Z4: THE LOST BAIDER BOOK 1 (B...

By AdiennaMichelle

4.8K 399 65

Elleina Zeal Suarez, ang kakaibang babae na malakas ang dating sa mga lalaki dahil sa kaniyang walang takot n... More

Prologue
Chapter 1 "Dream"
Chapter 2 "Secretly In love"
Chapter 3 "Mistake"
Chapter 4 "First Hug"
Chapter 5 "Riot"
Chapter 6 "First Day of School"
Chapter 7 "Movers"
Chapter 8 "Savior"
Chapter 9 "Good Heart"
Chapter 10 "Her voice"
Chapter 11 "Kiss"
Chapter 13 "Laurent"
Chapter 14 "Riding-in-Tandem"
Chapter 15 "Hand to Help"
Chapter 16 "Fever"
Chapter 17 "Duet"
Chapter 18 "Parking lot"
Chapter 19 "Companion"
Chapter 20 "A walk"
Chapter 21 "Diamond"
Chapter 22 "Dinner"
Chapter 23 "Rain"
Chapter 24 "Baider's Family"
Chapter 25 "Laguna"
Chapter 26 "Majayjay Falls"
Chapter 27 "Pure Love"
Chapter 28 "Letter"
Chapter 29 "Perfection"
Chapter 30 "Mission Failed"
Chapter 31 "THE UNEXPECTED"
Chapter 32 "Affection"
Chapter 33 "Jam"
Chapter 34 "Shine"
Chapter 35 "Valencia's Family"
Chapter 36 "Flair's Birthday"
Chapter 37 "At Flair's House"
Chapter 38 "Rocky's Back"
Chapter 39 "THE UNEXPECTED"
Chapter 40 "Pain"
Chapter 41 "Beat"
Chapter 42 "Camarines Norte"
Chapter 43 "THE UNEXPECTED"
Chapter 44 "Sunrise"
Chapter 45 "Forgetting"
Chapter 46 "Death Anniversary"
Chapter 47 "THE UNEXPECTED"
Chapter 48 "Confuse"
Chapter 49 "THE UNEXPECTED"
Chapter 50 "The Hidden POV"
Chapter 51 "Comeback"
Chapter 52 "THE UNEXPECTED"
Chapter 53 "Mother's Heart"
Chapter 54 "Party"
Chapter 55 "Jealous"
MITZ'S NOTE
Chapter 56 "Protect"
Chapter 57 "Smile"
Chapter 58 "Foundation Day"
Chapter 59 "Foundation Day"
Chapter 60 "Abuse"
Chapter 61 "Warning"
Chapter 62 "Dreadful Gang"
Chapter 63 "THE UNEXPECTED YES"
MUSIC COMPOSITION
Chapter 64 "Baider's Secret"
Chapter 65 "A date"
Chapter 66 "Picture"
Chapter 67 "Attempted Kidnap"
Chapter 68 "Friday Night"
Chapter 69 "Pageant"
Chapter 70 "Pajama Party"
Chapter 71 "Revenge 101"
Chapter 72 "Hope"
Chapter 73 "Uncontrollable Anger"
Chapter 74 "1st Anniversary"
Chapter 75 "Second Life"
Chapter 76 "Chocolate"
Chapter 77 "Break Bone Adept"
Chapter 78 "Heartache"
Chapter 79 "THE UNEXPECTED"
Chapter 80 "Delight"
Chapter 81 "PERFECT TWO"
Chapter 82 "Ali's Birthday"
Chapter 83 "FINAL REVENGE"
Chapter 84 "One on One"
Chapter 85 "Dangerous Fighter"
Chapter 86 "True Friends"
Chapter 87 "Hardwork"
Chapter 88 "Booze"
Chapter 89 "Grand Ball"
Chapter 90 "Limitless"
Chapter 91 "Love surprises you"
Mitz Note

Chapter 12 "Brothers"

58 6 0
By AdiennaMichelle

Elleina Zeal's Suarez POV

Nagising ako ng may luha sa aking mga mata, natatakot at kinakabahan dahil katulad ng dati, napanaginipan ko nanaman ang bangungot na 'di ko maitagong nagdudulot sa akin ng matinding pangamba.

Bakit nga ba tinatawag ko ang Mama, Papa at ate?

Kung gano'ng wala naman ako no'n sa totoong buhay. Palaisipan pa rin sa akin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng panaginip na iyon?

Umupo ako sa kama ko. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang pagkirot no'n marahil ay sa presensya ng alak sa katawan ko at epekto nito sa akin. Natikop ko ang aking mga kamao nang maalala ang impaktong si Flair! Sinadya niya lagyan ng alak ang baso ko ng 'di ko man lang namalayan!

