The Guy Next Door (Completed)

By TabinMabin

2.4K 212 11

Competitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush... More

The Guy Nextdoor
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
Epilogue

53

38 3 0
By TabinMabin

Patricia

Tumatakbo ako sa hallway dahil kailangan ko habulin si Ms. Rathana. Sa kaniya kasi ipinapapasa ang designs namin. Sampung designs ng tops and bottoms ang ginawa namin at wala akong maayos na tulog noong isang araw at kagabi, hindi ako natulog para matapos ito. Kaya lang, kahit hindi ako natulog, inabot na lang ako ng umaga, hindi pa rin ako natapos. Ang hirap kasi mag-isip ng design. Walo lang ang nagawa ko kagabi at iyong dalawa, dito ko ginawa kahit nasa kalagitnaan ako ng klase.

Kahit ang pag-pa-practice, hindi ko pinuntahan kahapon. Nag-message naman ako kahapon at ang sabi ayos lang pero kailangan ko pumunta mamaya dahil may changes sa routine na gagawin sa number namin.

Ang problema, last day na rin ni Trista sa Pinas dahil lilipad na siya kinabukasan ng madaling araw papuntang US. 7PM ang simula ng practice ko at 8PM matatapos habang ang despedida naman ay sisimulan nila ng 8PM. Isang oras ang byahe ko papunta sa bahay ni Trista kaya late na late na kapag nakarating ako. Ang masama kung maipit pa sa traffic. Ayoko namang magpasundo pa kina Kuya Gavin kasi ayoko namang pati ito ay hindi masimulan ang despedida.

Gustong-gusto ko nga mag-skip ng practice pero baka mapagalitan ako. Pinagbigyan na kasi ako at kapag nag-skip ako, baka sabihing baguhan ako pero ang iresponsable ko.

"Sheeet." hinihingal na bulong ko habang tumatakbo pababa sa hagdan. Nasa first floor kasi siya ng department tapos iyong klase ko pa, ginanap sa fourth floor. Kung puwede nga lang tumalon mula fourth to first, ginawa ko na. Ma-le-late na ako sa next class ko at natatakot akong mapagalitan kapag na-late ako.

Tinignan ko ang oras sa cell phone ko habang tumatakbo at mas lalo akong napamura kasi 3 minutes na lang, simula na ng next subject tapos nasa kabilang department pa ito. Pinagtitinginan pa ako habang tumatakbo kasi para talaga akong baliw. Ni hindi ko nga naiayos ang buhok ko bago pumasok kasi bangag na talaga ako.

Tulad ng inaasahan, late ako ng 5 minutes dahil sa pagdaan ko ng designs kay Ms. Rathana. Napagsabihan ako ng prof namin at wala akong nagawa kung hindi humingi ng pasensiya.

Nasa akin ang mga mata ng mga ka-block ko habang papunta ako sa pwesto ko. Nang makaupo, gustuhin ko man iubob ang ulo ko sa lamesa, hindi ko ginawa at tumingin na lang sa prof namin na nagsimula nang mag-discuss.

Parang lullaby ang boses nito kaya pilit kong nilalabanan ang antok ko. Para na ngang bubble head ang ulo ko dahil may papitik-pitik akong pagpikit ng mga mata. Ang akala ko kakayanin ko pero iyong sinasabi ko sa sarili kong 1 minute na iglip sa lamesa, napatagal at nagising na lang ako nang tawagin ako ng prof namin.

"Ms. Cortez!"

Sa gulat ko, napatayo ako tapos iyong likod ng hita ko, naiurong ang upuan ko kaya gumawa ito ng ingay na masakit sa tenga. "M-Ma'am?"

"You know full well I don't tolerate tardiness but I still accepted you and now you have the audacity to sleep while I'm in the middle of a lecture?"

Napatungo ako't kinain ng hiya. "S-Sorry po."

"Go out and stand outside until dismissal."

"M-Ma'am—"

"Go!"

