The Guy Next Door (Completed)

By TabinMabin

2.3K 212 11

Competitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush... More

The Guy Nextdoor
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
Epilogue

42

36 3 0
By TabinMabin

Patricia

"Ano ba iyon?" pabulong na reklamo ko habang nakapikit pa rin. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa unan at hindi na lang pinansin ang sumusundot sa braso ko. "Inaantok pa ako."

"Bao Bei."

Nang marinig ko ang boses ng boyfriend ko, nagmulat na ako't ininda ang antok ko. Kaagad ko siyang nilingon kahit pa alam kong sabog ang buhok. Wala naman sa kaniya ito. Isa pa, normal na sa kaniya na makita na hindi nakaayos ang buhok ko dahil ilang beses niya na akong ginising.

"Alam mo, sasabihin ko na talaga kina Mama na i-ban ka sa bahay namin."

Tinawanan niya ako ng mahina bago yumuko para taniman ako ng halik sa noo. "Bumangon ka na. May ibibigay ako sa iyo."

Sinimangutan ko siya't hinila ang kumot para maitalukbong sa sarili ko. "Ibibigay pangbawi kasi may kasalanan?"

"Not really. Gusto ko lang talaga bigyan ka."

"So you're not sorry sa ginawa mo kahapon?"

"Okay. I am. Sorry, okay?" Hindi ako sumagot at mukhang hinihintay niya rin ako magsalita dahil tahimik lang siya. Isang minuto yata kaming naghihintayan at nang hindi siya nakatiis, inialis niya ang kumot sa akin at hinila ako paupo kahit na yakap ko pa rin ang unan ko. "Forgive me?"

"Bakit ka kasi hindi nag-message man lang? Pinag-alala mo ako."

"That's why I'm sorry. Sorry for making you worry. I can explain." Tumango ako't sinuklay ang buhok ko para kahit papaano naman umayos ang itsura ko. Itinaas niya ang kamay sa gilid ng mata ko kaya napapikit ako. Napangiti na lang ako ng maliit dahil tinanggal niya ang morning glory ko. "Lowbat ako kahapon. Naiwan ko charger ko. Hihiram nga sana ako ng kahit powerbank para maka-charge pero puro iPhone lang ang chord ng mga nakausap ko. Wala akong napakiusapan sa barkada kasi nagmamadali kami ni Sharon makapunta sa Myoui dahil may project na ibibigay sa akin. I was too excited to even visit your class to inform you."

"I see." Ibinagsak ko ang sarili ko sa kaniya't niyakap siya kaya ang mukha ko, nakalapat sa dibdib niya. "I-ensure mo nga na lagi mo dala charger mo kapag umaalis ka ng bahay."

Ipinatong niya ang kamay sa ibabaw ng ulo ko saka ito hinaplos ng paulit-ulit. "I will. Promise. Pero umayos ka kasi baka biglang may pumasok. Hindi ko ini-lock ang pintuan ng kwarto mo dahil ayoko namang mag-isip sila ng kung ano kapag sinubukan nilang pumasok rito."

"I want to stay like this."

"Then let's tell them about us. At least in that way, hindi sila magugulat kapag nakita ka nilang nakayakap sa akin."

Napatigil ako sa planong paghigpit ng yakap sa kaniya dahil sa narinig ko. Unti-unti, kumalas ako't umayos ng upo. Wala akong maisip na isagot sa sinabi niya kaya naisipan ko na lang na ibahin na ang usapan. "By the way, ano pala iyong sinabi mo na ibibigay mo?"

Mahinang tumawa siya saka kinamot ang batok. I felt his disappointment pero wala naman akong magagawa. Kapag umamin ako kina Mama, baka paghiwalayin lang kami and I don't want to happen.

Tumayo siya't nilapitan ang study table ko. Napaikot na lang ako ng mata nang itinuro niya ang sangkatutak na folder rito. "Ta-da."

