My Superstar Housemate (Super...

By sincerelyjeffsy

10.4K 2.8K 160

The C.U.P.I.D. Boyband Series Book 3 I, Sandy Guevarra, hated Uriah Khan to the core and I swore destroy his... More

Foreword
Prologue
Flash News!
Chapter 1: A Superb First Meet
Chapter 2: Truth and Consequences
Chapter 3: A Reporter's Revenge
Chapter 4: Trap
Chapter 5: One-Woman Picket
Chapter 6: Writer's Block
Chapter 7: Order To Vacate
Chapter 8: A Rainy Night
Chapter 9: Peace Offering
Chapter 10: Fever
Chapter 11: Housemate
Chapter 12: Housemaid
Chapter 13: Back Pay and Pay Back
Chapter 14: Meeting
Chapter 15: Housewarming
Chapter 16: Overnight
Chapter 17: Horseback Riding
Chapter 18: Operation Sagip Sandy
Chapter 19: Love Stories
Chapter 20: Favor
Chapter 21: Childhood Photos
Chapter 22: Saudi Arabia
Chapter 23: Tour
Chapter 25: Jewelries
Chapter 26: Saving Sandy
Chapter 27: Pregnant
Chapter 28: Separation
Chapter 29: Explanations
Epilogue: Déjà Rêvé

Chapter 24: Secret Vault

213 57 0
By sincerelyjeffsy

WITH Prince Hadji's help ay nakakuha kaagad si Sandy ng flight pauwi ng Pilipinas kinabukasan. Nagpupumilit pa sanang sumama sa kaniya si Uriah. Kaso, hindi siya pumayag, kahit ayos lang iyon sa nanay nitong si Lucinda, dahil nahihiya siya rito. Matagal din kasing hindi nagkita ang mag-ina at ayaw niyang putulin ang bonding ng dalawa. Kung siya nga lang ang masusunod ay ayaw niya pa sanang umuwi ng Pilipinas. Kaso, kailangan niyang umuwi ngayon dahil may appointment siya sa Best Reads Publishing Company bukas ng umaga tungkol sa pagpa-publish ng story niya.

Matapos ang halos isang buong araw na biyahe ni Sandy by air at by land, from Riyadh to Clark, ay nakauwi rin si Sandy sa Writer’s Block sa wakas nang bandang gabi. Nang makaalis na ang driver nang sinakyan niyang tricycle na naghatid sa kaniya pauwi ay luminga-linga muna siya sa paligid. Nang makasiguradong walang nakatingin sa kaniya ay inangat niya ang isa sa mga paso na nasa porch at kinuha ang susi mula sa ilalim niyon. Kaso, nang hawakan niya ang doorknob ng front door para sana ipasok ang susi roon ay natuklasan niyang nakabukas pala iyon na pinagtatakhan naman niya dahil nakakasigurado siyang ni-lock niya iyon bago sila umalis pati na rin ang lahat ng pwedeng daanan ng mga magnanakaw. Dahil doon ay bigla siyang kinabahan.

Hindi niya alam kung tatawag na ba siya ng pulis o kung papasok muna siya sa loob ng bahay para makasigurado kung pinasok talaga ang Writer’s Block ng magnanakaw. Kaso, paano kung mali siya ng hinala? Siguradong mapapahiya lang siya. So, she chose the latter. Pero, bago siya pumasok sa loob ng bahay ay naghanap muna siya ng kahit anong sandatang maaari niyang gamitin kung sakaling nasa loob pa rin ang magnanakaw. Nakita niya ang isang mahabang dos-por-dos sa lupa at dinampot iyon. Pagkatapos niyon ay bumalik siya sa porch at dahan-dahang binuksan ang front door. Pagkabukas niya niyon ay pumasok siya sa loob ng bahay at sinindihan ang ilaw.

