I'm Arranged with my... ex...

By MissteriousGirl_13

112K 3.2K 235

Cover: @Clesiase [UNDER EDITING] Sabi nila kapag bata kapa at nainlove ka, puppy love lang yun. Pwede pang ma... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
ANNOUNCEMENT!!!!
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
ANNOUNCEMENT!!!!
CHAPTER 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Author's Note
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
PROMOTION

Chapter 32

935 32 5
By MissteriousGirl_13

Geyle's POV

*ring* *ring*

"Hoyy hindi mo ba yan sasagutin?" irita kong tanong kay Abi. Nandito kami ngayon sa cafeteria.

"Naiirita ako sa kanya eh" sabi pa nya. Ilang araw nya na iniiwasan si David.

"Eh bakit ba??" tanong ko ulit. Bumuntong hininga naman sya.

"Eh kasi naiinis parin ako sa ginawa nya nun sa horror booth" inis nyang sabi. Ay oo ng pala natalo nga pala sila nun.

"Oo nga bat natalo kayo noon? Ikaw pa mismo ang gumawa ng challenge tapos kayo pa ang natalo" sabi ko.

Abi's POV

"GRRRRRR" inis kong sabi bago ikwento ang totoong nangyari

Flashback

"A-abi" nanginginig na sabi ng katabi kong toh. Nakakairita na ha. Kahit boyfriend ko toh babatukan ko talaga toh. Bigla ko tuloy naisip na mag challenge para naman ganahan akong maghanap ng exit. Nakakabored kasi tong kasama ko eh. Tinawagan ko silang dalawaat sumagot naman sila

[Race tayo, ang mahuli manlilibre ng lunch tom. Game?] panghahamon ko.

[Madaya eh baka nasa dulo na kayo] rinig kong sabi ni Geyle.

"Di man promise" sabi ko.

[Oo nga para ngang bumalik ako sa simula eh] sabi ni Sasha. Narinig ko ang tawa sa kabilang linya. Biglang may lumabas naman sa tabi ko na isang multo.

"WAHHHH" sigaw ni David. Napairap naman ako.

"Ano ba David ang duwag mo" pambabawal ko kay David.

[SAMMMM] sigaw naman ni Kathleen.

[Sabi ko kasi dito ka lang sa tabi ko] Sam? Anjan sya? Magkasama sila?

[Hoy teka akala ko ba magkahiwalay kayo ng pinuntahan? Bakit biglang magkasama na kayo?] tanong ni Geyle.

[Sinundan nya ako] sabi naman ni Kathleen. Ahhhhhhhh.

"Ok game na. Picturan nyo sarili nyo sa finish line ahh" naeexcite kong sabi at pinatay na ang tawag. Nakangisi na ko at nagsimula ng maglakad ng may lumabas nanamang multo.

"Shocks"

"WAAHHHHHH ABI PROTEKTAHAN MO KOO" naiirita na talaga ako dito sa isang toh ah.

"Hoy David umayos ka nga! Ako dapat ang protektahan mo hindi ikaw ang poprotektah---"

"AHHHHHHH!!!!" naputol ang sinabi ko sa sigaw ni David. Sa inis ko, nag walk out ako.

"Uyyyy" nagulat ako ng bigla nya ako yakapin patalikod. Kumalabog bigla ang puso ko.

"Sorry na. Hali ka na hanapin na natin ang exit" mahinhin na sabi nya pero nararamdaman ko ang nginig nya.

"Don't worry I'll protect you" seryoso nyang sabi. Napangiti nalang ako sa sinabi nya. Hayy salamat naman tumapang tapang na tong lalaking toh.

Nagulat kami ng biglang may lumabas na zombie.

"WAAAAHHHHHHH" sigaw ni David at nagtago sa likod ko. Lumapit pa ang zombie kaya lumakas lalo ang tili netong isang toh. Sasapakin ko na sana tong katabi ko nang bigla syang mahimatay.

"The hell? David? Hoy gumising ka!" irita kong sabi. Pinagsasampal ko na ng mahina pero wala paring epek.

"HOOOOOYYYY" wala parin. Wala na kong choice kundi buhatin sa sa likod ko.