Napabuntong-hininga ako't kinuha ang bag at folder ko. Tulad ng utos sa akin, tumayo ako sa harap ng classroom hanggang sa matapos ang klase. Pagkalabas na pagkalabas ng prof ko ay kaagad ko itong nilapitan at humingi ng tawad. Ipinaliwanag ko kung anong nangyari, kung bakit ako nakatulog, na hindi ko naman gawain. Nang huminga siya ng malalim, nakahinga ako ng maluwag kasi alam kong naintindihan niya ako. Pinagsabihan niya lang ako't dinismiss na kaya dumiretso ako sa banyo para maghilamos.

Nakalapat ang dalawang kamay ko sa counter habang nakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Halata ang pagod at puyat sa mukha ko kaya naisipan kong takpan ng concealer ang eyebags ko. Hindi ko pinansin ang pumasok pero tinawag ako nito. At dahil nga public figure ako, nginitian ko ito't binati pabalik.

"Mag-po-post ka po ba ng bagong cover sa YouTube?" tanong ng babaeng tumawag sa akin. Tumabi siya sa akin at naghugas ng kamay habang nakatinging sa akin gamit ang salamin.

"I'm still not sure."

"Naghihintay po kasi kami ng mga kaibigan ko. Gustong-gusto ka po kasi namin."

"Awww. Thank you."

"Gusto ko po sanang mag-request kaya lang Korean kasi."

"Ganuon?"

"Opo. Mahilig po kasi kami sa KPop kaya ang tagal na naming gusto mag-request sa iyo ng cover."

"Ang problema, hindi ako marunong mag-Korean. Baka kapag nag-cover ako ng Korean song, ma-massacre ko iyong lyrics at kung ano masabi ko." matawa-tawang sinabi ko. "Mamaya marinig pa ng Korean at ipakulam ako dahil sa pagkanta ko."

Tumawa siya't tumango. "Iyon nga po, eh."

Humarap ulit ako sa salamin saka tinapos ang paglalagay ko ng concealer. Ibinalik ko sa bag ang concealer ko saka ako nagpaalam sa kaniya para pumunta na sa susunod kong klase.

Like the previous class, inantok rin ako pero kinaya kong imulat ang mga mata ko hanggang sa matapos ito. Pagkaalis ng prof, dumiretso ako sa cooking club dahil naruon na ang mga member nito pati na si Lie Jun. Pagkarating ko ruon, nasa unahan na ang boyfriend ko, nakaupo sa ibabaw ng desk habang nakatingin sa members na nakaupo palibot sa harap ng mga lamesa.

"Bao Bei," bungad ni Lie Jun nang makita ako sa pintuan.

"Hi." Naglakad ako palapit sa kaniya saka ako humarap sa mga ka-club namin. "Hi, guys."

"Hello, Pres." bati ng mga ito pabalik.

"You look like shit." Nilingon ko si Lie Jun at sinamaan ng tingin dahil sa sinabi niya. "Ano ito?" Iniangat niya ang kamay niya't pinaraanan ng daliri ang ilalim ng mata ko.

"Concealer. Halata na iyong eyebags ko."

Nabalot ng pag-aalala ang mukha niya habang nakatingin sa mga mata ko. "Are you okay?"

"I'm fine. May dini-discuss ka ba at nakaupo ka diyan sa ibabaw ng lamesa?"

"Take a rest."

"No. Kaya ko. Ano ba iyong dini-discuss mo?"

"Halika. Umupo ka muna para makapagpahinga ka."

"I'm okay."

Bumaba siya sa lamesa saka ako hinawakan sa braso. "Halika—"

Binawi ko ang braso ko kaya nagsalubong ang mga kilay niya't hindi naituloy ang planong paglakad. "Sabi ko, okay lang ako."

"Tignan mo nga itsura mo." Humarap siya sa mga ka-club namin matapos ako hawakan ulit sa braso. "Does she look okay?"

Tinignan ko ang mga ito at puno ng pag-aalala ang ekspresyon nila. "Puwede bang sabihin mo na lang—"

"No. Take a rest."

"I'm the president of this club so I have the rights to ask kung anong dini-discuss niyo. Sabihin mo na lang kasi para matapos na. Ang dami pa kasing arte."