Inalala ko ang mga nangyari kagabi pero wala na akong maalala ni isa, ang huling natatandaan ko ay nanonood ako kay Carme habang kumakanta.

Ano bang nangyari?

At saka ko naalala ang pagkanta ko sa harap ng maraming tao, ang pakikipaghabulan kay Flair at ang nasapo ko ang bibig ko.

Pagyakap ko sa baiwang ni Kean! Nakakahiya!

Naghilamos, nagsepilyo at nag-ayos muna ako ng sarili bago lumabas.

Nasaan kaya sila mom, dad at mga kuya ko? Sunday ngayon!

Nakita ko si kuya Zen sa sofa at nagbabasa ng libro. Binati ko siya at binati niya rin ako ng 'di tumitingin sa akin, sa libro lang ang tingin.

"Mag-breakfast ka na, lasingera" hindi niya ako pinagtuonan ng pansin.

"Doc, sinong naghatid sa akin kagabi?" Tanong ko habang kumukuha ng plato at pagkain.

"Si Kean" napatingin ako sa kaniya ng may gulat sa aking mukha.

Malamang tama ang naaalala ko si Kean nga ang huli kong kasama kagabi.

"Taga-dyan lang pala siya sa tapat ng bahay natin buti naman hinatid ka" sinabi niya iyon na ang mga mata ay nasa libro pa din.

"Nasan sila mom and dad?" Pag-iiba ko dahil baka magtanong nanaman ng kung ano.

"Umalis lang saglit babalik iyon mamaya"

"Sila kuya Zeke at Zaimon?"

"Nasa labas" ang tingin niya ay nasa libro lang talaga.

Iyon lang at kumain na ko. Pagkatapos ko ay lumabas ako para puntahan sila kuya.

Anak ng? Hahaha isang himala yata ang nakikita ko. Diba't si nanay Purita ang laging inuutusan nila para maglinis ng mga sasakyan?

Si nanay Purita ay halos ituri na naming pamilya sanggol palang siguro kami ay nandito na siya.

"Woah, car wash boys!" Bati ko sa kanila.

Magkatulong nilang nililinis ang kotse ni kuya Zeke.

Topless!

Kung 'di ko sila mga kuya ay nagustuhan ko na sila dahil sa kahanga-hangang hitsura nila.

"Kumusta naman ang unang beses mong uminom ng alak?" Nakangising tanong ni kuya Zaimon.

"Tsk! 'Di ko ginusto 'yon!" inis kong asik nang maalala ang ginawa ni Flair.

"Kunyari ka pa! At ang galing mo rin eh, 'no? Nagpahatid ka pa sa kapitbahay natin buti mabait 'yong si Kean" sabi ni kuya Zeke habang pinupunasan ng basang pamunas ang kotse.

"Dahil kung hindi at may masama siyang ginawa saiyo 'di na iyon nasikatan ng araw!" Asik ni kuya Zaimon.

"Di ka nalang nagpasundo sa amin?" sabi ni Kuya Zeke at saka sinawsaw ang pamunas sa timba.

"Paano magpapasundo halos gumapang kagabi papasok ng kwarto niya?" tumawa sivKuya Zaimon.

"What?" Naguguluhan kong tanong. "Anong ginawa ko kagabi?" tinaas ko ang dalawa kong kilay.

"Hahahaha" nagtawanan silang dal'wa na halos mawalan na ng hininga.

"Really? Hahaha you don't know?" Nakangising sabi ni Kuya Zeke.

"Kuya!!" Inis kong sabi. "Ano nga?"

"Hahaha" sabay silang tumawa.

Tiningnan ko sila ng masama.

"Bakit 'di mo siya tanungin?" Turo ni Kuya Zeke sa bahay nila Kean.

Nilingon ko naman, nakita ko si Kean na ngayon ay nasa veranda na ng kanilang bahay. Nakatingin na sa amin.

"Bakit siya?" Pagbabalik ko ng tingin sa mga kapatid ko.

"Hahaha sabi mo sa kaniya kagabi ay siya ang future boyfriend mo" natatawang ani ni Kuya Zeke at ang tono ay sarkastiko at mapang-asar. "Ganito ginawa mo" saka siya lumapit kay Kuya Zaimon, niyakap ang baiwang nito.  "Dad, mom, at mga kuya ko, meet my future boyfriend, Kean--honey" ani niya sa malambing na boses na para bang bading na nakapulupot kay kuya Zaimon. Nanlaki ang mga mata ko at sabay silang tumawa.