"Nakuu David pag nakalabas na talaga tayo dito sisiguraduhin kong di ka na sisikatan ng araw" irita kong sabi sa kanya. Pagewang gewang akong naglalakad dahil na rin sa bigat netong lalaking toh. Hanggang sa makalabas na kami at iwan sya sa tabi ng exit. Nakita ko naman sa phone na talo kami at nauna na sila Geyle na lalo kong kinagigil.

End of flashback

"WAHAHAHAHAH LAPTRIP" natatawa kong sabi. Kaya pala ang bitter nya nung sabado.

"Ha ha ha ha nakakatawa" sabi ni Abi at inirapan kami na tawang tawa lang.

"Nauuhaw ako" natatawa kong sabi.

"Oo nga pala yung wallet mo Abi oh nakalimutan mo nung sabado" sabi ko sa kanya at binigay ang wallet nya.

"Ay thank you akala ko nahulog ko sa kung saan" sabi naman nya. Naalala ko tuloy nung nangyari nun halos atakihin ako sa puso.

Flashback

Nagising ako sa sikat ng araw at nakayakap kay Wane. Tinignan ko ang oras at 9 am na pala. Yakap yakap ako ni Wane. Nakangiti naman akong yumakap pabalik sa kanya. Tulog pa sya at bumaba na rin ang lagnat nya.

"Geyle? Asan na yun" rinig kong nagsasalita sa labas.

"Di kaya lumabas yung babaeng yun?" rinig ko ulit. Syet nandito pala sila Kathleen at Abi! Ang bobo mo talaga Geyle. Nagmadali akong umalis sa kama, sinigurado kong di magigising si Wane dahil alam nyo na baka mang asar pa yun. Lalabas na sana ako ng

"Tanong kaya natin si Wane" rinig kong sabi ni Abi. Natataranta akong lumapit ka Wane at bumukas ang pinto.

"Oy Geyle anjan ka pala bat di ka sumasagot?" tanong ni Kathleen.

"Ay tumatawag pala kayo di ko napansin hehehe" nanginginig kong sabi. Parang bumabaligtad ata mga organs ko sa katawan.

"Bakit ka nga pala nandito? Dito ka ba natulog?" tanong ni Abi. Nanlaki ang mga mata ko.

"Hoy hinde ahh! Ikaw talaga ano anong iniisip mo. Nandito ako kasi..." shet nong sasabihin ko??

"Kasi?" tanong nilang dalawa.

"chinecheck nya yung temperature ko" nagulat ako nang magsalita si Wane. Nakangiti sya sakin.

"Sabi ko naman kasi sayo magaling nako ang kulit mo pa" malambing nyang sabi. Tapos hinawakan nya pa yung kamay ko at nilagay sa leeg nya.

"Oh diba" di na nga mainit pero ako nag iinit na dito sa sobrang ewan ko kung hiya o kilig.

"Ew ang cocorni nyo" sabi ni Kathleen.

"Oo nga alis na nga tayo dito" sabi naman ni Abi. Bat kaya ang bibitter ng mga yun?

End of flashback

Buti nalang talaga at nakalusot kami nun. Kung hindi, hanggang ngayon eh iniinis parin ako ng mga babaitang toh.

"Abi~" rinig naming sabi sa likod namin. Pagkalingon ko nakita ko si David na naka pout. Tinignan ko naman si Abi na di parin lumilingon kay David.

"Girls unan nako ah" sabi ni Abi at nagmamadaling umalis sa cafeteria.

"Nakuuuu di na kasi patawarin ni Abi eh kasalanan ba ni David na matatakutin sya hahahaha" natatawang sabi ni Kathleen.

"Kathleen" nagulat kami ng sumulpot sa tabi namin si Sam at umupo sa tabi ni Kathleen.

"Oh bat nandito ka?" taray na tanong ni Kathleen kay Sam.

"Nagsalita ang di pa nagpapatawad" natatawa kong bulong.

"May sinasabi ka Geyle?" taray nyang tanong sakin.

"Wala wala" painosente kong sabi.

"Hi Sam! Tagal na nating di naglalakwatsa ahhh" sabi ko kay Sam.

