Hiram Na Pag-ibig (Formosa Se...

By PollyNomial

161K 3.2K 252

Naranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang p... More

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Wakas
Formosa Series Update!

Kabanata 36

1.8K 45 2
By PollyNomial

Merry Christmas! :D

--

KABANATA 36 — Off Limits

Sa bahay ay pinag-aralan ko ang laman ng folder na binigay sa akin ni Ella noon. Lahat ng pose ng mga models ay tinitingnan ko kung paano ginagawa. Nanood na rin ako ng ilang mga videos ng mga ginagawang photoshoots sa internet. Gusto kong pagbutihan ito dahil tiwalang tiwala sila Ella sa binigay nilang trabaho para sa akin. This is not just about how I look. Hindi porket sinabi nilang maganda ako at bagay sa akin ang pagmomodelo ay sapat na iyon. Kailangan ko iyong mapatunayan sa kanila. Kaya gagawin ko ang lahat.

Isa pa ay ayaw kong ma-disappoint si Terrence. Pumayag siya at kung hindi maganda ang magiging resulta nito ay baka umayaw na iyon sa susunod. Gusto kong malaman niya na kaya ko rin ito at sisimulan ko nang mahalin ang trabahong ito. Though I still have to improve my confidence. Sobra sobra pang kumpyansa ang kailangan ko rito dahil siguradong maraming taong manunuod sa akin.

“'Tay, aalis po ako sa Linggo.” Paalam ko kay tatay. Nasa labas kaming dalawa at nakatambay roon. Katatapos lang naming magtanghalian at dahil sa init ay naisipan naming lumabas ng bahay.

Bumaling siya sa akin. “Saan ang punta mo?” tanong niya.

Ngumiti ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa ako sanay. “May photoshoot po kami sa Palawan. May ia-advertise na bagong collection ang isang designer at ipapakita iyon sa magazine.” Balita ko sa kanya nang mga narinig ko kayla Ella nang masabi kong pumayag na si Terrence dito.

Si tatay na akala ko ay napapangiwi sa mangyayari ay lumiwanag ang mga mata. “Gusto mo ba talaga ang trabahong ito, Therese?” Tanong niya sa akin. Alam niyang hanggang ngayon ay hindi pa ako sanay pero sinusubukan ko.

“'Tay, gugustuhin ko po kung kinakailangan. Alam ko namang masasanay rin ako kahit na baguhan lang ako rito. Pero kailangan ko 'tong isang 'to para magkaroon na ako ng experience. Para sa’yo naman 'to, 'tay.” Sabi ko at inabot ko ang kamay niya.

Ngumiti lang siya sa akin at kitang kita ko sa mga mata niya ang pasasalamat. Alam ko, 'tay. Hindi mo na kailangan humiling dahil ako na mismo ang kikilos, ang magtatrabaho at tutulong sa’yo. Kahit ano, para sa ikabubuti ni tatay ay gagawin ko. He’s all I’ve got. Well, I also have my relatives and of course, Terrence. Pero iba pa rin si tatay sa kanilang lahat.

Kaya pinagbuti ko talaga ang training na binigay ni Carmela. Sa isang araw na pinaglaanan niya ng pagtuturo sa akin ay natutuhan ko ang tamang pagtayo ng isang model, ang pagkilos at kung anu ano pa. Sa tingin ko naman ay hindi na ito masyadong importante pero pilit niya pa ring pinapaalala sa akin. Para na nga akong nagte-training bilang isang beauty queen pero hinayaan ko na lang. Si Ella naman din kasi ang nag-utos. Siguro ay ganoon ka dedicated ang mga models ng Fortune Fashions. They are the best in the fashion industry so they also need to have the best models in town. At dahil hindi naman ako ganap na modelo, dapat akong matuto bilang isa.

“Kung ako sa’yo, mag-pack ka na ng things mo ngayon pa lang.” Ani Carmela nang tawagan niya ako.