He was taken aback because of what I said. Pumikit ako't bumuntong hininga. I was about to say sorry pero inunahan niya ako.

"Fine." Tinalikuran niya ako saglit para kuhanin ang papel na nakapatong sa lamesa saka ito ibinigay sa akin. "Nanghihingi ng tulong iyong head ng cafeteria. They asked us to come up with some dishes, pastries, snacks and whatever it is that's listed in that. They asked us to make it as cost efficient as possible." Itinuro niya iyong papel kaya tinignan ko ito. "You're available that's why I didn't make any decision since I'm just the vice president of this club." malamig na sinabi niya.

"Bao—"

"Read that." Tumingin siya sa mga ka-club namin na natahimik. "CR lang ako."

With that, he left the room. Nasapo ko na lang ang noo ko't isinuklay ang kamay ko sa buhok ko. Humarap ako sa mga ka-club namin na may pilit na ngiti sa mukha matapos ko ilagay ang bag ko sa ibabaw ng lamesa.

"Guys, I'm sorry. Can you give me a minute? Kailangan ko lang kausapin iyong vice niyo. For the meantime, mag-brainstorming muna kayo ng ingredients ng mga i-se-serve natin. I'll look at it once I get back, okay? Iwan ko iyong listahan rito."

Patakbo kong pinuntahan ang CR ng boys at naghintay sa tapat nito. Wala pang nalabas kaya wala akong mapagtanungan kung nasa loob ba ang boyfriend ko kaya nang may makita akong padaan na lalake, pinakiusapan ko itong silipin ang loob at tignan kung naruon ang hinahanap ko. Um-oo ito at pumasok. Pagkalabas ay kasabay na ang pakay ko.

Tinignan lang ako niya ako saglit at akmang lalagpasan pero hinuli ko ang kamay niya. "May activity pa. Bumalik na tayo."

Hinila ko siya palapit sa railing bago ko siya binitawan. "Look. I'm sorry."

"What's your excuse?"

"Puyat kasi ako."

"And you think I'll accept that reason? Pinahiya mo ako sa tapat ng mga ka-club natin. You even said ang dami ko pang arte. If being concerned of your well-being is maarte then yeah, I am maarte. Sobrang arte ko kasi tangina nag-aalala ako." Umiling siya't tumingin sa ibang direksyon. "Have you looked yourself at a mirror? You look like shit. Alam mo bang unang pumasok sa isip ko nang makita kita? Pagpahingahin ka yet anong ginawa mo?"

Hindi ako nakasagot sa mga binitawan niyang salita. Napatungo lang ako the moment he opened his mouth. I deserve it. Nag-aalala lang naman siya pero pinairal ko ang init ng ulo ko dahil lang sa pinaghalong puyat at pagod.

"I'm sorry."

"Bumalik na tayo. They need us for that request." Nilagpasan niya ako't naunang naglakad kaya napasabunot na lang ako dala ng frustration.

Hindi niya ako pinansin hanggang sa matapos ang discussion sa club. Hindi ko rin naman siya nilapitan unless club related dahil sa takot na baka pumitik na naman ako't mas lumala ang sitwasyon. After class nang sunduin ako ni Kuya Dane para isabay na papunta sa studio.

I keep on messing up kaya palagi akong na-ca-call out ng dance instructor namin, which leads to have the practice being disturbed. Hindi ko naman puwedeng idahilan na puyat at pagod ako dahil sa pinagsama-samang bagay na kailangan asikasuhin. I skipped gym as planned para dumiretso sa bahay ni Trista. Sa subdivision siya nakatira kaya kailangan ko pa siyang tawagan para sunduin ako sa guard house. Sa bakuran nila ginaganap ang despedida kaya sa labas pa lang ng bahay, kita na ang mga nangyayari.

"Sorry I'm late." bungad ko pagkalapit ko sa barkada. Nakaupo sila palibot sa bilog at malaking table. Nang tignan ko ang boyfriend ko, nakatingin lang ito sa kumakanta sa harapan.

"May away na naman kayong dalawa, ano?" tanong ni Trista pagkaupo sa tabi ko. "Kanina pa tahimik iyan si Intsik."

