Shadows Of A Silverharth [COM...

Da hiddenthirteen

1.6M 63.3K 8.4K

Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, sh... Altro

HIDDENTHIRTEEN's NOTE
/1/ Martes' Rage
/2/ The Taste of Martes' Wrath
/3/ Weapon Summoner's Cry
/4/ Journey to Academy
/5/ Signus Academy
/6/ Versus Fire And Finnix
/7/ Signus Ring
/8/ Crystal
/9/ The Sleeping King
/10/ 5th Link: Singko
/11/ Meet The Bluebloods
/12/ Joining A Guild
/13/ Viper Guild
/14/ Impossible!
/15/ The Final Test
/16/ Ester's Signus
/17/ Land of Blossom
/18/ Ester's Signus: Uno
/19/ Ester's Signus: Dos & Tres
/20/ Quatro & Singko
/21/ Sais & Siete
/22/ Links United
/23/ The Great Pretender
/24/ His Warm Side
/25/ Lucas Eathren's Gaze
/26/ Truths and Denials
/27/ Lucas' Past
/28/ At Blueblood's HQ
/29/ Signus Improvision
/30/ Fighting Rizka
/31/ Jealous Men
/32/ Bad Night
/33/ Everyone Cares
/34/ Mr. Magnus' Side
/35/ Crazily Evil
/36/ Bluebloods In Danger
/37/ Saved
/38/ Ester's Action
/39/ Lucas' Angel
/40/ Mission Changed
/41/ Southwestern Academy
/42/ Unofficial Confession
/43/ Reen's Nightmare
/44/ The Past
/45/ Love Over Demon
/46/ The Future
/47/ Kidnapped
/48/ Ester Vs. Masked Mistress
/49/ RUN!
/50/ The Shadow's Identity
/51/ I Know
/53/ Four Months Later
/54/ Warn Them
/55/ The Game
/56/ Monsters
/57/ Reveal
/58/ Killing Spree
Chapter 59: Papa
Chapter 60: The Summoner's Wrath
Chapter 61: Death and Tears
Chapter 62: Who's who?
Chapter 63: Truths and History
Chapter 64: Rathro Is Evil?
Chapter 65: Heaven in Evil's Hand
Chapter 66: Truths
Chapter 67: The Chase
Chapter 69: I Am Ester Silverharth
Chapter 68: Otso, Eighth Link
Chapter 70: Battle Preparations
Chapter 71: The Coronation Day
Chapter 72: War in Archania Palace
Chapter 73: The End?
Chapter 74: Death of Life
Chapter 75: Life Versus Death
Chapter 76: The Legend
The Final Chapter
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

/52/ Love and Broken

17.6K 705 173
Da hiddenthirteen

Chapter 52:

LOVE AND BROKEN

*************

Ester's POV

Naaalimpungatan kong iminulat ang aking mga mata dahil sa isang nakakarindi ngunit pamilyar na tili ang narinig ko. "Oh my god! Gising ka na!"

"Heaven." Kaagad niya akong niyakap kahit pa nakahiga ako.

Bahagya akong umilag baka may parte pa ng katawan kong injured pa rin pero nang yakapin niya ako ay wala na akong nadamang kahit anong sakit.

I almost forgot. I have Tres in my body.

Kaagad na kumalas si Heaven sa pagkakayakap dahil parang may pwersang humihila sa kaniya palayo sa akin. It was Hydra. Hydra pulled her away from me.

"Sinisira mo gising ni Ester," bungad ni Hydra sabay irap kay Heaven. Napaismid na lang ang dalaga dahil sa sinabi ng pinsan.

"Go! Balitaan mo sila na gising na si Ester," ma-awtoridad na utos ni Hydra. Parang puppet namang sumunod na lang si Heaven.


Nang mawala sa paningin ko si Heaven ay biglang nagbago ang ekspresyon ni Hydra. She smiled...a bit.

Dumungaw ang mata ko sa suot niya. She is wearing a navy blue long gown designed with diamonds from her right chest to its waist. The color of her gown compliments her white skin and bunned light blue hair. Naalala ko rin ang suot ni Heaven na puting dress embroided with gold and white feathers.

"What time is it?" kaagad kong tanong.

"7:39 PM."

"For how long was I asleep?"

"You came back here at 2:46, so you've been sleeping for 4 hours and 53 minutes I think."

"Nagsimula na ba ang ball?"

"Bakit? Gusto mo bang pumunta?" she answered with a question.