Bukas na ang alis namin para sa mangyayaring photoshoot. Linggo bukas at ngayong Sabado ay tinawagan niya ako para paalalahanan. Nagtaka lang ako kung bakit siya ang kumakausap sa akin ngayon at hindi si Ella.

“Dahil siguradong gahol ka sa oras bukas.” Dagdag niya. “And may I remind you, you need to be here before 1PM. 1:30 ang alis ng service bus papuntang airport. Kung male-late ka, dumiretso ka na lang sa airport. 3PM ang flight.” Paliwanag niya. Kada maririnig ang kanyang sasabihin ay tumatango ako.

“And!” tumaas ang boses niya na parang may isang mahalagang bagay pa siyang nakalimutan. “Bring the clothes I gave you. Sagot 'yan ng FF at sa’yo na 'yan. Lahat naman ng models binibigyan ng FF ng mga designer clothes na sa FF mismo ginawa. 'Wag kang mag-iinarte at sasabihing nahihiya ka. 'Yan ang mga susuotin mo pagdating natin doon.”

Kilala na niya ako sa kaunting panahong pagkakakilala namin. Alam niyang mahiyain ako at hindi pa sanay. Marami na akong tinanggihang alok ng mga taga FF lalo na kung hindi tungkol sa trabaho. Ngayon ay heto siya at pinapaalalahanan ako.

Ang mga damit na tinutukoy niya ay iyong binigay niya sa akin kahapon. Ang sabi niya ay talagang may mga ganoong binibigay ang Fortune Fashions sa kanilang mga model na baguhan pa lang. Parang regalo na raw iyon ng kompanya. Hindi ko na lang pinansin ang dami ng mga binigay sa akin dahil wala naman din akong marereklamo at wala nang choice kundi tanggapin iyon.

May ilan pa siyang paalala at nang ibaba niya ang tawag ay sinimulan ko na ang pag-eempake. Nagdala lang ako ng ilang sarili kong damit tulad ng pantulog at pambahay. Ang mga pang-alis ay 'yong mga galing na lahat sa FF.

Agad akong humiga sa kama dahil sa pagod. “Hay!” Hinga ko ng malakas hindi lang dahil pagod kundi dahil ninenerbyos na ako para bukas. Lunes pa naman ang simula ng photoshoot at tatagal daw iyon ng tatlong araw. Bale apat na araw kami sa Palawan.

“Therese!” Napatalon ako patayo sa kama nang biglaang bumukas ang pinto ng aking kwarto.

“Iris.” Tumayo ako at pinagpag ang suot kong damit na nagusot sa paghiga ko.

“Aalis ka? Palawan daw sabi ni tito?” tanong niya at napatingin sa mga gamit kong nakalagay sa gilid ng kama.

Tumango ako sa kanya. “Yup. May photoshoot—” Hindi niya ako pinatapos.

“Wow! Galing galing ng model natin!” Aniya at hinampas ako sa braso.

Tumawa kaming dalawa dahil sa kinilos niya. “Sobrang kinakabahan na nga ako eh.”

“Hay, normal lang 'yan. Sino ba namang hindi kakabahan? Eh bago ka pa lang naman kaya natural lang sa’yo 'yan.”

Humalakhak kaming dalawa dahil sa kung anuanong tinuro niyang pose sa akin na dapat ko raw gawin sa photoshoot. Ang baliw lang niya dahil hindi naman kaaya aya 'yong mga pinakita niya at mga mukhang pang men’s magazine pa ata.

Gabi na nang iwan ako ni Iris para umuwi sa kanila at maghapunan. Ako naman ay bumaba na rin at sinabayan si tatay sa pagkain.

“Anong oras ang alis mo bukas, anak?” tanong niya.

Ngumuya muna ako at nilunok ang sinubo bago sumagot. “Siguro 10 para hindi po ako ma-late, 'tay.” Sabi ko dahil nasa kabilang syudad pa ang FF at baka ma-traffic.

Maaga akong natulog at tama nga si Carmela na ngayon pa lang ay mag-empake na dahil kinabukasan nang magising ako ay kulang na kulang na ako sa oras. Naligo agad ako at kumain ng almusal. Inayos ko ang sarili ko. May isang oras pa ako bago umalis ng bahay at tumakbo ako paakyat para makuha na ang mga gamit ko.

