The Guy Next Door (Completed)

By TabinMabin

2.4K 212 11

Competitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush... More

The Guy Nextdoor
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
Epilogue

21

35 3 0
By TabinMabin

Patricia

"Guys, two months na lang, bakasyon na. Sadly, aalis na kami rito." narinig ko mula sa labas ng club room habang naglalakad kami ni Lance papunta rito. It's Marian's voice. Hindi ko alam kung anong mayroon dahil sinamahan ko ang isang ito sa pag-fi-fill out ng application form para makasali siya sa club ko.

Ilang beses ko na sinabi sa kaniya na hindi naman niya kailangan gawin ito at iyong tinanong ko kahapon ay more on tanong ko sa sarili ko pero nagpumilit pa rin siya dahil mukha raw talagang masaya sa club namin. Masaya naman talaga at minsan nakakakain pa kami ng libre. At syempre, hindi naman ako veteran sa club na iyon para magkaroon ng say kung puwede ba siya sumali o ano kaya hinayaan ko na lang.

Nang makarating kami sa tapat ng room, kumatok ako sa nakabukas na pinto kaya napatingin silang lahat sa amin. Tumayo si Jackson at Tina saka kami nilapitan kaya ibinigay na ni Lance ang hawak niyang form. Iniwan ko muna siya sa dalawa saka ako naglakad papunta sa tabi ni Lie Jun na nakatingin lang kay Marian.

"Kumain ka na?" tanong ko rito. Tumango lang ito kaya nagtaka ako. Bakit hindi niya ako sinagot?

Iniusog niya papunta sa harap ko iyong paper bag na pinaglagyan ko ng pagkain niya kaya mas lalo ako nagtaka. "Kumain ka na."

"Ha?" Kinuha ko sa loob ng paper bag iyong lunch box at nakita ko na hindi man lang ito nagalaw. "Akala ko kumain ka na?"

"I ate outside."

"Akala ko ba nag-iipon—"

"Marian," Nilingon siya nito at tumigil sa pakikipag-usap sa dalawang nag-aasikaso kay Lance. "You were discussing something earlier. Ituloy mo na."

"Right." Tumikhim ito saka bumalik sa gitna. "Iyon nga. 2 months na lang, wala na kami so we need you guys to keep this club alive. As early as now, kailangan niyo na maghanap ng ma-re-recruit. Madalas kayong kukuhanin at itatratong catering service ng iba't-ibang department kaya mas maganda kung kukuha kayo ng mga taong marunong magluto."

Tumayo si Tina mula sa pagkakaupo sa katabing lamesa saka nilapitan ang whiteboard sa harap. Kinuha nito iyong marker saka isinulat ang mga pangalan namin. "Kailangan ng papalit bilang president ng club kasi mawawala na kami nina Marian. Kanina, napagdesisyunan naming as early as now, kumuha na ng acting president. May total of 11 members na tayo kaya ang gagawin, isusulat niyo sa papel ang pangalan ng iboboto niyong president and VP tapos iyong title na gusto niyong makuha ng ibinoto niyo. Iyon lang naman ang mga posisyon na mayroon ang club natin dahil hindi na necessary pa iyong iba, like muse and such."

Napatingin ako sa kanan ko dahil umupo si Lance sa tabi ko. Nginitian niya ako kaya sinuklian ko rin ito ng maliit na ngiti. "Welcome to the club."

"Thanks. I'll vote for you as president."

"Ako talaga?"

"Yeah. Bagay sa iyo iyong label na president."

"Looking at you, parang mas bagay pa sa iyo."

"How about you both vote for me as president para mapatalsik ko kayo rito?" Napatingin kaming pareho kay Lie Jun dahil sa sinabi nito. Umiling ito saka kumuha ng papel at ball pen sa bag niya saka ito sinulatan.