"No. I'll stay here. Okay na ako rito," I said. Bumangon ako at kunwaring inayos ang pinaghigaan ko.

"'Wag ka nang mag-inarte. Come on! Don't miss the fun!"

Tama nga siya. Nag-iinarte lang ako. I want to go there. For the first time in my life, I want to experience how to be a normal woman, attending parties and stuff.

"But, I'm not prepared."

"Believe me, Ester. You are more beautful than us even on that patient gown." Nahiya naman ako sinabi niya.

"Just go. I'll be fine here-"

Ngunit walang pahintulot niya akong hinila at kinaladkan palabas na parang hindi ako pasyente.

"Ouch!" muling pag-iinarte ko.

"Don't fool me, Ester. The healer said that you are healed completely. You don't have to pretend." Napaismid ako sa sinabi niya. Wala talagang makalulusot pagdating sa kaniya.

"Is it really okay to go to that party in this outfit?" I pouted.

"Come on, Ester. Trust me. Bawing-bawi ng mukha mo ang suot mo. Ah! Bago ko makalimutan. The reason why YOU must go there is that there is a prince waiting for her princess to come," then she smiled plainly. But I saw a glittery star in her eyes which tells that even if she is trying to hide it, there is a feeling of excitement within her.

"Should I go?" Tanong ko sa mga links ko na ngayo'y nakawala na sa restriction ni Masked Mistress.

"May magagawa ka pa ba? Eh kinakaladkad ka na ni Hydra," sarkastikong sagot ni Sais. But she makes sense. May magagawa pa nga ba ako?

"Just go. Treat it as today's celebration. Remember, today's your birthday," Uno suggested.

Sumagi na lang sa isip ko si Mr. Magnus, si uncle. Kinalimutan ko nang espesyal ang araw na ito simula nang gabing iyon. But, he made me remember it. Kamusta na kaya siya? Sana ayos lang siya. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kaniya.

Pagkalabas namin ng clinic ay naroon si Winwin naghihintay. Nakasandal siya sa pader and he keeps on checking his watch kaya hindi niya napansing nasa harap na niya kami.

"Are we late?" tanong ni Hydra na kumuha sa atensiyon niya.

"Almost," he replied.

"Sabi ko na. Dapat iniwan niyo na ako. Hindi na sana kayo male-late sa ball."

"Huwag ka na mag-drama. Tara na!" sabay takbo. Hinatak ni Hydra ang gown niya pataas para makatabo nang maayos.

Naghawak-kamay silang dalawa at tumakbo samantalang ako ay naiwan sa likod nila. Akala ko ba isasama nila ako! Haaays! Is this what they call a third wheel?

Without knowing the reason why they are running ay tumakbo na rin ako. My body just felt fine na parang hindi ako nagmula sa kabi-kabilaang injury. I sprinted hanggang sa makarating kami sa closed arena. The arena is supposed to be a battleground designed for battles, but tonight the place is beautiful. Flowers bloom around. The lights are appealing to the eyes.  Iba't ibang kulay ng tela ang siyang ipinandisenyo na bumagay sa mga piling kulay ng ilaw na ginamit.

The two walked amidst the crowd. Sumunod naman ako sa likod nila. Nagkabangga-bangga pa ang dalawa sa mga taong sumasayaw ngunit imbes na sila ang humingi ng tawad ay kabaligtaran pa ang nangyari. Lahat ng mababangga nila ang siyang humihingi ng paumanhin.

Nang makarating kami sa gitna ay tumigil sa paglalakad ang dalawa.

"We're just on time," Winwin said with a sigh.

Suddenly, the lights turned off. Sumigaw ang mga kababaihan dahil sa pagkabigla at takot. Nabalot ng dilim ang buong paligid. Wala akong makita kundi purong dilim. I tried to find Winwin and Hydra beside me pero wala na sila sa tabi ko.

"A pleasant night, Swesteners, students of SouthWestern Academy!" sigaw ng lalaking sa tingin ko ay emcee ng party ngayon. "Sorry for the interruption, but tonight, our respective guests requested for this very moment. Let's all give the floor to them."

Tumugtog ang musika kasabay ng pagbukas ng ilaw. A sweet music played. Nagsibalik sa kani-kanilang mga upuan ang mga estudyanteng kanina ay sumasayaw nang nagrereklamo dahil halatang nag-eenjoy sila kanina. They all returned to their tables and seats dumbfounded.

