The Guy Next Door (Completed)

By TabinMabin

2.4K 212 11

Competitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush... More

The Guy Nextdoor
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
55
56
57
58
59
60
61
62
63
Epilogue

54

19 3 0
By TabinMabin

Patricia

"Kumusta pala iyong ibinigay ko sa iyong onesie noon? Ayos pa ba iyon?" tanong ko sa kaniya saka ko isinubo ang hawak kong kutsara na may lamang lugaw matapos ko ito ihipan.

Lumipat kami sa kusina para mag-almusal dahil nakakalat ang mga requests sa study table niya sa kwarto. Sabi ko nga, linisin na lang namin dahil gusto ko makita ang bintana ng kwarto ko. Katabi lang kasi ng table niya ang bintana sa kwarto niya.

"Ayos pa. Now that I think about it, ang tagal ko nang hindi nasusuot iyon."

"Kung tama ako ng pagkakatanda, parang 3 months ago ko pa nakita na huling gamit mo duon." He shrugged saka isinubo ang hawak na kutsara. "Suot mo!"

"Not now."

"Dali na! Minsan lang naman!"

"May gagawin ako mamaya. Ang hirap hubarin nuon."

"Please?" Nag-puppy eyes ako kahit pa sobrang cringey.

"No."

Sumandal ako sa saka tumingala. "I wonder how Tyron looks in a onesie."

"Parang tanga ito."

"I bet he's cute."

"Weh. Pampam. Tumigil ka nga." Inirapan niya ako saka itinuloy ang pagkain niya.

"Malapit na birthday niya, hindi ba? I'll make one for him. Ano kaya puwedeg design?"

"Akala mo naman magseselos ako."

"I think T-Rex is a good design. What do you think?"

Sinamaan niya ako ng tingin saka itinulak ang sarili palayo sa lamesa at tumayo. Napangiti ako dahil kamukha niya iyong animated pug na nasa damit niya. Nakasimangot kasi ito. Tinalikuran niya ako't padabog na umakyat. He's really childish sometimes and I won't complain 'cause he's cute. Minsan masakit sa ulo pero minsan, tolerable dahil sa ka-cute-an.

Pagkababa niya, suot niya na iyong onesie na ibinigay ko sa kaniya noon. It's still in a good condition. Buti na lang talaga magandang tela ang ginamit ko para dito. Nagtataka nga ako sa kaniya dati kasi madalas ko siya makitang suot ito. For sure kasi na mainit ito kapag isinuot. Wala pa man rin aircon dito sa bahay niya.

Nakasimangot siya pagkaupo ulit sa harap ko't kumain muli. "Happy?" Isinubo niya iyong hawak niyang kutsara saka ako inirapan.

"You look cute as always." Kinuha ko ang cell phone ko sa gilid ng bowl ko't pinicture-an siya. Napatingin ako sa pintuan nang may biglang kumatok. Ibinalik ko sa kaniya ang tingin ko pero tumayo lang siya't lumapit rito saka ito binuksan.

"Kuya Billy," bungad niya rito kaya nanglaki ang mga mata ko. Napatayo ako't magtatago sana pero pinapasok niya na ito. Nagtagpo ang mga mata namin ng kapatid ko pero hindi ako nito kinumusta man kaya unti-unti akong napaupo.

"Hindi ka ba tutulong ulit?" tanong ni Kuya pagkabalik ng atensyon sa kaniya.

"Nag-aalmusal lang saglit, Kuya. Late ako nagising kasi galing kami sa despedida kagabi."

Tumango si Kuya saka hinead to foot ang kausap. "Bakit ka nakaganiyan? Anyway, labas ka na lang kaagad. Medyo dumadami na customer, eh. Hindi ako makakatulong kasi may pasok ako kaya si Mama lang talaga nasa eatery."

"Sige, Kuya. Labas kaagad ako."

"Salamat."

Nakipag-apir siya rito saka ito umalis. Pagkasara niya ng pintuan ay lumapit ulit siya sa lamesa at naupo sa harap nito saka sinimulang kainin ang lugaw niya. "Hoy. Kumain ka na."