"Seriously? Pangbawi mo sa akin, mas maraming work load? Imbis na matuwa ako, nanggigil ako."

He laughed kaya sinamaan ko siya ng tingin. "I'm just joking. Ito kasi." Mula sa magkakapatong na folder, may kinuha siyang sobre dito saka muling umupo sa kama. Ibinigay niya ito sa akin na may ngiti sa mukha. "Open it."

Nawala na ang pagkaka-seal nito kaya mukhang nabuksan niya na ito. Sinilip ko ito at nanglaki ang mga mata ko bago saka ko ibinalik sa kaniya ang tingin ko. "Seryoso?" Kinuha ko ang laman nito at tinignan ang mga picture. Set ng photos ito na may tatak na Myoui sa ilalim. Hindi tulad ng mga naunang picture na ipinakita niya sa akin noon, mas magaganda ang kuha niya rito at mas maayos ang mga damit na suot. Mukha ring professional ang kumuha ng mga ito. At bukod sa mga picture, may pera din na nakapaloob sa sobre.

Kinuha niya ito sa akin at ipinaypay sa sarili. "Easy 20k."

Hindi ko pa nabibilang iyong pera pero marami-rami siya na puro tig-iisang libo. "Grabe. Bakit ang laki?"

"First official project ko as a part of Myoui. Isasama raw nila ako sa i-re-release na magazine at bibigyan ako ng isang page rito. Lalagyan nila ng picture ko with an introduction tapos isinama na rin nila ako sa list of models sa website nila."

Sa tuwa ko, inilapag ko ang hawak ko't kinuha ang mga hawak niya para mailapag rin. Hinila ko siya patayo at masayang nagtatatalon habang umiikot sa kwarto ko. "Congrats!"

Nag-almusal muna kami sa bahay at nagpa-deliver pa siya ng lunch namin. Nagtaka nga sina Mama kung bakit kaya ibinalita niya ito sa pamilya ko. Kung titignan nga sila habang masayang binabati ang boyfriend ko, para bang alam nila na may namamagitan sa amin nito at para bang parte na ito ng pamilya namin.

Kung open lang sana ang pamilya ko sa idea na may boyfriend ako, araw-araw ko siguro sila nakikita na masayang nag-uusap-usap. Ang problema, hindi ko masabi kaya hindi ko masasaksihan ang ganito sa araw-araw.

Hindi naman na nagtatanong sina Mama dahil ang alam ng mga ito, best friend ko si Lie Jun tapos school mate ko pa so sa paningin nila, sobrang close lang talaga namin kaya sumusugod kami sa bahay ng isa't-isa. Kung alam lang nila. Buti nga hindi pa nila kami nahuhuli na nag-me-make out. Kapag humalik pa man rin ang boyfriend ko, ayaw na halos ako bitawan.

Ipinagpaalam niya rin ako na bumalik sa pag-gy-gym at napapayag niya ito dahil sinabi niyang nag-enroll na rin sina Keera at Gavin sa bagong gym na pag-e-enroll-an niya. Habang papunta kami sa nasabing gym, sinabi niya sa akin na duon rin daw nag-gy-gym sina Sharon at Tyron pati na ang ibang model sa Myoui kaya huwag raw ako mag-se-selos kapag nakita ko siyang kausap ang senior niya.

Tinawagan namin sina Keera at Kuya Gavin para magsabay-sabay na kami sa pagpunta. 30 minutes ang layo nito sa bahay namin kapag binyahe kaya hindi na rin masama. Iyong isang gym kasi na pinasukan namin noon, mas malayo pa rito.

Tulad ng plano, nagsabay-sabay kami sa pag-e-enroll. Tinanong kami ng instructor kung gusto na raw ba namin sumabak pero humindi ang boyfriend ko dahil gusto niyang ilibre kahit papaano ang dalawang kaibigan namin kaya heto't napunta kami sa isang milk tea shop sa mall.