Hindi ko na lang siya pinansin at isinulat ang pangalan niya as president habang ako naman ang vice. Naiinis ako sa kaniya ngayon dahil sa inaasta niya kaya siya ang binoto ko. Alam ko kasi na mabigat ang responsibilidad ng isang club president dahil kailangang ikaw ang parating mag-organize ng kung ano-ano.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya't nagkaganiyan siya. Kaninang umaga ko pa siya gustong bulyawan kasi kagabi, pinag-alala niya ako dahil hindi siya umuwi. Pagkasagot niya naman ng tawag kaninang umaga, parang okay siya kahit na binabaan niya ako ng walang pasabi.

Gusto ko siyang kausapin kung bakit siya ganito. Ayoko kasi na ginaganito ako ng mga taong malapit sa akin tapos wala pang sinasabi kung bakit ganito sila umasta. Pakiramdam ko tuloy, napakalaki ng kasalanang nagawa ko.

Sa inis ko, matapos ko isulat ang pangalan namin sa papel, nag-message ako kina Axel at Kuya Gavin. Isinumbong ko kung anong ginawa ng kaibigan nila. Usually, kapag ganitong magkatabi kami sa club room, kakain kami ng tahimik at nandiyan pa rin iyong asaran. Pero ngayon? Para kaming magkaaway.

Binilang na ni Tina iyong mga boto at isinusulat niya iyong count sa whiteboard. Nanguna ako sa botohan habang si Lie Jun naman ang vice. I kind of expected the outcome. Sa lahat kasi ng club members, kami ng anak ni Hudas ang parang pinakapinagkakatiwalaan nila.

Muling pumunta sa harap si Marian para i-announce na magkakaroon ng year-end club party. All expenses paid by the club kaya wala raw kami poproblemahin mula accommodation, food at transportation. Ang kailangan lang raw naming gawin ay dalahin ang sarili namin pati na ang mga susuotin namin.

The SC is the one who decided nang i-meeting lahat ng club president. Initially, ang plano raw ay dito na lang sa campus pero dahil nga maraming club members at presidents ang ga-graduate na, nauwi sa beach resort ang desisyon nila.

Kami ang in-charge sa pag-aasikaso ng pagkain kaya by Friday, mamimili kami ng mga ihahanda. Sa Monday na raw kasi magaganap ang 3 days 2 nights naming trip.

Nagsipag-uwian na lang kami, hindi pa rin ako pinapansin ni Lie Jun at dahil mataas ang pride ko, hindi ko siya pinansin. Wala akong natatanggap na reklamo kahit hindi ko pa siya dinadalahan ng lunch kaya mas pinili kong huwag na.

Inis ako sa kaniya kaya hindi pagdadala ng lunch at hindi pagpansin ang ginawa kong parusa. Tinanong ko sina Axel at Kuya Gavin pero iisa lang naman ang sagot ng mga ito: Hindi ko alam.

Ang nakakaloka pa, simula nang hindi kami magpansinan, may sumusundo na sa kaniya tuwing lunch. Ito iyong babae na ipinakilala sa amin noong nasa convenience store kami. Lumalabas naman siya para sumama dito. Ang paalam niya lang, mag-la-lunch sila. Tinatanong na nga ako ng mga ka-club namin kung ano nangyari pero wala naman ako maisagot.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Lance habang tulak-tulak ang push cart.

Narito kami ngayon sa grocery store, namimili ng mga dadalahin para sa trip. Binigyan kami ng estimate na more or less 80 persons ang a-attend dahil hindi naman lahat may club at hindi rin lahat ng club na nakatayo sa Éclaire ay kasama. Some of the club members are busy with their thesis kaya malaki-laki ang budget na inilaan ng club para sa pamimili namin. Lahat kaming taga-cooking club, nasa mall, may kani-kaniyang tulak na push cart. May kani-kaniya rin kaming listahan para hindi magpare-parehas ang bibilihin namin.

"Yeah. I am." Kinuha ko sa rack iyong balot ng loaves saka ito itinapat sa kaniya. "Bumili na rin siguro tayo nito kasi tatlong araw tayo dun." Hinanap ko sa listahan ko iyong tinapay at nakita ko nga na kailangan namin ito. Kumuha ako ng 6 packs at inilagay ito sa push cart ko.