"What?!" Natutop ko ang bibig ko. "Niloloko niyo ba ko?" Paninigurado ko. Itinaas ko pa ang kilay ko.

"Hindi, malamang!" Sabay nilang sambit.

Sumama ang tingin ko nang akmang lalapit ang mukha ni kuya Zeke kay Kuya Zaimon hanggang sa umarteng sumuka ito. Ginagaya nila kung ano man ang ginawa ko kagabi.

"Hahaha" malutong nilang pagtawa.

'Di ko naman malingon si Kean na alam kong nasa veranda pa din at nakatingin sa amin.

No way! Ginawa ko ba talaga 'yon? Nasukahan ko pa siya?

Sa inis ko para mabago lang ang atmosphere. Kinuha ko ang hose at inikot ang gripo, itinutok ko iyon sa kanila, gulat silang tumingin sa akin pero tumatawa pa din habang iilag ilag sa tubig na nagmumula sa hose.

'Di ko napansin ang paglapit ni kuya Zaimon at ibinuhos sa akin ang isang timbang tubig na puro sabon!

Ugh!

Galit ko siyang sinulyapan at itnutok sa kanya ang hose.

"Ang lamig! Hahaha" sabi ni Kuya Zaimon at pinag-cross ang mga braso at nanginginig pa.

"Zaimon! Hulihin mo si Princess" utos ni Kuya Zeke

Tumakbo ako para makaiwas sa kanila, tumatawa na ko ngayon. Hawak ko pa rin ang hose at itinututok sa kanila. Tawa ako nang tawa nang makita kong halos malunod na sila sa tubig.

Natapos ang umagang iyon ng masaya kahit na 'di ko pa rin mawaglit sa isip ko ang kahihiyang ginawa ko kay Kean at 'di ko alam pa'no sya haharapin.

Javen Flair's POV

Maganda ang gising ko kahit medyo nahihilo ako. Bumaba ako ng hagdan nakita ko si Manang Cora naghahanda na ng pagkain.

"Good morning, Manang" ngumiti ako.

Lumingon siya sa akin at ngumiti rin.

"Good morning, hijo"

Kumain kaming dal'wa, kagaya ng dati siya lang talaga ang kasama ko sa buong buhay ko simula no'ng mawala si mommy.

Pagkatapos kumain, umakyat ako ng hagdan. 'Di ko alam pero gusto kong silipin ang kwarto ni dad.

Pumasok ako do'n. Maayos at malinis halos wala ng taong natutulog do'n. Halos isang beses lang kung umuwi si Dad. 'Di ko na siya makita at kung nandito naman ay 'di ko na maramdaman. Napabuntong hininga ako sa naisip. Lumapit ako sa kama at umupo doon. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto, tinitigan kong mabuti ang litratong nakadikit sa dingding ng kwartong iyon. Masayang nakayakap sa baiwang ni mommy si daddy at nakahalik ito sa gilid ng noo ni mommy. Napakasayang tingnan, nangilid ang luha ko.

Mommy, miss na miss na kita!

Patayo na sana ako nang may maramdamang matigas na bagay sa ilalim ng unan ni daddy. Kinuha ko iyon, nakita ko ang picture naming tatlo. Ito ang unang larawan namin dahil sanggol pa ko. Masaya ang mukha ng magulang ko habang ang mukha ko naman dito ay tila umiiyak. Napangiti ako sa cute na mukha ko no'ng sanggol palang ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

Napalingon ako sa tinig ni dad.

"Dad?" Malungkot kong bati.

"Lumabas ka dito! Magpapahinga ako!"

Ngayon ko nalang ulit siya nakita. Tumayo ako at naglakad bago pa man ako makalabas ay nilingon ko siya ng may malungkot na mata pero nakapikit na ang mata niya ngayon at nakahiga na sa kama.

Kailan mo kaya ako tatawaging muli sa pangalan ko? 'Anak ko, Flair' ilang taon ko na iyong 'di naririnig mula saiyo. Bumuntong hininga ako saka lumabas ng kwarto.

Nagpaalam ako kay manang na lalabas muna at magrerelax.

Natagpuan ko ang sarili sa park na malapit sa bahay.

Fresh air, this is what I need now.

Tatawagan ko sana si Kean at Rev para magpasama pero may nahagip ang mata ko.

Nakita ko si Zeal na may kausap na lalaki habang nakaupo at kumakain.

Picnic date?

Pinagmasdan ko siya ang lakas ng tawa niya. Nagulat nalang ako nang akmang nagpaalam ang lalaki at humalik sa noo niya.

