Enemies Turned into Lovers (G...

Bởi Iannederful

2.2K 180 452

We used to have little argy-bargies before. I hate him, he hates me, we hate each other. And because of this... Xem Thêm

Author's Note
Prologue
Chapter 1: College Life
Chapter 2: Jollibee
Chapter 3: Disappointment
Chapter 4: Apron
Chapter 5: Made It Happy
Chapter 6: Date
Chapter 7: Obvious
Chapter 8: Weird
Chapter 9: Sayang
Chapter 10: Hold My Hand
Chapter 11: Mayonnaise
Chapter 12: Court
Chapter 13: Sky Ranch
Chapter 14: Avoid
Chapter 15: Candy
Chapter 16: Notion
Chapter 18: Infatuation
Chapter 19: Label
Chapter 20: Dinner
Chapter 21: First
Chapter 22: Only
Chapter 23: Archery
Chapter 24: Love
Chapter 25: Yovan
Chapter 26: Partner
Chapter 27: I Hate You
Chapter 28: Introduction
Chapter 29: Cherry Blossom
Chapter 30: Investigate
Chapter 31: Oath
Chapter 32: Cupid's Arrow
Chapter 33: Graduation
Chapter 34: Broken
Chapter 35: Lucky
Chapter 36: Mourn
Chapter 37: Advice
Chapter 38: Surprise
Chapter 39: Depart
Chapter 40: Sacrifices
Chapter 41: Meet Again
Chapter 42: I Guess That's Love
Chapter 43: Easy Victor
Chapter 44: Back to Enemies
Chapter 45: Turned Into Lovers
Epilogue
Message
Untitled

Chapter 17: Doubt

24 3 9
Bởi Iannederful

Her Side

I'm preparing for Tanya Alexandria's engagement party. I'm just wearing a simple backless black long gown. But let me tell you the latest updates these past few days...

I had finished my internship in VinReil's. Napunta naman ako sa Cortez's Hospital like what I had planned before. And Ryle's interning in our hospital too. Yun lang, nasa magkaibang task kami.

"Shantelle, nandito na ang date mo." sabi ni Ate Sharly na pumasok sa kwarto ko. Kasunod si Mommy na may mapang-asar na ngiti sa mukha.

"I don't like him," sabi ko at binitbit ang pouch,

"Wala naman kaming sinasabing may gusto ka kay Ryle, ah?" Mom asked as she chuckled. Napasimangot na lang tuloy ako.

"But your smile's telling me the other way." nakasimangot na sabi ko.

"Okay, fine!" sabi ni Mommy at tumawa kasabay ni Ate Sharly. "Mylene went in my hospital for a visit. She told me something, guess what?" mapang-asar na sabi ni Mommy kaya napaisip ako. Ano kaya 'yun?

"Tita said---"

"Nagpunta ka raw sa bahay nila to visit Ryle." Mommy cut Ate's words. Napasinghap na lang ako sa gulat. I never thought that Tita will tell Mommy about this. Gosh! Nakakahiya!

"I just went there to apologize---"

"Woah! Apologize! Mommy, nag-sorry siya kay Ryle oh!" pang-aasar ni Ate sa akin kaya napasimangot na naman ako.

"Really? You lowered your pride? Ano bang kasalanan mo sa kanya?" tanong ni Mommy,

Sasabihin ko ba?

Pero baka asarin ako, eh. Hindi ko rin naman kayang mag-sinungaling dahil maayos ang pagkaka-tanong ni Mommy.

"I rejected him," sabi ko na nagpawala ng ngiti ni Mommy habang napanganga naman sa gulat si Ate Sharly.

"Ba't mo nireject? Gusto ka ng tao, eh." sabi ni Mommy,

"What?" naguguluhang tanong ni Ate Sharly.

"Binasted ni Shanty." sumbong ni Mommy, nanlaki naman ang mata ko.

"H-How did you know? Hindi ko naman sinabing nililigawan niya ako 'di ba?" natigilan si Mommy sa sinabi ko, napaiwas din siya ng tingin bago tumayo. "Wala rin naman akong sinabing basted, basta reject lang sinabi ko." panghuhuli ko kay Mommy habang naglalakad kami palabas ng kwarto.

"Fine," tumigil siya at hinarap ako. "Nagpaalam siya sa amin ng Daddy mo. Planned yung Tagaytay visit niyo." napanganga ako sa gulat dahil doon.

