The Guy Next Door (Completed)

By TabinMabin

2.4K 212 11

Competitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush... More

The Guy Nextdoor
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
Epilogue

34

19 3 0
By TabinMabin

Patricia

"Hoy." Napalingon ako sa kumalabit sa akin. Nagsalubong kaagad ang mga kilay ko dahil hindi ko inaasahan na itong tao ang unang lalapit sa akin.

"Anong kailangan mo, Keera?"

Humalukipkip siya't pumunta sa tabi ko saka naglakad kaya napabuntong-hininga ako't nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bulletin board. Duon kasi makikita iyong list ng students na nakakuha ng mataas na marka per department. Hindi pa namin tinitignan sa website iyong scores namin dahil gusto namin malaman kung kasama ba kami sa top students at duon alamin kung ano ang score namin bago namin tignan sa website.

"Anong plano mo kay Jun? Don't tell me, hindi mo pa rin siya sasagutin? Aba, mag-se-second year na kayo rito at matagal na siyang may gusto sa iyo, hindi mo pa rin sinasagot."

"Bakit ba parang atat na atat ka sagutin ko siya? May gusto ka sa kaniya, hindi ba?"

"Anong gusto mo? Baragin ang ego ko para lang sa lalake?" Ngumisi siya't umiling habang nakatingin pa rin ng diretso. "Hindi ako naghahabol. Isa pa, crush ko lang naman ang Chinese na iyon."

"Bakit mo ba kasi tinatanong?"

"Para alam ko kung manggugulo ulit ako. So ano? Sasagutin mo ba siya o ano?"

"Sasagutin." Mas binilisan ko ang lakad ko para iwanan siya pero hindi siya nagpatalo. Binilisan niya rin ang paglalakad para masabayan ako. "Ano bang ginagawa mo? Last time I checked, ayaw natin sa isa't-isa."

"Gusto ko malaman kung kailan."

"Pati ba naman iyon?"

"Of course. So kailan?"

"Mamaya."

Hindi na siya nagsalita kaya inilabas ko na lang ang cell phone ko para mag-scroll sa newsfeed ng Facebook ko. Ang awkward kasi na hindi kami nagsasalita pero katabi ko siya habang naglalakad. Napahinto ako sa pag-s-scroll nang may makita akong post. It's a screenshot of a message.

I could get used to have mornings like this.

Iyan ang caption tapos sa ilalim niya, naka-screenshot ang message ko na Good morning. Good luck sa results tapos sa tabi ng picture ay may meme na Kermit the frog na naka-spread ang mga kamay at puno ng puso sa paligid.

Ang hilig talaga ni Lie Jun sa memes. Kung may major nga na memes, hindi na ako magtataka kung iyong ang kuhanin niyang degree. Lahat na lang kasi ng posts at shares niya sa Facebook, puro memes.

Pagkarating namin sa bulletin board, nadatnan namin ang tatlong itlog na nakikipagsiksikan rin sa kumpol ng mga estudyante para makita ang bulletin board. Napangiti ako't tumakbo palapit sa kanila. Sumunod naman si Keera at nakisiksik rin.

"Hi," bati ko kay Kuya Gavin dahil siya ang nasa tabi ko. Iyong dalawa, busy pa rin sa pagsipat sa bulletin board.

"Pat-Pat, nakita mo na pangalan natin sa board?" Napangiwi siya nang masagi siya ng ilan sa mga estudyante na nagsisiksikan rin.

"Not yet." Hinila ko siya dahil hindi kami makapasok kahit anong siksik ang gawin namin. Isa pa, naghahalo ang amoy ng mga estudyante at pawis ng mga ito. "Hintayin natin mabawasan iyong mga natingin."

Umalis kami sa kumpol at hinila paalis sina Keera. Parang sumabak sa gera ang itsura ng mga ito kaya natawa ako ng bahagya. Sinabi namin ni Kuya Gavin na mamaya na tumingin kaya tumambay muna kami sa likuran ng kumpulan.

Halos kalahating oras na nang mangalahati ang bilang ng mga estudyante kaya duon na kami tumayo't hinanap ang pangalan namin sa board. Ilang minuto ko rin hinanap ang sa akin dahil top 50 per department ang narito. Si Keera pa nga ang nakakita ng pangalan ko kaya hinila ako nito para lang ipakita.

I'm on the 7th place sa buong fashion department.

Nagtatalon ako sa tuwa dahil sa naging resulta ng paghihirap ko. Nilapitan ko si Axel at Lie Jun na napaupo habang nakatingin sa bulletin board at nakaramdam ako ng pag-aalala dahil baka wala ang pangalan nila rito.

"Ayos lang kayo?"