Boyfriend niya siguro 'yon? Eh, ano naman, Flair?

Inis akong tumalikod pero ayaw maglakad ng mga paa ko kaya naman nilingon ko ulit siya. Nanlaki ang mga mata kong makita na ibang lalaki na ang kasama niya ngayon, nakaakbay sa kaniya!

What the? Two-timer? Grabe! Ang lupit mo! Hands up ako saiyo! Kung ako ay nahihirapan intayin ang first and last girlfriend ikaw naman ay dal'wa pa? Wow tindi mo!

Pinagbuksan ng lalaki si Zeal ng Cola. Kinuha niya iyon at nakangiting ininom habang nakaakbay pa rin sa kaniya ang lalaki.

Kapal ng mukha! Ano bang mayro'n sa babaeng 'yan? Pinaglalaruan niya ang feelings no'ng dal'wang lalaki!

'Di ko na napigilan pa ang aking sarili. Lumapit ako sa kaniya ng may masamang tingin.

"What?" Nakakunot niyang tanong sa akin.

Tiningnan ko ang lalaki at nakakunot din ito na may nagtatanong ang mata. Bumaba ang tingin ko sa kamay ng lalaking naka-akbay pa rin kay Zeal.

'Di man lang tanggalin! Walang magnanakaw ng girlfriend mo actually dal'wa nga kayong boyfriend niya!

Humugot ako ng hininga para mapunan ang kaba sa pagsasalita ko.

"Niloloko ka lang ng babaeng yan!" Buong lakas kong gilalas sabay turo kay Zeal.

Wala man lang nagbago sa ekspresyon ng mukha ng lalaki bagkus ay tumaas pa ang dal'wang kilay nito.

'Di kaya alam niya?

"So alam mo?" Paninigurado kong tanong.

"What is that?" Sa wakas ay nagsalita ang lalaki.

Nakita ko si Zeal na kampante lang na nakaupo at umakbay rin sa lalaki.

So, alam nga ng lalaki na dal'wa sila at sa sobrang pagmamahal ay okay lang? Gano'n? Para sa pagibig? Shut!

"Kanina lang ay nakita ko na hinalikan sa noo ng lalaking umalis 'yang babae mo!" Turo ko sa kaniya. Tumingin ako kay Zeal na ngayon ay nakangisi na. 'Di ko maintindihan kung itutuloy ba ang sasabihin pero tinuloy ko pa rin. "Tapos ngayon ay ikaw naman ang nakaakbay sa kaniya! Two timer ang babaeng 'yan pinagsasabay kayo ka---"

'Di ko na natapos ang sasabihin ko nang sabay na silang tumawa!

Ano bang nakakatawa?

"Princess, I love you." ani ng lalaki sa malambing na boses pero parang may pang-aasar at saka sila malakas na tumawa.

"Hahaha enough! What do you think of me, Flair?" Sabi niya sa akin na may bungisngis pa din.

"Haliparot na naglalaro ka ng damdamin ng mga lalaki! Nabara-babae mong tao--"

Natigilan nanaman ako nang tumawa ulit silang dal'wa.

"Pinagtatawanan niyo ba 'ko?" Inis kong baling sa kanilang dal'wa.

"Obvious ba?" sabi ni Zeal at bumungisngis nanaman.

Ano bang nakakatawa?! Kakainis!

"Salamat sa concern mo, Flair ba kamo?" Ani ng lalaki sa akin na 'di maalis ang ngiti sa labi.

"JAVE!" Matigas kong sabi. "Iyon ang pangalan ko."

"Okay, Jave" diniinan niya ang Jave. "Pero 'di haliparot ang kapatid ko"

Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya.

Shut!

"Panganay kong kapatid ang nakita mo kanina hahaha at siya ang pangal'wa" turo niya pa sa kuya niya.

Shut naman Flair! Bakit di ko naisip iyon?

"Pahiya ka 'no... kaunting-kaunti lang naman hahahaha" inis kong tiningnan si Zeal.

"Sorry" naka-peace kong sabi sa lalaki, mabilis na tumalikod at naglakad papalayo sa kanila. 

Narinig ko pang pahabol na sigaw niya "Mel Zeke ang pangalan ko 'yong panganay ay Mel Zen at Mel Zaimon ang pangatlo hahaha"

Di ko alam na may mga kuya pala siya, 'di lang isa kung hindi tatlo! Nakakahiya! Nice one, Jave!

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 176K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
42.5K 3.2K 33
An angel that turns into devil... Looks can really be deceiving... °°°°° Highest Ranking: # 15 in Yandere # 76 in Mur...