Isla Verdes ( UNDER REVISION)

By dstorimker

6.9K 1.2K 28

Isla Verdes Isang isla kung saan misteryosong nawawala ang mga taong nagpupunta rito. Isang palaisipan sa lah... More

:)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Wakas

Kabanata 5

248 70 3
By dstorimker


Kabanata 5

Nakakamangha at nakaka aliw ang loob ng yate. Pero aanhin mo ang ganda ng nasa paligid mo, kung mayroong kapahamakan ang naghihintay sa iyo?

Ang totoo nga niyan, hindi ko alam kung saan ako magsi simula. Ang hanapin ang mga taong nawawala? O hanapin ang taong nasa likuran ng lahat ng ito?

"Vienna! Vienna!" Napatingin naman ako sa taong tumatawag sa akin.

Nandito kase ako ngayon sa taas ng yate at nilalanghap ang preskong hangin. First time ko kaseng nakasakay ng yate.

"Nako Vienna! Andito ka lang pala!" Lumingon naman ako sa aking likuran.

"Megan?"

"Oo, tama! Ako to si Megan! Ang magandang chef!" Napangiti naman ako at nilapitan siya.

Pretending is my second skin.

Kailangang makisalamuha ako sa kanilang lahat at makipagkaibigan. Nangsa ganon makilala ko silang lahat ng lubusan.

Kung ang lahat ng mga taong nagpuputa rito sa isla ay nawawala. Kung ganon saan   sila nagpupunta? o baka naman naka kulong sila sa isla?  Kaya kailangan kong man manan ang kilos ng bawat isa sa kanila.

At sino ba talaga ang taong nasa likuran nito?

"Malapit na tayo sa isla! Exited na ako!" Magiling niyang wika.

"Megan, hindi ka man lang ba natatakot?" Kuryuso kong tanong.

"Saan?"

Lumunok muna ako, bago ko siya tinignan. "Ang balita daw ay lahat ng taong nagpupunta rito ay nawawala." Maingat kong sinabi.

Rumihistro ang takot sa kaniyang mukha at agad napalitan ng lungkot.

"Hindi ko alam..." Sabay lapit sa railings at hinawakan ng mahihpit.

"Bakit?" Sabay gaya ko sa ginawa niya.

"Sa islang ito, nawala ang ate ko." Napatingin naman ako sa kaniya. Bahagya nading namumuo ang luha sa kaniyang mga mata.

"Kaya ako nagpunta rito, upang hanapin ang ate ko. Ang ate ko." Mabilisang nagsilandasan ang luha sa kaniyang mukha.

Yumuko naman ako at pinagmasdan ang dagat.

"I'm sorry," sabay hawak ko sa kamay niyang naginginig.

Napatingin naman siya sa kamay niya na hinawakan ko.

"Ayos lang," sabay pahid niya ng luha niya, gamit ang kabila niyang kamay.

"Uwa! Napakaganda naman dito!" Narinig kong sigaw ni Chelka, ang bunso sa kanilang tatlo.

"Vienna! Hintayin mo ako!" Napalingon naman ako sa aking likuran. Nakita ko si Megan na humahagos na tumatakbo patungo sa akin.

Huminto naman ako sa paglalakad at hinintay siya.

Wala kaming dala ni isang damit o kahit na ano. Kundi ang  suot namin noong kinidnad kami.

"May gamit kaya tayo dito?" Tanong ni Megan sa akin, habang kami ay naglalakad.

"Hindi ko rin alam eh," sagot ko naman.

Gabi na kaming nakarating rito. At hindi rin namin alam kung sino ang nagmamaneho ng yate. Bagkus biglang  huminto ang yate, at mayroong lumabas sa tv na nasa isla na kami.

Hindi ko alam kung paanong nasabi ni Chelka na maganda ang paligid. Dahil napakadilim at kakaunting liwanag sa buwan lamang ang ilaw namin. Hindi namin alam kung saan kami pupunta o ano.

"Teka! Umupo muna tayo!" Pasigaw na sinabi ni Neivi.

Sumangayon naman kaming lahat at kanya kanya ang naging pwesto namin.

"Isla pa ba ito? Wala man lang ka ilaw ilaw ang pisti!" Reklamo ni Cloudy.

Tila isang mahika ang binitawang salita ni Cloud dahil biglang umilaw ang paligid.

"Wow!" Sabay sabay naming sinabi.

Dahil sa hindi kalayuan, bumungad sa amin ang anim na  cabin, napapalibutan ng iba't ibang kulay ng ilaw ang mga ito. Gawa ang mga ito sa kahoy at ang bubong naman ay gawa sa yerong ibat ibang kulay.

Pero cabin? Sa beach? Diba dapat sa mga woods lamang iyon? O sadyang inosente lang ako?

Nag unahan naman sila sa mga cabin. At kaniya kaniya pili ang mga ito. Samantalang naiwan naman kami ni Megan na nakaupo.