"Hoy, bihira ito, ha?" nakangising sinabi ni Keera bago hinawakan ang cup ng milk tea niya. "Anong sumapi sa iyo at nanglibre ka? Official na ba kayo sa parents ni Patricia?" Sumimsim siya rito matapos tanungin si Lie Jun.

"Nah. Malaki kasi kinita ko kaya naisipan ko kayo ilibre."

Sinipa ko sa ilalim ng lamesa si Keera kaya nilingon ako nito habang nakataas ang isang kilay. Pinanglakihan ko siya ng mata para patahimikin at mukhang nakuha niya naman ang gusto ko sabihin dahil si Kuya Gavin na ang nilingon niya.

"Hoy, Ikaw. Buti naisipan mo na mag-gym na? Anong nagtulak sa iyo?"

"3rd year college na tayo, hindi pa maayos katawan ko." sagot ni Kuya Gavin saka tumayo. "Look. Wala man lang akong muscles. Tiyan ko, medyo lumolobo na. Gusto ko kahit papaano gumanda katawan ko."

"Iyan. Inuman pa."

"Kaya nga mag-gy-gym. Just look at Jun. Nainom pero ang ganda ng katawan." Humarap siya sa katabi ko saka ito sinaluduhan.

Hinila siya paupo ni Keera matapos ikutan ng mata. "Dapat, Jun, ilibre mo na kami ng bongga ngayon tutal last cheat day na namin ito since magsisimula na kami mag-gym."

"Hoy. Ang buraot, ha? Tumigil ka nga. Alam mo na nag-iipon boyfriend ko." Naramdaman ko ang paghawak ni Lie Jun sa hita ko at marahan itong pinisil. Napatingin ako sa kaniya at bumungad ang nakangiti niyang mukha.

"It's okay. Sobrang bihira lang naman ako maglabas ng pera."

"Pero—"

"Bao Bei, it's okay." Tumayo siya't kinuha ang milk tea niya. "Huwag niyo muna ubusin milk tea niyo para marami-rami kayo makain. Tatawagan ko na rin sina Axel—"

"Boy, huwag na." pagsabat ni Kuya Gavin kaya nabaling rito ang atensyon namin. "B-Baka kasi busy. Kita mo, hindi nakasama sa atin sa pag-e-enroll kahit sinabi niya na gusto niya mag-gym."

Suspicion bubbled up inside me kasi iba na talaga na-se-sense ko kina Kuya Gavin at Axel. Hindi siya aakto ng ganuon kung walang something, eh.

"I let it slide kahapon pero hindi talaga ako pinatatahimik dahil sa pag-iisip kung anong mayroon, Kuya Gavin, eh."

"Pat-Pat, please—"

"No, Kuya. Pag-usapan natin iyan. Hindi mo maiaalis sa akin na mag-alala kaya gusto ko talaga malaman kung ano bang nangyayari sa iniyo."

"Puwede ba na huwag na natin pag-usapan? Sobrang... private lang."

"That confirms it. May something nga. Nag-away ba kayo?"

Yumuko siya't itinuon na lang ang tingin sa kaharap na baso ng milk tea. "Hindi naman. May... hindi lang pagkakaintindihan."

"Boy, ayusin niyo iyan. Hindi ko alam kung ano nangyayari sa iniyo. Kaya pala umiiwas ka tapos iyong isa, ayaw magsalita kasi may away na kayo."

Hindi na namin ini-open ang topic habang nasa mall para na rin sa ikatatahimik ni Kuya Gavin. Hanggang sa pag-uwi, sila ang pinag-uusapan namin ni Lie Jun. Pati pala siya, nakakahalata na pero hindi lang sinasabi dahil ayaw naman niyang pag-alalahanin ang barkada. Sinubukan na raw niyang tanungin si Axel pero nagbiro lang ito at sinabing wala namang nangyayari.