"What?" gulat na tanong ko, nagkibit balikat siya.

"I can't tell further than what I've told you. It's not my story to tell, you should ask Ryle." sabi ni Mommy, habang pababa kami ay napansin ko doon si Ryle.

Handsome

Yes, he is.

Wearing his beige button down long sleeves polo, black pants, black top sider, black coat and black neck tie. He's looking handsome tonight.

"Oh!" kaso bigla akong tinulak ni Ate Sharly papunta kay Ryle kaya na-outbalanced ako.

Nasalo ako ni Ryle, 'yun nga lang ay pareho kaming natumba. Gosh! Ba't ang bango niya? And bakit ang ganda ng mga mata niyang nakatitig sa akin?

What are you doing to me, Ryle?

"Shemay-shems! What are you doing?" nagulat ako at napatayo agad nang makita si Shanel sa hagdan, gulat na gulat sa nakita.

"Sweet 'di ba? Bakit gano'n? Yung bunso, may love life. Yung pangalawa, meron na rin. Ako 'tong ate at panganay, napag-iiwanan." reklamo ni Ate Sharly kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala akong love life." sabi ko,

"Anong tawag mo sa 'kin?" tanong ni Ryle sa akin. Inarapan ko lang siya. Nakakainis, bakit ba sumasabat 'to?

"Ate, si Kuya Austin ba 'yun?" tanong ni Shanel at tumuro pa sa pinto. Nanlalaki pa ang mata habang nakanganga. Agad namang humarap si Ate Sharly sa pinto.

"Asan?" tanong ni Ate Sharly kaya natatawa kaming nagkatinginan ni Shanel.

"Uyy, hinahanap!" bulong ko, mukhang hindi naman narinig ni Ate.

"Asan yung pake ko? Pakihanap?" pagpapalusot ni Ate na tinawanan lang namin.

"Ano 'yang naririnig kong love life-love life na 'yan?" napatigil kami sa nagsalita galing sa pinto. Tiningnan ko 'yun at nakita si Daddy. Napaayos kami ng tayo nila Ate Sharly at Shanel. Pare-pareho kaming natigilan.

"Daddy," sabi ni Shanel,

"Sharly, bawal ka pang magpaligaw." Daddy said.

"Naman, ako po 'tong panganay, ako ang walang boyfriend?" tanong ni Ate, halatang nagre-reklamo. Napa-cross arms si Dad at inayos ang salamin niya.

"Are you complaining?" tanong niya.

"Haha! Sinong nagre-reklamo? Ikaw ba 'yun, Shanel?" pagpapatay-malisya ni Ate.

"Oh, by the way." napatigil si Daddy nang makita si Ryle,

"Hello po, Tito. Good evening." nagmano siya kay Daddy. Napangiti naman si Papa.

"You're already going to Tanya's party?" alanganing tumango si Ryle, "Good, you can now go. Mag-iingat kayo." sabi ni Dad. Lumapit ako sa kanya para yumakap. Kita ko ang pagngiti niya, "You look exquisite tonight, Shanty." puri ni Daddy kaya napangiti ako.

"Tito, baka naman maniwala si Shantelle n'yan?" natatawang tanong ni Ryle kaya agad na kumunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin.

"Oo nga 'no? Masama nga palang magsinungaling, salamat sa pagpapa-alala, Ryle." tumawa si Daddy kaya lalo akong napasimangot. Pagtulungan daw ba ako?

"Hey, ano yung naririnig ko? Pinagtutulungan niyo ba ang anak ko?" tanong ni Mommy at agad akong inakbayan. Buti na lang to the rescue siya.

"Hindi naman, Hon. That was just a joke." sabi ni Daddy at inakbayan si Mommy. Sunod niyang tiningnan si Ryle. "Bakit mo ba naman inaaway si Shanty, Ryle?" tanong ni Daddy kaya natawa si Ryle.

"I'm just kidding, Tita. Besides..." tumingin sa akin si Ryle at ngumiti, "You look as beautiful as ever."

"Yiiieeehhh!"

"Sana all!"

Sabay na sabi ni Ate Sharly at Shanel. Inirapan ko lang sila. Kahit feeling ko, namumula ako, lumapit na lang ako kay Ryle.