I don't know where to go. Hindi ko alam kung saan nakapuwesto ang mga kaibigan ko. As I turn around to find them, saktong pagtalikod ko ay isang pulang rosas ang bumungad sa tapat ng mukha ko. The rose moved sideways at tumambad ang nakangiting mukha ni Marko.

"Happy birthday, Ate!" bungad niya. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit at kaagad na kumalas. "This is for you!"

Tears started to form on my right eye. This feeling. I was longing for this.

"Don't cry, Ate. Today is your special day. Bakit ba kasi ngayon ko lang nalaman na ngayong araw na ito ang birthday mo? Di sana lagi ko ikaw sinosorpresa tuwing sasapit ang araw na ito. Sorry nga pala Ate sa mga sinabi ko kanina."

"That was fine. Salamat dito!" pagturo ko sa bulaklak. Kahit na hindi ito ang paborito ko, it was enough to satisfy my happiness.

"Sige na, Ate. Hindi na kita isasayaw. Maikling oras lang ang ibinigay sa amin ni Headmaster para rito. Marami pang nakapila upang batiin ka. I love you, Ate!" sabi niya at umalis.

"Happy birthday, Ester!" dinig ko sa bandang likod. Tumalikod ako upang makita siya. It's Winwin.

"Thanks!"

"Can I dance with you?" magalang niyang tanong.

"P-pwede naman, pero hindi ako marunong sumayaw."

"Okay lang 'yun. Di rin naman ako marunong sumayaw. Sadyang pinilit lang ako ng girlfriend ko na isayaw ka." Napakunoot noo ako. Pagsilip ko sa likod niya ay naroon si Hydra. Kumaway siya sa akin at ngumiti.

Hinawakan niya ang beywang ko at pinatong ko ang kamay ko sa balikat niya. Sumayaw kami kahit pa lagi kong naapakan ang paa niya. Hindi ko alam kung dapat ba kaming mag-usap o manatiling tahimik na lang hanggang sa matapos ito. Pero sinubukan ko pa ring magbukas ng topic na pag-uusapan.

"So kayo na?" tanong ko.

"Yes," he plainly answered.

"Kailan pa"

"Just recently"

"Ah. Okay. Congrats!"

"Hindi na ako magtatagal, but thanks and happy birthday once again!" he said, kasabay ng pagtapos ng musika. As soon as it stopped, I heard a sweet voice singing the happy birthday song. Crystal is singing the song on a microphone. Papalapit siya sa akin kasama nina Heaven at Hydra na parehas na may hawak ng cake with a candle on top. Heaven is holding a white cake  while Hydra is carrying a black one. 

"Happy birthday!" pagbati nilang tatlo sa akin nang sila'y makalapit. "Make a wish, Ester!"

Ipinikit ko ang mga mata ko at humiling.

'Sana itong gabi na ang simula. Simula ng pamumuhay ko nang normal. Pamumuhay na hindi nagtatago, hindi nagpapanggap. Sana ay maging payapa na ang lahat. No fights nor a thought of revenge.'

Hinipan ko ang candles sa cake at ngumiti. "Thanks!" sabi ko sa kanila.

Another sweet music played.

"New music for a new dance partner," sa gilid namin ay sumulpot si Ten.  "May I Ester?" at iniabot niya ang kaniyang kamay nang nakayuko, like a prince asking a princess to dance.

"Sure!"

Bumalik sina Hydra, Heaven, Crystal at Winwin sa kanina nilang pwesto kaya kami na lang ni Ten ang naiwan sa gitna.

Ten and I danced until the music has ended. He entertained me by talking a lot about his relationship with Crystal. He may look like an easy going man, but he, sure, is a gentleman.

Npalingon na lang kami sa paparating na lalaki papunta sa amin.

"Oh! Ano ginagawa mo dito, Lucas? Isasayaw mo rin ba si Ester? Sabi ko na nga ba eh, interesado ka sa kaniya," pang-aasar ni Ten.

Lucas did not reply. He just stared at me with an undescribable facial expression.

"E-ster, can I..."

***

Lucas' POV

"...dance with me?" dugtong niya sa tanong na dapat itatanong ko.

It's awkward. Dahil na rin siguro sa sinabi ni Ten. O baka naman ako lang ang naiilang sa sitwasyong ito dahil ako lang naman siguro ang may nararamdaman para sa kaniya and it is not reciprocated.

"You are my friend so I think, yes?" pahintulot niya. Ipinasa siya sa akin ni Ten at bago siya umalis ay kinindatan niya pa ako.

Hinawakan ko ang balingkinitan niyang katawan, and I felt my hands being electrified.