Kinabukasan, hindi raw makakapasok si Lie Jun dahil tinawagan siya ni Sharon. Kakausapin raw kasi sila ng management nila tungkol sa trabaho nila. Hindi ko nga nasabi na ayusin ang schedule niya kasi nag-aaral pa siya at baka makasira pa ang pagtatrabaho niya sa pag-aaral niya. Baka kasi sa kagustuhan niyang kumita, hindi niya dineclare noong in-interview siya na nag-aaral pa siya.

Marami akong dala-dalang mga tela habang papunta sa cooking club. Duon ko kasi muna ito ilalagay. Sobra na kasing dami ng tela na nakatambay sa fashion dep at kapag duon ko pa ito inilagay, baka mapagkamalan ng iba na sa kanila ang mga tela na ito.

"Good afternoon, Pres." pagbati ng mga ka-club ko pagkapasok ko sa club room.

"Ang dami niyan, Pres, ha?" bungad ni Jack na nasa harap ng whiteboard.

Naglakad ako papunta sa harap at inilapag ang mga tela sa lamesa ko. Hinihingal na nginitan ko sila bago ako nagsalita. "Sorry, medyo na-late."

"Nasaan si vice pres?"

"Nako. Sobrang busy." Nang maayos na ang paghinga ko, umalis ako sa likod ng lamesa at tumayo sa gitna ng kwarto habang ang mga mata naman nila ay nakasunod sa akin. "I just got a word from our head. May darating kasing bisita kaya naatasan tayo mag-come up ng ipapakain rito."

"Ilan po sila? At saka, may nasabi po ba kung anong ipapaluto?" tanong ni Kean na nakaupo sa dulo ng kwarto.

"Bukas pa darating iyong mga bisita tapos ang sabi, apat raw. Kailangan natin galingan kasi alam ng mga bibisita na tayo ang magluluto. Now. I need you guys to come up with ideas kasi hindi sinabi kung anong klase ng pagkain at dessert ang ihahanda natin."

Nagtipon-tipon kami sa gitna para mag-brainstorm. Nagbigay sila ng suggestions nila at nahirapan kami pumili dahil kahit pa sabihin na madaling kumuha ng ingredients dahil marami-rami kaming funds, hindi naman namin alam ang taste ng mga bibisita. In the end, nag-research kami at nag-decide na mga foreign dish ang ihanda.

As for the activity today, pinagamit ko sa kanila iyong laman ng ref at sinabing gumawa ng dish or dessert para ma-check kung puwede ba na iyon na lang ang ihanda namin o ituloy pa rin ang mga napili naming mga foreign dish.

Habang nag-che-check ako ng mga ginagawa ng club members ko, may tao na tumawag sa pangalan ko mula sa pintuan. Dalawa sila at mga kasama ko ito sa music club. Nang lapitan ko ang mga ito, napagtanto ko na parang sobrang lungkot ng mukha nila.

"Ate Patricia," nakatungong sinabi ni Alexa.

"May problema ba?" Sabay nilang inilahad ang hawak nilang papel kaya nabalot ako ng pagtataka. "Ano ito?"

"Kung okay lang po, ikaw na lang magbigay ng letter namin kay Ms. Robin." nalungkot na sinabi ni Nash.

Mas lalo akong nagtaka kasi binanggit nila ang pangalan ng head ng music club. "Ano bang problema?" Tinignan ko ang hawak kong papel na ibinigay nila. I'm guessing na letter of withdrawal nila ito sa club.

"Hindi na po kasi namin kaya ugali ng president natin. Wala namang rule na dapat kaming sumunod sa mga utos niya na wala namang kinalaman sa club natin pero nagagalit siya kapag hindi kami nasunod."

Napahinga ako ng malalim dahil sa inis sa narinig. Ito na nga ba ang ikinatatakot ko. Kaya ayoko talaga sila iwan dahil sa ugali ni Lisa. "Akong bahala. Huwag kayo mag-quit. Hindi ko muna ito ibibigay kay Ms. Robin hangga't hindi kami nakakapag-usap ng masinsinan. Tandaan niyo, malakas ako kay Ms." nakangiting sinabi ko para pagaangin ang loob nila.