"Tara na, baka mamaya masipa pa kita." sabi ko at hinila ang braso niya.

Sandaling nagpaalam si Ryle sa parents ko bago sya nakangiting lumapit sa akin. Nilahad niya ang kamay sa harap ko.

"Edi wow!"

"Walang forever!"

Comment na naman ng dalawa kong kapatid. Isang naiinggit kasi wala yung boyfriend at isang naiinggit kasi walang boyfriend. Tss! Inirapan ko na lang sila bago tanggapin ang kamay ni Ryle. Pakiramdam ko nag-init na naman ang mukha ko. Kainis!

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at sumakay naman ako doon.

"Ryle, nga pala..." tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin na puno ng pagtataka.

"Yes?" tanong niya, bumuntong hininga ako.

"Paano nalaman ni Mommy yung... Yung sa Sky Ranch?" tanong ko at nag-iwas ng tingin. Nagkunwari akong tumitingin sa dash board kahit wala namang makikita doon. Narinig ko ang paghalakhak niya.

"Bago ko pa sabihin sa 'yo, nagpaalam na ako sa kanila kung pwedeng ligawan ka." nanlaki ang mata ko.

"Gosh! Bakit mo sinabi? Nakakahiya!" sabi ko at kulang na lang ay hampasin siya ng malakas. Kaya pala ang lakas mang-asar nila Mommy at Daddy nung isang araw pa lang. Yun pala ay alam nila. Nakakahiya.

"Kinahihiya mo ako?" nakangusong tanong niya na agad kong inilingan.

"Hindi naman sa gano'n pero..." hindi ko kasi ine-expect na gagawin niya yun. Kilala ko si Ryle, babaero 'yan! He can get every girl he wants just with a wink and smile. Hindi ko nga maintindihan kung bakit gano'n yun! Kahit naman sabihin na gwapo siya, hindi naman siya mabait. Bakit siya yung gusto ng mga babae?

"I respect your parents just like how I respect you, Shanty. Hindi ako gagawa ng hakbang papunta sa 'yo ng walang permiso ng magulang mo." seryosong sabi niya at pinatakbo na ang kotse niya.

GOSH!

Bakit ganito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Dapat naiinis ako sa kanya, right? Baka kasi pinagti-tripan niya lang ako. Pero bakit ganito?

Nagtataka talaga ako, bakit siya ang tipo ng mga babae. Bakit gusto nila yung mga player na katulad niya, yung hindi marunong magseryoso sa babae. Yung parang mauubusan ng babae sa kakapalit.

Ako kasi, mas gusto ko yung katulad ni Treijan. Gwapo, mabait, gentleman, matalino, loyal at marespeto. Ayoko sa mga badboy na babaero.

Kung hindi si Treijan, si Adrian. Napaka-gentleman niya. Responsable at demure. He acts professionally and formally.

Or si Calvin at Matthew, marespeto. Hindi sila bad boy.

Ewan ko, sa dami ng lalaking mabait. Bakit ko ba pinagtya-tyagaan 'tong lalaking 'to?

"By any chance, magugustuhan mo ba si Lance?" bigla niyang tanong na nagpagulat sa akin. Nag-iwas ako ng tingin.

"Hindi ko 'yun magugustuhan, isa pa 'yung manloloko tulad mo, eh." sabi ko at umirap,

"Hey! Hindi ako manloloko!" deny niya.

"You sound defensive," sabi ko at tumawa.

"Hindi ko naman kasalanang nagkakagusto sila sa akin." sabi niya at ngumuso.

"Ahh, kaya nga pala pinagsabay-sabay mo?" sabi ko.

"Grabe ka, sinasaktan mo ako!" ma-dramang sabi niya. "Hindi kasalanang sabay-sabay sila. Ayoko namang may masaktan kaya kahit ayoko, ayun!" sumimangot siya

"'Yan nga yung ayoko." sabi ko, "Ba't si Treijan---" napatigil ako nang makitang lalo siyang sumimangot. Ewan ko, pero napatawa ako dahil doon. "Hindi lang si Treijan, pati si Matthew at Calvin, tapos si Brent pa---kahit medyo loko rin yun. Tingnan mo, kahit naman gwapo sila, maraming nagkakagusto. Nananatiling loyal si Calvin kay Xyle, si Matthew kay sissy, si Brent kay Zabrynna tapos si Treijan..." napatigil ako at napangiti ng mapait. "Kay--Kay Eycee." ngumiti ako, unti-unti ko nang natatanggap.

