The Guy Next Door (Completed)

By TabinMabin

2.3K 212 11

Competitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush... More

The Guy Nextdoor
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
Epilogue

50

23 3 0
By TabinMabin

Patricia

Hindi pa man kami nakakapagbihis, pinasunod na kaagad kami nina Mama sa bahay ni Ate Nora. Nakayukong sumunod kami hanggang sa bahay nito at ang bumungad sa amin ay ang bothered na expression nito.

"Pasok kayo." anito saka gumilid para makapasok kami.

Kinuha ni Lie Jun sa akin ang dala kong bag at folder saka ito inilapag sa gilid ng pintuan kasama na ang mga gamit niya. Pinaupo kami sa pahabang upuan habang sina Papa, Mama at Ate Nora ay nakaupo sa mga isahang upuan na nasa magkabilang gilid ng inuupuan namin.

Nagsusunod-sunod na ang paghinga ko ng malalim dahil sa matinding kaba. Hindi ko alam ang kalalabasan ng pag-uusap na ito pero sana maganda ang resulta. Tinawag ni Ate Nora ang anak saka ito pinaghanda ng tubig. Sumunod ito at inilapag ang tray na may lamang mga baso at pitsel ng malamig na tubig. Nang makita ko ang paglabas ni Papa sa cell phone niya, napapikit na ako't hinintay ang sasabihin niya.

"Ano ito, Patricia?" malamig na tanong niya. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata para tignan ang tinutukoy niya at sa screen ng cell phone niya, nakadisplay ang picture namin ni Lie Jun na naghahalikan.

"Pa..." Mas pinili ko na lang na huwag magsalita dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko para malusutan ito. Nabablangko ako na hindi ko alam kung may tama bang salita na lalabas sa bibig ko. Ang ginawa ko, kinurot-kurot ko na lang ng patago ang daliri ko sa pagbabakasakaling magising ako't panaginip lang ito.

"Bakit kayo magkahalikan?" tanong ni Mama at hindi ko alam kung ano ba ang tinatanong niya o ang katabi ko. "Sumagot nga kayo."

"Kayo ba?" Walang sumagot sa amin kaya ikinagulat ko ang sunod na ginawa ni Papa. "Sumagot kayo!" sigaw niya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko saka ako tumango. Mas dumoble ang kaba na kumakain sa dibdib ko dahil ngayon lang ako pinagtaasan ng boses ni Papa ng ganito. Parang may apoy sa upuan ko kaya gusto ko nang tumayo rito at tumakbo para bumalik sa kwarto ko at magkulong.

Narinig ko ang pagtikhim ni Lie Jun at ang paghawak niya sa kamay ko kaya napatigil ako sa pagkurot sa daliri ko. "K-Kami po."

"Jun, bakit hindi ko alam?" tanong ni Ate Nora.

"Sorry po..."

"Kailan pa naging kayo?"

Pinisil ni Lie Jun ang kamay ko matapos magtanong ni Mama, siguro tinatanong kung sasabihin ba o ano. Hindi ko alam. Sa lagay namin ngayon, kailangan na namin ito aminin kasi kapag nagsinungaling pa kami't nalaman nila ang totoo sa ibang tao, mas magagalit sila.

Huminga ako ng malalim at sinalubong ang tingin ni Mama. "Pag... Pagkatapos po ng first year namin."

"Bago pa kayo mag-second year, may relasyon na kayo?!" gulat na tanong ni Papa na siyang tinanguan ko. "Jun, kailan lang, nag-usap tayo tungkol sa anak ko! Ikaw pa nakiusap na huwag sabihin na may gusto ka sa anak ko tapos malaman-laman ko, matagal nang kayo?!"

Napatingin ako kay Lie Jun dahil sa sinabi ni Papa. Anong ibig nito sabihin? Nag-usap sila? Kailan pa? "Nag-usap kayo?"

Tinanguan ako nito bago ibinalik ang tingin kay Papa. "I'm sorry po. That time po kasi, gustong-gusto ko na maging legal kami sa iniyo dahil ang tagal na naming tinatago ang relasyon namin. Hindi ko naman po gusto magsinungaling. Sadyang kinakapa ko lang po kung anong magiging reaksyon niyo sa mga sinabi ko noon."