"Oo nga eh naging busy din kasi" sabi naman nya. Lalaking lalaki na ang boses nya. Shockss di ako sanayyy

"Oo may ibang pinagkakaabalahan" bulong ni Kathleen pero rinig naman.

"Ano?" tanong sa kanya ni Sam. Ano ba yan magkatabi na sila nyan di nya pa narinig.

"Wala" sabi ni Kathleen sabay irap.

"Ang sabi nya--"

"Sige subukan mo Geyle may alam ako sa nangyari nung friday ng gabi. Baka gusto mong---" di ko na pinatapos si Kathleen sa pagsasalita.

"Sabi ko aalis nako. Ano ka ba ayaw ko namang masira ang moment nyo" nang iinis kong sabi.

"HOY---" di nya na natapos ang sasabihin nya ng tumakbo nako palabas ng cafeteria. Shocks alam nya ba na natulog ako sa kwarto ni Wane? Ano ba yannnn.

"Wife" nagulat ako ng may bumulong sakin mula sa likod. Nilingon ko at sino pa ba? Edi ang nag iisang asawa ko--- pero syempre charot palang next 4 months pa kami ikakasal hehehe. Birthday ko muna bago kasal. Ay oo nga pala birthday ko na nyan. Sabi pala ni Mommy maghanap na kami ni Wane ng cake. Mapili kasi ako cake eh kaya naisipan nila mommy na ako nalang ang magpagawa.

"Wane pareserve na tayo ng cake mamaya" sabi ko sak kanya.

"Ok" yan lang ang sinagot nya.

"Wane!" bawal ko sa kanya bigla kasi nya kong niyakap patalikod.

"Mhhh?" tanong nya.

"Ang harot mo! Wag ka ngang maharot ang daming students ohh" pambabawal ko sa kanya.

"Ahh ganon?" sabi nya at hinila ako sa kung saan. Joke di sa kung saan. Hinila nya ko sa dulo ng field. Umupo kami sa damuhan at pinanood ang mga nagpapractice na mga soccer players.

"Ayan wala ng masyadong tao" sabi nya. Magsasalita sana ako ng bigla syang humiga sa lap ko.

"Huy anong ginagawa mo?" gulat kong tanong sa kanya.

"Let me sleep a bit" sabi nya at pumikit.

"May lagnat ka pa rin ba?" tanong ko sa kanya. Umiling naman sya at hinawakan ang kamay ko. Habang nakapikit sya, pinapanood ko lang ang mga naglalaro. Nang mapagod akong manood, tumingin naman ako sa kanya. Hinawak hawakan ko ang pilik mata nya na mahahaba. Mahaba pa yata yung mga pilik mata nya kesa sa akin. Sana all nalang eh. Tinignan ko yung oras, malapit na palang magtime. Sinuklay ko ang buhok ni ni Wane hanggang sa magising sya.

"Wane, halika na baka malate pa tayo" sabi ko sa kanya. Nngumiti nalang sya at tumayo na. Pagkatayo nya, inalalayan nya akong tumayo at nagulat ako ng halikan nya ang kamay ko.

"Ang harot mo talaga" kunwaring naiirita kong sabi. Nauna na akong naglakat at nagngingiti na parang tanga dito.

~ • ~

"Geyle halika na" sabi sakin ni Abi. Dismissal na kasi.

"Uhhmm sorry girls di ako makakasabay sainyo. Papareserve kasi ako ng cake para sa birthday ko" sabi ko sa kanila.

"Ayy oo nga pala malapit na ng birthday mo 2 weeks nalang" sabi naman ni Kathleen.

"Oo at siguraduhin nyong may mga regalo kayo ah kundi di kayo invited" biro ko sa kanila.

"Wag kang mag alala lalagyan ko pa ng ribbon yung unggoy na bibilhin ko" nakangising sabi ni Kathleen na ikinanguso ko.

"Bahala na nga kayo jan mph" irap ko at lumayo na sa kanila. Tawa naman ng tawa yung dalawang baliw. Nilapitan ko si Wane na ngayon ay nagliligpit ng mga gamit nya.

"Let's go?" tanong nya. Tumango naman ako at sabay na kaming lumabas.

