The Guy Next Door (Completed)

By TabinMabin

2.3K 212 11

Competitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush... More

The Guy Nextdoor
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
Epilogue

20

33 4 0
By TabinMabin

Lie Jun

I'm upset.

Not because of what my life has become but because of Patricia.

Hindi ako galit sa kaniya. There's no reason for me to feel that way. I'm pissed at myself. I just had a realization the moment that Lance what's-his-face guy took her.

Earlier, despite leaving me so she can go to school early, I was still happy because she left me a message. Everything was going fine but lunch time came, all my energy went down the drain.

Nasaktan ako nang tangayin siya ng lalakeng iyon. Habang nakatingin ako sa kaniya, I was hoping that she won't leave and choose to stay beside me but she crushed my hopes nang piliin niya ito nang walang pag-aalinlangan.

Maybe I am too full of myself?

Nasa isip ko kasi, hindi niya ako iiwanan, na kahit may iba pa siyang makilala, sa tabi ko pa rin siya kakain ng lunch. Dahil sa laki ng ego ko, heto ako ngayon at lugmok kasi iniwan niya ako para makasama iyong lalakeng iyon.

Alam ko sa sinasabi ko ngayon, pinalalabas ko na parang girlfriend ko siya na iniwan ako para sa ibang lalake. Well I do wish she's my girlfriend.

My feelings for her started showing when she threw me that Christmas party. Sobrang saya ko noong gabi na iyon dahil nito na lang ulit ako nakaranas ng ganuon, na may mag-abala para mapasaya ako. That night, gandang-ganda ako sa kaniya.

Akala ko nga noong una, dala lang ng alak kaya hindi ko masyado inisip. Kahit na gustong-gusto ko siya halikan noon nang maiwan kaming dalawa sa salas, pinigilan ko ang sarili ko kasi ayokong masira ang mayroon kami dahil lang sa isang pagkakamali.

Hindi ko masyado inisip ang nararamdaman ko. Dumaan ang ilaw araw, hindi ko na maialis ang tingin sa kaniya. By then, alam ko nang nagkakagusto na ako sa kaniya. But still I let it slide by thinking, hey, crush pa lang naman ito. It will go away kapag hindi ako gumawa ng paraan para lumaki ito.

Ang hindi ko alam, the more I conceal it, the more it grows.

Hanggang sa isang araw, gumising na lang ako't siya ang una kong gusto ko makita and at that moment, naisip ko, tangina, I love her.

I want to see her. I want to be near her. I want to play games with her. I want to hold her hands, be intimate with her – I want to do all sort of fun stuff with her but I can't because there are limitations that I need to consider.

I kept what I'm feeling towards her a secret. Ayokong masira ang mayroon kami. I saw how hurt she was when Gavin didn't reciprocate her feelings. I don't want to end up like that and so I thought, maybe hiding my feelings is better kasi araw-araw ko pa rin siyang nakakasama at nakakasabay kumain.

I don't want to risk it all to get something that has no assurance and end things with her. She's too important for me. Besides, ang bata pa namin.

"Okay. Spill it, Jun."

It was Gavin who broke the silence. Narito kami sa isang hotel na binook ko and thankfully, allowed ang alcohol rito. I want to drown myself with alcohol para makalimot kahit sandali and I know this will help.

Naupo si Gavin sa kama matapos ilapag ang mga alak sa paanan nito. The room I booked isn't that spacious dahil gagawin lang naman natin itong venue ng inuman. If I wasn't hurt by what happened earlier, I wouldn't book this room or even buy alcohol. Ang laki tuloy ng nawala sa akin.

"Ano bang nangyayari? Kanina pa ako naguguluhan." Sinundan ko si Axel sa pag-upo niya sa sahig. "Kanina pa ako nawiwirduhan sa iyo, Jun. At anong sinasabi nito ni Gavin na spill it?"

Tumabi sa amin si Gavin at kinuha iyong isang lata ng alak at binuksan ito. "Ano na? Magkukuwento ka ba o ako magsasabi ng speculation ko kung bakit ka ganiyan?"

I'm not sure if Gavin knows why I'm bummed out. Wala naman akong sinabi kanina na magbibigay ng hint sa kanila kaya sa tingin ko wala siyang alam.

"Wala naman. I'm just not in the mood."

"Tangina. Ano ka? Babae? May monthly period kaya wala ka sa mood?" Tinawanan ako ni Axel saka kumuha ng alak at binuksan ito. Uminom siya rito bago kumuha ng isa pa at iniabot ito sa akin, na tinanggap ko naman.

"Dahil kay Patricia, tama ba?" Napaiwas ako dahil kaonting alak na naibuga ni Axel.

"Tangina. Masusugatan pa labi ko dahil sa iyo, Gavin. Anong dahil kay Patricia?"

"Ask him." Itinuro ako ni Gavin saka uminom sa hawak niya.

Hindi ako tinanong ni Axel tulad ng utos ni Gavin pero nanatili silang nakatingin sa akin. I sighed then chugged on my drink before sighing. "You guys are my friends, right?" Tinaasan nila ako ng kilay dahil sa nakakabobong tanong ko. Obvious naman kasi ang sagot. "Then can I open up to you guys?"

