The Guy Next Door (Completed)

By TabinMabin

2.4K 212 11

Competitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush... More

The Guy Nextdoor
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
Epilogue

45

19 3 0
By TabinMabin

Patricia

Bago pa tumabi sa akin si Mama para tignan kung anong mayroon sa bintana, isinara ko na iyong blinders at dali-daling kinuha ang jacket sa aparador ko. Hindi kasi puwedeng sumugod ako na nakasando lang sa bahay ng boyfriend ko. Not that he minds. Ayoko lang kasi mag-isip ng kung ano ang pamilya ko kapag nalaman nilang rito ako pupunta.

"Patricia!" pagkuha ni Mama sa atensyon ko pagkabukas ko ng pintuan pero hindi ko siya pinansin at dali-dali akong lumabas ng bahay para dumiretso sa katabing bahay.

Kinatok ko ito nang kinatok hanggang sa pagbukas ako ng pintuan ni Lie Jun. Salubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Walang sabi-sabi akong pumasok at sumunod naman siya pagkasara ng pintuan.

"Okay. You probably have lots of questions." panimula ko nang makarating ako sa gitna ng salas.

Tumayo lang rin siya sa harap ko matapos humalukipkip at ang pagkakasalubong ng mga kilay niya, hindi na nawala. "I obviously have."

"Ask me anything. Sasagutin ko." Napalunok ako kasi pakiramdam ko, galit na galit siya sa akin dahil sa mga pinaggagagawa ko. Hindi naman ako nag-cheat o nahuling nanglalake kaya alam ko na hindi ko dapat maramdaman ang mga ito pero hindi ko maiwasan. Well, more like kusa ko itong nararamdaman.

"Why does he have a video of you singing? Maiintindihan ko pa kung shinare niya lang pero hindi, eh. From the looks of it, siya mismo ang kumuha nito."

"I auditioned at a singing contest. Sinamahan niya ako."

"Sinamahan ka niya? Akala ko ba nasa bahay ka ng pinsan mo? What? Pumunta ka muna ba sa pinsan mo bago ka nakipagkita sa kaniya? Bakit hindi ko alam?"

"H-Hindi. Hindi ako pumunta sa pinsan ko. After namin magsimba nina Papa, nakipagkita na ako kay Tyron."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Mas ginusto mo ba na siya ang kasama mo kaysa sa akin? I'm your boyfriend, for fuck's sake so why, Patricia?"

Patricia. Ginalit ko nga siguro talaga siya. He called me by my name, not with Bao Bei.

"Okay. I'm sorry kung hindi ko sinabi. I wanted to surprise you. Nagmagandang loob lang iyong tao kaya ako sinamahan—"

"Tangina! Grabe naman sa pagmamagandang loob iyan?! We both know that he's a model and his schedule are packed full of shits and yet you still didn't realize that whatever shits he do that concerns you has an underlying meaning?! Grabeng kamanhiran naman iyan, Patricia!"

"Can you please listen? Ginawa ko ito para sa iyo." mahinahong sinabi ko dahil ayokong sabayan ang galit niya. Walang mangyayari kung parehas kaming galit and besides, I'm the one at fault.

"For me?! You lied and go to that audition with that guy and you're saying that what you did was for me?! Sobra naman yata ito as a surprise! If your surprise is to make me jealous and mad then congrats! Nagawa mo! You have no idea how pissed I am right now!"

"No. Hindi ganuon. Nag-audition ako para makipagsapalaran, okay? I thought, kung mag-audition ako, mas dadami ang subscribers ko and that will lead to have my upcoming videos in YouTube to be monetized. Kung suswertehin, kapag nanalo sa contest, mabibigyan kita ng malaking halaga para maging tulong ko sa pag-iipon mo."

"Are you that desperate for me to gather enough money to fly out of here?! Kung sa tingin mo, simple lang naman iyong ginawa mo and it's for my sake, then you're wrong. God, you're so wrong. Not only did you hurt me but you also made me feel like you stepped on me."