Pagpasok ko pa lang ng kwarto ay ang tumutunog kong cellphone ang aking narinig.

Napangiti agad ako sa tumatawag. “Hello, Terrence.” Ngumuso ako dahil nahimigan ko ang ngiti sa boses ko.

“Hi, Love.” Aniya at napaupo na lang ako sa kama dahil sa kawalan ng lakas dahil sa kanyang boses. “Anong oras ang alis mo sa bahay?” Tanong niyang para hindi manlang naapektuhan sa sariling sinabi samantalang ako ay napapahugot pa ng malalim na paghinga.

“10.” Tipid kong sagot. May kakaibang pitik sa dibdib ko nang marinig pa lang ang paghinga niya sa kabilang linya.

Narinig ko ang kanyang buntong hininga. “I won’t be able to fetch you. May pinapagawa sa akin si Papa and…” Huminto siya sa pagsasalita dahil siguro narinig niya ang mahinang pakawala ko ng isang ungol.

Ngumuso ako dahil inasahan ko nang ihahatid niya ako sa FF. Tumawag siya at sa pagkakakilala ko kay Terrence, iyon ang gagawin niya. At isa pa, magkasama kaming pupunta sa Palawan 'di ba? Kung ganoon, hindi siya makakasama?

“Paano… Hindi ka na sasama sa amin?” Tanong kong bakas ang pagkabigo.

Hindi agad siya nagsalita at isa pang buntong hininga ang ginawa. “Susunod na lang ako. Pinilit ko si Papa na pagbalik ko na lang aasikasuhin 'yong pinapagawa niya pero ayaw eh.”

Pinilit kong ngumiti kahit na mas sumisimangot ang mukha ko. “It’s okay. Papa mo 'yan. Sundin mo siya.” Salita ko kahit na hindi ko pa nakikilala ang tatay ni Terrence. Nakikita ko na siya noon sa mga pictures sa aming university pero hindi ko pa siya nakikilala sa personal.

Narinig ko ang paglunok niya. “You should just ask Ivan to take you to FF. Pasama ka sa kanya kapag nag-taxi ka ha?” Malambing niyang utos at napa-oo agad ako nito.

“I love you, Therese.” Utas niya sa paos na boses at wala na akong nagawang iba kundi ang manghina sa kanauupuan ko.

Nagpipigil ako na bumakas ang panginginig sa boses ko dahil sa matinding paghuhurumentado ng aking sistema nang sagutin ko siya. “I love you too, Terrence.”

Hindi ko na inabala pa si Ivan. Ang sabi ni Iris ay tulog na tulog pa raw ito dahil sa puyat. Kaya mag-isa akong sumakay ng taxi at pasalamat na lang at hindi ako kasali sa mga namomodus operandi ng ilan sa mga ito. Ligtas akong nakarating sa FF at ang mga taong nasa lobby nito ang una kong nakita.

Tinulungan ako ng mabait na guard na laging bumabati sa akin na ipasok sa loob ang dalawang malalaking bag na dala ko. Ang body bag kong nakasabit sa aking katawan ang natirang dala ko kung saan nakalagay ang cellphone, wallet, at iba pang mahahalagang bagay.

Sumalubong agad sa akin si Carmela at ang ilang models na nakilala ko na. Narito si Jovie at Alma na nakilala ko na noon dahil kay Ella.

“Good Therese!” Mataas sa boses ni Carmela. “Hindi ka late.” Aniya.

Tumawa ang dalawa naming kasama at kita ko ang kakaibang tingin nila kay Carmela. Parang naiirita sila rito.

“Therese!” May tumawag pang isa sa akin at nang lumingon ako ay ang nakapamulsang si Carl ang palapit.

Napatingin ako kay Carmela na pinsan niya. “Kasama ka pala.” Sabi ko nang makalapit na si Carl.