~ • ~

"Ok po ma'am tatawagan ka nalang po namin pag ready na po yung cake" sabi ni ate pagkataposk kong iexplain yung cake na gusto ko.

"Ahh sige po thank you" sabi ko at aalis na sana kami ng may biglang sumulpot sa harap namin.

"Oh my gosh Wane!" sabi ni Chesca sabay lapit kay Wane. Wow close sila ganon?

"Ate sya yung nagligtas sakin sa mga kidnappers" sabi nya dun kay ate. So magkapatid pala sila.

"Hala ikaw ba yun? Thank you sa pagligtas sa kapatid ko ah" nakangiti nyang sabi. Ngumiti nalanv din si Wane.

"At dahil jan bibigyan ko kayo na discount sa cake" dugtong nya.

"Ay--" di ko natapos ang sasabihin ko nang biglang sumingit si Chesca.

"Cake? Sinong may birthday? Ikaw ba Wane?" tanong nya at pumagitna saamin. Nagulat ako ng bigla nyang higpitan ang hawak kay Wane. Sampalin ko kaya tong babaeng toh para magising sa katotohanang taken na yang lalaking nilalandi nya. After lang ng kidnapan na naganap bigla syang naging ganyan. Akala ko pamo mahinhin at balak ko pa sana syang maging kaibigan pero NO THANKS NALANG!

"Uhm actually..." sabi ni Wane at mabagal na tinanggal ang hawak sa kanya ni Chesca. Tapos ay lumapit sya sakin.

"It's for her birthday" sabi nya kay Chesca sabay hawak sa beywang ko. Tunignan ko naman si Chesca na pilit na ngumiti na kunwari masaya sya. Tsk plastik! Nginisian ko naman sya na nagpadilim ng mukha nya. Akala mo maaagaw mo si Wane saakin ahh pwes nagkakamali ka.

"Ohhh advance happy birthday" pambabasag ng Atmosphere ng ate ni Chesca.

"Thank you po" nakangiti kong sabi. Buti pa tong kapatid nya di plastic.

"Actually you can come po with your sister to her birthday" nakangiti si Wane ng sinasabi nya yun. Pilit ko naman syang kinurot sa tagiliran. Okay lang sana kung ate nya lang iinvite eh pero bakit kasama pa yang Chescan na yan! Di ko alam nababadtrip ako bigla. Nireregla na ata ako.

"Really?? Haha okay titignan ko kung makakapunta kami" sabi naman nung Ate ni Chesca.

"By the way you can call me ate Cass" sabi namn nya. Ang ganda naman ng name nya.

"Sige po ate Cass mauna na po kami" paalam ko.

"Oh okay ingat kayo" sabi naman ni ate Cass. Tinignan ko si Chesca na may ngisi. Tanggalan ko kaya toh ng bunganga bwiset sya.

Nasa sasakyan kami, walang nagsalita saamin. Tinitignan tignan ako ni Wane pero di ko sya pinapansin. Tsk bahala sya jan.

"Wife we're home" sabi nya. Nasa bahay na pala kami. Nauna akong bumaba sa taxi at pumasok sa loob.

"Wife may problema ba?" tanong nya ng makapasok kami.

"Wala. You can come with your sister pala ah" mphhh. sabi ko at sinaraduhan sya ng pinto

"Eh ano bang problema eh di naman ako nag entertain" tanong nya ulit.

"WALA" sigaw ko. Nagsimula syang kumatok ng pinto. Di ko parin binubuksan.

"Teka nagseselos ka ba?" tanong nya. Biglang nanlaki ang mata ko.

"HINDI AHH MAGSAMA KAYO NI CHESCA PWE!" sigaw ko at humiga na sa kama.

Di ko sa pinansin ng buong araw kahit kinukulit at nilalambing nya ko at alam ko na ang dahilan. It's because of my period.

Continue Reading

You'll Also Like

625K 20.5K 71
Tyler Alexis, isang lalaki na kilala bilang babaero. Siya ay leader ng Red gang at may-ari ng University. Pero hindi nito inaasahan na yung karisma n...
1.9M 95.4K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
384K 25.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
114K 5.3K 41
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...