"Pero nagsinungaling kayo! Bakit hindi niyo kaagad sinabi?! Pinagmukha niyo kaming tanga na wala kaming kaalam-alam na kayo pala habang nagpupunta kayo sa kani-kaniyang kwarto! Ano bang malay namin sa mga pinaggagagawa niyo kapag naiiwan kayong dalawa na walang kasama?!

"Jun, lahat ng pag-iingat, ginawa namin para sa anak namin. Alam mo kung bakit tumututol ako na pumasok sa relasyon si Patricia. Naging honest ako sa iyo kahit alam kong makakasama sa loob mo. Pero bakit ganuon ginawa mo? Ginago mo kami. Alam mo ba na halos anak na ang tingin ko sa iyo dahil wala kang magulang rito at sobrang lapit niyo pa ni Patricia?

"Paano kung nasaktan iyang anak ko at nasira ang pag-aaral? Mababayaran mo ba ang tuition fee niya kung sakaling mawala siya ng scholarship dahil lang sa pagbagsak niya gawa mo? Kakayanin mo bang pasanin lahat ng gastusing nawala sa amin nang dahil sa scholarship niya?

"Ang linaw ng pakiusap ko sa iyo noong gabing nag-iinuman tayo. Lalake sa lalake, hindi ba? Nakiusap ako sa iyo na maghintay ka kasi wala naman akong problema kung ikaw makatuluyan ng anak ko. Alam ko na mabuti kang tao, kitang-kita ko iyon.

"Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nakaya mong harap-harapan magsinungaling sa amin nina Kendrick at Billy. Alam niyo ba iyong ginawa niyo? Nilagay niyo sa kapahamakan iyong ginhawa ng buhay na mayroon kami ngayon.

"Paano kung masira ang career niyo nang dahil lang sa picture na iyon? Hindi ba kayo nag-iisip? Talagang sa kalsada pa kung saan maraming tao? Alam niyo kung gaano kahirap pumasok sa klase ng trabaho na mayroon kayo at kaonting galaw lang, nabibigyan na ng malisya. Ano pa iyong nahuli kayong naghahalikan sa kalsada? Sa tingin niyo ba, ikatutuwa ng mga amo niyo iyan?

Kahit alam kong inaasahan ako nina Papa na mag-alis sa kanila sa so-so na buhay namin, nagalit pa rin ako. Alam ko naman na ginagamit nila ako at pinasusunod sa mga gusto nila mangyari para lang mai-secure ang mga nakukuha kong magagandang bagay tulad ng scholarship at iba pang ikinatutuwa nila pero iyong harap-harapan nilang sabihin at ipinamumukhang cash cow lang nila ako? Iyon ang hindi ko matanggap.

Tumayo ako't hinarap si Papa. "Pa, hindi siya ang may kasalanan dito, okay?! Ako iyon! Kung may dapat sisihin rito, ako iyon!"

Namumula na sa galit ang mukha ni Papa nang tumayo siya't hinarap rin ako kaya kahit nagagalit ako, nabagabag pa rin ako. "Patricia, huwag mong akuin ang kasalanan niyong dalawa—"

"Ako iyong nakiusap sa kaniya na huwag sabihin sa iniyo kasi natatakot ako sa magiging reaksyon at sasabihin niyo! Bakit?! Kapag ba sinabi ko sa iniyo na may boyfriend na ako noong araw na sinagot ko siya, ikatutuwa niyo?! Hindi, hindi ba?! Kasi nga gusto niyong ipapasan sa akin iyong mga bagay na nagbibigay ginhawa sa iniyo! Ayaw niyong ma-distract ako sa mga bagay na ginagawa ko kasi iyon ang nagbibigay ginhawa sa atin!"

"Hindi namin ipinapapapasan—"

"Hindi nga ba, Ma?!" pagpuputol ko sa pagsabat ni Mama. "Tinatanong ko kayo! Hindi nga ba?!" Nagulat ako nang maramdaman ko ang palad nito sa pisngi ko pero ininda ko kahit na sunod-sunod nang naglalabasan ang mga luha ko.

"Huwag mo kaming sinisigawan! Tandaan mo; anak ka lang namin, Patricia! Magulang mo kami! Ikaw na itong nagkamali, ikaw pa may ganang magalit?!"