"Ito, Pres?" Tinignan ko si Lance dahil sa pagtawag niya sa akin. May hawak siyang garapon ng chocolate spread at ang isa naman ay peanut butter. "Anong gusto mo?"

"Allergic ako sa peanuts so chocolate. Pero nasa listahan ba iyan?"

"I'll keep that in mind." Ibinalik niya sa rack iyong peanut butter saka inilagay iyong chocolate sa cart niya. "Wala ito sa listahan. Bibilihin ko lang kasi gusto mo. And don't worry; gagamitin ko sarili kong pera."

This guy is sweet. Hindi malabong mahulog ako rito. Wala pa siyang sinasabi kahit sobrang obvious na interesado siya sa akin. Ayoko naman manguna kasi baka friendly lang ito, kahit imposibleng pakikipagkaibigan lang ang hangad niya gayong sumali pa siya sa club ko para mapalapit sa akin.

I better play safe.

Wala siyang ideya na pinanunuod ko lang siya habang tinitignan niya iyong mga item na nasa racks. Everytime he moves, nag-fe-flex iyong muscles niya sa braso. Hindi lang siya hunk, eh. Sobrang bait at guwapo pa kaya walang dahilan para hindi ako mahulog sa kaniya.

Kung tutuusin, ang swerte ko pa nga kasi napag-alaman kong maraming nagkakagusto sa kaniya pero heto't ako ang pinagbubuhusan niya ng atensyon. It would be nice for him to be my boyfriend pero ayokong pumasok sa isang relasyon lalo kung wala naman akong nararamdaman para dito. Baka kasi mauwi lang sa wala at makasakit pa ako.

Nilapitan ko siya habang tulak ang cart ko at nang makalapit, nginitian niya ako't tinanong kung kung nakuha ko na ba lahat ng kailangan ko sa isle na ito. Um-oo naman ako kaya naglakad na ulit kami para pumunta sa iba. Ang hindi ko ine-expect ay makakasalubong namin si Lie Jun at Keera nang pumunta kami sa isle ng mga juice.

Na-bad trip na naman ako dahil sobrang magkadikit sila. Ang nakakainis pa lalo, inirapan ako ng anak ni Hudas saka kami nilagpasan. Ni hindi man lang bumati o ano. Hindi ko rin alam kung bakit kinailangan pa mag-volunteer na tumulong ng Keera na iyon. Kung ako lang, hindi ako papayag na tumulong ito sa amin dahil hindi naman naming ito ka-club.

Walang grounds iyong inis ko rito kaya minsan nakakasama ng loob sa sarili pero hindi ko maiwasan, lalo pa kapag nakikita ko silang magkasama ni Lie Jun. Pakiramdam ko kasi, inagawan ako.

Nakakabobo lang kasi paano ko masasabing inagawan ako kung hindi ko naman boyfriend ang anak ni Hudas na iyon. Romantically speaking, I don't like him kaya hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling itong selos na ito.

Yes. I admit. Nag-se-selos ako.

Wala akong karapatan dahil hindi naman kami pero may karapatan naman siguro ako mainis o magselos kung pakiradam ko, isinangtabi niya lang ako dahil nakahanap na siya ng babae. Kaibigan ko siya, eh. Ako iyong nasa tabi niya para pasayahin siya at itago ang sikreto niya kaya paano niya nagawang iisang tabi lang ako?

"Paano pala iyan? Dalawa iyong club mo?" tanong ko habang tinitignan ang mga nakahilerang pack ng juice.

"Wala namang problema. Nakapagpaalam na ako sa club ko na sa iniyo ako sasama." Tumigil siya sa pag-s-scan sa mga bote na tinitignan niya saka ako tinignan habang nakangiti. "By the way, samahan mo naman ako bumili ng susuotin para sa trip. Okay lang ba?"

"Trunks?"

Mahina siyang tumawa saka nagkamot ng batok. "Hindi. Sa totoo lang, hindi ako kumportable mag-suot ng trunks. Pakiramdam ko kasi, para akong nakahubad, especially when I wear the skin-tight ones."

