Isla Verdes ( UNDER REVISION)

By dstorimker

6.9K 1.2K 28

Isla Verdes Isang isla kung saan misteryosong nawawala ang mga taong nagpupunta rito. Isang palaisipan sa lah... More

:)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Wakas

Kabanata 3

277 80 3
By dstorimker


Kabanata 3

"Anak kamusta kana?"

Agad na napabaling ang aking paningin sa aking ama. Nandito na pala siya sa tapat ko, hindi ko man lang namalayan.

"Ayos lang naman ako pa." Mahina kong sinabi.

"Mabuti naman kung ganon." Pagkatapos ay nginitian niya ako.

Napatulala ako sa ngiti ng aking ama. Ang ngiting paborito ko, na gusto kong makita araw-araw.

Muli na namang nagbabadyang tumulo ang aking mga luha.

"Ayos ka lang ba talaga anak?" Malambing niyang wika na tila'y akoy hinehele.

Bumagsak ang aking balikat at muling nag si tuluan ang aking mga luha.

"Papa," napapaos at nanghihina kong sinambit.

Tumayo naman siya sa kinauupuan niya at inakap ako. Ang yakap na puno ng pag mamahal at pag iingat.

Mas lalo akong napahagulgol sa kaniyang balikat.

"Pa, anong nangyari kay mama? Bakit sinasabi niyang hindi niya ako anak?"

"Ano ba talagang nangyari sa inyo ni mama, pa?"

"Please pa, sabihin mo po sa akin."

Sunod sunod at walang preno kong tanong.

"I'm sorry anak. Pero hindi ko maaring sabihin sa iyo ang dahilan."

"Bakit pa?"

"Mayroon akong pinoprotekhan anak." Malungkot niyang sambit.

"Papa,"

Pinigil niya ako sa pagsasalita at hinawakan  ang aking kamay.

"Anak, magpakatatag ka ah? Dahil nagsisimula pa lamang ang mga misteryo na kailangan mong harapin. Andito lang si papa anak." Sabay halik niya sa aking buhok.

Sa simpleng yakap at halik sa aking buhok na nagmula sa aking ama,ay nagdulot ito ng kapayapaan sa akin. Pagkatapos niyang gawin iyon ay bumalik na siya sa kaniyang upuan.

Nang nasa kundisyon at wala ng bakas na luha ang aking mukha ay nagtanong na ulit ako.

"Anong misteryoso pa?"

"Makikita mo rin anak." Makahulugan niyang sinabi.

"Ang isla, kailangan mong puntahan iyon anak. Dahil doon mo malalaman ang mga kasagutan sa lahat ng katanungan mo."

"Anong isla pa?" Nagtata kong tanong.

"Alam mo ang islang tinutukoy ko anak." Napatigil naman ako, at rumihistro sa aking isipan ang natanggap kong imbitasyon.

Napalunok ako at tinignan ang aking ama.

"Paanong alam mo iyon pa?"

Bumuntong hininga siya, at hinilot ang sentido. Duon ko lamang napansin ang medyo kulubot na niyang mukha, ang halos puro puti na niyang buhok at ang pangangayayat niya.

"Hindi ko maaring sabihin sa iyo anak."

"Pa naman," pero umiling lamang siya.

"Kamusta ang mama mo?"

Iniiba niya ang usapan. Bumuntong hininga din ako, bago ko sinagot ang tanong ni papa.

"Maayos naman po siya." Nakayuko at nanghihina kong sinabi.

"Mukhang hindi maganda ang naging usapan niyo ah?"

Tumango naman ako. Ayokong sabihin sa kaniya ang naging usapan namin ni mama. Paniguradong mag-a alala siya.

"Ano iyon anak?"

"Hindi ko maaring sabihin sa iyo pa." Pangagaya ko sa kaniya. Sabay naman kaming natawa.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nag-usap ni papa. At isa lang ang alam ko, masaya ako dahil muli ko na namang nakapiling ang aking mga magulang. Kahit naba nasa kuluyan ang aking ama at nasa rehabilitation center naman ang aking ina.

Inayos ko muna ang aking uniporme sa loob ng aking sasakyan, bago lumabas sa aking kotse  .

Pagkalabas pa lang, ay ka agad na akong dumiretso sa aming stasyon, upang ibalita ang aking natanggap na imbitasyon.

Tama ang aking ama, maaring may kinalaman ang islang ito sa aking pagkatao. Mayroon ding sinabi si mama na nandito daw si Vien. Ang tinutukoy niya na anak niya. Kailangan kong kumpirmahin iyon. Kailangan ko ding malaman kung ano ang bumabalot na misteryo sa naturang isla.

Marami akong katanungan na kailangang sagutin. Pero ano ang konek ng islang iyon sa aking mga tanong?

Tulad nalang ng

Sino ang toong pumatay sa kabit ni mama?

Bakit naging ganon si mama?

Paanong nalaman ni papa na mayroon akong imbitasyon na galing sa isla?

Sino ang tanong pinoprotektahan niya?

Magiging konektado ba iyon sa isla?

Bumuntong  hininga muna ako bago pumasok. Nag silingunan naman ang lahat sa akin at binati ako.

