I'm Arranged with my... ex...

By MissteriousGirl_13

113K 3.3K 237

Cover: @Clesiase [UNDER EDITING] Sabi nila kapag bata kapa at nainlove ka, puppy love lang yun. Pwede pang ma... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
ANNOUNCEMENT!!!!
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
ANNOUNCEMENT!!!!
CHAPTER 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Author's Note
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
PROMOTION
PROMOTION 2

Chapter 33

909 37 2
By MissteriousGirl_13

Geyle's POV

"Oy ghurl kawawa naman yung burger steak baka maging giniling na yan" sabi sakin ni Kathleen.

"Bakit kasi kailangang kasama si Wane kay Chesca?!" gigil kong tanong.

"Eh ghurl sila yung nautusang magcheck ng papers eh wala tayong magagawa dun. Ang talino ba naman ng bebe mo at ni Chesca" sabi naman saakin ni Kathleen.

"Alam nyo girls wala talaga akong tiwala sa Chesca na yun" dugtong pa nya. Nag iba ako ng topic kasi bigla nanaman akong nairita.

"Oh kamusta naman kayo ni Sam?" tanong ko sa kanya. Nakita ko namang nabulunan tong gagang toh. Tinignan naman ako ni Sam. Magkakasama na kaming apat ulit.

"Bakit may nangyari ba?" tanong ko ulit.

"Wala ahh" namimilit nyang sabi. Nakita ko namang ngumisi si Sam sabay inom ng juice. Pinanliitan ko sila ng mata. Mhhh I smell something fishy...

"Eh si David nasaan?" tanong ko kay Abi. Napatingin naman sya sakin.

"Ayun bumili ng makakain" sabi nya sakin. I guess nagkabati na sila. Buti pa sila nagkabati na. Kami ni Wane hindi pa dahil naiirita parin ako sa kanya. Pero mas naiirita ako pag naiisip na kasama nya yung Chesca na yun.

"Oh ayun pala si David oh" sabi ni Sam at napatingin kami sa kanya. Nang makapunta na sya sa table namin, uupo na sana sya ng biglang may nakabangga sya. Muntik na matumba yung girl buti nalang at nasalo ni David.

"Oh thanks David" nakangiting sabi nung babae at kinindatan sya. Teka hindi lang basta ibang babae ang nabunggo nya kundi si Hailey lang naman.

"Ay si Hailey aka maharot" rinig kong bulong ni Kathleen. Feeling ko narinig ni Hailey dahil biglang tumaas ang kilay nya. Binitawan na din agad ni David si Hailey ng tignan sya ng nakakamatay netong katabi ko.

"Oh Sam! Pumogi ka lalo ahh lalo na ng aminin mo na di ka gay! You know maraming girls ang magkakagusto sayo" maarte at kinikilig na sabi ni Hailey. Magsasalita na sana si Sam ng kunin ni Katbleen ang apple sa playe ni Sam at ipakain yun sa kaniya. Pagkatapos ay humarap sya kay Hailey.

"Excuse me taken na sya okay? So maghanap ka nalang ng ibang lalandiin" taas kilay na sabi ni Kathleen. Nanlaki bigla ang mata ni Sam. Hay nako Masyado namang nagpapahalata tong babaeng toh sa feelings nya. Eh kung sipain ko kaya toh.

"Haha sorry girl but he's not my type. I like the OTHER ONE more" nakangising sabi nya. Maya maya biglang tinawag na sya ng mga friends nya.

"Oh I'm going na ha? Bye" sabi nya na nakatingin LANG kay David. Katapos nyang sabihin yun kay David, di pa sya nakuntento. Kinindatan nya pa si David and that adds the fuel in the fire. Ngayon umuusok na tong katabi ko. Sandaling natahimik ang pwesto namin. Tahimik kaming kumakain pero kitang kita mo yung gigil ng dalawang babae dito dahil kulang nalang pati kutsara at tinidor ay putulin nila. Tinignan ko si Kathleen at nagtataka ako bakit sya namumula. Kumakain ng hotdog si Kathleen ng magsalita si Sam.