Nang mailapag niya ang mga maleta niya sa sala ay sinuri muna niya ang buong first floor. Mukha namang walang palatandaang may nakapasok na magnanakaw rito dahil kung paano nila iniwan iyon ay ganoon pa rin naman iyon. Medyo nakahinga naman siya nang maluwag. Pero, hindi pa rin siya nakontento. Umakyat siya ng second floor at ch-in-eck isa-isa ang mga kwarto roon. Una niyang tiningnan ang kwarto nila ni Nigel. Pagkatapos ay ang mga guest rooms na ginawang stock room at mini-gym ni Uriah. To her relief ay maayos pa rin ang mga iyon. Only one room left unchecked – ang kwarto ni Uriah. Binuksan niya iyon and to her surprise ay nakita niya si Mang Bong sa loob niyon.

“Mang Bong,” tawag niya rito. Pagkatapos ay tinago niya mula rito ang hawak niyang kahoy sa likuran niya. “Ano pong ginagawa n'yo rito?”

“Ah… Eh… T-tiningnan ko lang 'yong butas sa kisame na pinapaayos ni Uriah,” utal nitong sagot. “T-tumutulo raw kasi 'pag naulan.”

Nauunawaan naman niya ang sinabi nito dahil ito ang caretaker ng Writer’s Block kaya natural na may susi ito roon. Kaso, nang tumingala siya para hanapin ang butas na sinasabi nito sa kisame ay hindi niya iyon makita. Kung tutuusin ay mukhang maayos naman iyon. Saka wala naman siyang nakikitang dala nitong tools na maaari nitong gamitin pang-repair. May pagdududang namuo sa isipan niya. Pero, mas pinili na lang niyang huwag i-entertain iyon.

“Ah… May butas po pala r'yan,” sabi na lang niya rito. “‘Di ko po kasi alam, eh. Parang wala naman po kasing nabanggit si Uriah sa 'kin na may tumutulo rito sa kwarto n'ya o baka nakalimutan lang n'yang sabihin sa 'kin.”

“S-siguro nga,” utal pa rin nitong sang-ayon. “B-bakit narito ka na pala ngayon? A-akala ko ba'y isang linggo pa kayo bago umuwi? N-nasa'n si Uriah?”

“’Di ko po kasama si Uriah,” sagot niya sa sunud-sunod nitong tanong. “Nauna na po 'kong umuwi sa kan’ya dahil may importanteng appointment po 'ko sa Manila bukas.”

“Ah… G-gano’n ba?” wika nito. “S-sige. A-alis na 'ko.”

Pagkatapos niyon ay walang kaabog-abog na lumabas si Mang Bong sa silid ni Uriah. Hindi niya maintindihan kung bakit parang kabado itong kausap. Nahahalata niya kasi iyon sa pagbubutil-butil ng pawis nito sa noo. Sinuri niya ang loob ng kwarto ni Uriah. Mukhang maayos naman iyon at walang nawawalang gamit. Pero, para makasigurado ay naisip niyang tingnan ang loob ng cabinet ni Uriah. Kaso, naka-lock pa rin ang mga iyon at nakatitiyak siyang hindi nabuksan ang mga iyon simula nang umalis sila. Naisip niyang baka nag-o-overthink lang siya. So, mabilis siyang bumaba para habulin si Mang Bong.

“Sandali lang po, Mang Bong,” pigil niya rito.

Tumigil naman ito sa paglalakad. Pagkatapos ay humarap ito sa kaniya. Kitang-kita niya ang pagbubutil-butil ng pawis nito.

“A-ano 'yon?” ninenerbyos pa rin nitong tanong sa kaniya.

“Ibibigay ko lang po sana 'yong pasalubong ko para sa 'nyong tatlo nina Aling Wanda at Nigel,” sagot niya rito.

“Ah… G-gano’n ba?” utal nitong wika.

Lumapit siya sa maletang iniwan niya sa sala kanina at binuksan iyon. Pagkatapos ay kinuha niya ang isang malaking paper bag na naglalaman ng mga imported chocolates at mga souvenirs na binili niya sa Saudi Arabia at inabot iyon dito.

“Pagpasensyahan n'yo na po't 'yan lang ang nakayanan kong ibigay sa 'nyo,” aniya rito.