"Huwag niyong i-invalidate iyong mga sinasabi ko dahil lang anak niyo ako, Ma. At ano? Nagkamali?" pabulong na sinabi ko. "Kailan pa naging mali ang pagmamahal? Kasalanan ko ba na nagkagusto ako kay Lie Jun? Wala kayong ideya kung gaano ako katakot magkagusto sa kaniya kaya nang makaramdam ako, umiwas ako. Alam niyo ba kung bakit? Kasi kayo iyong nasa isip ko. Ayoko kayong i-disappoint. Ayokong suwayin iyong utos niyo na huwag ako mag-boyfriend. Kusa ito, Ma. Kusa ito.

Ipinahid ko ang likod ng palad ko sa pisngi ko para tuyuin ito pero wala rin nangyari dahil patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Humihikbi na ako dahil sa mga nangyayari tapos dinagdagan pa ni Mama ng sampal. Hindi ko nga lubos akalain na makakaya niyang pagbuhatan ako ng kamay pero heto't ginawa niya.

"Simula nang tumuntong ako sa college, kayo na nasa isip ko. Kahit na pumasok ako sa relasyon, kayo pa rin ang nasa isip ko. Lahat ng kilos ko, lahat ng plano ko, kasama kayo. Ngayong nakahanap ako ng nagpapasaya sa akin, tututol kayo? Anong karapatan niyo para pigilan ako maging masaya? Dahil ba magulang ko kayo kaya alam niyo ang nakakabuti at nakakasama para sa akin? Iyon ba iyon? O baka alam niyo kung anong nakakasama para sa ginhawang ibinibigay ko kaya niyo ako ikinukulong sa mga utos niyo?

Isinuklay ko ang kanang kamay ko sa nakalugay kong buhok at pinilit tumayo ng tuwid dahil marami akong gusto iparating sa kanila. Sa sobrang dami, hindi ko na alam kung saan magsisimula. Kahit ipinakikita kong masaya ako sa piling nila, may tampo pa rin akong itinatago dahil sa pagiging mahigpit nila. Hindi ba nila alam na sa paghihigpit nila, nakakasakit at nakakasakal na sila?

"Gusto ko lang maging masaya. Masama po ba iyon? Kung sa kaniya ko nakikita iyong saya, iyong pagiging malaya, bakit niyo po ako pinipigilan? Ganuon po ba talaga kayo? Sa pagkakatanda ko po kasi, hindi. Hindi kayo selfish, eh. Simula nang magkaisip ako, alam kong ginagawa niyo lang lahat ng ikabubuti ko pero bakit ngayong matanda na ako, hindi niyo po ako hinahayaang magkaroon ng makakapagpasaya sa akin ng husto?

"Since first year up until now, wala kayong narinig na reklamo sa mga prof ko. Lahat ng iniuuwi ko, puro karangalan at mga bagay na magiging proud at matutuwa kayo. At sa loob ng mga panahon na iyon, kasama ko si Lie Jun. Up until now, scholar kaming dalawa at ni minsan, hindi kami nagkaroon ng bagsak na grado. Saksi kayo sa mga report cards na iniuuwi ko at kitang-kita duon kung gaano kataas ang mga marka namin.

"Ngayon, tatanungin ko kayo. Bakit kung magalit kayo, parang walang naidulot na mabuti sa akin ang boyfriend ko? Lahat ng mga nakukuha ko ngayon ay dahil sa kaniya. Itong pagsisikap ko maging singer? Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ko maiisip ang bagay na ito. Lahat ng achievements ko, kasama siya kaya paano niyo naisip na makakasama sa akin ang pag-bo-boyfriend?

"Wala kayong karapatan na magalit at paghiwalayin kami kasi kahit may relasyon kami, wala akong ibang inuuwi sa bahay natin kung hindi magagandang bagay. Sana rin ma-realize niyo na totoo ang sinasabi kong ipinapapasan niyo sa akin ang ginhawang nararamdaman niyo. Tandaan niyo: kung hindi ako nagpakahirap, malaki pa rin ang ginagastos niyo at sana wala tayong pera, kotse at sariling bahay ngayon. Kapag nakapag-isip na kayo, sana isipin niyo naman kung tatanggalan niyo pa rin ba ako ng karapatang sumaya.

"I'm sorry kung hindi ako gumagalang ngayon pero sana kahit ngayon lang hayaan niyo akong ilabas lahat ng saloobin na kinikimkim ko noon pa. Hindi lang ako nagsasalita noon dahil mataas ang respeto ko sa iniyo at mahal na mahal ko kayo pero ngayong kasiyahan ko na ang hinahadlangan niyo, I'm sorry, Ma, Pa, pero hindi ako papayag."