Tumigil ang kotse at nandito na pala kami sa hotel nila Eycee. Hinarap ako ni Ryle.

"Papayag naman akong si Treijan ang mahalin mo at hindi ako." sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Nakangiti siya, pero alam kong malungkot ang mata niya. "Basta 'wag lang kitang makikitang umiiyak dahil sa kanya, hindi ako magdadalawang isip na saktan din siya." sabi niya,

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Bigla akong na-turn on sa kanya. Ryle is such a good man. Sayang lang na natabunan ng kalokohan niya yung kabutihan niya.

"Tara na, hinihintay na tayo doon. Nakita ko na yung kotse nila Sir Brent." sabi ni Ryle at tinanggal ang seatbelt niya at nilagay ang maskara niya. Gano'n din naman ang ginawa ko. Inalalayan niya pa ako pababa ng kotse kaya nahihiya akong tumingin sa kanya. "Kumapit ka na, date mo ako ngayong gabi 'di ba?" natatawang tanong niya, at inilapit sa akin ng braso niya.

"R-Ryle..." hindi ako maka-form ng sentence. Naiilang ako, pero may kakaiba rin akong nararamdaman sa ngayon.

"Babaeng abno, ako pa rin 'to!" natatawang sabi niya at hinila ang kamay ko para kumapit sa braso niya. Ngumiti siya sa akin, yung ngiting sinasabing wala akong dapat ipag-alala. Ngumiti na rin ako. Naglakad kami papasok sa venue, natatakot ako sa dami ng tao rito ngayon. Pero dahil kasama ko si Ryle, parang gumagaan ang pakiramdam ko.

"Shanty!" excited na tawag ni Xyle sa akin nang makita nila ako. Nakasuot siya ng red na gown at nakakapit din sa braso ni Matthew. Ngumiti sa akin si Matthew habang humalik naman sa pisngi ko si Xyle.

"Where are they?" tanong ko,

"Nandyan na sila Marra at Brent, nando'n sa table natin. Sila Treijan at Eycee na lang ang wala." sagot nuya, napaisip naman ako kung nasaan na sila. "Tara na doon!" sabi niya at hinila ako, pero dahil nakakapit ako kay Ryle ay natangay din si Ryle.

Ilang sandali pa ay dumating na sila Eycee at Treijan, at nag-simula na rin ang engagement party. Nagkatinginan kami bigla ni Treijan. I like his eyes, I like him, to be exact. Ngumiti siya ng matamis sa akin na sinuklian ko. Nag-speech sila Tanya at Adrian. Pakiramdam ko may tumutusok sa puso ko habang pinapanood silang dalawa. Hindi dahil bitter pa ako kay Adrian, pero dahil bitter pa rin ako dahil sa ginawa ni Tanya sa akin.

I met her in her darkest state, she was being depressed because her family's too focus on finding her long lost sister, Torry. And there I was, I cheered her up with all I could and we became best friends. Sa kanya ko rin nasabi yung mga bagay na hindi ko masabi kila Xyle, Eycee and Marra. Sa kanya ko sinabi ang lahat. But in the end, she chose to betray me. She used me to be that close to Adrian. She made me a bridge to go against Eycee and for her to cross over just to be with Adrian. Masakit, pero naiintindihan ko.

"Can I have you for this dance, Ms. Cortez?" nagulat ako nang magsalita si Ryle, tiningala ko siya at nakita ang ngiti niya sa labi. Ngumiti rin naman ako at hinawakan ang kamay niya. Tumayo ako nang hindi sumasagot. Hinila niya ako papunta sa gitna ng dance floor. Sa tabi nila Eycee at Treijan na nagsasayaw din.

Hindi ko mapigilang hindi titigan si Treijan. Naramdaman ko naman ang pagdiin ng hawak ni Ryle sa bewang ko, pero hindi naman sobrang diin to the point na masasaktan ako. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang seryosong mga mata niya na nakatingin sa akin.

"Pa'no kung sila ang magkatuluyan?" tanong ni Ryle, napangiti ako bago tumawa.

"Edi sila, pakialam ko?" pabalang na sagot ko.