"Jun, kilala kita. Hindi ka mahilig mag-open up kaya na-a-appreciate ko iyan pero tandaan mo na kaya kami nandito kasi gusto namin malaman kung anong problema mo. Kanina ka pa kasi wala sa sarili."

Napalunok ako sa sariling laway bago ko nahigpitan ang pagkakahawak sa lata. "Whatever you hear, promise me that you guys won't cut ties with me."

"Ang dami namang kabaklaan nito. Bilisan mo na." reklamo ni Axel saka uminom sa hawak niyang lata.

"I'm upset because of Patricia." Hindi sila nagsalita't tahimik na nakatingin lang sa akin habang iniinom ang hawak nilang alak. "I started having romantic feelings for her on the night she threw me a party."

"Tangina. Tama ako?" Napatingin ako kay Gavin dahil sa sinabi niya. Hinuluaan niya? Pero paano siya nag-come up sa panghuhula na may gusto ako sa kaibigan namin?

"Sabi na crush mo si Patricia." This time, kay Axel naman ako napatingin. "May hinala na ako dati kasi naisip ko, bakit parang may special treatment lagi si Jun kay Patricia? Kapag kailangan ng tulong, tutulong kaagad. Ang laki ngumiti kahit nagtatalo sila. Kapag nababanggit iyong isa, nagiging interesado makinig. Hindi rin nagbibigay ng atensyon sa ibang babae kahit may ilang nagpapapansin. Hindi ko naman sinasabi kasi siyempre, kaibigan ko kayo. Ayoko naman na dahil lang sa hula ko, magkailangan kayo."

"Am I that transparent?" mahinang tanong ko saka ako uminom sa hawak na lata.

"Medyo." sabay na sagot nila pero dinagdagan ni Gavin. "Pero na-confirm ko lang iyong speculation ko kanina nang makita ko kung saan ka nakatingin."

So he saw me looking at Patricia and that Lance what's-his-face.

"I don't know what to do. Gusto ko siya maging girlfriend pero bata pa kami at natatakot ako na baka matulad ako sa kaniya na one-sided lang. I don't want to end up broken. Baka hindi ako katulad niya na kinayang mag-move on. Kapag hindi ako naka-move on, maapektuhan nito pag-aaral ko. If that happens, babagsak ako, resulting to being kicked off of the scholarship program. And let's say she feels the same and we somehow become boyfriend and girlfriend. I don't know what I'll do next. Hindi naman ako knowledgeable sa pakikipag-date. And besides, alam ko na sobrang magastos kapag nagkaroon ng girlfriend. Nag-iipon nga ako tapos gagastusin ko lang rin dahil may girlfriend ako? I somehow don't like the idea."

Hindi sa hindi ko gustong gastusan si Patricia. If anything, gusto ko siya bigyan ng maraming bagay na puwedeng magpasaya sa kaniya pero hindi puwede. I have my priorities set and her being added to it won't help me out.

"Giving things isn't obligatory when you enter a relationship, Jun. I hope you remember that."

Wala akong naisagot sa sinabi ni Gavin. Kahit pa sabihin na hindi naman obligatory, I know myself. Noong bata pa ako, palagi ako napapagalitan dahil sa pagiging generous ko. Kahit kasi hindi hingiin, ibinibigay ko as long as kaya ko at alam kong makakapagpasaya ako.

"Gusto ko kasi siya. Gustong-gusto. I'd do everything for her to like me back. Siguro iisipin niyo, infatuated lang talaga ako at hindi pa talaga ganuon katagal kami magkakilala pero ito na, eh. Isa rin sa kinatatakutan ko iyong baka hindi ko siya ma-satisfy kapag hindi ko naibigay ang gusto niya dahil sa paghihigpit ko sa pera. Kasi kung ganuon lang rin mangyayari, what's the use of us being together? Ang resulta naman nuon, iiwan niya lang ako."

"Diyan ako hindi sangayon sa iyo, Jun." Napatingin ako kay Axel nang magsalita siya. "Hindi ko pa ganuon talaga kakilala si Patricia pero sa mga oras na nakasama ko siya, hindi ko naman nakita na materialistic siya."

"I agree." dagdag ni Gavin. "I know her. Kahit noong high school pa tayo, hindi mo naman siya makikitaan ng kung ano-anong mamahaling accessories. Yeah, may mga accessories siya noon na ipinapakita sa akin pero tangina, puro scrunchy at headbands lang."

"I'm just scared of many things. Ayokong i-pursue siya na hindi naman siya iyong highest priority ko. To be honest, gusto ko muna tapusin ang issues ko sa buhay bago ko siya i-pursue para alam kong sa kaniya lang ang atensyon ko."

"Kailan pa, Jun? Kapag nakaipon ka? Kapag nakaipon ka na, sa tingin mo ano na nangyari? Tandaan mo, may mga umaaligid kay Pat-Pat. Kung hindi ko pa nga binabakuran, malamang may nakapuslit na duon. Ay, oo nga pala. May isang nakapuslit. Iyong kasama niya kanina, na sa tingin ko, Lance ang pangalan. Siya iyong binabanggit mo kanina, hindi ba?"

