Isla Verdes ( UNDER REVISION)

By dstorimker

6.9K 1.2K 28

Isla Verdes Isang isla kung saan misteryosong nawawala ang mga taong nagpupunta rito. Isang palaisipan sa lah... More

:)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Wakas

Kabanata 12

182 31 0
By dstorimker


Vienna's P.O.V.

Ilang oras na din ang lumipas. Ngunit hindi parin namin nahahanap si Cloud at Joshua. Kung sila ay simpleng paghahanap lamang iyon. Pero para sa akin, hindi.

Responsibilidad ko sila. Lalo na't andito ako upang tuklasin kung ano nga ba narito sa isla. At nakasalalay sa akin ang buhay nilang lahat.

Isang malamig ng simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Nandito ako ngayon sa batuhan, kung saan mayroon silang natagpuang dugo. Pero kaka unti na lamang ang natira. Naabutan na kase ito ng tubig ng dagat, kaya nalinis na din ang ibang bahagi.

Sino nga ba talaga ang pumapatay?

At

Bakit niya kailangang kumitil ng mga tao?

Isang malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan at tinanaw ang dagat. Napaka payapa nito at ang ilaw na mula sa buwan ang aking natatanaw sa dagat. Ang tunog ng tubig na mula din sa dagat, ay nagbibigay kalma sa kaing buong sistema kahit papano.

Nang bigla akong may narinig na kaluskos sa hindi kalayuan. Napatigil ako sa pag-tanaw sa dagat at unti unting naglakad patungo sa kaluskos.

Habang naglalakad ng tahimik ay doon ko lamang namalayan na dinala ako ng aking mga paa sa inyugan. Ang mga kaluskos, ay galing sa inyugan?

Nang una ay nag dalawang isip pa ako, kung tutuloy ba o hindi. Dahil ang aking bukod tanging ilaw ay galing sa buwan.

Huli na ng namalayan ko na naglalakad na pala ako patungo roon. Sumasayaw ang bawat dahon na nagmumula sa puno ng mga inyog. At tanging hininga ko lamang ang aking naririnig sa paligid.

Sa kalagitnaan ng pag-lalakad ay napatigil ako. Dahil pakiramdam ko may nakasunod at nakatingin sa akin sa hindi kalayuan.

Nag kunyari akong walang naramdaman o ano. Bagkus nagpatuloy ako sa pag-lalakad. Nang mayroon akong natanaw na anino sa aking likuran.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong ni Chelsea.

"Mayroon lamang akong narinig na kaluskos."

"Hindi ka dapat nagpupunta sa lugar na katulad nito."

"Bakit?" puno ng pagtataka kong tanong.

"Maaring ikaw na ang susunod na ililibing?" mayroon ng halong ngisi sa mukha nito.

"Hindi ako takot... Mamatay Chelsea." Makahulugan ko ding sagot.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko naman pabalik.

"Mayroon lamang akong hinahanap..."

"Anong hinahanap mo?"

"Bangkay?" sabay tawa nito. Dahilan kung bakit umalingaw ngaw iyon sa buong paligid.

"Nababaliw kana." sabay talikod ko sa kaniya at muling nag-lakad.

"Hinahanap ka na ni Megan. Bukas mo na lamang ipagpatuloy ang paghahanap sa kaluskos na iyon." Naging seryoso naman na ang boses nito. Dahilan kung bakit napahinto ako sa pag-lalakad.

"Sigeh, susunod na ako." Baling ko sa kaniya at muling pinagmasdan ang inyugan, bago naglakad pabalik sa dalampasigan.

Dumiretso naman na ako agad sa aming cabin at nadatnan ko sa kabilang kama si Megan na mahimbing na natutulog.

Ang sabi ni Chelsea, hinahanap niya ako? Pero bakit mukhang hindi naman?

Kakaiba na rin ang inaasta niya. Hindi kaya siya ang pumapatay? Pero hindi dapat ako mag-bintang agad at kailangan ko ng matibay na ebidenisya. Sa ngayon kailangan ko munang bantayan ng maigi ang mga kilos niya.

Humiga na ako sa aking kama at mataimtim na nag-dasal.pagkatapos ay pinagpatuloy ko tungkol kay Chelsea, hanggang sa ako'y nakatulog.

"Vienna?" ka agad naman akong na alimpungatan sa tawag ni Megan. Kinusot ko pa ang aking mata at humikab pa ako.

"Bakit?" tanong ko.

"Mayroon akong narinig na tili kanina." Gamit ang mahinang boses niyang sinabi sa akin.

"Saan?"

"Sa labas, hindi ako sigurado. Pwede ba nating tignan?" Tumango naman ako at aantok antok na bumangon sa kama.