Hindi sila sumagot at nanatiling nakatingin sa board. Magkatabi ang listahan ng engineering at tech department kaya inuna kong tignan ang resulta ng department ni Lie Jun. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang pangalan niya na nasa 4th place. Sunod ay sa engineering para tignan ang kay Axel. Medyo nakaramdam ako ng kaba kasi hindi ko makita ang pangalan nito pero nakahinga ulit ako ng maluwag nang makita ko ang pangalan nito sa 49th place.

"Anong nangyari sa kanila?" tanong ni Kuya Gavin at Keera na kalalapit lang sa akin bago tinignan ulit ang dalawa.

"I don't know. Pasok naman sila."

Lumapit si Keera sa bulletin board para tumingin at ilang saglit lang nang ngumiti ito't tinignan kami. "We should celebrate! Pasok tayong lahat!"

Nauwi sa small celebration ang pagpasok naming lahat sa top 50 ng bawat department at sinagot lahat ni Keera ang gastos. Ang sabi niya, gusto niya raw magsimula ulit sa amin dahil na-realize niya na mali raw talaga ang ginawa niyang approach, to the point na hindi na naging kumportable para sa amin kapag lumalapit siya.

Natuwa naman ako nang sabihin niya iyon pero concerned pa rin dahil alam kong may gusto siya kay Lie Jun at kung makikipagkaibigan siya sa amin, mas magiging sampal sa kaniya na ako ang gusto nito at hindi siya. And so I asked her when she excused herself to go to the restroom. Sanundan ko siya't kinausap tungkol sa iniisip ko.

Umamin siya na crush niya pa rin ito pero mawawala rin naman ito kapag araw-araw niyang nakikita na ako nga ang gusto nito.

When we talked, I saw how genuine she was. Walang pretense. Siguro nga, kung hindi lang siya nagkagusto kay Lie Jun, kaibigan na namin siya dati pa. And after that girl talk, I decided to let her be my friend. Ang sabi niya, gagawin niya raw lahat para maging close sa amin.

"Okay lang ba kayo?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa table namin.

Nasa restaurant kami, kumakain dahil lahat kami ay hindi pa nag-la-lunch. After kasi namin tignan ang mga resulta namin, since puwede kami lumabas dahil wala naman lectures, napagpasyahan naming mag-lunch out na lang.

Naupo ako sa tabi ni Lie Jun saka ko siya nginitian. Nakatingin siya ng may pag-aalala sa akin kaya hindi ko maiwasang magtaka. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin at bumulong.

"Okay ka lang? Hindi ka ba niya inaway sa cr?"

Umayos ulit siya ng upo saka ako umiling habang nakangiti. "Hindi naman. Nag-usap lang kami ng kaonti. She's nice."

"Order pa kayo kung gusto niyo." Napatingin kaming lahat kay Keera nang magsalita ito. "Huwag kayo mahiya."

"Alam mo, kung ganito ka sana noong una nating pagkakakilala, baka naging mabait kaagad ako sa iyo." biro ni Axel saka kumuha ng yangchow at inilagay ito sa plato nito. "Mabait ka naman pala. Bakit kasi nagmaldita ka pa?"

"Sa ugaling mayroon ka, talagang lahat ng lalapit sa iyo, magiging maldita." singhal ni Keera bago hinawakan ang kutsara't tinidor sa plato nito. "50/50 tayo sa bayarin, ha?"

"Ikaw nagyaya kaya huwag mo akong idamay sa bayarin na iyan."

"Hoy, Axel, mahiya ka nga. Para kang hindi pinakain ng tatlong taon." suway ni Kuya Gavin bago kumuha ng chicken.

Nang matapos kami kumain, nagpaalam na si Keera dahil kailangan na raw nito umuwi. Hinatid muna natin ito sa entrance. Gusto na sana umuwi ni Lie Jun dahil may no star drop sa AOV pero hinawakan ko siya sa braso. Tinapunan ko ng tingin sila Kuya Gavin at Axel at laking pasasalamat ko naman na na-gets nila ito kaya nagpaalam na rin sila.

"Sayang iyong event." nakangusong sinabi ni Lie Jun.

Nagpapaawa pa siya. Mas mahalaga naman ang gagawin ko kaysa sa rank namin sa laro.

"Libot pa tayo. Maaga pa naman."

"Pero iyong event..."

Pumamewang ako saka ko siya tinignan sa mata. "Tell me honestly. Iyong event ba talaga habol mo umiiwas ka lang sa gastos?"