"Uhhhmm a--" di natapos ni Sam ang sasabihin nya ng biglang isubo sakanya ni Kathleen yung hotdog. Nagulat ako sa ginawa nya. At feeling ko nagulat din sila dahil biglang namula ng todo yung mukha ni Kathleen at si Sam naman ay napaiwas ng tingin kay Kathleen at namumula ang tenga. Paanong di mamumula ang mga mukha nila eh yung kinagatan ni Kathleen na hotdog  yun yung pinakain nya kay Sam. Hehe nakaisip tuloy ako ng evil plan.

"Teka ibig sabihin nyan nag indirect kiss kayo?" pang iinis ko. Nakita ko namang sinamaan ako ng tingin ni Kathleen. Si Sam naman napatingin sakin at nag iwas ulit ng tingin. Hehe nakakaenjoy naman asarin tong mga toh.

"Sussss nahiya pa kayo jannn. Eh diba nag kis--OUCH!" sigaw ko ng bigla akong apakan ni Kathleen.

"Oy ang sakit ahh Kathleen. May period ako ngayon alam mo ba yon?!" irita kong sabi sa kanya.

"Alam ko. Ganyan ka kagaga pag dinadatnan ka ng period mo. Gaga ka na talaga pero humahighest level yung kagagahan mo pag nagmemens ka" irita nyang sabi sakin.

"Eh bakit ka muna naiirita?" pang iinis ko sa kanya.

"Alam mo kainis ka" sabi nya sabay bato sakin ng tissue. Natawa nalang ako ng mahina ng biglang dumating si Wane. Nagulat ako ng kasama nya si Chesca.

"Hi" sabi nya saamin at kumaway. Tumabi saakin si Wane at tumabi naman si Chesca kay Wane. Tinignan ko sila ng maigi. Napatingin naman sakin si Wane at binulungan ako.

"Wife anong problema?" tanong nya sakin.

"Mpphh" inis kong sabi at nagpatuloy na sa pagkain. May dala na ring pagkain sila Chesca kaya kumain na rin sila.

"Wane tikman mo toh ang sarap ni--" di nya na natuloy ang sasabihin ng hilain ko papalapit saakin si Wane. Kahit irita ako dito ayoko syang harutin ng iba.

"May food sya at may food ka. Di mo na kailangan ipatikim yan dahil alam nya na ang lasa nyan" sungit kong sabi. Nakita ko namang napangiwi si Chesca at patagong umirap. Hoy babae nakita ko yun. Sampalin kita yan baligtaran eh.

"Ehem ehem" nauubong sabi ni Chesca. Nabulunan ata or nag iinarte. Di ko makita yung difference eh.

"Ayus ka lang?" tanong ni Wane at dali daling kumuha ng tubig para kay Chesca. Napairap ako at nakita ko ding ganun ang ginawa ni Kathleen.

"Thank you" nakangiting sabi ni Chesca halatang nagpapacute. Sa sobrang inis ko, magwawalk out na sana ako ng makabangga ako. Laging may banggaang nagaganap ah.

"Ate, what are you doing here" nagulat ako sa sinabi ni David. Ate? Napatingin ako dun sa nakabangga ko at nakita ko si Gladice-- ay mali ate Gladice pala.

"Ohh Ikaw yung nakabunggo ko noon. Nice meeting you again" nakangiting sabi nya. Di ko alam kung totoo ba yung ngiti nya kasi remember last time? Pangit ang apgkikita namin soooo ewan ko kung peace na ba kami.

"Ohh Sam!" sabi nya at dali daling lumapit kay Sam. Nagulat kami ng halikan nya sa cheeks si Sam pero agad namang umiwas si Sam at pinunasan ang pisngi nya at pasimpleng sumilip kay Kathleen na mayamaya ay sasabog na.