“Nag-abala ka pa, hija,” sabi nito sa kaniya. “Siguradong matutuwa sila, lalong-lalo na si Nigel, dahil sa mga ito. Maraming salamat, hija.”

“Walang anuman po 'yon, Mang Bong,” wika niya rito.

“Sige, hija. Mauna na 'ko,” paalam nito sa kaniya. “Kailangan ko nang umuwi.”

“Okay po,” sabi niya rito. “Mag-iingat po kayo.” Pagkatapos ay tuluyan nang umalis si Mang Bong.

🏠🏠🏠

“CONGRAULATIONS, SexySandy!” maligayang bati sa kaniya ni Sir Jay – ang CEO ng Best Reads Publishing Company – using her penname, matapos niyang pumirma ng kontrata bilang exclusive writer ng kompanyang iyon at matapos niyang tumanggap ng tsekeng naglalaman ng bayad niya para sa approved manuscript niya na ipa-publish ng BRPC.

“Maraming salamat po, Sir Jay and Ms. Dana, sa opportunity pong binigay n'yo sa ‘kin. Sa wakas po'y matutupad na ang pangarap kong maging published author!” she said excitedly.

“You don’t have to thank us,” wika ni Ms. Dana – her editor – sa kaniya. “You deserved it.”

“Tama si Dana,” Sir Jay agreed. “We’re hoping that you’ll continue to write amazing stories, okay?”

“Sure po,” she assured him. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na siya sa mga ito.

During lunch ay nagkita sila ni Sam sa paborito nilang fast food restaurant kung saan sila nagkuwentuhan habang kumakain – her treat. Kinuwento niya rito ang mga nangyari sa buhay niya maliban na lang ang pagpunta niya sa Saudi dahil siguradong hindi pwedeng hindi niya sabihin dito ang dahilan nang pagpunta niya roon. At kapag nangyari iyon ay siguradong malalaman nito ang totoong pagkatao ni Uriah na baka ikapahamak naman ng huli.

Masaya si Sam para sa mga nangyayari sa buhay niya lalo na nang nalaman nitong malapit na siyang maging isang published author. Isa kasi ito sa mga nakakaalam ng pangarap niyang iyon other than Uriah. And, speaking of Uriah, nakakuwentuhan niya rin ito habang nakasakay siya sa bus kanina. Alam niyang hindi na niya dapat sabihin dito na naabutan niya si Mang Bong sa kwarto nito kahapon na ginagawa raw ang butas sa kisame nito dahil sabi nga ni Mang Bong ay si Uriah daw ang nagpaayos niyon dito. But, she told him nevertheless. At ang pinagtatakhan niya ay wala naman daw naaalala si Uriah na may inutos kay Mang Bong na ganoon. At tulad niya kahapon, she just told him not to think about it anymore. Na baka nakalimutan lang nitong sinabi nito iyon kay Mang Bong. Dahil bakit naman magsisinungaling si Mang Bong sa ganoong bagay, 'di ba? Nang mag-low battery ang cellphone niya ay nagpaalam na siya rito at saka pinutol ang pag-uusap nilang dalawa.

Gabi na nang makabalik siya sa Writer’s Block. Sa sobrang pagod ay nang humiga siya sa kama niya para magpahinga saglit ay hindi niya namalayang tuluyan na pala siyang nakatulog nang hindi man lang nagpapalit ng damit. Nagising na lang siya nang maulinigan niyang parang may tumatawag sa pangalan niya.

“Ate Sandy… Ate Sandy… Gumising ka na, please….”

Kahit pupungas-pungas dahil inaantok pa ay dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya at nakita si Nigel na umiiyak sa harapan niya. Nang una, akala niya ay nananaginip lang siya dahil paano naman makakapasok si Nigel sa bahay niya sa gitna nang hating-gabi at ano namang gagawin nito roon. Pero, kalaunan din ay na-realize niyang hindi siya nananaginip at totoong umiiyak ito sa harapan niya, gaya ng baril na nakatutok sa sentido nito.