"Bao Bei, hindi naman—"

"Ginagawa ko na lahat ng paraan para makapag-ipon in my own way. Tangina, kaya nga pati mundo ng droga, kahit delikado, pinasok ko kasi desperado na ako, hindi ba?! Pero, Patricia, hindi ako ganuon kadesperado na pati ikaw, hahayaan kong gawin lahat ng maisip mong paraan para lang makapagdagdag sa iniipon ko! You, helping me out on the requests is already too much for me! Hiyang-hiya na ako sa iyo, alam mo ba iyon?! Hindi ko maibigay iyong mga gusto ko ibigay sa iyo dahil sa pagtitipid tapos nagpapatulong pa ako sa iyo kumita para saan?! Para makadagdag sa iniipon kong pangbayad utang, hindi ba?!"

Napapapikit na lang ako habang sumisigaw siya. Gusto ko siyang intindihin ng lubos pero hindi ko magawa. Ano bang problema kung tumulong ako? Pangarap niyang makapagbayad ng utang ng pamilya niya para makasama niya na ulit ang mga ito tapos kapag gumawa pa ako ibang paraan para makatulong, magagalit siya? Hindi ko siya maintindihan. Ano bang problema kung tumulong ako, hindi ba? At saan niya napulot iyong gustong-gusto ko siya umalis? Kung ako ang papipiliin, ayoko na siyang umalis at manatili na lang sa tabi ko.

"Can you just be thankful?"

"Thankful? You made me mad and you think I should be thankful?!"

That's it. Pumitik na ako dahil pakiramdam ko, sa mga sasabihin ko ngayon, ibabato niya lang rin pabalik sa akin. Pilit akong nagpapaliwanag pero pinaiiral niya iyong selos at galit niya dahil sa ginawa ko.

"So i-se-set aside mo iyong effort na ginawa ko just because you're jealous? Wow. Just... wow." Napailing na lang ako habang sarkastikong tumatawa ng mahina.

"I have every right to be jealous, Patricia." mahinahong sinabi niya pero naruon pa rin iyong galit. "And I have every right to get mad at what you did kasi sobrang manhid mo na. Didn't I tell you? May underlying meaning ang ginagawa ng lalakeng iyon. Who on their right mind would accommodate a stranger? Hindi nga lang accommodate kasi tangina sumama pa talaga sa iyo sa audition. Not only that, he posted your video on his social media accounts. Not just one site; it's three. Para siyang proud na boyfriend kasi tangina, tatlong social media account niya, ikaw laman. Sa ginawa niyang iyon, hindi ka pa ba nakakaramdam? I'm a guy, Patricia. I know what he's doing. Heck, even a girl would immediately know that he's trying to earn points so he can do his moves on you."

"So what kung may gusto sa akin iyong tao—"

"Are you hearing yourself? So what?" He laughed sarcastically bago pumamewang. "Do you know how that makes me feel? Kasama mo iyong lalakeng may gusto sa iyo at wala akong kaalam-alam. Kung hindi nga lang ako minention ng mga ka-club ko sa posts ng hinayupak na iyon, hindi ko pa malalaman."

"Ginawa ko nga iyon para sa iyo!" frustrated na sinabi ko kasi binabalewala niya iyong dahilan kung bakit ako nag-audition. "Ano bang hindi mo maintindihan duon?! Can't you appreciate that?!"

"If you want me to be thankful then I am but you can't just turn a blind eye on how I feel. Hindi mo alam kung anong naramdaman ko nang makita ko iyong video. The first thing that came to my mind was you lied to me to be with him. Hindi mo alam iyong takot ko na baka makuha ka niya. Nakapagsinungaling ka nga sa akin ng ganuon-ganuon lang so ano pa iyong dali para sa kaniya na kuhanin ka sa akin?"