"Malamang. Tignan mo nga itsura nilang dalawa, parang pinagsakluban ng langit at lupa." biro ni Axel na ikinatawa ng barkada.

"Hindi pa magkatabi." sabay na segunda nina Kuya Gavin at Keera.

"Guys, aalis na si Trista. Can you guys make up?" pakiusap ni Patch.

"Make out ang kailangan niyan." Inapakan ko sa paa ang katabi ko kaya napaaray ito. "Bad mood, ah? Nagbibiro lang naman."

"Nyare sa iyo, Axel?" tanong ni Keera.

"Tinapakan ako ng babaeng kulang sa pagmamahal ni Jun." Tinapakan ko ulit siya dahil sa sinabi niya kaya napuno ng tawanan sa table namin.

Lahat sila nagkakasiyahan tapos kaming dalawa ng boyfriend ko, nakasimangot. At dahil ayoko sirain ang gabi na ito para kay Trista, binulungan ko ito ng paumanhin at ikinwento ang mga nangyari kaya naintindihan niya pero nakatikim ako ng kurot nang sabihin ko ang parte na nangyari sa club.

Nakiusap ako kay Axel na isabay na ako sa pagkuha niya ng pagkain kaya hindi na ako tumayo sa kinauupuan ko. Habang naghihintay, nakipag-usap naman ako sa kanila't nakipagtawanan.

Maraming tao at lahat ay nagsasabay-sabay sa pag-uusap tapos may kumakanta pa sa harap kaya nakakabingi ang ingay. Ewan ko kung sa puyat at pagod ito pero parang nag-amplify ang ingay. Dahil nga late ako, ako ang huling ipinakilala ni Trista sa pamilya niya at ang iba naman rito ay nakilala ako. Napagalitan pa nga siya dahil sa tagal raw naming magkaklase, hindi man lang ako naipakilala ng personal at puro lang raw siya banggit patungkol sa akin.

Kaonti lang ang kinain ko dahil gusto ni Trista na mag-inuman kami. Kahit pa masisira ang diet ko, pumayag ako dahil huling gabi niya na rito. Sinabi niya na rin sa amin na huwag na siyang ihatid dahil ayaw niyang makita na malungkot kami. Habang nasa kalagitnaan ng inuman, umiiyak na sina Trista at Patch habang ikinukwento ang mga pinagsamahan nila. Apparently, pati pala sa pamilya ni Trista, hindi sila legal at nalaman lang dahil sa ingay nilang dalawa sa pagkukwento.

Medyo naparami ang inom ko dahil nadala ako sa usapan at ang alam ko lang, nakatulog ako sa kalasingan habang nakasubsob sa lamesa. Pagkagising ko kinabukasan, nasa loob ako ng isang kwarto at sobrang sakit ng ulo.

Inilibot ko ang paningin ko at ang bumungad ay puro maskara na nakasabit sa pader. Nang tumingin ako sa kanan, nakita ko si Lie Jun, tulog na tulog at sobrang amo ng mukha. Wala siyang pang-itaas na damit at tanging boxer lang ang suot kaya napatingin ako sa ilalim ng kumot na nakatakip sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang suot ko pa rin ang mga suot ko kagabi. Hinanap ko ang cell phone ko at nakita ko ito na nakapatong sa tabi ng cell phone niya. Nanglaki ang mga mata ko nang makita ang oras at bumulong ng pasasalamat dahil walang pasok ngayon. Almost 9:30AM na kasi.

Hindi ko siya ginising at bumaba muna para maghilamos at magmumog. Nangdiri nga ako kasi hindi ako nakapagsepilyo dahil sa kalasingan. Kahit na alam kong malaki ang posibilidad na makita ako nina Mama, kinuha ko pa rin ang wallet ko at lumabas para bumili ng pagkain.

Hindi ako tumingin sa katabing bahay pero nahagip ng paningin ko ang pag-aasikaso ni Mama sa mga customer niya. Alam kong nakita niya akong lumabas sa bahay ni Lie Jun pero hindi niya ako tinawag. Nagdire-diretso ako papunta sa kanto at bumili ng lugaw with egg pati na ng gatas para sa hangover. Nang may nakita akong nagbebenta ng egg pie, bumili ako ng isang piraso para sa kaniya. Ayoko kasi kumain nito dahil paborito ko ito. Kapag nakatikim ako, magsusunod-sunod na.

