya ang kaligtasan ng batang nasa sinapupunan ni Jewel. Kasabay niyon ay ang galit niya kay Uriah dahil tinago nito sa kaniya ang tungkol sa pagkakaroon nito ng anak kay Jewel. Pero, kahit na ganoon ay mahal niya pa rin ito. Hindi niya ito kayang tuluyang mawala sa buhay niya. Pero, paano niya uunahin ang sarili gayung kapalit niyon ay ang buhay ng isang inosenteng bata? She has to make a decision as soon as possible. She has to set things right to its proper and rightful course.

“J-just give me time to prepare,” she said stutteringly. Hindi siya sigurado sa gagawin niya. Pero, sigurado siyang para iyon sa ikakabuti nilang lahat. “M-makikipaghiwalay ako kay Uriah at lalayuan ko s'ya nang tuluyan. B-basta bigyan mo 'ko ng sapat na oras para ayusin ko ang lahat.”

“Okay,” pagpayag ni Jewel. “I’ll give you one week to settle everything. Siguro naman ay masyado nang mahaba ang panahong 'yon para makapaghanda ka. Basta! ‘Wag na ‘wag mong sasabihin sa kan'yang alam mo na ang tungkol sa pagbubuntis ko’t sinabi ko sa 'yong s'ya ang ama nito dahil sa oras na ginawa mo 'yon, I’m telling you, I’ll promise to abort this child. Basta mawala ka lang sa buhay n'ya, alam kong magbabago ang isipan n'ya’t babalikan n'ya rin ako lalo na't magkaka-anak na kami.”

“S-sige,” wala sa sariling usal niya. “A-alis na 'ko.” Binuksan niya ang pinto ng kotse ni Jewel. Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad pauwi sa Writer's Block.

“One week, Sandy!” sigaw ni Jewel mula sa likuran niya nang makalayo-layo na siya. Pero, hindi niya ito nililingon. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad. “Or else ay alam mo na ang mangyayari.”

Ilang saglit lang ay narinig na niya ang pag-alis ng sasakyan ni Jewel. Pagkatapos niyon ay bigla na lang siyang nanghina at nalugmok sa kinaroroonan niya. Nabitiwan niya ang mga bitbit niyang pinamili at umiyak nang umiyak. Mabuti na lang at wala silang kapitbahay sa bahaging ito at walang ibang taong dumaraan dito kaya malaya niyang binuhos ang mga luha niya. Nilabas niya ang lahat ng sakit sa kaloob-looban niya. She can’t cry hard enough to her heart’s content. But, she knew that she can’t do this forever. Meron lang siyang isang linggo para ayusin ang lahat at iwan si Uriah para sa ikabubuti nilang lahat lalong-lalo na ng inosenteng batang dinadala ni Jewel sa sinapupunan nito. So, pinahid niya ang mga luha niya, tumayo at nagsimulang maglakad muli pabalik sa bahay nila with a mindset – pretend she knew nothing and be gone after a week. Iyon na rin ang magiging ganti niya kay Uriah dahil sa kasalanan nito sa kaniya.

🏠🏠🏠

LAST night was the most memorable moment in Uriah’s life with Sandy. Well, lahat naman ng sandali sa buhay niya na kasama niya si Sandy ay memorable especially this past week. Pero, iba kasi kagabi. It feels like that it’s the cherry on top of it all dahil may nangyari sa kanila. Tama! Alam niyang nagkasundo sila ni Sandy noon na magtatalik lang sila on the very first night of their honeymoon. But, Sandy was the one who initiated. Saka, sino ba naman siya para tumanggi? Palay na ang lumalapit sa manok. So, that’s it! He deflowered Sandy last night.

Tuluyang nagising ang diwa niya nang maramdaman niyang nagba-vibrate ang cellphone niya sa ibabaw ng bedside table. Bago niya kunin ang cellphone niya ay tiningnan muna niya kung nasa tabi pa ba niya si Sandy. Kaso, wala na ito.

Siguro ay nagluluto na s'ya ng almusal namin tulad ng nakagawian n'ya, he thought.

Nang damputin niya ang cellphone niya ay nakita niyang tumatawag si President Clyde sa kaniya. Kaagad naman niyang sinagot iyon. “Hello?”

“Fuck, Uriah!” President Clyde cussed at him early in the morning.

“Oo, Clyde,” nakangiting wika niya rito na para bang nahihibang. “Kagagaling ko nga lang do'n kagabi't sobrang sarap talaga.”

“I’m not joking with you, Uriah!” seryosong wika nito sa kaniya mula sa kabilang linya. “Akala ko ba'y lalagay ka na sa tahimik. Eh, ano na naman 'tong issue na kinasasangkutan mo?!”

“Anong isyung pinagsasabi mo r'yan?!” naguguluhang tanong niya rito. “Nananahimik ako rito kasama sina Sandy, eh!”

“I already sent you the link in your Messenger,” sabi nito sa kaniya. “Pagkabasa mo, tawagan mo 'ko't ipaliwanag mo sa 'kin ang side mo.” Pagkatapos ay pinutol na nito ang tawag.

Binuksan naman ni Uriah ang pinadalang link ni President Clyde sa Messenger niya at nadiskubreng isa pala iyong news article tungkol sa kanilang dalawa ni Jewel na mukhang sinulat na naman ng bestfriend ni Sandy.