Ngumisi siya at tinanguan ako. Bumati siya sa dalawang model na mukhang kasundo na niya at kaibigan pa. “Uh-huh. Kulang kasi ng models eh. Sinama ako ng team.” Aniya.

“Eh ikaw, Carmela?”

Agad na umiling si Carmela at humalukipkip. “Nope. I’ll just come to guide you.” Ngiti niya at pinaliit ang mata sa akin.

Ngumuso naman ako dahil nahihinuna ko na ang mga ipapagawa sa akin ni Carmela oras na naroon na ako. Siguradong siya ang magtuturo ng mga pose ko roon at ngayon pa lang ay naaasiwa na ako. It’s a summer collection photoshoot and knowing Carmela, maraming pakulo ang isang 'to sa hitsura pa lang niya.

Iniwan niya kami roon nang mag-ring ang cellphone niya. Pati sina Jovie at Alma na hindi naman ako kinausap ay umalis na rin. Si Carl, ako at ang mga dala na lang namin ang nandito sa aming kinatatayuan.

“So, kayo pala ni Terrence?” Nabigla ako sa tanong ni Carl. Masyado agad itong personal.

Tinikom ko ang bibig ko at tumango lang. Nakita niya kaming magkasama at narinig niya ang tawag sa akin ni Terrence. Siguradong naramdaman din niya ang pagseselos nito dahil sa sinabi ni Terrence noon sa kanya.

“I thought so. Sa bar pa lang niya noon eh naisip na namin 'yan ng mga kaibigan ko. He is too over-protective to you. Masyadong obvious na ayaw ka niyang ipakausap sa aming mga lalaki.

What? Kumunot ang aking noo sa kanya at hindi agad nakasagot.

Nagpatuloy niya. “Bago tayo magkakilala naunahan na ako ni Arvin. One time, hiningi ni Arvin ang number mo kay Marx. You know Arvin, right?” Tumitig na lang ako sa kanya at tinanggap niya iyon bilang pagsang-ayon ko. “Yeah. Marx was already giving it but Terrence shouted at him and got mad. Kaya simula nun—”

“Kaya simula nun, pinaalam ko na sa lahat ng lalaki na off limits ang aking Therese.” Nalipat pareho ang tingin namin ni Carl sa pumutol sa kanya. Nakatayo di kalayuan sa amin si Terrence na matalim ang mga matang tumutusok sa akin.

“Makitaan pa lang na interesado sa’yo ang kung sinong lalaki, pinapalayas na ni Marx.” Ngumisi siya at nabago bigla ang dating at aura’ng bumabalot sa kanya. “But this guy here had the guts. Good thing that now, you are mine to own.” Ngumiti siya at tuluyang lumapit.

Kinuha niya ako sa pamamagitan ng paghigit sa akin. He’s famous move. Kasabay niyon ang paghapit niya sa bewang ko para mapalapit ako sa katawan niya. Nilapit niya rin ang labi sa pisngi ko at marahang hinalikan. Parang dumaang hangin lang iyon sa aking pisngi.

“Nakita ko nang may mangyayaring ganito. I don’t like the scene that’s why I came.” Aniya. “Buti na lang medyo umabot pa ako.” Ngumiti siya ng isang beses.

Malamlam na ngiti ang binibigay sa amin ni Carl habang si Terrence ay bumubulong bulong sa gilid ko.

“Ayaw kong lumalapit ka sa lalaking 'yan. I’m jealous.” Napapaos at pautos niyang sinabi. 

Continue Reading

You'll Also Like

174K 2.4K 65
Coleen Andrea Salazar knew that spending the night with that stranger was a mistake. It was a stupid move to get drunk and even more stupid to give i...
4.7K 31 2
UNDER EDITING (Eleazar Cousin's Series #1) Si Anne, isang babaeng mahilig maglaro ng mga online games at makipagpustahan. Paano kung dahil dito ay ma...
32.2M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
23.2K 701 53
Sabrina Verzonilla is a college student, an average girl who had a simple dream at yun ang ay makatapos sa pagaaral at matulungan ang kanyang pamilya...