"Anong mayroon?"

"You'll know in a bit. Ubusin mo na iyan." Hinawakan niya ang baso niyang may tubig saka uminom rito. Isinuod niya ay iyong basong may gatas bago niya kinuha ang egg pie sa platito.

Kahit nagtataka, hindi ko siya pinilit na sagutin ang tanong ko at ipinagpatuloy na lang ang pagkain pero binilisan ko dahil gusto ko na malaman kung anong nangyayari. Pagkatapos ay dinala ko ang mga pinagkainan namin sa lababo at dali-dali ko itong hinugasan.

Narinig ko ang pag-akyat niya at saktong pagkatapos ko sa paghuhugas ay nakababa na siya mula sa itaas. Suot niya pa rin ang t-shirt na suot niya kanina at basketball shorts na kulay red. Hinawakan niya ako sa kamay saka ako hinila palabas.

Kumabog ng mabilis ang puso ko habang hinihila niya ako papunta sa tapat ng bahay ko. Tulad ng narinig kong sinabi ni Kuya, medyo maraming nabili kaya hindi na magkandaugaga si Mama sa pag-aasikaso sa mga customer.

Nang makalapit kami rito, bakas ang gulat sa mukha nito nang makita ako. Akmang magsasalita siya pero nakuha ng customer na nabili ng ulam ang atensyon niya. Napatingin ako kay Lie Jun dahil bumitaw siya sa kamay ko at pumunta sa likod ng counter.

"Ano pong sa iyo?" tanong niya sa customer na nasa harap ng counter habang nakatingin sa mga ulam na naka-display.

"Kanin. Dalawa. Bigyan mo rin ako ng sinigang na baboy."

"Dito po kayo kakain?" Tumango ang customer saka tumalikod at naghanap ng mauupuan. Napakurap ako ng ilang beses nang ibaling niya sa akin ang tingin. "Tulong ka sa amin." nakangiting sinabi niya.

"O-Okay." Tumingin ako saglit kay Mama at nakita ko itong nakatingin rin sa akin. Tumalikod siya't humarap sa kalan kung saan may nakasalang na ulam. "Ako na ba mag-serve?"

"Yep. Ako na magbalot at maglagay sa plato ng mga o-order-in."

Hindi ko alam kung anong pinaplano niya at kung bakit narito't tinutulungan si Mama pero nag-go with the flow lang ako. Medyo maraming customer at iyong iba ay naparito yata para lang makita ako o kami ni Lie Jun up close. Nababanggit kasi nila ang pangalan namin. May isa pa nga na nagsabing okay raw kumain rito dahil may model at artistang nag-se-serve.

Medyo nakakapagod dahil paisa-isa ang hingi madalas ng mga customer pero kinaya naman namin. Sanay na kasi ako sa ganito dahil tinutulungan ko rin si Mama noong nagsisimula pa lang kami. Natigil nga lang dahil sa pag-s-school, pag-gy-gym at kung ano-ano pa.

Nang akala ko, matatapos na ang pagdagsa, nagkamali ako. Iyong mga nakita ko kasi na grupo ng construction worker na nag-aayos ng bahay sa dulo ay pumunta sa eatery at nagkani-kaniya ng pwesto sa mga upuan na bakante at ang iba sa kanila ay pumila para makabili ng o-order-in nila.

Bandang 2PM nang matapos kami at naubos ang mga paninda. Kapag ganito, masayang-masaya si Mama pero ni isang ngiti hindi niya kami binigyan. Inilabas niya lang muna ulit ang mga rekado ng mga ulam na lulutuin at hindi na kami pinansin kaya inialis muna namin ang mga tray sa counter para kapag may bumili ay wala silang makikita.

Naupo muna kaming dalawa sa pang-dalawahang lamesa saka niya ako sinenyasan na lumapit kay Mama. Sinimangutan ko siya saka ako umiling kaya pinanglakihan niya ako ng mata at inambaan ng sapak bago sumenyas ulit na lumapit ako.

Bumuntong-hininga ako't tumayo saka ako lumapit kay Mama na busy sa pagluluto. "Ma... kailangan mo ng tulong?"