Nang inangat niya ang paningin niya para malaman kung sino ang nagtututok ng dulo ng baril sa sentido ni Nigel ay nagulat siya dahil nakita niyang ang ama mismo ng bata iyon – si Mang Bong! Tuluyan nang nagising ang diwa niya.

“A-Ate Sandy… T-tulungan mo 'ko…” humahagulgol na pakiusap ni Nigel sa kaniya.

“Manahimik ka r'yan!” singhal ni Mang Bong sa anak nito.

“M-Mang Bong, a-anong ibig sabihin nito?! B-bakit n'yo tinututukan ng baril ang sarili n’yong anak?! S-saka anong ginagawa n'yo rito? A-anong kailangan n'yo? Alam po ba ni Aling Wanda ang ginagawa n'yo?” sunud-sunod niyang tanong dito bagaman kinakabahan siya. Pero, sa kabila niyon ay sinisikap niyang huwag ipahalata iyon dito. Alam niyang hindi na niya kailangang tanungin pa kung paano nakapasok ang mag-ama rito dahil caretaker si Mang Bong ng Writer’s Block at natural na may susi ito niyon.

“P-patay na si Nanay, Ate Sandy,” si Nigel ang sumagot sa kaniya habang humihikbi ito. “B-binaril s'ya ni Tatay.”

Nagulat siya sa sinabi ni Nigel sa kaniya. Napatakip tuloy siya ng kamay sa sariling bibig. Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ni Mang Bong sa asawa nito.

“Totoo ang sinabi ni Nigel,” kumpirma ni Mang Bong sa sinabi ng anak nito sa kaniya. “Kaya, sumunod ka sa lahat ng sasabihin ko sa 'yo dahil kung 'di'y pasasabugin ko ang bungo ng batang paslit na 'to!”

She felt threatened dahil alam niyang kung nagawa nitong kitilin ang buhay ng sariling asawa ay kaya rin nitong gawin iyon sa sariling anak.

“A-ano po bang gusto n'yong gawin ko?” utal niyang tanong dito.

“Tumayo ka r'yan at magtungo ka sa kwarto ni Uriah,” utos nito sa kaniya. “At 'wag mong subukang gumawa ng kahit na anong klaseng kabulastugan dahil 'di ako mangingiming barilin ka!”

Nanlalambot man ang mga tuhod niya dahil sa sobrang takot ay pinilit pa rin niyang tumayo mula sa kama niya at lumabas ng kwarto. Habang naglalakad siya papunta sa kwarto ni Uriah, naisip niyang tama lang palang pinaghinalaan niya ito nang maabutan niya ito sa loob ng kwarto ni Uriah nang nakaraan dahil sigurado siya ngayong may kababalaghang itong ginawa roon.

Nagkamali siya nang pinili niyang hindi na lang pansinin iyon dahil nga kilala naman niya si Mang Bong mula nang bata pa siya at alam niyang mabuti itong tao. Pero, hindi na siya sigurado sa pagkakakilala niya rito ngayon.

“Itaas mo ang mga kamay mo!” utos naman sa kaniya ni Mang Bong na sinunod niya kaagad. Nasa likuran niya ang mag-ama at nararamdaman niyang nakatutok ang baril nito sa likuran niya. Inisip niyang kumaripas bigla ng takbo pababa ng first floor. Kaso, bukod sa natatakot siya sa banta nitong babarilin siya kapag hindi niya sinunod ang gusto nito ay mas natatakot siya para sa kaligtasan ni Nigel dahil alam niyang hindi ito sasantuhin ng sariling ama nito.

Pagdating sa tapat ng kwarto ni Uriah ay binuksan niya ang pinto gamit ang isang kamay niya. Tinulak naman siya ni Mang Bong papasok sa loob sa pamamagitan ng pagdiin nito ng dulo ng baril sa likuran niya. She shivered when she felt the cold tip of the gun on her back.

“Pasok!” utos nitong muli sa kaniya na sinunod naman niyang muli.

“A-ano pong gagawin natin dito?” ninenerbyos niyang tanong kay Mang Bong.