"Okay ka na ba? May masakit pa ba sa iyo?" I don't know how to start the conversation kaya kung ano-ano na lang ang nasabi ko. Masyado akong kinakabahan. But, it's better than saying nothing.

"I'm fine, Lucas. I'm fine."

"Sigurado ka ba?"

"Oo. Okay lang ako. Teka, bakit parang kinakabahan ka? Is something wrong?" Pansin niya siguro ang malimit na malalim kong paghinga.

Kung alam mo lang Ester ang pakiramdam nang malapit ka sa taong gusto mo. Yung nakikita ko siya ng malapitan, mata sa mata, habang hawak ang kamay at katawan niya.

"Ester, may gusto akong ipagtapat sa iyo. Huwag ka sanang mabibigla."

"What is it?" she said with an innocent look.

Huminga ako nang malalim at hinugot ang lahat ng kumpiyansang meron ako.

"Ester... I... I lov..."

Ngunit naputol ito nang bigla siyang magsalita. "Wait! Nakita mo ba kung nasaan si Finnix?" 

Tila nahulog ang damdamin ko sa isang bangin. Parang bumagsak ako mula sa mataas na paglipad.

"Ah, sorry. What is it again?" Hindi ko na alam kung makakaya ko pang sabihin sa kaniya ito. Tila naubos na lahat ng lakas ng loob ko. Maybe I just have to keep it to myself and suffer alone.

"Nothing, Ester. By the way Finnix is there." Sumabay ang mga mata niya sa direksyong itinuro ko. Naroon si Finnix. He's wearing a fitted suit at nakaupo siyang tinititigan kami. His brows are furrowed. Bilang lalaki, alam na alam ko kung anong klaseng ekspresyon iyon. He's jealous.

"He's handsome..." she said "...right?" There is it. Side view man ay nakikita ko kung paano niya tingnan si Finnix. Puno ng paghanga. Puno ng pagmamahal. How I wish she would look at me like that.

Tumayo si Finnix at naglakad papunta sa direksiyon namin.

"I think he's perfect..." sagot ko at ibinulong sa aking sarili ang karugtong nito "for you."

I think I need to back off now. Nakakatawa lang dahil kinailangan kong sumuko sa gerang hindi ko pa nasisimulan. It is for the good of everyone. Ester and I are blood-related. My father is her uncle. Aside from that, someone owns her heart now. And that someone is my bestfriend.

Handa na akong sumuko. Handa na akong magparaya. I have to stop this feeling no matter how hard it is.

"Happy birthday, Ester. Always be happy! I love you!" This will be the last time na sasabihin ko sa kaniya ang mga katagang iyon nang naiilang. I am hoping that someday, hindi na ako maiilang na sabihin sa kaniya ang mga salitang ito. Dahil sa mga oras na iyon ay wala na akong nararamdamang espesyal sa kaniya kundi purong kaibigan lamang.

"Bro, can I dance with Ester now?" Finnix said nang makarating siya sa pwesto kung saan kami sumasayaw ni Ester.

"She's all yours," I said with a double meaning. I finally gave Ester to Finnix. Pinigilan kong tumulo ang namumuo kong luha. Ganito pala. Ganito pala kasakit magpaubaya. Parang tinutusok-tusok ang puso ko. Parang dinudurog hanggang sa maging pino at wala nang matira. My heart aches. My heart breaks.

"Have a goodnight," I said to both of them bago tuluyang tumalikod. Bumuntong hininga ako't nagsimulang maglakad.

Don't look back, Lucas. Masasaktan ka lang.

You said it yourself.

You're letting her go now.

***

Ester's POV

I know what Lucas meant. I know what he is feeling even without Sais' help.

Nasasaktan rin ako. Nasasaktan akong makitang nasasaktan ang kaibigan ko dahil sa akin pero mas mabuting hindi ko ito ipakita. Patawad, Lucas. Patawad dahil hindi ikaw ang tinitibok ng puso ko. Sorry because I am the reason of your first and second heartbreak. Patawad.

"Did you have fun talking to my MALE friends?" Finnix asked me emphasizing the word 'male' while staring at me with an intimidating look.

"I did," sagot ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa mata niya. Feeling ko ay bibigay ang mga tuhod kapag makipagtitigan ako sa kaniya.

"Was it better than how you are talking with me right now?" Inilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha ko. Inatras ko ang ulo ko dala ng pagkabigla.

"Yes! I mean no!" Nataranta kong sagot na bahagya niyang kinainis.