Tanging isang hilaw na ngiti lamang ang aking naging tugon.

Dumiretso naman ako ka agad sa opisina ni Chief Jason upang ibalita sa kaniya ang imbitasyon.

Kumatok muna ako, at wala pang ilang saglit ng bumukas ito. Isang ngiti sa mukha ni Chief Jason ang bumungad sa akin, na tila'y inaasahan na niya akong pupunta.

"Chief magandang gabi po..." Mahinahon kong sinambit.

Mas lalo niya namang binuksan ang pintuan at pinatuloy ako. Ka agad naman akong pumasok.

Ito ang unag beses na pumasok akong muli sa opisina niya.

Wala paring pinagbago, nasa pinaka sulok ang wooden table niya ng mga documents  na nakasalansan ng maayos. Nandoon din ang paborito niyang swivel chair. Katapat naman ng lamesa at upuan niya ang visitor chair.

Mayroon ding mga mali liit na kabinet na gawa sa kahoy na nakalagay sa gilid gilid, paniguradong mga documents ang laman ng mga iyon. Mayroon na din palang siyang coffee maker at dispenser. Nakasalanan naman ng maayos sa bookshelves niya ang mga libro.

Ang mga bintana naman niya na gawa sa salamin ay nakasarado na. Pauwi na siguro siya?

Nagpatuloy ako sa paglalakad at umupo sa visitor chair.

"Ano ang sadya natin?" Pambungad niyang tanong at umupo sa swivel chair niya.

Lumunok muna ako, bago ko inilabas ang aking cellphone. Dahil pinicturan ko kanina ang nakuha kong imbitasyon mula sa isla.

"Naka kuha ho ako ng imbitasyon mula sa isla." Sabay bigay ko ng aking cellphone upang ipakita ang imbitasyon.

Narinig ko naman ang marahan niyang pagsinghap. Inangat  ko ang aking paningin at mayroon akong nakitang multong ngiti sa kaniyang labi.

"Chief? Bakit kayo naka ngiti?" Kuryuso kong tanong, dahilan kung bakit napaiwas siya ng tingin.

"Ahm anak, I mean Officer Vienna, kaya mo bang isugal ang buhay mo para sa misyong ito?" Tinignan ko naman siya at pinagmasdan ng mabuti.

Bakit niya ako tinawag na anak? Bumuntung hininga muna ako bago tumango.

"Like what I said. Maaring hindi kana  muling makabalik pa, kapay ika'y nakapunta sa isla."

"Wala naman po akong choice Chief, ako lang naman ata ang nakatanggap ng imbitasyon?"

Tumango naman siya at marahan akong pinagmasdan.

"Ikaw pa lamang ang lumalapit sa akin. Tama ka, wala na tayong ibang choice kung hindi ang isugal ang buhay natin sa trabaho.  Naturingan tayong pulis, dahil ang trabaho natin ayptulungat  at iligtas ang mga taong nangangailan."

Tumango naman ako.

"Sana makahanap ka ng paraan para makabalik. Buhay ang isinusugal mo dito Vienna.Sigurado kana ba dito?"

Tumango naman ako.

"Kung ganon ay simulan na nating mag plano."

Muli naman akong tumango at pinakikingggan ang bawat salitang sinasabi niya.

Malamig na simoy ng hangin ang agad na bumungad sa akin pagka labas ko pa lamang ng aking sasakyan. Kauuwi ko lang galing sa aming stasyon.

Ka agad ko namang binuksan ang gate para buksan ito, para mapasok ko ang aking sasakyan.

Nang tapos ko ng gawin iyon ka agad na akong  pumasok sa aking bahay. Pagkatapos ng usapan namin ni Chief Jason ay pinauwi na niya ako agad. Sabi din niya siya na ang bahala sa lahat ng iiwan ko.

Sinarado ko muna ang main door at nagtungo sa akin kwarto. Kinuha ko naman ang aking tuwalya. Kumuha din ako sa  cabinet  ng isang plain black tshirt at panjama. Dahil ito ang susuotin ko pagkatapos maligo.

Nang natapos na ako sa pag-ayos sa aking sarili. Nagtungo na ako ka agad sa kusina.

Nagpainit ako ng tubig sa heater yung tama lang para sa cup noodles ko. Nagtungo naman ako sa lamesa at kumuha ng isang cup noodles.

Naghintay muna ako ng ilang minuto bago kumulo ang aking pinainit. Pagkatapos kumulo ay sinalin ko na agad iyon sa cup noodles.

Akmang susubo na ako ng mayroong marahas na nagtakip ng panyo sa aking ilong.

Shit

Mayroong amoy ang panyo. Nakakahilo ang amoy nito at bago pa ako makalaban ng unti unting nagdilim ang aking mga  paningin.

Continue Reading

You'll Also Like

137K 8.1K 26
DESPEDIDA GONE WRONG. What's supposed to be a memorable send-off party ends up in tragedy as the celebrant drops dead after making a toast. Of all th...
82.2M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
2.9M 105K 24
Erityian Tribes Novella, Book #2 || What's the use of this power, if I can't even stop his death?
25.3M 848K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)