Gusto ko siyang yakapin kasi paiyak na siya. His voice was breaking as he spoke. Gusto ko siyang i-comfort pero nakakabobo lang iyong mga binitawan niyang salita. Ganuon ba kababaw ang tingin niya sa nararamdaman ko? Ano bang akala niya? Nag-fe-fade na iyong pagmamahal ko sa kaniya? Hindi ko ma-take na ganuon ang inisip niya.

Hindi naman kasi siya mapa-paranoid kung may tiwala siya sa akin, hindi ba? Hindi siya matatakot na makuha ako ng iba kung may tiwala siya sa nararamdaman ko para sa kaniya, sa pagmamahal ko para sa kaniya. Hindi siya mag-iisip ng kung ano-ano, o matatakot sa kayang gawin ni Tyron para subukan akong kuhanin, kung may kumpyansiya siya sa akin.

"Okay. Ang liit na bagay nito, pinalaki mo."

"Maliit na bagay? Patricia, uulitin ko, hindi mo alam kung anong mga bagay na tumatakbo sa utak ko simula nang makita ko iyong video. Hindi ka pa ba sigurado sa akin, Patricia? Is that another reason why you can't introduce me to your parents as your boyfriend? Kaya ba hindi mo ako kayang ipaglaban sa kanila?"

"Tangina, kung saan-saan na napunta itong pinag-uusapan natin. And now you're really questioning my love for you, ano? Ang galing. Oh, ano? Break na ba? Tutal wala ka naman palang tiwala sa akin, why make this relationship longer? Mag-break na tayo. Ganuon rin naman kalalabasan nito. Hindi kasi puwedeng ako lang iyong may kumpyansiya sa atin. If you don't have faith in me, then we're done."

Ayokong bitawan ang mga salitang iyon sa kaniya pero kung ganuon siya mag-isip, kailangan. Sa loob ng mga panahong kami, hindi kami nag-away na nauwi sa ganito. Magtalo man kami, mabababaw na bagay lang kaya mabilis lang naming nasusulusyunan.

Hindi nagbago ang expression niya. Para pa rin siyang iiyak na pilit pinipigilan ang sarili sa pagpalahaw kaya ang ginawa ko, tinalikuran ko siya't dumiretso sa pintuan. Hinihintay ko siyang sundan ako hanggang makalabas ako pero wala ni anino niya kaya nawalan ako ng pag-asa.

Pumayag ba siya? Hindi siya tumutol kanina at hindi niya pa ako sinundan. That does mean na break na kami, hindi ba?

Fuck.

Hindi siya nag-message sa akin noong gabing iyon. Isang araw rin kaming hindi nagpansinan kahit sa GC kaya nagtaka ang barkada. Hindi naman sila nagtanong pa kung anong nangyayari. Nakaugalian na kasi na kapag may alitan kami o kaya naman sina Patch at Trista, hindi na kami nagtatanong. Respeto ba. Alam naman kasi namin sa bawat isa na anytime, kapag ready na kami, puwede kami maglabas ng sama ng loob sa kanila.

Pagpatak ng makalawa, hindi ako nakatiis dahil sa mga ipino-post ni Lie Jun. Puro kasi pagpapatamang mga meme ang nakikita ko sa wall niya at alam ko naman na patungkol ang mga ito sa akin. Nasasaktan na naiirita ako kasi bakit kailangang ganuon? Talaga bang kailangan niya ipamukha sa akin na ako ang mali?

Dahil nga nagpatawag ako ng meeting after class, sinabi ni Patch na sa bahay niya na lang nila kami tumambay dahil pati sila ni Trista ay may gusto rin sabihin. Pinagdala kami nito ng mga extrang damit dahil gusto nitong mag-stay over kami. Mag-a-alas sais na nang makarating kami sa bahay ng kaibigan namin. Kumpleto kaming pumunta. Dapat nga hindi sasama si Kuya Gavin pero hindi kami pumayag at nagbantay sa labas ng classroom nito para hilahin. Wala tuloy itong nadala pero pahihiramin na lang raw ni Lie Jun.