Tulad ng pangako ko sa dalawa, bago mag-uwian, kinausap ko ang head namin sa music club. I asked her to remove Lisa as a president, or better yet, sa club. Ipinaliwanag ko ang lahat rito at ipinakita pa ang letter para lang may backup-an ang claims ko patungkol kay Lisa. Kakausapin niya muna raw ito pati na ang mga ka-club namin para alamin kung may na-terrorize rin ba sa mga ito bago magdesisyon.

Alam ko na mali ang ginawa kong dumiretso kaagad sa head at hindi muna kinausap si Lisa pero kasi alam ko magiging outcome ng pag-uusap namin. Baka mauwi pa sa pisikalan dahil gigil na gigil talaga ako sa babaeng iyon.

Kinabukasan, tinawagan ako ni Ms. Robin para ipaalam na wala na si Lisa sa club. Ayaw raw nila ito pakawalan dahil may talent naman talaga ito pero mali na raw ang ginagawa nito. Kung alam nga lang siguro nila na dati pa ito nang-te-terrorize, malamang matagal na ito napatalsik sa club.

May itinalaga na bagong president sa club at laking pasasalamat ko dahil hindi na nila ako inalok na kuhanin ang posisyon na ito. At para baguhin ang isip ng dalawang nakiusap sa akin, naisipan kong tumambay na ulit sa music club.

Lunch time nang tumambay ako rito at masaya nila akong sinalubong. Nag-jamming pa kami para ipamukha sa dalawang nagbalak umalis na wala nang dahilan para umalis sila.

"I dedicate this song to Alexa and Nash." Iniayos ko ang pagkakaupo ko sa stool na nasa gitna ng room habang nakatingin sa mga ka-club ko na nakaupo sa harap. Tumikhim muna ako bago kinapa ang string ng gitarang hawak ko. "Wala itong relevance sa mga nangyayari ngayon. Kakantahin ko lang ito kasi tulad ko, fan rin kayo ni Ari."

I sung My Everything by Ariana, acoustic version. Nakapikit ako habang kumakanta kasabay ng pag-strum ko sa strings ng gitara. Sobrang saya ko habang nag-pe-perform. Iba iyong rush na dala nito sa akin kaya hindi ko maiwasang ibalik ang pangarap ko noon na maging sikat na singer.

Bukod sa pangarap ko makilala bilang isang sikat na fashion designer, gustong-gusto ko rin maging singer pero itinigil ko ang pangarap ko na iyon dahil mas inuna ko ang fashion designing dala ng impluwensiya ni Kuya Andrew, iyong asawa ng pinsan kong si Kuya Gabriel.

He showed me lots of awesome designs na naging dahilan kung bakit unti-unti kong inilubog ang pangarap ko na maging singer.

Kinagabihan, sumabog ang notification ko sa Facebook at YouTube na siyang ipinagtaka ko, only to find out na kumalat ang video recording ko na nag-pe-perform sa music club. Pinanuod ko ang videong kumakalat para alamin kung sino ang kumuha. Nasa harap ko ito so malamang isa ito sa mga ka-club ko kaya kaagad akong nag-message sa group chat namin, asking who posted the vid. Apparently, marami sila at ipinost nila ang kani-kaniyang kuha nila sa akin.

Napatingin ako sa designs ko na nasa lamesa habang nakahiga bago ko tinignan ulit ang laman ng sunod-sunod na pagpasok ng notifications sa akin. Napapaisip tuloy ako kung ano ba talagang i-pu-pursue ko pero maganda na sigurong subukan ko i-pursue ito ng sabay.

Continue Reading

You'll Also Like

150K 5K 27
Crystal has a long time crush, named Joshua. She really likes-loves him, but sadly Joshua didn't feel the same way. Then the day came when tragedy...
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
333K 17.8K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.