"ATE!" pagbabawal ni David. Nakangiti lang si naman si ate Gladice at tumabi kay Sam. Napaupo nalang ulit ako ng wala sa oras at nawala sa isip kong mag wawalk out pala ako.

"Sino sya?" rinig kong bulong ni Chesca kay Wane. Naiirita talaga ako.

"Ate ni David" bulong ni Wane napa-ohhhh lang sya. Matapos nun ay lumapit sya ng konti kay Wane. Luhhh. Padabog akong tumayo.

"Wane!" matigas kong sabi. Nakatingin silang lahat sakin pero wala akong pake. Kailangan maalis ang kaharutan dito sa table na toh.

"Magpalit tayo ng pwesto" nagulat sila sa sinabi ko pero alam kong sumang ayon ang girls. Nagthumbs up pa nga si Kathleen at si Abi naman ay napangisi lang. Walang nagawa si Wane kundi sumunod lang. Ay dapat lang subukan nya lang sumuway sa mga utos ko. Pagkaupos namin tinignan ko si Chesca na di na maipinta ang muha. Ngumiti nalang ako ng nakakaasar at kita ko namang nabwiset sya. Maya maya naramdaman kong may humawak ng kamay ko. Si Wane pala tapos ay binulungan ako.

"Masyado namang highblood ang wife ko. Buntis ka na ba?" pang aasar nya. Nairita ako ha!

"Buntis ka dyan! May period ako sira!" irita kong sabi. Narinig ko namang napatawa sya. Anong tinatawa tawa neto? Iuntog ko kaya toh sa pader.

"Ok ok wag ka ng mabwiset" bulong nya. Naramdaman ko naman ang kamay nya sa beywang ko. Alam kong nakita ni Chesca yun dahil napatigil sya sa pag kain. Tinignan ko nalang sya at inirapan. Kita ko toh Chesca? Akin toh!

"Ate ano bang ginagawa mo?" tanong ni David. Napatingin tuloy kami sa kanila. Pinupunasan ni ate Gladic yung labi ni Sam na may ketchup. Nakapikit nalang si Kathleen at pilit na di tinitignan ang nangyayari sa tabi nya.

"Ako na" madiing sabi ni Sam. Alam kong naiinis na rin sya.

"Hayyy napakamainitin nyo naman. Ok ok I have to go na may pupuntahan pako. Bye brother! Bye" sabi nya kay Sam at nag kiss ulit sa pisngi nya. Nakatingin pa sya kay Kathleen habang ginagawa yun. Naghahanap ba sya ng away?! Atsaka bakit sila lang ni David ang kinausap ano kami hangin lang?

"Kath--" nagulat kami ng padabog na tumayo si Kathleen at dali daling nag walk out. Hala patay ka Sam wala kang ginawa. Tsk tsk.

"Uhmm guys I have to go" nagmamadali ring sabi ni San at hinabol si Kathleen.

~ • ~

PE namin ngayon at grabe potek lang dahil ang sakit ng puson ko! Kairita nga eh.

"Are you ok?" tanong sakin ni Wane. Tumango tango lang ako.

"Medyo kumirot lang puson ko" sabi ko sa kanya.

"Gusto mo pumunta sa clinic?" tanong nya sakin. Umiling iling lang ako.

"Kaya ko nama---" di ko natuloy ang sasabihin ng mabangga ni Wane si Chesca.

"Ouch!" sigaw ni Chesca. Napaupo si Wane para tignan sya.

"Ayus ka lang?" tanong nya.

"M-masakit yung ankle ko" nahihirapang sabi nya.

"Dalhin sa clinic" sabi ng isa naming kaklase.

"Oo nga. Wane idala mo sa clinic si Chesca" sabi naman ni President. Nagulat ako ng buhatin ni Wane si Chesca ng pangkasal. Nagulat ako ng makitang may ngisi sa labi ni Chesca. You bitch! Ang galing mo talagang umarte!

"Anong nangyare?" tanong ni Kathleen na kakadating lang kasama si Abi.