Bumuntong-hininga siya saka ipinasok ang magkabilang kamay sa suot na pantalon. "Both..." nakatungong sagot niya. "Nahihiya na nga ako sa iyo, actually. Ang lakas ng loob ko mangligaw pero tinitipid kita. I want to give you a lot of stuff but I can't. Well, it's not that I can't. Kaya ko kasi ibigay sa iyo. Sadyang nililimitahan ko lang iyong paggastos ko."

Hinila ko siya sa gilid dahil medyo maraming tao ang naglalabas-pasok at nakakahiya naman kung dito pa kami sa gitna ng exit mag-uusap. Hinawakan ko siya sa magkabilang pulso matapos ko ayusin sa pagkakasabit sa balikat ang bag ko saka ko inilabas ang mga kamay niya mula sa bulsa niya.

"Mas okay na sa akin iyong sincerity kaysa material things. Madali kasi magbigay pero iyong sincerity, mahirap makuha kaya huwag ka masiyado mag-isip tungkol sa mga ganiyang bagay. Kung nahihiya ka pa rin, just think of my treats as a loan. Ilibre mo rin ako next time."

"I want to kiss you so bad right now." mahinang sinabi niya na siyang nagpangiti sa akin. "Sige. Gala lang tayo. Kahit huwag mo na ako ilibre. Sasamahan na lang kita gumala."

"That won't do. Kailangan natin i-celebrate iyong pagpasok natin sa top 50." Bumitaw ako sa kaniya't pumunta sa gilid niya bago ko hinawakan ang kamay niya.

"W-What are you doing?" Ramdam ko ang kaba niya dahil sa mahinang pagpisil niya sa kamay ko na naka-intertwine sa kamay niya.

"Huwag mo na lang ako pansinin. Halika na."

Hinila ko siya papunta sa milk tea shop dahil napag-alaman ko kay Kuya Gavin na favorite niya iyong cheesecake and pearl milk tea ng Macao Imperial. I ordered two major-sized of the said flavor bago siya hinila sa mobile game merchandise store. Halata sa kaniya ang tuwa kaya pasimple akong bumili ng keychain ni Violet dahil naalala kong favorite niya ito. Kinailangan ko pa nga siya palabasin para maging look out dahil sa ginawa kong pagsisinungaling. Sinabi ko kasi na nag-message sa akin si Kuya Kendrick at sinabi nitong nasa mall rin at kapag nalamang narito ako ay isusumbong ako.

Aside sa Violet keychain, bumili rin ako ng Ata dahil favorite ko ito. Nagtanong na rin ako kung nagawa sila ng personalized phone case at nang um-oo ang staff, nagpagawa ako ng para sa amin. Pinapili ako ng staff na nasa counter sa Google images ng picture na ilalagay sa case at dahil sikreto nga ito tapos wala sa akin ang cell phone ni Lie Jun, sinabi ko na lang ang model. Pina-rush ko kaya in one hour daw, tapos na ito. Binayaran ko muna ito saka ako lumabas para puntahan ang kasama ko.

"Are you done?"

"Yeah. Wala naman akong mabili. Ang mamahal."

"Gusto mo ba talaga?" Tumango ako sa tanong niya. "Wait here."

"T-Teka." Hinawakan ko siya sa kamay dahil sa paghakbang niya papunta sa store. "Anong gagawin mo?"

"Favorite mo si Ata, hindi ba?"

"That's not what I'm asking. Bakit ka pupunta diyan? Don't tell me, ibibili mo talaga ako?"

"Gustong-gusto mo kasi so—"

"Hindi na. That's okay."

"Sigurado ka?"

Muli akong tumango saka ko siya hinila paalis sa harap ng store. Nag-window shopping lang kami at nagpalipas ng oras. Halos kalahating oras rin ang ginugol namin sa kakalakad kaya napagpasyahan kong umupo muna dahil nangangalay na ako. Nang makaupo sa mga benches na nasa gitna ng mall, nagpaalam siyang magbabanyo saglit dahil ihing-ihi na raw siya kaya naghintay ako nang makaalis na siya. Saglit lang rin nang bumalik siya kaya tumambay kami sa bench na inupuan ko.

"Congratulations pala, ha?" bati ko habang nakangiti. "4th place. Masyado mong ginagalingan. Ano kaya iniisip ng mga taong inisip noon na masama ka, ano?"

"Well, what are you thinking?"

"Ha?"

"Masama ako sa paningin mo dati, hindi ba?" nakangising sinabi niya kaya pabiro ko siyang siniko't inirapan. "Totoo naman kaya."

"Fine. Iniisip ko kung bakit nangbibwisit ka pa rin kahit nangliligaw ka."

"Because it's fun. Isa pa, nakukuha ko atensyon mo kapag kinukulit kita."

"Ang sama talaga ng ugali mo."