Tumigil siya sa paghahalo ng iniluluto niya saka ako hinarap na may maliit na ngiti sa labi. "Ipagpitas mo ako ng dahon ng mga kangkong. Kumuha ka sa plastic diyan."

Iyon iyong sign na nakita ko para hayaan ang sarili ko na yakapin siya. Alam kong nagulat siya dahil hindi siya kaagad nakagalaw pero hindi ko inintindi. Hinigpitan ko lang ang yakap sa kaniya at ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik.

Gusto kong maiyak nang maramdaman ko ang maiinit niyang yakap pero walang lumabas na luha sa mga mata ko. Sobrang relieved ako na hindi niya ako ipinagtulakan at masaya rin dahil sa yakap niyang ito, alam kong ayos na kami pero dapat pa rin kami mag-usap.

Pinaupo niya muna ako pabalik sa inuupuan ko kanina at pinatay muna ang kalan saka kami nilapitan. Humila siya ng upuan at itinabi ito sa akin. "Paano iyong mga iluluto mo para mamayang paninda, Ma?"

"Makakapaghintay naman iyan. Isa pa, mas importante iyong ngayon."

Napangiti ako sa sinabi niya saka ko hinawakan ang kamay niya. Napatingin siya rito bago iniangat ulit ang tingin at nginitian ako. "Ma... sorry."

Ipinatong niya ang isa niya pang kamay sa ibabaw ng kamay kong nakahawak sa kaniya. "Okay lang. Mali rin talaga kami. Hindi namin inisip iyong mga puwede mong maramdaman dahil sa pressure na ibinibigay namin sa iyo. Tama ka rin. Nabulag kasi kami masyado sa ginhawang ibinigay mo sa amin. Alam mo naman iyong naging buhay natin noon; sobrang limitado sa kilos at gastos kaya nang makaramdam kami ng ginhawa, nasa utak na lang namin ng Papa mo na hindi puwede mawala iyon. Sorry, ha?"

Paarang may kung anong bara sa lalamunan ko at ang mga mata ko, unti-unti nang namamasa. "Okay lang, Ma. Mali rin ako na sinigaw-sigawan ko kayo. Kilala niyo naman po ako. Ayoko kayong hindi nirerespeto. Natakot lang talaga ako noong araw na iyon."

"Alam mo bang simula nang umalis ka, hinihintay kita araw-araw na bumalik. Hindi lang pala ako kasi pati mga Kuya at Papa mo, hinihintay ka rin. Miss ka na rin nila."

"Awww. Ako rin, Ma." Binalingan ko ng tingin si Lie Jun at nakita kong nakangiti lang ito habang pinanunuod kami. Kumalas muna ako sa pagkakahawak sa kamay ni Mama saka ko ibinalik sa kaniya ang tingin ko. "Ano palang mayroon at tumutulong siya sa pagtitinda?"

Natawa siya ng mahina saka umiling. "Iyang boyfriend mo, simula nang umalis ka, nililigawan kami."

"Nililigawan?"

"Tumutulong kahit hindi namin sinasabi. Ultimo paglilinis ng bahay habang walang tao at busy ako sa mga customer, ginawa. Pati nga iyong kotse, magigising na lang kami na malinis na. Iyong mga kuya mo, sinasamantala at ayun, nanghihingi ng mga damit na naiuuwi niya sa pag-mo-model niya."

Pinasadahan ko ng tingin si Lie Jun at ibinalik rin kay Mama ang tingin. "Pero, Ma... ayos lang ba sa iniyo na may boyfriend ako?"

Imbis na sagutin ako, humarap siya kay Lie Jun at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay nito. "Walang problema sa akin na ikaw ang boyfriend ng anak ko, Jun, pero sana... sana... ipagpatuloy niyo lang iyong ginagawa niyo. Sabay niyong abutin iyong magagandang bagay ng magkasama tulad ng ginagawa niyo noong hindi pa namin nalalaman na kayo na."

"Opo." seryosong sagot ng boyfriend ko kay Mama. "Hindi naman po mawawala sa mga plano ko iyan."