"Tara na Vienna, at baka maubusan pa tayo!" Sabay hila sa akin patayo at tumakbo kami sa isang cabin.

Paano kaming mauubusan eh sakto lang ang lahat ng nandito? At paniguradong pangdalawahan ang mga cabin na nandito.

Pero na huli kami at nandoon na ka agad si Neivi.

"Ano ba naman yan Neivi!" Kunyaring naiinis na wika ni Megan. Pero isang halakhak lang ang pinakawalan ni Neivi, humawak hawak pa siya sa kaniyang tiyan.

"First come, first serve!" Pagkatapos niyang sabihin iyon  ay lumapit siya sa pintuan at binuksan.  Kininditan muna niya kami bago siya pumasok sa loob.

Muling naging madilim ang paligid at iisang cabin nalang ang natitirang mayroong ilaw.

"Kakainis! Doon na nga lang tayo!" Sabay turo niya sa cabin na bukod tanging may ilaw. Wala naman kaming choice kung hindi ang pumunta roon.

Ka agad naman na kaming pumasok sa loob at bumungad ang dalawang kama. Malaki rin ang loob nito. Ang sahig ay naka tiles din na puti . Ang  kulay naman ng pader at ding ding ay gray.

Mahilig ata sa gray ang may-ari nitong isla?

Killer P.O.V.

Napakagandang pagmasdan kung paano sila mag una unahan sa pagpili ng cabin nila kanina.

Bumunot ako sa aking container. Ang nasa loob ng container na ito ay mga papel. Ang papel na mayroong pangalan ng mga taong nandito sa aming isla. At kung sino man ang swerteng mabubunot ay siyang papatayin ko.

Hahahhahahahahahhahaha

Hindi na ako makapaghintay na makapatay!

Ang akala nila maswerete sila. Dahil sila ang inimbitahan ko, ang hindi nila alam kamatayan ang naghihintay sa kanila sa islang ito.

"Ahhh! Nakakainis naman!" Narinig kong sigaw mula sa labas ng aking cabin.

Kung sinuswerte ka nga naman. Hindi ko na kailangan pang puntahan siya sa cabin niya upang patayin. Bagkus nandito na siya sa tapat ng cabin ko.

Kumuha ako ng hoodie at kupya sa aking cabinet at sinuot. Maswerte sila at lahat ng kailangan nilang damit ay nasa kaniya kaniya na nilang cabin.

Pagkatapos kong isuot ay lumuhod ako sa aking kama at kinuha ang aking palakol.
Dahan dahan akong lumabas ng cabin. Maingat at walang ingay kong binuksan ang aking pinto at ganon na din ang aking pag-lakad.

"Nakakainis!" Sigaw muli niya.

Luminga linga ako sa paligid kung mayroong tao. Mabuti naman at wala. Hindi rin naman sila makakasilip dahil walang bintana ang mga cabin.

"Nakakabuset!" Mas lalong nangigil pang sigaw niya.

Natatanaw ko na siya at nakaupo siya sa buhangin at mayroong kinakatikot.

"Walang signal!" Nanlaki naman ang aking mga mata.

Napakatanga ko naman na hindi mapansin na mayroon siyang dalang cellphone.
Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa aking palakol.

Nang nasa likuran na niya ako. At akmang lilingon na siya ng ibaon ko agad ang kaing palakol sa kaniyang ulo.

Mabilis at naguunahang lumandas ang kaniyang masaganang dugo. Mapayat lamang siya kaya madali ko siyang nahila patungo sa inyugan.

At ng nasa madilim at tago na akong bahagi ay sinimulan ko ng putulin isa isa ang daliri niya. Inuna ko muna ang daliri niya sa kamay at sinunod ko ang kaniyang paa. Pagkatapos naman ay pinag hahati ko ang kaniyang katawan. Lumabas labas pa ang mga bituka at balun balunan niya ng hatiin ko ang kaniyang katawan. Hati hati at bumubulwak bulwak pa ang dugo galing sa kaniyang katawan.

At ang huli kong ginawa ay pinugutan ko siya ng ulo. Nakakatuwang pagmasdan ang hati hati niyang katawan.

Mabuti at hindi pa siya hinahanap ng kasama niya sa cabin?

Siguro matutuwa ang kasama niya sa cabin kapag nakita niyang lasug lasug ang katawan ng kaniyang kasama.

Isang mala demonyong halakhak muna ang aking pinakawalan bago ko siya iniwan.

Continue Reading

You'll Also Like

The Tale of La Trevi By KIB

Mystery / Thriller

187K 5.9K 4
Soon... #Darkest
Haunted By Ely

Mystery / Thriller

363K 14.6K 41
Zeref Gray Vermilion - babaeng sobrang lamig makitungo dahil sa nakakatraumang pangyayari sa nakaraan niya. Hanggang sa may Isang professor na darati...
7.1M 368K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
25.3M 848K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)