Nag-tungo naman kami agad sa pintuan at lumabas. Ang akala ko ay umaga na, pero hindi pala. Dahil wala pang sinag ng araw at ang maliwanag na buwan parin ang bumungad sa amin.

"Sigurado ka bang may tumili?" tumango naman siya at hinila ang aking mga kamay.

"Saan tayo pupunta?" nagtataka kong tanong.

"Pakinggan mong mabuti." Sinabi niya, kaya nanahimik ako at pinakinggan ang paligid. Tama siya, mayroon akong narinig na sigaw.

"Sa batuhan!" Sabay naming wika at tumakba tungo roon. At tama nga kami, dahil pakas ng palakas ang sigaw.

Nang kami ay nakarating na kami roon . Ang nadatnan namin ay ang sumisigaw na si Chelsea at takip takip pa ang bibig nito.

Dinamayan naman siya ka agad ni Megan. Samantalang ako ay pinagmasdan si Chelsea, bago tinignan ang tinitignan niya.

Ganon na lang ang laglag ng panga ko sa aking nakita. Nanlaki pa ang aking mga mata at hindi mawari kung masusuka o matutumba.

"Oh my god!" Bulalas ni Megan. Halos parehas kami ng reaksyon.

"Oh no! Clou---d!" Naghihinagpis na wika nito. Patakbo niyang tinakbo ang distansiya ng bangkay ni Cloud. Tapos ay inakap niya ito ng mahigpit.

Habang ako nakatunganga sa walong saplot na katawan ni Cloud at ang hiwa sa tiyan nito at ang dib dib niyang warak.

"Ple--ase! Don't leave me! Cloud!!!!!!" Puno ng lungkot at pighati ang boses ni Megan ng isinigaw niya ito. Dinaluhan ko siya at pinatayo. Pero mukhang wala itong epekto at walang balak na tumayo.

"Megan," tawag ko sa kaniya.

"Clo-ud, baby? Please wake up? Gumising ka para sa amin ng anak mo! Cloud!" Sigaw muli ni Megan. But this time, may halong pait na ito. Patuloy na rumagasa ang masaganang luha sa mukha nito. Nangingig din ang kamay nito, habang yakap yakap ang bangkay ni Cloud.

Habang ako at si Chelsea ay napatulala dahil sa sinabi ni Megan.

May anak sila ni Cloud? Paano? Bakla si Cloud, paanong nangyari? At kailan pa?

Gustuhin ko man siyang usisahin. Pero alam kong hindi pwede at di ito ang tamang oras.

"Megan, tumayo kana diyan." Pinilit ko pa siyang muli, pero inilingan lamang niya ako at pinaka higpit ang yakap sa katawan ni Cloud.

"Vienna, paano na ang anak namin?" Pumiyok pa ang boses nito sa dulo.

"Meg---a," bago ko pa ipagpatuloy ay pinutol na ako ng paparating na si Neivi.

"Anong nangyari? Megan? Vienna?" Humahagos at nagaalalang tanong nito sa amin.
Ngunit tinuro ko lang ang hawak ni Megan. Napa-upo siya at umiyak ng umiyak.
Sa ilang segundo lang ay dumating na ang mga humahagos na kasamahan namin.

MAHIGIT dalawang araw na ang lumipas simula ng nangyari kay Cloud. Si Megan tulala at kung minsan hindi kumakain. Inamin din niya sa amin na 4 weeks na siyang buntis at si Cloud ang ama ng dinadala niya. Tanging iyon pa lamang ang na kwe kwento niya sa amin.

Nang dahil din don ay mas lalong natakot ang aking mga kasamahan at pilit na sinasabi na maaring iisa sa kanila na ang isnunod.

Inilibing nila si Cloud sa tabi ni Chelka sa may inyugan. Pa unti unti na kaming nalalagas, at wala pa akong ka alam alam kung sino ang totong salarin.

"Megan, kumain kana." pag-aalok ng pag-kain ni Neivi kay Megan.

Ngunit isang tango lamang nag naging tugon nito bago sinimulan ang pag-kain. Sa totoo nga niyan, si Neivi lamang nag kumakausap sa amin ni Megan. Dahil iniiwasan at hindi kami pinapansin ng lahat. Hindi rin namin alam kung bakit at ano ang dahilan.

Napasinghap naman ako ng biglang nag blackout. Nandito kase kaming lahat sa kusina kumakain sa mahabang mesa. Pero kaming dalawa lang ni Megan ang magkatabi. At lahat sila ay nakalayo sa amin.

Sa hindi alam na dahilan ng blackout ay bigla namang kumulog at kumidlat. Ang iba ay hindi mapakali at gustong lumabas. Ngunit bumuhos ang malakas na ulan, isabay mo pa ang blackout. May bagyo kaya?