Malaki ang bahay ni Patch. Halos malula nga ako kasi tatlong palapag ito kasama na ang roof top at napakalawak nito. May gate ito at pagpasok ng gate ay may malawak na bakuran pa na lalakaran bago ka makarating sa mismong bahay at sa gilid ay may swimming pool.

Hindi ko lang lubos akalain na sobrang yaman nito. Wala kasi itong nababanggit. Oo, nanduon iyong kakikayan at sobrang conyo pero kung titignan siya, para lang talaga siyang maayos magdala ng damit kaya hindi mo aakalain na para siyang haciendera.

"Hello po." bati namin sa babaeng nagbukas ng pintuan.

"Mommy, mga kaibigan ko po pala." pagpapakilala ni Patch sa amin rito.

"Hi." Ngumiti ito sa amin kaya nakita ko ang pagkakahawig nila ng kaibigan namin. "Are they the ones staying over?"

"Yes, Mommy. Are you going out po ba?"

"I have to meet your titos. Nandun na naman ang magaling mong ama at nakikipag-inuman. Baka duon na rin kami matulog. Max is with Dominic. Alam kasi na may mga bisita kaya duon raw matutulog."

"Si Daddy talaga."

Pumasok ito kasama namin pero umalis rin kaagad pagkakuha ng bag na nakapatong sa ibabaw ng isang pahabang upuan. Tulad ng iniisip ko, sobrang ganda rin sa loob. Parang puro mamahalin ang mga gamit kaya nakakatakot hawakan ang mga ito.

Napaka-sophisticated ng design ng lahat ng nakikita ko sa bawat sulok ng bahay. May ilan ring katulong na naglalakad kaya hindi namin maiwasang asarin ang kaibigan namin na saluhin na ang tuition fee namin. Nagbiro pa nga si Axel na kapag hindi siya um-oo, babagsak ang napakalaking chandelier na nasa gitna ng living room.

"Alright." Nakangiting humarap siya sa amin at pinagdaop ng malakas ang mga kamay para kuhanin ang atensyon namin. "Dadalahin ko na kayo sa respective rooms niyo."

Nagtaas ng kamay si Kuya Gavin kaya napatingin kami rito. "Magkakasama ba boys sa isang room tapos girls sa isa pa? Or tig-iisa tayo?"

"We have 4 available guest rooms. One for you and Axel, one for Keera, me and Trista and lastly, Jun and Patricia will be in the same room." Nanglaki ang mga mata ko at saktong tumingin siya sa akin ng may pagtataka. "What's with the reaction? Wala naman ako makitang problem since you guys are together. It's not like you guys still haven't done it para mahiya."

Umakyat ang dugo sa mukha ko dahil naalala ko ang mga araw na may ilang beses nang muntikan na matuloy ang hindi pa dapat. Napatungo rin ako at sinilip ang ekspresyon ni Lie Jun, only to see na nakatingin siya sa chandelier.

"Tangina, seryoso?" gulat na nasabi ni Axel. "More than 2 years, wala pa rin nangyayari? Nagtititigan lang ba kayo?"

"I'm saving myself, okay?!" singhal ko rito saka ko nilapitan si Patch at kumawit sa braso nito. "Tara na. Dalahin mo na kami sa mga kwarto. At saka, puwede bang sa iniyo na lang ako makitulog?"

"No can do. Samahan mo boyfriend mo."

Continue Reading

You'll Also Like

466K 5.7K 36
kinasal ka sa taong mahal mo,pero di ka naman mahal.. sinasaktan ka emotionally and physically.. tinututuri kang katulong.. pano kung makarinig ka ng...
9.5K 34 2
Would it be possible for a playboy to change his personality and characteristics for someone that caught his attention? Maybe. If you're a playboy, w...
878K 39.9K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
218K 3.2K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...