Medyo nahiya ako't naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Hindi ko kasi maiwasang ma-imagine siya na naka-trunks na babakat ang hindi na dapat pangalanan. "S-Sorry." Awkward na napatawa ako at hindi ko na siya matignan sa mata dahil sa matinding hiya. Bakit ko ba kasi tinanong pa iyon?

"Sa totoo lang, wala namang problema talaga sa akin mag-skin-tight na trunks kung kami lang ng magiging girlfriend o asawa ko ang nasa pool o dagat. What I'm hiding is for her eyes only anyway. Iyong sa trip kasi natin, sobrang dami ng tao. Okay pa sa akin mag-topless pero mag-trunks na maraming tao? Ayoko."

"Right." Hinigpitan ko ang hawak ko sa push cart at tinanguan siya. "Tara na. Bayaran na natin tapos bumili na tayo ng mga gagamitin natin. Iwan na rin siguro natin sa counter kapag nai-plastic na para hindi natin bitbit habang namimili tayo."

Nakita namin ang iba naming ka-club habang nakapila kaya nagpaalam na kaming mamimili saglit ng mga gagamitin namin para sa trip. Nang maipatago na namin sa baggage counter ang mga pinamili namin, dumiretso kami sa bilihan ng swim wears.

Naghiwalay muna kami dahil magkahiwalay ng section ang babae't lalake at medyo hindi ko kinakaya ang mga nakikita ko dahil puro two piece. Ayoko naman mag-one piece kasi hello, nakakahiya at isa pa, hindi naman uso sa Pinas ang pagsusuot nito. Siguro mag-two piece na lang ako. Minsan lang naman. Maganda naman na rin ang katawan ko dahil sa pag-gy-gym kaya wala ako dapat ikahiya.

Medyo maputi ako kaya nilapitan ko iyong kulay light green na two piece. May nakita nga akong kulay pula pero ayoko naman magpaka-daring. Sa tingin ko kasi, pang-seductress ang kulay pulang two piece.

Napatingin ako banda sa entrance dahil sa ginawang pagbati ng staff ng store at kung mamalasin nga naman, pumasok ang dalawang ayaw ko makita. Si Lie Jun, parang may hinahanap dahil palinga-linga siya at iyong kasama niya, nakatingin sa stocks ng two piece na malapit sa entrance.

Nag-iwas kaagad ako ng tingin nang mapunta ang tingin ni Lie Jun sa direksyon ko. Nagkuwari akong hindi sila nakita at hinablot ang black two piece na nakita ko. Gusto ko sana nung green pero mas nagandahan ako sa style ng black na ito.

I don't know why but I suddenly felt like I wanted to outshine Keera. Alam ko na magsusuot rin ito ng two piece dahil hindi na maialis ang mga mata nito sa mga naka-display. Ang petty, oo, pero gusto ko siyang talunin sa non-existing contest na ito.

"Oy, par." Narinig ko si Lance kaya tinignan ko ang direksyon niya. Nasa harap siya nina Lie Jun habang hawak ang kulay puting board shorts. "Bibili rin kayo?"

"Yeah." tipid na sagot nito habang ang mga mata ay nasa akin pa rin.

Ano bang problema niya?

Itinago ko sa likuran ko ang hanger ng two piece dahil ayokong makita nila ito. "Lance," pagkuha ko sa atensyon nito kaya napatingin ito sa akin at kaagad na lumapit. "Magbayad na tayo."

"Jun, una na kami." pagpapaalam nito saka ako niyayang pumunta na sa cashier.

Nang makapagbayad, hindi ko pa rin sila pinansin at sumabay na lang sa paglabas ni Lance. Wala naman kasi mangyayari kahit pansinin ko si Lie Jun. Alam ko kasi na hindi ako nito papansinin.

Nakakalungkot lang.

Continue Reading

You'll Also Like

129K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
1.3M 19.2K 41
Dice and Madisson
4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...