"Vienna?" napabaling ako kay Megan.

"Hmm?"

"Punta na tayo ng cabin. Ayaw ko na dito." Kahit hindi pa ako tapos kumain ay tumayo ako at sinunod siya.

"Megan, malakas ang ulan."

"Please?" pakiusap niya, kaya sa huli sinunod ko siya.

Siguro dahil sa pagbubuntis niya, kaya siya ganyan?

Ang mga kasamahan naman namin ay walang pake-alam at pinagpatuloy ang ginagawa kahit na blackout at umuulan sa labas.

"Mayroon akong nakitang payong sa may gilid ng pinto. Gamitin natin iyon, palabas. " Wika ko at marahan naman na hinawakan ang kamay niya patungong labas. Kahit na mulan, may kodlat at kuloy ay sinuong namin iyon, para lang maka punta sa aming cabin.

"Killers P.O.V"

Habang walang kuryente ay nilisan ko ang kusina at naglakad patungong underground basement. Sa totoo lang basang basa ako. Dahil sa lintik na ulan.

Pinatay ko ang kaya nawalan ng kuryente ang kusina. Gustong gusto ko ng umalis, ngunit palaging naka tingin sa akin si Jonathan. Pero sigurado ako ngayon, di na niya ako hahanapin.

Nagpalit muna ako ng damit bago ako pumasok sa kwarto kung nasaan si Joshua.
Napangisi ako sa itsura nito, nakatali ang paa at kamay sa upuan tila wala ng buhay.

Kinuha ko sa gilid niya ang karayom at pinagtutusok ang mukha nito. Mayroong pulang likido ang lumalabas habang tinutusok tusok ko ito.

"What the fuc---k?" Bulalas niya kaya pinasok ko sa bibig nito ang karayom. Sinubukan niyang iluwal iyon, but hinawakan ko ang bibig niya upang malunok niya ang karayom. Sa huli ako pa ang nagwagi.

Tinanggal ko na ang pagkakahawak ko sa bibig niya at kumuha ng remote sa isang lamesa. Ka agad naman niyang nakuha ang gagawin ko.

"Don't! Mananahimik ako! Hindi ko sasabihin na ikaw ang puma-pa---!" Bago pa niya matuloy ang sasabihin ay sumuka na ito ng dugo. Mayroon sigurong natusok ang karayom sa loob.

"Ano ulit iyon?" nangaasar kong tanong. Bagkus sinamaan niya ako ng tingin at pilit na kumawala sa pag-kakatali.

"Fuck you! Paano mong nasisikmurang pumatay?" nangagalaiti nitong wika.

"Simple lang, kasama niyo kase ang kapatid ko."

"Fuck! Sinong kapatid? Bat hindi nalang siya ang patayin mo?!!????"

"When the right time comes..." Sabay ngisi at dumaan sa mukha nito ang pagkairita.

"Lam mo manahimik ka nalang kung ayaw mong sumuka ng dugo."

Pero hindi ito nanahimik at patuloy na sumigaw. Sa galit at rindi ko sa kaniya ay kinuha ko ang sampong karayom, at pinasok sa bibig niya ng sapilitan.

Mas lalo siyang nagsuka ng dugo at halata sa pagmumukha nitong na hihirapan na siya. Mukhang mamatay na ang ulaga?

Kinuha ko na ang remote ng electric chair kung saan siya naka upo ngayon. Pinindot ko naman ang on. Mabilisang nanginig ang katawan nito. Naka buka pa ang bibig. Nag uunahang magsilabasan ang dugo at bula. Napakagandang tanawin.

Pinatay sindi ko ang electric chair gamit ang remote. Wala pang isang oras kong ginagawa iyon, nang biglang nagsilabasan ang mga mata niya at umagos ang masaganang dugo nito mula sa mata, tenga, ilong at labi. Mayroong pa ngang sumamamang mga bula.

At mas lalo pang naging maganda ang tanawin dahil sa tusok-tusok nitong mukha.
Napadako ako sa suot nitong short at halang napa ihi pa ang loko. Yung buhok din niya ay nagsitaasan.

Nakakatawa ka naman Joshua.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang palapulsuhan niya kung buhay pa ba siya. Kaso patay na, wala ng heartbeat.

Continue Reading

You'll Also Like

55.9M 987K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
Haunted By Ely

Mystery / Thriller

363K 14.6K 41
Zeref Gray Vermilion - babaeng sobrang lamig makitungo dahil sa nakakatraumang pangyayari sa nakaraan niya. Hanggang sa may Isang professor na darati...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
4M 167K 39
Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask for. But what happens when the good gir...