"Tss," he hissed at basta-basta na lang niyang hinawakan ang kaliwang wrist ko at kinaladkad ako paalis ng arena.

"Where are we going?" tanong ko habang nakasunod pa rin ako sa paghila niya. Tumigil siya at nagsalita.

"Somewhere without my MALE friends. I don't want sharing you to them."

At nagsimula siyang manahimik. He remained silent at hinila niya lang ako hanggang sa makarating kami sa isang sapa na sa tingin ko'y malayo na sa akademya pero sakop pa rin nito.

The place is dark and gloomy. The color of the water is black. Kahit na liwanag ng buwan ay hindi nagdala ng kahit na kaunting liwanag.

"Where are we?" I asked. But he did not answer me. Hinigit niya ako palapit sa katawan niya. Our bodies hit each other. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at walang pasintabing hinalikan ako.

Imbes na manlaban ako ay tila nalunod ako sa halik na iyon. His kiss is telling me to respond. So I did. I felt millions of butterflies flying inside my stomach. I felt a sudden surge of electricity in every inch of my skin. At higit sa lahat, tumibok nang napakalakas ang puso ko, in sync with Finnix's loud heartbeat.

Strange energy wave came out of our bodies, in rythm with our in sync heartbeats. They travelled occupying the whole place. Lahat nang madaanan ng enerhiyang iyon ay unti-unting nagkakakulay at nagliliwanag. The black lake glowed in different colors, like that of an aurora. Multiple fairies revealed themselves lighting up every hidden corner of the place. They flew everywhere making the once dull place alive and colorful. Everything now looks majestic

Kumalas sa halik si Finnix, tumakbo papalapit sa pangpang ng sapa at sumigaw "I knew it! I knew that we really are meant to be!" tuwang-tuwa niyang sigaw.

"What are you talking about?" tanong ko. Bumalik siya sa harapan ko at ako nama'y napahawak sa aking labi. I suddenly felt awkward. Lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa sa mukha ko at inalis ang kamay kong nakatakip sa aking bibig.

"This is the Lake of Love and Destiny. A couple who can lit this place up is destined to be together." He said very close to me na halos naaamoy ko na ang mabangong hininga niya.

"What do you mean..?" naguguluhan pa rin ako. Is this a sign of confession?

"I love you, Ester!"

"..." nabigla na naman ako't hindi makasagot.

"Aren't you going to respond? I know what your heart is saying, but I want you to say it out loud," he excitedly said.

"..." ngunit hindi pa rin ako makapgsalita. Isa-isa lang Finnix, please.

"I said I love you..." Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. I will just rely to the saying that actions speak louder than words.

I grabbed his suit at tiningkayad ko ang aking mga paa upang maging magkalebel kami.

"This is my answer, Finnix," I said before I kiss him passionately. I felt his response and our kiss went deeper and deeper just like how our love goes day by day.

This day is full of events. From a fight. To a  revelation. Which went to a sudden celebration. Now, the person who owns my heart gave a confession. I hope this day would last forever, where I am beside my happiness and the love of my life.

Natapos ang matagal naming halik at ikinulong niya ako sa kaniyang matipunong braso. He did what he must do, and now it's my time to do my part, to say what I really feel.






"Mahal din kita, Finnix."

***
Author's Note:

So kumusta na kayo Signusians? Kaya pa ba? Kaya pa bang maghintay para sa next chapters?

This chapter is dedicated to my Nanay (tinuturing kong second mama). Today is her birthday and I will really appreciate it if some of you or all of you wishes her happy birthday. Without her, wala ang story na ito. Without her support baka chapter one palang ay hindi ko na ito tinuloy hanggang dito.

By the way, what do you think of this chapter? Malaya kayong sabihin/itype ang mga hinaing niyo kung tutol ba kayo kay Finnix at Ester o support kayo sa kanila.

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

249K 16.2K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH After an unexpected apocalypse, Amira and her friends found themselves trapped inside the border of Luzon, in which the vir...
593K 28.3K 40
She's destined to be a queen, and the fall of the Imperial Empire depends on her life Her name is Morta and this is her story. Genre: Fantasy/Romanc...
8.8K 890 64
Danger Game. Isang kinakatakutang laro ng mga estudyante na sumikat sa Franchestar University. Isang laro kung saan buhay ang nakataya. Walang ibang...
2.7M 59K 68
Hindi ko alam kung anong pinasok ko. Basta ang alam ko, sinundan ko ang best friend ko kung saan man sya dinala ng mga lalaking naka-tuxedo. Basta an...