Tumango ako saka tinignan ang hawak kong bote. "I don't know what to do."

"Sabi mo in love ka. Bakit hindi mo i-pursue? Hahayaan mong mapunta sa ibang lalake iyong kaibigan natin? Tandaan mo. Ngayong alam ko nang may gusto ka sa kaibigan natin, boto na ako sa iyo."

Inilapit ni Axel ang hawak niyang lata sa lata ko saka ako nginitian. "Huwag ka lang mag-iiiyak kapag nakuha ng iba si Patricia, Jun, kasi ako mismo babanat sa iyo. Hindi natin kilala iyong Lance na iyon. Hindi natin alam kung anong gagawin nito sa kaibigan natin kaya kapag may nangyaring masama, hindi mo maiaalis sa akin na sisihin ka kasi imbis na subukan mo kuhanin siya, hinayaan mo lang makawala."

"Jun," Ibinaling ko ang tingin ko kay Gavin nang tapikin nito ang hita ko. "Ito lang mapapayo ko: gawin mo kung ano sa tingin mo iyong makakapagpasaya sa iyo."

Itinuloy namin ang pag-iinom hangga't maubos ang mga dala naming alak. Marami-rami kaming napag-usapan pero tungkol na sa ibang bagay, tulad ng mga gusto naming gawin pagkatapos ng college. Pakiramdam ko nga, mas nakilala ko pa sila dahil sa pag-uusap-usap namin.

Hindi lang rin ako makapaniwala na kahit lalake kami, nagkaroon kami ng ganitong klase ng pag-uusap. As far as I know, normally, guys avoid having cheesy topics, like romance and stuff. Siguro dahil bata pa kami kaya ang dali lang para sa amin na mag-usap tungkol rito? I don't know. But it's a good way to lessen the weight off my chest.

Naunang bumagsak si Axel at ilang minuto pa kami nag-usap ni Gavin bago namin napagpasyahang matulog na since naubos na rin naman namin ang mga alak. Sumakit nga ang tiyan ko sa dami ng nainom ko kaya sinigurado kong isuka muna ang mga ito bago ako matulog. Good thing na may disposable toothbrush at hygiene shits kaming nakita kaya hindi kami natulog ni Gavin ng marumi.

Maaga kaming nag-check out kinaumagahan dahil may pasok pa kami. Kadiri man, isinuot pa rin namin ang mga suot namin kahapon. Ayoko naman umuwi pa kaya hinayaan ko na lang. Pagkarating namin sa tapat ng univ, naghiwa-hiwalay na kami dahil iba-iba kami ng course. Sakto rin na nag-ring ang cell phone ko. Duon ko lang naalala na hindi ko pala ito natignan simula kagabi.

Maraming text mula kay Patricia kaya hindi ko maiwasang matuwa kahit pa sumasakit ang ulo ko sa hangover. She's asking where I am and where I slept kasi tinignan niya raw ang bahay ko kagabi pero walang tao.

Habang kausap ko siya sa cell phone, nag-vibrate ito kaya tinignan ko kung sino ang nag-text. It's from Tita Nora. Binuksan ko ito at hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. Wala sa sarili kong pinatay ang tawag saka ko sinubukang tawagan si Tita at bumilis ang tibok ng puso ko nang sagutin niya ito.

"Jun?"

"Tita Nora, paano mo nakuha ito?"

"Sorry kung itinago ko dahil ayoko naman nang ipaalala pa sa iyo ang tungkol sa pamilya mo pero hinahanap ko pa rin sila para sa iyo."

"Sigurado ka po ba na tama ito?"

"Oo. Iyan ang sabi ng kaibigan ko na nakahanap sa kanila."

Hindi ko na pinahaba pa ang pag-uusap namin dahil gusto ko i-memorize ang address na ibinigay sa akin ni Tita. Sa kagustuhan kong makita kung saan sila nakatira, tumakbo ako papunta sa computer lab para makapag-Google Map. Hindi ko kasi alam kung paano i-operate ito kapag cell phone ang gamit.

Nakita ko iyong bahay na tinutukoy sa address at hindi ako makapaniwala dahil sobrang liit nito. Para ngang kaonting hangin lang ay masisira na ito tapos nakatayo pa iyong bahay sa parang squatter's area dahil dikit-dikit ang mga nakikita kong bahay na halos walang ipinagkaiba sa bahay na nagmamay-ari ng address na ibinigay ni Tita.

Napasabunot ako sa ulo ko matapos ko i-off ang computer. Mas lalo akong naguluhan kung sinong uunahin ko: i-pu-pursue ko ba si Patricia o mas maglalaan ng oras para makapag-ipon ng mabilis?

Tangina.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
29K 417 27
Pano kung maging maid ka ng isang aroganteng lalaki? Sabihin na nating Mayabang? Lahat sa kanya kinaiinisan mo pero pano kung lahat ay magbago? 50 Da...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...