"Masasaktan ka?" tanong niya, seryosong-seryoso ang boses.

"Syempre, crush ko pa rin naman sya kahit anong mangyari. Attracted pa rin ako sa kanya kaya masasaktan ako pag sila." sabi ko, natatawa pa rin. "Pero at the same time, masaya. At least nagustuhan ko yung makakatuluyan ni Eycee. Hindi yung basta-basta lang." sumeryoso lalo siya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Eh pa'no kung niloloko niya pala si Eycee. Anong gagawin mo?" nawala ang ngiti ko, nahahawa ako sa pagiging seryoso ni Ryle.

"I'll kill him." napasinghap si Ryle sa sinabi ko. Dahan-dahan akong napatawa dahil doon. "Joke lang, siguro ako mismo ang maglalayo sa kanya kay Eycee." sagot ko,

"Kaya kita nagustuhan dahil d'yan eh." umiling siya habang nakangiti, "Mahal mo mga kaibigan mo." pinalobo ko ang pisngi bago mag-iwas ng tingin. Pinaikot niya ako, sakto namang pag-ikot ko ay ang pag-salo ni Treijan sa akin. Lumawak ang ngiti ko kasabay ng paghapit niya sa bewang ko.

"Kumusta?" tanong niya, ngumiti ako at umiling.

"Ayos, medyo gutom na." natatawang sagot ko na tinawanan niya rin.

"You're stunning, Shantelle." nakangiti pa ring sabi ni Trei kaya lalo akong napangiti.

"You're handsome too." sabi ko,

"Buti ka pa, sinabihan akong gwapo. Yung kaibigan mo, hindi man lang aminin sa akin na nagagwapuhan siya sa 'kin." sabi niya at tumawa.

"Si Eycee ba?" tanong ko habang nakangiti, kahit hindi ko mahanap ang saya habang tinatanong yun. Tumingin siya sa akin, kitang-kita ko ang saya sa mata niya.

"Oo, alam mo ba? Ayaw man lang nya kumapit sa braso ko katulad ng ginagawa niyo. Gano'n ba talaga si Carlene? Cold?" umiling-iling siya habang nakangiti, dahan-dahang nawala ang ngiti ko bago tumingin sa sahig.

"Oo, bata pa lang kami cold na siya. Hindi rin siya kasing clingy namin ni Marra." kwento ko

"Talaga? Eh paano niya na-enjoy ang childhood niya? Naglalaro rin ba siya tulad ng ordinaryong bata?" nag-aalala niyang tanong,

"Naglalaro pero sa amin lang sya nakikipaglaro, pero mostly, nagdo-drawing siya." sabi ko

"Oh, may talent pa sya bukod sa mag-inarte at mag-taray?" bahagya akong natawa dahil doon. "Bakit? Totoo naman ah?" tanong niya na tumatawa rin.

"Oo naman, maganda ang boses niya---"

"Yes! You're a mother-erer! Any problems regarding that?!" panggagaya niya sa boses at tono ni Eycee na nagpatawa sa akin. Kita kong napatingin din sa amin si Eycee. Pinagtaasan nya kami ng kilay kaya pinigilan namin ni Treijan ang tawa namin. "The hell I care about you Mr. I-Don't-Care-About-Your-Name!" sabi niya pero sa mas mahinang boses kaya natawa ako.

"Mukhang gusto mo na si Eycee, ah?" nakangiting sabi ko, pinilit kong hindi magtunog bitter. Tumingin siya sa akin, napawi ang ngiti, bigla siyang nagseryoso.

"May iba akong gusto, Shantelle." sabi niya at ngumiti ng tipid.

"Sino ba yun?" tanong ko, umiling siya at nilawakan ang ngiti.

"I don't like girls cussing. I don't like fierce girls." sabi niya at umiling, "I like girls with angelic face and attitude. A girl like... You." ngumiti siya at tinitigan ako sa mata.

What?

Treijan's making me doubt about my feelings for Ryle.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

52.6K 1K 64
It's the secrets we keep that end up hurting us and the people around us the most. It's the desires we have that we become greedy. It's the lies we'v...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
4.1M 119K 64
JAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga...
Mom at 16 Bởi tamad na nilalang

Tiểu Thuyết Chung

6.3M 170K 65
Inspired by Mom at 16 MOVIE ..