Tinawanan niya ako ng mahina saka niya binuksan ang bulsa ng bag niya. May hinugot siya rito at napatingin ako sa kaniya nang inilabas niya rito ang maliit na paper bag ng mobile game merchandise store. "For you."

"Ha?" Kahit na nagtataka, tinanggap ko ang ibinigay niya't binuksan ito. "Seryoso?"

It's Ata's keychain.

"Sabi mo kasi gusto mo ng merch. Iyan lang binili ko kasi ang mahal ng plushie nila."

"Aww..." Inilapit ko sarili ko sa kaniya saka ko siya tinaniman ng halik sa pisngi kaya nanglaki ang mga mata niya't napatingin sa akin. "Thank you."

Kung alam niya lang, bumili rin ako nito. Pero itatapon ko na lang iyong nabili ko kasi mas gusto ko itong ibinigay niya.

Nag-usap lang kami ng kung ano-ano bago ako nagpaalam na magbabanyo pero imbis na sa banyo ako dumiretso, binalikan ko iyong merchandise shop para kuhanin ang mga case na pinagawa ko. Ipinalagay ko ito sa paper bag kasama iyong mga keychains na binili ko saka ako bumalik kay Lie Jun. Hinila ko siya papunta sa national bookstore dahil bibili ako ng gift box.

Tinanong niya ako kung may pagbibigyan ba ako ng regalo kaya um-oo na lang ako para hindi siya makahalata. Nag-sine rin kami't nanuod ng comedy movie bago kami bumalik sa waffle shop. Nabanggit ko kasi sa kaniya na nag-c-crave ako sa waffle kaya kahit ito man lang raw, mailibre niya ako.

Fuck our diet today.

Medyo kinakabahan ako sa plano kahit pa walang customer na nakaupo sa mga lamesa ng shop. Inilabas ko sa paper bag ang maliit na gift box na binili ko saka ko ito ipinatong sa lamesa. Nang tumayo siya para um-order, dali-dali kong inilagay iyong Violet keychain, phone case at nagsulat sa papel ng gusto ko sabihin sa kaniya. Pagbalik niya, itinulak ko papunta sa harap niya iyong box kaya tinignan niya ako ng may pagtataka.

"For you."

"Eh? Ito iyong binili mo kanina, hindi ba?" Binuhat niya ito at inialog kaya mas lalo siyang nagtaka. "Akala ko ba may pagbibigyan ka nito?"

"Yeah. Ikaw." Ngumiti ako't ipinatong ang magkabilang braso ko sa lamesa't sumalong baba. "Buksan mo. Dali."

Inilapag niya ito sa lamesa at inialis iyong top na nakatakip sa box. Nanglaki ang mga mata niya saka ako binalingan ng tingin. "No way."

"Yes way."

Unti-unting umukit ang ngiti sa mukha niya nang kuhanin niya sa loob nito ang keychain. Iniangat niya ito bago sunod na kinuha iyong phone case. "Sa akin talaga ito?"

"Yep. There's one more. Nasa bottom ng box."

Ipinatong niya iyong keychain at phone case sa takip ng box bago kinuha ang nakatuping papel saka ito binasa. "Will you be my boyfriend?" mahinang pagkakabasa niya. Napaawang ng bahagya ang bibig niya't tinitigan ito ng ilang segundo bago ako tinignan sa mata. "Ser... seryoso ito?"

"Will you?"

Hindi niya ako sinagot at nanatiling nakatitig sa akin. Medyo na-bother pa nga ako dahil akala ko hihindi siya pero nang mamasa ang mga mata niya't tumayo, nakahinga ako ng maluwag. Pumunta siya sa gilid ko at hinawakan ako sa magkabilang pulso. Hinila niya ako patayo saka ako niyakap ng mahigpit at ang mukha niya't ibinaon sa leeg ko.

Medyo nakakailang kasi iyong ibang tao na nakakita sa amin ay napatigil sa kani-kanilang ginagawa. Pati nga iyong gumagawa ng waffles namin, tumigil sa pagluluto at nanglaki ang mga mata habang nakatingin sa amin.

"Seryoso?" Iwinaksi ko ang pagkailang at unti-unting ibinalik ang yakap niya habang nakangiti. "Talagang-talaga?"

"Will you, Bao bei?"

Marahan siyang tumango at nakakatawa, suminghot pa siya. Is he seriously crying? "I will."

Continue Reading

You'll Also Like

881K 40K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
5.8K 204 36
Isang ordinaryong citizen at isang idol, sa isang REALITY SHOW? Would a FAKE LOVE STORY has a chance to be a REAL ONE? 2nd part of my own version of...
2.3M 58.8K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...