JEWEL HORTALEZA, PREGNANT! URIAH KHAN, FATHER!
by Samantha Rivera

After the recent announcement of Uriah Khan, the current leader and member of C.U.P.I.D. boyband, and Sandy Guevarra, a former Daily Showbiz reporter, that they were already engaged, another news resurfaced that Jewel Hortaleza, the current leader and member of M.A.J.Y.X. girl group, is pregnant. That is why Sandy Guevarra informed us that her engagement with Uriah Khan is off…

Pinagpatuloy pa ni Uriah ang pagbabasa. Pero, hindi na nagrerehistro sa isip niya ang mga sumunod na salita rito. Kaagad siyang lumabas ng kwarto niya para hanapin si Sandy. Una muna siyang nagpunta sa kwarto nito at ni Nigel. Kaso, wala ito roon. Gayundin si Nigel. Nadiskubre niyang wala na rin pati ang mga gamit nito. Ang tanging nakita niya ay ang engagement ring na binigay niya kay Sandy na nakapatong sa ibabaw ng higaan nito. Sa loob ng singsing ay ang isang kapirasong papel na nakarolyo. Hinugot niya iyon mula sa loob ng singsing at binasa ang nakasulat doon.

Huwag mo na kaming hanapin pa ni Nigel. Magiging maayos kami. Panagutan mo ang anak ninyo ni Jewel. Ingatan mo ang Writer’s Block. Salamat sa lahat-lahat. Hindi kita makakalimutan kahit kailan . Mahal na mahal kita, Uriah.

~Sandy

Nanginginig ang kamay ni Uriah habang binabasa ang sulat na iniwan ni Sandy para sa kaniya. Hindi niya lubos maisip na iiwan siya nito nang ganoon na lang. They’re too happy back then. Pero, tulad nga ng sabi nila, kapalit ng sobrang kaligayahan ay sobrang kalungkutan.

He fished his cellphone out from his pocket and dialed Detective Magnus's number. Pagkatapos ng ilang ring ay sumagot ito. “Hello?”

“Kailangan ko ang serbisyo mo, Magnus,” walang patumpik-tumpik niyang wika rito. “Hanapin mo ang babaeng nagngangalang Alexandra Guevarra sa lalong madaling panahon.”

Pagkatapos nang sinabi niyang iyon ay narinig niya ang sunud-sunod na pagtipak ni Magnus sa keyboard.

“Well, base rito, they’re already boarding a local flight bound to General Santos,” Magnus informed him. “At kung balak mong pigilan sila, siguradong imposible nang maabutan mo pa sila sa airport.”

“Gano’n ba?” wika niya. “Kung gano’n ay pakigawaan mo nang paraan para maunahan ko sila sa pupuntahan nila.”

“Sure thing, bro,” sagot naman ni Magnus. “Kaso, ang lagay ba'y gano’n-gano’n na lang? You know what I mean. I’m not for free.”

“Sige, sige,” he said habang mabilis na nagpapalit ng damit. “Tingnan mo na lang ang bank account mo mamaya.”

“’Yan ang gusto ko sa 'yo, eh!” masayang wika ni Magnus. “Ang bilis ng pick-up mo! Hintayin mo na lang ang helicopter ko r'yan sa rooftop ng bahay mo.”

🏠🏠🏠


KASALUKUYANG nakasakay sa isang local flight na eroplano sina Sandy at Nigel. Masaya si Sandy sa nakikitang excitement kay Nigel dahil first time nitong makasakay ng eroplano. But, was sad at the same time because she left her heart at the Writer’s Block.

“Naiyak ka ba, Ate Sandy?” tanong ni Nigel sa kaniya.

“Huh? Ah… Eh… H-hindi,” she lied. “H-humikab lang ako kaya naluluha 'yong mga mata ko.”

“Ah… Gano'n ba?” Nigel said, satisfied with her answer. “Sa’n nga po tayo ulit pupunta, Ate Sandy?”

“Sa mga kamag-anak natin sa General Santos,” tugon niya rito. “Dadalawin lang natin sila. Kaya, matulog ka muna kasi medyo matagal-tagal pa ang biyahe. Saka para 'di ka na rin mahilo.”

“Sige po, Ate Sandy,” pagsunod ni Nigel. “Medyo inaantok na rin po kasi ‘ko.”

Nang makatulog na si Nigel ay wala naman siyang ibang ginawa kung 'di ang umiyak nang umiyak habang pinagmamasdan ang mga larawan nila ni Uriah sa cellphone niya. Alam niyang lahat ng mga iyon ay magiging isang magandang alaala na lang ng kahapon. Hindi sila maaaring magkatuluyan ni Uriah dahil ayaw niyang tuluyang ipa-abort ni Jewel ang anak nito kapag hindi niya hiniwalayan si Uriah. So, Iniwan nga niya nito. Sinigurado rin niyang magagalit talaga ito sa kaniya para hindi na siya nito hanapin pa. Pinagawaan niya ito ng article kay Sam na nabuntis nito si Jewel kung kaya hindi na matutuloy ang kasal nila. Tutal, malalaman at malalaman din naman ng lahat ang tungkol doon.  Pinagpauna lang niya. At the same time ay baka mapilitan din si Uriah na balikan si Jewel at panagutan ang anak nito.

Pinalitan na rin niya ang contact number niya para walang maka-contact sa kaniya kahit ang matalik niyang kaibigan na si Sam. Hindi rin niya ito sinabihan kung saan sila pupunta ni Nigel para hindi ito madulas na sabihin iyon kahit kanino lalo na kay Uriah kung sakali. Kaya naman ganoon na lang ang pagtataka niya nang pagdating nila sa Arrival Area nang binabaan nilang airport ay natanaw niya ang isang pamilyar na pigura.



Author's Note:

Please, read, vote, comment and share. Thanks! 😊

Published last August 18, 2020.

Continue Reading

You'll Also Like

67.3K 547 32
READ THIS! PROMISE, HINDI MO PAGSISISIHAN d^_^bv
104K 2.2K 11
Her Best Mistake Xavier series (Mackie and Porche) (c ) 2016 ALL RIGHTS RESERVED: This literary work may not be reproduced or transmitted in any form...