"At sana... huwag mong gawin ang ikinatatakot namin; huwag mo saktan ang anak ko."

"Alam ko po na hindi puro saya sa relasyon; normal ang hindi pagkakaunawaan pero promise po, I'll do my best not to hurt her."

"Sana rin, Jun, huwag muna kayo mag-anak."

"Ma!"

"Sinasabi ko lang." aniya matapos ako tignan.

Hindi na itinuloy ni Mama ang pagbebenta sa gabi dahil nag-request siyang sa labas kami mag-dinner para mai-celebrate ang pagkakaayos namin. Buong magdamag kami nakatambay sa labas, tamang kuwentuhan habang hinihintay dumating sina Papa. Matapos nga nito iparada ang sasakyan sa harap ng bahay, kaagad itong bumaba at mabilis na lumapit sa akin saka ako niyakap ng mahigpit.

Pumunta muna ako sa practice at nag-gym bago ako sinundo nina Papa. Sinundo na rin namin sina Kuya at nasurpresa ang mga ito nang makita kami ni Lie Jun na nasa likuran ng kotse. Ang pagkasurpresa nila, mabilis nawala at pinaulanan kami ng tukso.

Naging masaya ang dinner namin at nang matapos ay dumaan kami sa bahay ni Kuya Dane para kuhanin ang mga gamit ko. Masaya sila sa narinig na balita at sa wakas raw ay mababawasan ng sakit sa ulo sa bahay nila, na alam kong biro lang nila.

Pagkauwing-pagkauwi ay tumulong si Lie Jun sa pagbubuhat ng mga gamit ko pabalik sa kwarto ko. Nang mailapag niya ang buhat niyang maleta sa gilid ng aparador ko, ibinagsak niya ang sarili sa kama at humiga ng naka-spread ang mga kamay.

Kinuha ko ang cell phone sa bulsa ko at nagpatugtog, na siyang nakakuha sa atensyon niya. "Na-miss ko magpatugtog rito."

"May ipapakita ako sa iyo sa chorus." bumangon siya't sabay namin hinintay ang chorus. Nang tumugtog na ang hinihintay namin, nanglaki ang mga mata ko nang bigla siyang sumayaw.

"More! More! More! More! More! And More! Mom chuji motthae! More! More! More and More!" malakas na pagsabay ko sa kanta habang sinasayaw niya iyong choreography ng More and More. "Bakit mo alam iyong sayaw?!"

"I'm a Once and we have to celebrate."

Inulit ko iyong chorus kaya sinabayan niya ulit ito pero napatigil nang may tumawa banda sa likuran. Sabay naming nilingon para tignan kung sino ito at nakita namin sina Kuya Billy at Kuya Kendrick na nakatutok ang cell phone sa kaniya.

"Sayaw pa!" ani Kuya Billy.

"Mating dance yata iyan." matawa-tawang sinabi ni Kuya Kendrick kaya pati si Kuya Billy, natawa rin.

Kaagad siyang lumapit sa pintuan saka isinara ang pinto bago siya sumandal rito. Kitang-kita ang pamumula ng mukha niya kaya nilapitan ko siya matapos ko ibulsa ang cell phone ko. "Nakakahiya." Napapikit siya nang marinig namin ang tawa ng mga kapatid ko mula sa labas ng kwarto.

"Don't worry. Hindi ko hahayaang i-upload nila sa internet iyon." Humalik ako sa pisngi niya saka ko siya hinila paalis sa pintuan. "Buksan mo. Iyan ang rule nila kapag nandito ka sa bahay, hindi ba? Hindi puwedeng nakasara kapag tayo lang."

"Ice cream tayo? Bilihan ko rin sina Kuya para may pangsuhol ako."

Continue Reading

You'll Also Like

251K 1.5K 6
Paano nga ba turuan ang puso kung kanino ito dapat tumibok? Photo used not mine. Credits to the rightful owner December 2020 - January 22 2021
376K 8.9K 31
"You can run with a lie, but you cant hide from the truth. It will catch you!" Date Starded: February 19, 2020 Date Ended: April 17, 2020
174K 690 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.