"Nasprain yung paa ni Chesca at yun binuhat ni Wane papuntang clinic" sabi ko.

"Nasprain agad? Eh nakita kong di naman nabali yung paa ni Chesca eh" sabi ni Abi. Napatingin kami sa kanya.

"Sya mismo ang bumangga kay Wane at di aksidente yun" dugtong nya. Nagliliyab tuloy ako sa galit. 1 hour nalang at magdidismiss na kami kaya hinintay ko nalang yun para makapunta kay Wane.

"Ok guys class dismissed" sabi ni ma'am at dali dali naman kaming nag ayus ng gamit. Palabas nako ng room ng magtext sakin si Wane.

Hubby: Wife hinatid ko lang si Chesca sa bahay nila. Hintayin mo nalang ako jan sabay na tayo umuwi.

Kumulo ang dugo ko. What?! May pa hatid pang nalalaman?? Ano yun baldado na ng tuluyan si Chesca at kailangan pa syang ihatid?

"Oh Geyle gigil na gigil ka jan?" tanong ni Kathleen. Pinakita ko naman sa kanya yung text ni Wane.

"That bitch! Sabi ko na sayo masama ang  kutob ko sa babaeng yan eh! Tignan mo sumusubra na ang kalandiaan nya!" gigil na sabi ni Kathleen.

"Ano hihintayin mo pa ba?" tanong saakin ni Kathleen. Tinignan ko naman yung text at nairita ulit ako kaya umiling iling nalang ako.

"Si Abi asaan?" tanong ko sq kanya.

"Ayun pinuntahan si David. May pupuntahan daw ata sila" pagkasabi ni Kathleen nun ay nakita namin si Abi na nakasimangot na papunta saamin.

"Sabay nalang ako sainyo" tahimik na sabi nya.

"Anyare akala ko sabay kayo ni David?" tanong ni Kathleen.

"Ayun nag eenjoy kakwentuhan si Hailey. Nahiya naman ako bilang GIRLFRIEND NYA na makisingit sa MAGANDA nilang USAPAN" halatang naiinis si Abi pero pinipigilan nya lang.

"Eh ikaw---" pinutol na ni Kathleen ang sasabihin sakanya ni Abi.

"Hindi ako sasabay sa gunggong na yun. Baka mahawaan pako ng Gladice germs" sabi nya na natawa naman kami. Gladice germs? haha grabe naman.

"Eh ilaw Geyle? Asa--" pinutol ul8t ni Kathleen ang sasabihin nya.

"Ayun nag eenjoy atang kasama si Gladice at pati sa pag uwi ay hinatid nya pa. Sinabihan pa itong kaibigan natin na maghintay dito at sabay silang uuwi. Pero dahil nga mabait tayong kaibigan hindi tayo papayag" mahabang sabi ni Kathleen. Wow ang protective parang totoo.

"Sus gusto mo lang may kasama ka sa pagka bitter mo dahil di mo masikmura na mas sweet kami sa kesa sainyo ni Sam" sabi ni Abi na ikinainis ni Kathleen.

"Oh sige magsama kayo ng David mo, ay oo nga pala may kasama pala syang iba ngayon" napangiwi si Abi sa sinabi ni Kathleen. Boom haha sakit non.

"Oh tama na tama na magsitigil na kayo. Sabay sabay na tayong umuwi okay?" sabi ko at nag thumbs up naman ang dalawa. Tinext ko na rin si Wane. Bahala sya jan.

Me: Wag mo na akong sunduin. Uuwi na ko. Magsama kayo ng Chesca mo

👋Please vote and comment!!! 👋

Continue Reading

You'll Also Like

109K 3.2K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
15.9K 401 43
Charlotte Madrigal Simpleng babae na kapag nag mahal ng isang tao siya lang hanggang huli, kahit na kasing lami pa ng yelo ang trato nito sakaniya ga...
261K 11.2K 38
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.
280K 17.4K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...