Hindi ko pa rin nilingon ang bahay ko hanggang sa makabalik ako sa loob ng bahay. Kumuha ako ng dalawang bowl, kustara, baso at isang pitsel ng tubig sa kusina para isalin ang mga pinamili ko. Inilagay ko sa isang platito ang egg pie at dahil takam na takam ako, kumagat ako ng kaonti. Ang problema, nangalahati ito sa paunti-unti ko. Inilagay ko ang mga ito sa tray at bago ako umakyat, humagilap muna ako ng ballpen at papel. Nang maisulat ko na ang gusto ko sabihin, umakyat na ako habang dala ang tray. Mukhang kababangon niya lang dahil pagkabukas ko ng pintuan ay nagkukusot siya ng mata.

"G-Good morning." bati ko sa kaniya habang naglalakad palapit sa kama.

"Good morning." bati niya pabalik matapos humikab.

Fuck his bedroom voice and morning wood. Na-di-distract tuloy ako.

Inilapag ko sa harap niya ang tray at ang una niyang tinignan ay ang papel. "Kain ka."

"Hi. Sorry for being a bitch yesterday. Bumili ako ng egg pie. It's good. I know because I ate half of it. Sorry about that, too. Bao Bei." pagbasa niya sa nakasulat sa papel. Tinupi niya ito at tinignan ako habang nakangiti ng bahagya. "Seriously?" Kinuha niya iyong tray at ipinatong ito sa bedside table bago siya pumihit paharap ulit sa akin at hinila ako sa braso kaya napaibabaw ako sa kaniya.

"I'm sorry."

"I love you."

"Forgiven?"

"You are, even though you were a bitch yesterday."

Napangiti ako saka ko ibinaon ang mukha ko sa leeg niya. "I love you."

"Tayo ka muna."

"Let's stay like this."

"Bao Bei, I need to use the bathroom. Hindi pa ako nakakapagmumog or hilamos."

"That's fine. Gwapo ka pa rin."

"Dalawang ulo na masakit sa akin. I need to relieve myself. I'm sporting a boner." pabulong na sinabi niya. "As much as I want to ask for your help, I won't. Baka saan pa mapunta."

"It's not like I haven't done the deed with you"

"Still. Mahirap na't baka hindi ako makapagpigil. Baka biglaan kang ipa-check ng Papa mo to see if you're a virgin kaya maigi nang hayaan mo ako lumutas nito mag-isa." He chuckled as he sat up kaya napaupo rin ako, which made me feel his member between my thighs more.

"Fine." I resigned dahil tama siya. Kahit pa naaakit na ako sa kaniya't nag-iinit, hindi pa dapat mangyari ang gusto namin.

Umalis siya sa kama saka ako tinaniman ng halik sa noo. "You can go ahead and eat. Baka matagalan ako."

"I'll wait."

"Okay. Bibilisan ko na lang."

Tinalikuran niya na ako't lumabas ng kwarto kaya ang ginawa ko, nilapitan ko ang bintana saka ko sinilip ang kwarto ko. Nakataas ang blinders ng bintana sa kwarto ko kaya nakikita ko mula rito ang desktop ko.

It's cute na sobrang open namin ni Lie Jun when it comes to things like our naughtiness but what's not cute is this feeling of missing my family. Nalulungkot tuloy ako. Siguro dapat ko na sila kausapin.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 188 86
What Chatserye 2/2 Polly's help was needed by Terrence Vilas in order to be able to get closer to her friend. He has been looking for a girl with eye...
3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
9.5K 34 2
Would it be possible for a playboy to change his personality and characteristics for someone that caught his attention? Maybe. If you're a playboy, w...
257K 5K 14
//SHORT STORY// "Bigyan mo ako ng dalawang buwan Zarah. Papatunayan ko na nag bago na ako. Papatunayan ko sainyo ng anak natin na nag bago na ako, pl...