“Lumapit ka ro'n sa bookshelf at itulak mo 'yan patagilid,” mando nito sa kaniya.

Sinunod naman niya ang utos nito. Nagpunta siya sa tabi ng bookshelf at bagaman nanghihina dahil sa sobrang kaba ay nagawa niya pa ring itulak iyon patagilid mag-isa. Naging madali naman iyon dahil may gulong naman pala ang bookshelf sa ilalim. Pagkatapos niyon ay tumambad sa harapan niya ang isang secret vault na nakabaon sa haligi.

“B-bakit may secret vault d'yan?” she asked in disbelief. “A-anong laman n'ya’n?”

“Mga alahas ang laman n'yan!” sagot ni Mang Bong sa kaniya. “Mga alahas ng nanay mo!”

“P-pa’no mo nalaman ang tungkol sa mga alahas ng Mama ko?” nagtatakang usisa niya rito. Nang bata pa siya ay alam niyang may jewelry collection ang Mama niya. Pero, hindi niya alam kung nasaan na iyon. She just assumed that her parents sold it to pay for her mother’s treatment nang nabubuhay pa ito.

“Alam ko ang lahat ng ari-arian ng pamilya n'yo,” tugon ni Mang Bong sa kaniya. “At alam ko rin ang lahat ng sikreto ng pamilya n'yo.”

“A-anong ibig mong sabihin?” nagugulumihanang tanong niya rito.

“’Di lang ikaw ang nag-iisang anak ng ama mo,” sagot nito sa kaniya. “May kapatid ka sa labas.”

“H-hindi 'yan totoo,” kontra niya sa sinabi nito.

“Totoo ang sinasabi ko sa 'yo, Alexandra,” pilit ni Mang Bong sa kaniya.

“P-pero, pa'nong nangyari 'yon?” usisa niya rito.

“Nang panahong may sakit ang ina mo'y may nangyari sa ama mo’t asawa ko,” tugon nito sa kaniya.

“S-si Aling Wanda,” 'di makapaniwalang wika niya rito.

“Sino pa ba?!” mapang-uyam nitong tanong sa kaniya. “May ibang babae pa ba sa buhay ko?! ‘Di ako tulad ng walang kwenta mong ama!”

“Don’t say that!” saway niya rito. “Siguro’y nagkamali s'ya. Pero, 'di sapat 'yon para husgahan mo na ang buong pagkatao ng Papa ko! My father’s a very responsible man at alam kong mahal na mahal n'ya ang Mama ko.”

“Huhusgahan ko s'ya sa paraang gusto ko!” sigaw nito sa kaniya. “’Tulad ng paghuhusgang ginawa ko sa asawa ko! At 'di pa sapat ang mga buhay nila bilang kabayaran sa panloloko nila sa 'kin!”

“Nababaliw ka na talaga!” matapang niyang asik dito.

“Gusto mo bang makita kung pa'no talaga 'ko mabaliw?” mapanghamong tanong nito sa kaniya. “Gusto mo ba talagang makita kung paano magkalat ang utak ng batang ‘to rito?”

“No!” mariing sagot niya rito. “Tumigil ka na! Pa'no mo magagawa 'yon sa sarili mong dugo't laman?!”

“Anong sariling dugo't laman ang pinagsasabi mo r'yan?!” mapangutyang tanong nito sa kaniya. “’Di mo pa rin ba nakukuha, Alexandra?! ‘Di ko anak si Nigel. Ang batang 'to ang bunga ng pagkakasala ni Edgar at ni Wanda!”



Author's Note:

Please, read, vote, comment and share. Thanks! 😊

Published last August 14, 2020.

Continue Reading

You'll Also Like

115K 2.8K 52
What will you do if you end up in someone else body?
16K 1.2K 23
Consists of three young paranormal experts, the Paranormal Club of St. Chesterino State University has to solve different paranormal cases as part of...
353K 5.9K 80
THIS STORY IS WORTH ADDING ON YOUR READING LIST- seryoso :! I love him... I love him????? Na-love at first sight si Millette kay Brix. Hindi sinasady...
304K 10.4K 23