Nagpunas ulit ako ng luha at hinawi ang buhok ko saka ako pumihit paharap sa direksyon ng pintuan. Nagkatinginan kami ni Lie Jun matapos niya tumayo pero umiwas ako. Akmang maglalakad na ako para lumabas pero humarang siya't kinapitan ako sa magkabilang balikat.

"Maupo ka."

"Ayoko rito."

"We still need to talk to them."

Sinamaan ko siya ng tingin. "You talk to them. Ayoko nang makipag-usap sa kanila."

"Okay. But I want you to sit down first. Gusto kong tapusin muna ito bago tayo lumabas. Baka kung anong gawin mo dahil sa sama ng loob mo." Hinawakan niya ulit ang kamay ko saka ako iginiya paupo. Humigpit ito sandali bago niya inilapit ang mukha sa tenga ko. "Everything will be okay."

"Jun, sana sinabi niyo pa rin." narinig kong sinabi ni Ate Nora pagkatungo ko para punasan ang pisngi ko. "Intindihin mo sila. Magulang sila. Gusto lang nila ng makakabuti para sa pamilya nila."

"I know, Tita." Tumikhim siya ng mahina. "First of all po, I'm really sorry sa pagtatago nito. Hindi naman po namin ginusto; sadyang natakot lang sa sasabihin niyo. Alam ko po na sa ngayon, wala pa talaga akong maipagmamalaki pero ginagawa ko naman po ang lahat para maging mabuting boyfriend ng anak niyo.

"Naiintindihan ko po ang pinanggagaling niyo. Mahirap maging mahirap. Nararanasan ko po iyan kaya alam ko kung bakit natatakot kayong masaktan ang anak niyo, na magiging dahilan sa posibilidad na ikasira ng pag-aaral niya pero sana po bigyan niyo ako ng chance. Chance lang po ang hinihiling ko. Chance that I'm worthy to be your daughter's boyfriend.

"Sa mahigit dalawang taon po na naging kami, hindi ko po siya sinaktan intentionally. Nagtatalo po kami pero normal naman po iyon, hindi po ba? Pero iyong mga pagtatalong iyon, hindi ko po hinahayaang lumaki kasi ayokong masaktan iyong anak niyo. If possible, all I want her to feel whenever she's with me is happiness.

"As cringey or as corny as this sounds kasi love life po ng anak niyo ang pinag-uusapan, gusto ko lang po tandaan niyo na mahal ko siya. Kahit noon pa man, ready akong ipakita sa iniyo na mahal ko ang anak niyo pero iyon nga po, natatakot kami sa magiging reaksyon niyo.

"Gagawin ko po lahat para hindi siya masaktan. Gagawin ko rin po lahat para hindi makaabala o maging distraction sa pag-aaral niya. Ipagpapatuloy ko po iyong pagtulak sa kaniya na makapagtapos kasi, tulad ng parati kong sinasabi sa kaniya, before anything, kailangan naming unahin iyong pag-aaral.

"Sa totoo lang po, malapit na akong maihi sa takot pero tinatatagan ko po iyong loob ko para humarap sa iniyo at makiusap na ibigay niyo po iyong blessing niyo sa relasyon namin. And, Tito, naalala ko lang po iyong sinabi niyo kanina. Gusto ko lang po sabihin na wala pang nangyayari sa amin ng anak niyo sa loob ng mga oras na kami lang dalawa. You can have her checked if... you know.

"We've never done anything beyond kissing. Alam po namin limitasyon namin kaya sana mapanatag kayo na ligtas siya sa akin. I'll give you my word po. Man to man. I won't cross the line unless I've put a ring on her finger.

"So... Tito, Tita... I'm hoping for your blessing."

Continue Reading

You'll Also Like

29K 417 27
Pano kung maging maid ka ng isang aroganteng lalaki? Sabihin na nating Mayabang? Lahat sa kanya kinaiinisan mo pero pano kung lahat ay magbago? 50 Da...
428K 9.4K 79
Wanted Babymaker Book 1 #2 Highest Rank in Teen Fiction. This is the continuation of the tragical love story of Leafy Sabrina Greigo and Pierce Viel...
3M 186K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...